Mga Pahina

Lunes, Mayo 4, 2015

Tanikala 1 "Gintong singsing"




Chapter 1 "Gintong singsing"
“I'm not upset that you lied to me, I'm upset that from now on I can't believe you.” 
― Friedrich Nietzsche
***
“Bale 15,000 thousand lahat.” Wika ng saleslady at agad akong kumuha ng pambayad at inabot ito sa kanya.
Masayang masaya ako dahil nakabili na ako ng regalo sa aking pinakamamahal na nobyo. Magda-dalawang taon na kasi kami at sa sobrang pagkasabik ko'y inagahan ko ang pagbili ng aking sorpresa. Isang gintong singsing ang aking ire-regalo ko sa kanya. Alam kong may kamahalan itong binili ko pero ginawa ko ang lahat para mabili ko lang. Parang sa pag-ibig, kapag mahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat mapasaya mo lang ito. Sobrang mahal ko si Matthew dahil siya ang lalaking nagturo sa akin kung papaano ang magmahal. Siya ang lalaking umibig sa akin ng wagas. Hindi inalintana ang sasabihin ng iba at proud na proud na maging kapartner niya ako. Sa ikalawang anibersaryo namin ay gusto kong maging espesyal ang lahat. Gusto kong maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kahalaga sa buhay ko.

Bawat araw ay pinapatunayan ko sa kanyang mahalaga at mahal ko siya. Tine-text ko siya araw araw at minsa'y tinatawagan. Tuwing linggo naman ay magkasama kami sa simbahan. Pareho naming ipinagdarasal na maging matatag ang aming relasyon. Tuwing linggo rin ay nasa bahay siya at masayang nakikisalamuha sa pamilya ko. Oo, tanggap kami ng pamilya namin. Maaaring masabi mong immoral ang aming pagmamahalan dahil pareho kaming lalaki ngunit hindi kami masamang tao. Nagkataon lang na pinagtagpo kami ng tadhana at minahal namin ang isa't isa. Tama nga sila napaka-unfair ng mundo dahil kung sino pa yung taong pinakamamahal at gusto mo ay yun pa ang ipinagdadamot sayo ng mundo. Ayon sa bibliya ay hindi naman daw masama ang maging isang bading, ang masama raw ay ang umibig ka sa kapwa mo lalaki at magtalik kayo. Yun ang pagkakaalam ko. Pero kahit sinabi na ng bibliya na hindi masama ang maging bading ay iba pa rin ang tingin sa amin ng tao. Para bang nakapatay kami ng tao o may nagawang mabigat na kasalanan. Kaya't napipilitan nalang magtago ng iilang lalaki sa katauhang hindi naman nila gusto, at isa na ako doon. Pero nawala ang takot kong iyon ng makilala ko si Matthew. Bagong lipat lang sila sa aming bayan kaya agaw atensyon sila. Marami ang nakikiusyoso dahil mayaman ang pamilya nila, dagdagan mo pa ng isang lalaking ubod ng gwapo. Halos lahat ng kababaihan at mga bading ay naakit sa angking kagwapuhan at katangian nito. Napakabait at magaling makisama kasi si Matthew, kahit na mayaman, gwapo at may makinis na balat ay nagagawa nitong makipaglaro ng basketball sa mga tambay sa lugar namin. Masasabi kong sa una ko pa lang kita kay Matthew ay nabihag na agad niya ang puso ko pero itinago ko iyon dahil natatakot akong umamin na bading ako. Kaya't laking pasasalamat ko nalang dahil naging kaibigan ko si Matthew at natulungan ako nitong tanggapin ang sarili ko. Naging mabait na kaibigan si Matthew sa akin, halos araw araw ay kasama ko ito at kung minsan nga'y sa bahay nila ako nakikitulog. Ilang buwan ang nakalipas at mas lalong naging malapit kami sa isa't isa ngunit kasabay ng pagiging malapit namin sa isa't isa ay umusbong ang pagtingin ko sa kanya. Hanggang sa isang araw ay inamin ko ito sa kanya. Noong una ay inakala kong magagalit siya at yun na ang katapusan ng aming pagkakaibigan ngunit nabigla ako sa naging sagot nito sa akin. Hindi ko inakalang mahal niya rin ako. Sobrang saya ko nang araw na iyon dahil ang lalaking aking pinapangarap ay magiging karelasyon ko na. Madami ang nagbago sa akin simula nang maging kami ni Matthew. Mas naging masiyahin ako. Tumaas ang confidence ko. At higit sa lahat ay natulunga ako nitong maamin sa pamilya ko kung sino talaga ako. Kaya't sobrang galak ang aking nararamdaman dahil heto kami ngayon, matatag,nagmamahalan at magdadalawang taon ng magkarelasyon. Pero bigla nalang nagbago ang lahat sa amin ng makita ng dalawang mata ko kung papaano ako pagtaksilan at lokohin ni Matthew. Nakita ko siyang may kasamang babae sa mall at tila masaya silang dalawa. Para bang may kumurot sa aking puso at bigla nalang akong nakaramdam ng awa sa sarili. Nung oras na iyon ay gusto kong maglaho na parang bula para hindi ko maramdaman ang sakit pero wala akong nagawa kundi ang tumayo at tignan silang dalawa.Pinipilit kong huwag maluha nang oras na iyon pero hindi ko natiis dahil sa sakit na nararamdaman. Habang pinagmamasdam ko silang masaya ay hindi ko napigilan ang aking sarili na makaramdam ng galit. Gusto kong makabawi sa mga sakit na ginawa sa akin ni Matthew. Gusto kong kaladkarin ang pagmu-mukha ng babaeng nilalandi niya. Gusto ko silang pira-pirasuhin. Gusto kong balatan ng buhay sila gamit ang nailcutter. Gusto kong makaganti at maibalik sa akin si Matthew.

Kaya agad akong tumakbo papalapit sa kanila ngunit nawala ang aking momentum ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Jao!?" nag-aalangang tawag sa akin ng isang lalaki. Napatingin ako dito at unti unting napalitan ang aking nararamdaman. Si Harold, ang aking kababata at tagapagtanggol ko noong maliit pa kami. Ang laki ng pinagbago ng itsura nito, mas naging gwapo, gumanda ang katawan, at naroroon pa rin ang kanyang karisma.

Agad ako nitong nilapitan at pinahid ang aking mga luha sabay tanong ng "Bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Sinong umaaway sa bunso ko?" t nag-aala at malambing na boses nito. Hindi ako nakasagot sa mga tanong nito at tanging yakap at iyak lang ang aking nagawa. Pakiramdam ko ng oras na iyon ay nabawasan ng tinik ang aking puso dahil naririto ang aking tagapag tanggol. Narito ang kuya kuyahan ko at pakiramdam ko'y ligtas na ako.

Hindi ko na naituloy ang aking binabalak na pagsugod sa kanila bagkus ay sumama ako kay Harold upang maglabas ng sama ng loob. Ikinuwento ko ang aking nakita. Sinabi ko sa kanya kung gaano ako nasaktan sa mga ginawa ni Matthew. Tanging payo at pagdamay ang ginawa ni Harold, hindi katulad noon na kapag may umapi sa akin ay tiyak na babanatan niya ito. Malaki na talaga ang ipinagbago niya simula ng makilala niya ang kanyang asawa.

Nung oras na magkasama kami ni Harold ay pakiramdam ko'y nawala ang pinapasan kong problema pero nang umalis na si Harold ay pakiramdam ko'y pasan ko ang mundo. Pakiramdam ko'y binagsakan ako ng langit at lupa. Ngayon na mag-isa nalang ako ay hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ko alam kung susundin ko ang sinabi sa akin ni Harold na layuan at makipaghiwalay nalang ako kay Matthew. Pero parang imposible iyon dahil mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang mawalay sa kanya. Kaya kahit na nasasaktan na ako ay pinilit kong maging masaya at matatag. Pinilit kong ngumiti. Ngunit kahit anong pagpapanggap ang aking gawin ay lalabas talaga ang katotohanan na malungkot ako at nasaktan.
Napagdesisyunan ko nalang na umuwi na lang ng bahay upang makapagpahinga at makabawi ng lakas. Pagkalabas ko ng mall ay parang wala akong ganang maglakad pauwi sa aming bahay. Para bang pagod na pagod ang aking katawan. Namumugto rin ang aking mga mata dahil wala akong tigil sa kakaiyak. Tinignan ko ang kalangitan at para bang nakikidalamhati ang kalangitan sa aking sakit na nararamdaman. Habang tumutulo ang aking luha ay walang tigil ang pagbuhos ng ulan. Basang basa ako at lamig na lamig pero wala akong pakialam dahil mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mabuhay dahil sa sugat na ginawa sa aking puso. Sugat na pipilitin kong maghilom sa matagal na panahon. Sugat na magbabago sa aking pagkatao at ang aking pananaw sa buhay. Hindi ko alam kung ano na ang magiging takbo ng aking buhay kapag wala sa piling ko si Matthew. Sa lahat ng karelasyon ko ay siya lang ang aking minahal ng husto. Pero bakit niya ako nagawang lokohin? Bakit niya ako pinagtaksilan? Bakit ipinagpalit niya ako? Naging mabuting karelasyon naman ako sa kanya. Bakit!? Bakit kung kaylan magda-dalawang taon na kami ay doon niya nagawang sirain ang aming pagmamahalan? Bakit hindi niya pinanindigan ang mga pangako niyang ako lang at wala ng iba? Mahal na mahal ko siya! Ayoko ng iba at siya lang ang gusto kong makasama habambuhay. Siya lang ang itinitibok ng aking puso. Pangalan niya lang ang nakaukit sa aking puso pero bakit nagkaganito? Bakit!?

Pero kahit hindi niya na ako gusto ay gagawa ako ng paraan upang maging akin siyang muli. Gagawin ko ang lahat maibalik ko lang ang dati naming pagmamahalan . Magpapakamartir ako at magpapaka-gago basta't makasama ko lang siyang muli. Kahit ano pa ang sabihin nila ay wala akong pakialam basta mahalin niya akong muli.

Nang araw na iyon ay ibinuhos ko ang lahat ng aking sama ng loob at galit sa kanya. Nag bar ako at uminom. Nakipag-sex rin ako at nagawa ko ring gumamit ng ipinagbabawal na droga. Kinabukasan ay pakiramdam ko'y ang gaan gaan ng aking katawan. Tila walang iniindang problema. Namumugto pa rin ang aking mata. Umuwi ako ng bahay at kinuha ang kutsilyo sa lamesa. Balak ko ng wakasan ang aking buhay. Gusto ko ng matapos ang aking paghihirap. Ayoko na! Tama na! Sawang sawa na ako sa mga pangloloko nila. Paulit ulit nalang na nangyayari sa akin ito. Mamahalin tapos sa makalawa ay lolokohin. Pare-pareho lang sila. Mga mangloloko! Sakal na sakal na ang puso ko at pakiramdam ko'y nakakulong ako at nakatali sa tanikala. Ayoko ng masaktan! Ayoko ng mabuhay pa!!! 

"AYOKO NAAAA!!!" sigaw ko at itinaas ang kutsilyo hudyat upang kitilin ko ang aking buhay ngunit bigla akong natulala at napatigil sa gagawin ko ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Nakita ko ang isang lalaking kaawa awa at tila walang taong nagmamahal sa kanya. Nakita ko ang paghihirap at bigat na nararamdaman niya. 

Bigla kong nabitawan ang kutsilyo at doon na nagumpisang tumulo ang aking luha. Pakiramdam ko'y kahit hindi ko pa nasasaksak ang aking sarili ay para na akong nasaksak patalikod dahil sa pagtataksil ni Matthew. Nilapitan ko ang repleksyon ko galing sa salamin at doon ko napagtanto na sobra akong naapi. Naawa ako sa aking sarili. Sinabi ko na hindi ko deserve ang magdusa. Dapat ay maging masaya ako at si Matthew ang magdusa. Siya dapat ang nasa sitwasyon ko. Siya at ang babae niya ang dapat na maghirap. Silang dalawa dapat ang magsama sa kamatayan at hindi ako. Kaya agad kong tinawagan si Matthew at agad niya naman itong sinagot. 

"Ohh babe? Napatawag ka ata? May problema ba ang baby ko?" malambing at inosenteng pagsasalita nito. 

"Baby... Bakit hindi na tayo nagkikita? Mag-a-anniversary na tayo pero parang nakalimutan mo? Miss na kita eh. Pwede ba tayong magkita?" inosenteng sagot ko. 

"Sorry baby ha... Madami kasing ipinapaasikaso si Mommy dito sa Canada kaya mukhang malabo akong makauwi sa anniversary natin. Pero huwag kang mag-alala pipilitin kong makauwi sa anniversary natin. Kaya huwag ka ng sad ha? Ayokong nalulungkot yung baby ko." pagpapalubang loob nito sa akin pero sa isip isip ko "Putang ina mo! Nasa Canada ka pero nakita kita sa Mall? Anong kalokohan iyon?" pero nanaig pa rin sa akin ang kagustuhang magawa ko ang aking plano kaya't ang nasabi ko ay. "Okay po baby. Aasahan ko yan ha. I love you and I miss you." 

"I miss you and I love you too baby. Oh sige na may gagawin pa ako ha. Mag-iingat ka diyan. Mwuah!" huling litanya nito at sabay baba ng telepono. 

Bawat araw ay pinilit kong magpakatatag. Pinilit kong maging malakas at sinabi ko sa aking sarili na hindi na muling iiyak pa ng dahil lang sa pag-ibig. Sa pagdaan ng bawat araw ay marami ang nagbago sa akin. Naging mainitin ang ulo. Palaging nakasimangot at araw araw kong hinihiwa ang aking kamay gamit ang blade. Pakiramdam ko'y nababawasan ang aking sakit na nararamdaman kapag sinasaktan ko ang aking sarili. Manhid na manhid na ang aking mga kamay. Manhid na rin ang aking puso at tuluyan na itong naging bato. Wala ng puwang sa aking puso ang pagmamahal. Puro galit at poot nalang ang nasa aking puso. 

Mabilis na nagdaan ang bawat araw at dumating ang araw ng aming anibersaryo. Binalitaan rin ako ni Matthew na makakauwi siya ng Pilipinas at laking tuwa ko naman dahil maisasakatuparan ko na ang aking plano. Ang planong matagal kong pinaghandaan at pinag-isipan. At sa wakas ay malapit ng mangyari... 

Tinawagan ko si Matthew ngunit hindi niya ito sinasagot. Nakailang tawag ako ngunit tila ayaw niya itong sagutin kaya ang ginawa ko ay tinext ko siya at tinakot. 

"Matthew. Babe. Ba't hindi mo sinasagot ang tawag ko? Please sumagot ka naman ohh... May malaking problema ako at hindi ko na ito kaya. Kaya kung mahal mo talaga ako ay pumunta ka sa dati nating tagpuan. Sa may bukid, sa punong paborito nating pagpahingahan." 

Wala pang ilang minuto nang ipadala ko sa kanya ang text ng biglang tumunog ang aking cellphone at nang tignan ko ito ay nakita kong si Matthew ay tinatawagan ako. Agad ko iyon sinagot at nagdrama dramahan ako. Umiyak at ang boses ay parang takot na takot. 

"Jao. Baby, anong nangyari?" bungad na pagsasalita nito at halata ang takot at pag-aalala. 

"Mamaya ko nalang sasabihin sayo Baby. Kung mahal mo talaga ako ay pumunta ka agad dito." sagot ko at ibinaba agad ang tawag ngunit bigla nanamang tumunog ang aking cellphone kaya agad kong inalis ang battery upang hindi niya ako matawagan at mas lalo itong mag-alala.

Wala pang kalahating oras nang may makita akong taong paparating. At nakumpirma ko nga na si Matthew iyon. Mabagal ang kanyang paglakad dahil siguro'y medyo madilim ang pagligid at madamo. Nang makarating siya sa punong sinabi ko ay nakita ko siya na parang nagtataka dahil wala ako doon. Maya-maya pa'y nagulat siya nang biglang may sumuntok sa kanya. Nagulat ito at napaupo sa damuhan. Gaganti sana ito ng suntok ngunit hinawakan siya ng dalawang lalaki sa likod at hindi ito nakapalag. Pinaulanan siya ng suntok at tadyak at dinig na dinig ko mula sa aking kinakatayuan kung papaano siya magmura, magmakaawa, at masaktan. Ngunit hindi ako naawa sa kanya bagkus ay nakangiti ako na nakikita siyang nasasaktan. Sa hudyat ko'y tinigilan nila ang pag gulpi kay Matthew. Kitang kita ko ang mga dugong dumadaloy sa kanyang ilong at labi. Agad siya nilagyan ng takip sa mukha at pinosasan ng tanikala. Talagang pinosasan ko siya para maramdaman niya kung papaano ako masaktan, masakal at kung papaano ako magdusa at magdugo ang puso ng dahil sa kanya. Nang makita kong nasa ayos na ang lahat ay unti unti akong lumapit sa kanya. Hinawakan ang kanyang labi at pinisil. Napangiwi ito sa sakit. Gustuhin man niyang pumalag ngunit hindi niya magawa dahil nakatali siya sa puno na saksi noon sa aming pagmamahalan. Pero sa pagkakataong ito ay hindi pagmamahal ang kanyang masasaksihan kundi sakit, poot at pagdudusa.

Matapos kong hawakan at pisilin ang kanyang putok na labi ay iginapang ko ang aking kamay sa buong mukha niya at pababa sa kanyang katawan at papunta sa kanyang ari. Nang mahawakan ko ang kanyang ari ay agad itong sumigaw.

"Putang ina mo! Sino ka! Wala hiya ka! Wala kang puso!" galit na galit at malakas na sigaw nito ngunit imbes na sagutin ko ito ay lumapit ako sa kanyang mukha at ginawaran siya ng isang nagaalab at mapusok na halik.

"Ngayon? Kilala mo na ako?" pagsasalita ko at hinudyatan ko na tanggalin na ang piring sa kanyang mukha.

"Jao!? Babe!? Bakit!?" naguguluhan at nagtatakang pagtatanong nito.

"Oo ako nga. Na sorpresa ba kita?" mataray na sagot ko.

"Babe... Bakit mo ginagawa sa akin ito?" malumanay na pagtatanong nito. Ang mukha ay di mawari at ang luha ay unti unting tumulo.

"Ako ang dapat magtanong sa iyo niyan! Bakit mo ginagawa sa akin ito!?" matapang at pasigaw na wika ko rito.

"H-h-hindi kita maintindihan Babe..." sagot nito at boses ay nagka-crack at doon nagumpisa ang mabilis na pagdaloy ng kanyang luha.

"Ohh come on Matthew. Alam kong alam mo kung bakit ko ginagawa sayo yan... Masakit ba?" sambit ko sabay halakhak.

"B-b-babe... Hindi talaga kita maintindihan. Please ipaliwanag mo naman sa akin ang lahat ohh. Kung nagkamali ako ay ayusin natin." pagmamakaawa nito sa akin ngunit hindi ako natinag sa kanyang pagmamakaawa.

"Alam mo Matthew ang pinggan kapag nabasag ay hindi mo na pwedeng ayusin pa. Maayos mo man ngunit may lamat na. Parang sa ating dalawa. Papaano mo maaayos ang problemang ikaw mismo ang gumawa? Papaano mo mabubuo ang relasyong ikaw mismo ang sumira!? Bakit mo ako nagawang pagtaksilan!? Bakit mo ako nagawang lokohin? Bakit ipinagpalit mo ako sa iba at sinira ang mga pangakong binitiwan mo sa akin." pagsasalita ko at biglang natigil dahil unti unting tumulo ang aking luha at naguumpisa ng magcrack ang aking boses.

"Babe... Hindi totoo yan. Hindi kita pinagtaksilan at hindi rin kita pinagpalit. Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba pa. Kaya kung ano man ang naiisip mo ay pag-usapan natin ng maayos. Huwag kang magpadala sa bugso ng damdamin mo. Please Jao, makinig ka naman sakin ohh..." umiiyak na pagsasalita nito at halata ang sakit na nadarama.

Nairita ako sa mga sinabi ni Matthew dahil alam kong ang lahat ng kanyang sinabi ay puro kasinungalingan.

"Wag mo na akong paikutin pa Matthew. Alam kong kasinungalingan ang lahat ng sinasabi mo." mataray na pagsasalita ko.

"Babe mahal kita... Maniwala ka... Ikaw lang at wala ng iba." lumuluhang saad nito sa akin ngunit biglang nagdilim ang aking paningin at nilapitan siya at sinakal. Nakita ko kung papaano siya maghirap. Kung papaano siya kapusin ng hininga. Bigla nalang naputol ang aking pagsakal kay Matthew ng bigla akong awatin ng isa kong tauhan. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang pagpigil sa akin kaya agad kong kinuha ang pangtabas ng damo at hinataw ko ito. Tinamaan ito sa kanyang tiyan at agad na tumakbo papalayo sa'kin, tinulungan naman siya ng kanyang kasama at nang kaming dalawa nalang ni Matthew ang naroon ay inilabas ko ang itinago kong kutsilyo at pinagsasaksak ko ito. Nakita ko kung papaano siya masugatan at sumuka ng dugo. Nadinig ko kung papaano siya magmakaawa sa akin ngunit ako'y bingi na upang maawa pa sa kanya. Wala na akong ibang gustong gawin kundi ang mamatay siya. Tuloy tuloy pa rin ang aking pagsaksak sa kanya at unti unti kong nasilayan kung papaano siya manghina at maghikahos sa paghinga hanggang sa huling saksak ko ay sa puso ko ito ibinaon. Puro dugo ang aking kamay at ang aking mukha dahil sa pagtalsik ng kanyang mga dugo. Habang ginagawa ko ang karumaldumal na pagpatay kay Matthew ay hindi ko naiwasan ang maiyak at maalala ang mga masasayang ala ala namin. Ang mga masasayang alaala noon ngunit ngayon ay puro kadalumhatian at pasakit. 

Nang makita kong puro dugo na siya at hindi humihinga ay bigla akong natauhan sa ginawa ko. Nabigla at natakot. Tinignan ko ang aking kamay na punong puno ng dugo at nanginginig. Matapos kong gawin iyon ay labis ang aking pagsisisi kaya agad kong nilapitan si Matthew at kinalagan sa kanyang pagtatali.


"Matthewww... Babeee... Pleaseee... Huwag mo akong iiwan. Lumaban ka please. Dadalhin kita sa ospital kaya magpakatatag ka. Babe. Matthew gumising ka please." umiiyak na wika ko habang pinipilit siyang gisingin at buhatin ngunit wala na siyang pulso at wala na ring hanging lumalabas sa kanyang bibig. Natakot ako sa aking nagawa at pakiramdam ko'y sasabog ang aking ulo. Maya-maya ay may nakita akong fireworks sa kalangitan at ng makita ko ito ay may nabasa ako at ang nakalagay ay "I love you Jao" at doon na ako nagumpisang humagulgol at hindi ko napigilan ang aking sarili at kinuha ko ang kutsilyo at isinaksak ko iyon sa aking puso.

Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento