Mga Pahina

Linggo, Agosto 25, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [19]


DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.



THE DEJAVU
Chapter: 18 

"Paul mauuna na ako." ang pagsingit sa usapan ni Jasper at agad na tumungo sa kanyang kwarto upang kuhain ang kanyang mga gamit. "Bes siguro sasabay na din ako kay Jasper, uuwi na din ako." si Kelly na halatang nangangamba sa mga nangyari. "Ok bes mag-iingat kayo ha. Pasensya na bes." ang tugon ko, agad akong hinawakan sa kamay ni JL at kinaladkad papuntang kwarto. "Aray JL nasasaktan ako!" ramdam na ramdam ko ang galit ni JL, damang dama ko ang sobrang higpit ng pagkahawak niya sa aking kamay. Nang makapasok na kami sa kwarto ay agad niya akong idinik sa pintuan at hinarangan gamit ang kanyang kamay. "Paul umamin ka nga! May relasyon ba kayo ng gagong Jasper na yan?"kitang kita ko ang mga nag-aalab na mata ni JL, parang nagaapoy ito sa sobrang galit. "W-wala, wala kaming relasyon. Mag-kaibigan lang kami!" ang pagsagot ko sa tanong niya. "Eh bakit ka nakikipaghalikan sa kanya? Parang gustong gusto mo nga eh! Ano ba talaga kayo? Magkaibigan o Mag-ka-i-bigan?" ang pagtatanong ni JL. "W-wala kaming relasyon pero may nangyari sa amin nuon." ang pagamin ko sa nagawa kong kasalanan. "T*ng ina! PAUL! BAKIT HINDI MO MAN LANG SINABI?" 

"Oo inaamin ko nagsinungaling ako, eh ba't ikaw din naman diba? Bakit hindi mo sinabi ang relasyon niyo ni Jane ha!" ang pagsumbat ko kay JL, Nanatiling nakatahimik si JL at hindi nakasagot sa sinabi ko. "Aalis muna ako paul! Mag-papalamig muna ako! Siguro magpalamig ka na din muna." sabay kuha ni JL ng kanyang bag at kumuha ng iilang damit at agad na lumabas sa kwarto. Nanatili lang akong nakatayo at kalmado, tama si JL kailangan muna namin ng oras para makapagisip at mapatawad ang isa't isa. Sinimulan ko na din ang magayos ng aking gamit, uuwi na din ako at balak kong sumabay sa paguwi kila Kelly, pagkalabas ko ng kwarto ko ay pinuntahan ko naman ang kwarto ni Kelly upang tignan kung nandito pa ba siya, ngunit walang Kelly akong nakita, bumaba na ako para magtanong sa mga katulong kung nasaan si Kelly at Jasper ngunit ang naging tugon lang nila ay nauna na daw ito.

Nakakalungkot man ang mga nangyari kanina ay kailangan ko itong tanggapin, ako ang may kasalanan at ako ang dahilan kung bakit nagkagulo gulo ang lahat, Wala naman ibang dapat sisihin kundi ako! Kung pinigilan ko lang sana ang pagmamahal ko kay Jasper siguro ay maayos pa din kami ni JL, pero hindi ko makaya eh, gustuhin ko man na iwasan at huwag mahalin si Jasper ngunit hindi ko magawa. Marahil ay siya ang kauna unahang lalaking minahal ko. Sa pangalawang araw ng aming bakasyon sana ay maglilibot kami sa bayan ngunit ng dahil nga nagkagulo ay nagkawatak watak kami. "Hmmmm uuwi nalang ako magisa." sa isip isip ko. "Ate paki sabi nalang po kay tita na nauna na kami ha. Paki sabi din na maraming salamat." ang tugon ko sa katulong, agad naman siyang tumango bilang pagtugon. Pagkalabas ko ng mansion ay agad na pumasok sa aking isipan ang mga nangyari sa akin sa ilog, ang pagkalunod ko, ang pagsagip sa akin at ang pagaalaga sa akin, ngunit ito na ata ang katapusan ng mga masasayang alaala, uuwi akong magisa at may bigat na dinadala. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan na makita ang mga magsasaka na nagpapakahirap, minsan ay hindi ko man lang naisip na ang sinasayang kong pagkain ay labis na pinaghihirapan ng iba, habang nasa ganoon akong pagiisip ay may biglang kumalabit sa aking likuran, pagkalingon ko ay nakita ko si Raymond nakangiti ito at walang suot na damit kitang kita tuloy ang maganda niyang katawan. "Oh raymond! Kumusta?" ang pagbati ko. "Uhhhhm ito masaya lang!" sabay ngiti sa akin. "Bakit ka naman masaya?" ang pagtatanong ko. "Haha nahihiya kasi ako eh!" ang tugon niya. "Ano ka ba! Huwag kang mahiya sa akin, kaibigan mo ako." ang may halong bolang tugon ko. "Haha sige na nga." halata sa kanyang boses na tila kinikiliti at kinikilig. "Gusto ko kasi si Kelly." ang pagamin niya. "Haynako akala ko pa naman ay ako! Haha biro lang, hindi na bago yon kay Kelly, madami ang nagkakandarapa na mangligaw sa kanya sa campus, pero hindi naman niya pinapatulan." ang tugon ko na may halong biro. "Ganoon ba." ang malungkot na tugon ni Raymond. "Uhhm ano ba ang nagustuhan mo sa Bff ko?" ang pagtatanong ko. "Ah Eh mabait naman kasi siya at mukhang hindi boring kausap, Nakita ko kasi kayo sa ilog at mukhang ang sarap niyang kausap." ang tugon ni Raymond. "Haha oo naman! Hindi boring na kausap yan si Kelly, sobrang daldal nga niyan eh! Para yang armallite kung magsalita at ang isa pa ay hindi nauubusan ng topic." ang paglalahad ko. "Kaya ko nga siya nagustuhan dahil sa mga katangiang iyon. Pero mukhang malabong mapansin niya ako eh, siguro ay walang wala ako sa mga nangliligaw kay Kelly." ang may halong pagkainsecure sa boses ni Raymond. "Haynako! Hindi mo pa nga nasusubukan sumuko ka na agad, bayaan mo ilalakad kita at mangungulit ako kay Kelly tungkol sa ideal boyfriend niya, mukha ka namang mabait at mapagkakatiwalaan, basta pag naging kayo ay iingatan mo siya at huwag na huwag mong sasaktan. Parang kapatid ko na kasi iyon eh." ang tugon ko. "Wow salamat paul! Promise hinding hindi ko sasaktan ang bespren mo." ang masiglang boses ni Raymond. "Haha pangako mo yan ha! Sige salamat sa pakikipagusap mauuna na ako." ang pagpapaalam ko. "Ok salamat ulit paul! Magiingat ka pala!" ang tugon niya, Maglalakad na sana ako upang makapunta na sa terminal ng bigla na namang nagsalita si Raymond. "TEKA PAUL!" ang pasigaw na pagtawag sa akin ni Raymond. "Oh bakit?" ang pagtataka ko. "Gusto pala itong ibigay sayo ni Bro JL" sabay abot sa akin ng isang pirasong papel. "Sige salamat!" tumango lang siya at nagpatuloy na ako sa paglakad, hindi ko muna binuksan ang papel at napagdesisyonan ko itong basahin sa bus.

Nakailang minuto din iyon bago ako makapunta sa terminal ng bus, agad akong pumila upang bumili ng ticket, mga limang minuto na akong nakatayo at nagaantay ng may biglang pumukaw ng pansin sa akin, isang gintong paro paro ang dumapo sa aking damit at ang nakakapagtaka pa ay sa may bandang puso ko pa ito dumapo, hindi ko alam kung anong mensahe ang dulot nito, wala akong kaalam alam kung ano ang gustong iparating ng paro parong ito, Nasa ganoon akong paghanga ng biglang umubo ang nasa likod ko at halatang naiinis ito, nilingon ko ito at namangha ako sa aking nakita, isang six footer na lalake na may magandang katawan at napaka kinis ng mukha nito, hindi man ito ganoon kaputi ay masasabi mong gwapo talaga ito. "Ehem ehem! Ung pila bro! Ikaw na ang susunod na bibili." agad naman akong nawala sa pagkatulala at tila may gana pa akong magtaray. "Oo alam ko na ako na! May hinahanap lang kasi ako." ang pagpapalusot ko. "May hinahanap? O namangha ka lang sa kagwapuhan ko?" ang pagmamayabang niya. "Aber aber! Hindi ka din mayabang eh no? Hoy mas gwapo ako sayo!" ang pagyayabang ko din. "Oh sige na mister! Ikaw na ang mas gwapo, Bumili ka na ng ticket mo at madami pa ang nagaantay sa likuran mo!" Inirapan ko nalang siya para hindi na humaba ang usapan, Nagtanong ako kung magkano ang ticket papuntang maynila at ng malaman ko kung magkano ito ay agad kong dinukot ang pitaka ko sa aking bulsa, Kampante akong makakapagbayad dahil ang alam ko ay may limang libo pa akong pera ngunit nagkamali ako, bigla akong namutla at nagulat dahil nakita kong limang daan lang ang perang natira sa aking pitaka, binalang ko ulit ito ngunit limang daan lang talaga ito. "Sir bibili po ba kayo ng ticket?" ang pagtatanong ng nagbebenta ng ticket. "Magkano po ba ulit ang pamasahe papuntang Maynila?" ang pagulit ko sa tanong ko. "One thousand Five hundred Twenty sir!" ang pagsagot ng nagtitinda. "Ah Eh..." magdadalawang minuto na akong nakikipagusap ngunit hindi pa din ako nakakabili ng ticket. "Dalawang ticket nga papuntang Maynila." ang pagsingit ng isang pamilyar na boses, Tinignan ko kung sino ito at nakita ko ang lalaking kausap ko kanina ang bumili pala ng ticket. "Oh sayo na to." sabay abot sa akin ng ticket. "Ah eh pero." ang nahihiyang tugon ko. "Huwag ka ng mahiya, tanggapin mo na." ang pagaalok niya, agad ko namang kinuha ito at nagpasalamat. "Salamat pala ha, pasensya pala kanina." ang nahihiyang tugon ko. "Wala iyon, tara maupo muna tayo doon." sabay turo sa waiting shed. "Huwag na diyan, ite-treat nalang kita." ang pagaalok ko bilang pagpapasalamat. "Nako huwag na, hindi mo na kailangan gawin iyon." ang pagtugon niya. "Tara na kasi." sabay hatak ko sa kamay niya at hindi na siya nagpapilit pa, sumama na siya sa akin at tinungo namin ang malapit na maliit na mall, agad kaming pumasok sa pinaka paborito kong fast food chain, ang Mcdo. "Paborito mo din pala dito?" ang pagtatanong niya. "Yap! Umupo ka na diyan at ako na ang bahalang magorder." ang tugon ko, Agad akong nagpunta sa counter at pumili ng aming makakain. "What's your order sir?" ang pagtatanong ng service crew. "Uhhhm dalawa ngang Bigmac, pa enlarge ung coke at fries at dalawang sundae please." ang tugon ko sa service crew. "Ok sir, please wait for your order." inabot sa akin ang numerong "13" at ise-serve nalang daw ang aking order, pagkakuha ko ng numero ay pinuntahan ko na ang lalaking sumagip ng aking pamasahe, Nang dahil sa kanya ay makakauwi ako at libre pa! Sa isip isip ko. "Wait nalang natin ung order." ang pagsasalita ko para malaman niyang nakaorder na ako. "Ok, ano pala ang name mo? Hindi kasi akong komportable na mister ang itawag ko sayo." ang tugon niya. "I'm paul! Paul Perez." sabay abot ng aking kamay bilang pagpapakilala. "Nice meeting you Paul! I'm Kristan, Kristan Ramos." at sabay abot ng kanyang kamay at nakipag shake hands. 

"So, Kristan pasensya talaga sa pagtataray ko kanina ha." ang paghingi ko ulit ng tawad. "Ok lang iyon, niyabangan naman kasi kita eh. Pero ung totoo nagwapuhan ka sa akin no?" ang pagtatanong niya. "Hays mayabang ka talaga eh no?" ang pagbibiro ko, sabay kaming nagtawanan at tila may anghel na dumaan dahil sa biglang pagtahimik ng paligid. "Hey may gintong paro paro sa damit mo oh..." ang pagbasag niya sa katahimikan, tinignan ko ang aking damit at laking gulat ko ng makita ko pa din ang paro parong dumapo sa akin. "Oo nga eh kanina pa yan, ayaw nga umalis eh, nagmumukha tuloy na design sa damit ko." ang tugon ko. "Haha alam mo ba ang meaning niyan?" ang pagtatanong ni Kristan. "Hindi ko nga alam eh..." ang pagsagot ko sa tanong niya. "Ako alam ko, sabi kasi ng mga matatanda ay kapag itim daw ang dumapo sa iyo ay nagpapahiwatig ito ng kamatayan at kapag pula naman daw ay taong labis na galit sayo at kapag ginto naman..." hindi na nagawang tapusin ni Kristan ang sasabihin ng biglang sumingit ang service crew at inilagay ang mga order namin sa table. "Wow favorite mo din pala ang Bigmac?" ang pagtatanong ni Kristan ng makita ang mga inorder ko. "Ah oo." ang maikling sagot ko. "Alam mo ba na kaya ko nagustuhan itong bigmac dahil dito ko nakilala ang taong minamahal ko." namangha naman ako sa kanyang sinabi at tila na curious sa dahilan ng bigmac. "Bakit naman? Bigmac? Papaano?" ang naguguluhan kong pagtatanong. "Hahahaha huwag mo ng itanong, wala na kami eh." ang pagsagot niya. "Ano ba yan! Magku-kwento kwento tapos mangbibitin." ang kunwaring pagtatampo ko. "Sige na nga ku-kwento ko na." ang napilitang sagot ni Tristan. "Yepeee sige go na sa pagkwento." ang tila bata kong boses. "Uhhm papaano ko ba uumpisahan?" ang pagiisip ni Kristan. "Ah game, noong time na nagaaral pa kasi ako noon tuwing breaktime ay sa mcdo ang tambayan ko, halos araw araw ay kumakain ako sa mcdo at ang madalas kong i-order ay bigmac, may isang beses na nagmamadali akong umorder kasi malalate ako sa klase ko, noong nakaorder na ako ay naghanap ako ng upuan ngunit wala akong nakitang bakante, tapos nakakita ako ng isang babae na magisa lang kumakain naman, naglakas loob akong magpunta sa kanya at magtanong, tinanong ko kung bakante ba ang upuan at wala ba siyang kasama, ang naisagot nalang niya ay wala daw siyang kasama. Mukha namang mabait ang babaeng ito kaya pinayagan niya akong umupo at makakain sa table niya." Natigil si Kristan sa pagku-kwento at tila natuyo ang lalamunan, agad naman siyang uminom ng softdrinks at ng nakapawi na ng uhaw ay nagkwento na ulit.
"Ah tapos noong nakaupo na ako todo ang pagkain ko, lamon kung lamon." bigla nanaman siyang natigil sa pagku-kwento ng marinig niya ang mga hagikgik ko. "Hays tumatawa lang." ang kunwaring pagtatampo niya. "Haha sige go lang." ang pagbawi ko sa naudlot niyang kwento. "Nah! Huwag na, next time nalang." ang pagiinarte ni Kristan. "Haynako daming arte!" ang pagtataray ko. "Haha promise pag nagkita tayo sa maynila iku-kwento ko na sayo." ang tugon ni Kristan. "Sige na nga promise yan ha!" ang pagsisigurado ko sa binitiwan niyang salita. "Oo promise! Bilisan mo na kumain at baka mahuli tayo sa bus." Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain, habang kumakain ako ay hindi ko maiwasan ang minsang pagsulyap sa kanyang mukha, "Ang gwapo naman ng taong ito! At mukhang mabait pa." nasa ganoon akong pagiisip ng biglang nahuli ako ni Kristan na sumulyap sa kanyang mukha. "Hoy pinagpapantasyahan mo ako ha..." ang biro ni Kristan. Sinakyan ko nalang ang kanyang biro at tumugon ng, "Ang gwapo mo naman kasi!" ang pagbibiro ko, ngunit para sa akin ay hindi mo iyon matuturing na isang biro dahil talagang gwapo si Kristan. "Haha loko ka! Pagpinatulan kita diyan." ang patuloy na pagsakay ni Kristan sa mga biruan, hindi na ako sumagot sa kanyang biro dahil baka saan pa mapunta ang biruang iyon. Natapos na kaming kumain ni Kristan at agad na kaming bumalik sa terminal upang malaman kung nandoon na ang bus na maghahatid sa amin pauwi. At tila saktong sakto ang dating namin dahil kararating lang ng bus, bago ako pumasok sa bus ay namili muna ako ng makakain dahil alam kong mahaba haba ang biyeheng papuntang maynila, Nang matapos na ako sa pagbili ng baon ay pumasok na ako ng bus at naghanap ng bakanteng upuan, at saktong sakto naman dahil talagang ni-reserved ako ng upuan ni Kristan."Salamat." ang maikling pagpapasalamat ko kay Kristan, ngumiti lang ito bilang pagtugon at halatang pagod dahil agad niyang pinikit ang kanyang mata, hindi na ako nangistorbo at naupo nalang at nakinig ng musika gamit ng aking cellphone. Hindi ko alam kung nanadya ba ang tadhana o nagkataon lang na pinatugtog ang paborito kong kanta sa loob ng bus, Natigilan ako sa pakikinig ng musika ng aking cellphone at pinakinggan ko naman ang musikang pinatugtog sa loob ng bus.

"Huling Sayaw"

Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi

Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay,lahat lahat

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw

Di namalayan na malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag madali
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi

Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw


Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw, 

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw.


Hindi ko naiwasang mapaluha ng matapos na ang paborito kong kanta, para kasi sa akin ay ang kantang iyon ay napakahulugan, bakit? Dahil tuwing ako'y nasasaktan ay lagi kong pinakikinggan iyon. Sa saya at pighahati ang kantang iyon lang ang akin nasasandalan at nafe-feel kong may karamay ako.

Habang tuloy tuloy ang paglabas ng aking luha ay nagulat ako ng biglang may panyong pumunas sa aking luhaang mata. "Bakit ka umiiyak?" si Kristan pala ang nagpunas ng aking luha. "Ah Eh W-wala to! Napuwing lang ako." ang pagsisinungaling ko. "Napuwing? Grabeng puwing naman iyan! Gaano ba kalaki ang pumuwing sayo?" ang pagbibiro ni Kristan, hindi ko na nagawang magdahilan dahil huling huli ang aking pagsisinungaling.

Mahigit isang oras na kaming bumabiyahe at nakita ko si Kristan na tulog na tulog, Wala akong magawa ng oras na iyon dahil wala naman akong mga gadgets bukod sa cellphone ko. Hindi ko din naman makadaldalan iyong tao dahil tulog, matutulog na din sana ako ng bigla kong maalala ang sulat ni JL

Kinapa ko agad ang aking bulsa at kinuha ko ang papel na ibinigay sa akin, binasa ko ito,at ito ang nilalaman ng sulat.
"Paul alam kong mahal mo talaga ako, pasensiya dahil nagsinungaling ako sayo at hindi ko man lang nasabi sayo ang relasyon namin ni Jane, ngunit ang bilis pala ng karma no? Labis akong nasaktan ng makita ko kayong naghahalikan ni Jasper, may kirot sa aking puso, hindi ko maipaliwanag kung gaano kahapdi ang sugat na tinamo ng aking puso. Ngayon ay nasa Singapore ako at nagpapalipas ng sama ng loob, babalik ako ng pilipinas kapag kaya ko na, tatawagan agad kita kapag handa na ako at syempre ikaw din, basta ang lagi mong tatandaan ay Mahal na mahal ka ng Asawa mo, magiingat ka diyan. -JL"

Hindi ko talagang mapigilan ang mapaiyak dahil alam kong magkakahiwalay kami ni JL, sobrang sakit para sa akin ang malayo sa kanya. Habang nasa gitna ako ng pagiyak ay biglang nagsalita si Kristan, "Ohh bakit ka nanaman umiiyak?" ang pagtatanong niya sabay punas sa aking luha at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Sa isip isip ko'y masarap at masaya pala itong kasamang si Kristan, mabait at napakabait, nang oras na iyon ay kahit papaano'y nabawasan ang sama ng aking damdamin, dahil nadin siguro sa pagod at pagiyak ay nakatulog ako sa balikat ni Kristan, nagising nalang ako ng bigla niya akong tapakin sa aking pisngi. "Ay nako Pasensya ka na Kristan! Nakatulog pala ako." ang nahihiyang pagpapaumanhin ko. "Ok lang." ang maikling tugon niya. At dahil nga nakatulog ako kanina ay hindi ko namalayan na malapit na pala kami, mahigit apat na oras din ang biyahe at talagang nakaka-stress. Hindi na nga nagtagal at nakarating na kami ng Maynila, nauna akong bumaba sa kanya dahil mas malapit ako kaysa sa kanya, nagpaalam nalang ako at nagpasalamat dahil sa tulong na ginawa niya. Magaala siete na ng makarating ako sa bahay, nagulat naman si mama sa biglaang paguwi ko, nagdahilan nalang ako na may importanteng gagawin si JL, parang naniwala naman si mama sa aking dahilan, Nagpaalam ako kay mama na magpapahinga na dahil maysado akong napagod sa biyahe at naintindihan naman daw niya iyon. Pagkapasok na pagkapasok ko ng aking kwarto ay hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha, sobrang nanghinayang ako sa relasyon namin ni JL, hindi ko naman masisi si Jasper sa nangyari dahil ako din naman ang may kasalanan, nagpadala ako sa tukso at hindi napigilan ang bugso ng damdamin. Nang maramdaman ko na nailabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko ay natulog nalang ako upang makabawi ng lakas, Pagkagising ko kinaumagahan ay mugto ang aking mata, siguro dahil sa walang humpay na pagiyak ko kagabi. Wala akong ginawa magdamag, nagkulong sa kwarto at walang ganang kumain parang na dejavu ako, naranasan ko na din ang ganitong pangyayari at emosyon, kahit pala dalawang beses ng nangyari ito sayo ay parang sariwang sugat pa din ang aking nadama. May bigat akong dinadala at parang bumalik nanaman ang mga tinik sa aking puso.

Halos dalawang linggo din akong hindi nakakain ng maayos at walang ganang makipag-usap, Kahit nag-aalala ang aking magulang ay hinayaan lang nila ako, alam kasi nila na kakayanin ko kung ano man ang aking problema. Sa bawat araw na nagmumukmok ako sa aking kwarto ay naramdaman ko ang isang tunay na kaibigan at iyon ay si "Kelly" lagi siyang nagte-text sa akin at kung minsan ay dumadalaw pa sa akin, kinukumusta ako pinapatawa at siya ang naging dahilan upang mabuhay ang aking mundo, isang buwan na ang nakalipas at tanging si Kelly lang ang aking nakaramay, Walang Jasper na nagpunta sa bahay upang kumustahin ako, siguro'y napagisip isip niya na lumugar muna. Isang buwan kaming walang communication ni JL, walang text, walang tawag, walang chat, walang emails as in wala talaga. Ang tanging nasa isip ko nalang ay magpatuloy sa buhay at makapagtapos ng pag-aaral. Isang linggo nalang at magpapasukan nanaman, napagdesisyonan kong magshift ng aking kurso, Kumuha ako ng kursong Psychology at pinalad namang nakapasa sa Qualifying exam, labis na natuwa ang aking bespren ngunit may lungkot din daw siyang nadarama.

Tatlong buwan na ang nakalipas at masasabi kong nakapagmove on na ako. Dalawang araw nalang at magpapasukan na, Habang naghahain ang aking magulang ng aming hapunan ay may biglang nag-doorbell. "Ma, may bisita po ba kayo?" ang takang pagtatanong ko. "Wala naman anak, teka sino ba iyon?" ang tugon ng aking mama. "Ma, ako nalang ang magbubukas." tumango si mama bilang pagtugon at agad kong binuksan ang pinto, nakita ko ang isang babae na kasing tanda siguro ni mama, hindi ko kilala itong tao na ito pero pinatuloy ko pa din siya sa aming bahay bilang paggalang. "Ma, bisita niyo po ata." biglang nanlaki ang mata ng aking mama at nagulat ako sa biglaang pagbago ng kanyang emosyon. "PAUL! UMAKYAT KA MUNA SA KWARTO MO!" ang galit na pagsasalita ni mama, ngayon ko lang siyang nakitang ganoon magalit, kaya kahit na nagtataka ay sumunod nalang ako sa utos ni mama. "Bakit kaya ako pinaakyat ni mama? Sino ba kasi iyong babaeng yon?" ang takang pagtatanong ko sa aking sarili. Hindi ako mapakali sa loob ng aking kwarto at dahil na din siguro sa nacurious ako at gustong malaman kung sino ang babaeng iyon ay pinilit kong pakinggan ang kanilang usapan. Puro mura ni mama ang aking nadinig kasabay ang kanyang pag-iyak, hindi masyadong malinaw ang aking nadinig, puro hagulgol lang kasi ito, at bago umalis ung babae sa aming bahay ay nadinig ko itong sumigaw, "Paki sabi nalang MAHAL KO SIYA!" sabay dabog sa aming pintuan, Mabilis pa sa kidlat ang pagbaba ko at agad kong niyakap si mama, "Ma, tahan na po." ang pagpapakalma ko kay mama ngunit talagang hindi mapigilan ang kanyang pagiyak kaya't inupo ko muna siya sa sofa at pinainom ng tubig at pilit na pinakakalma. Sa sobrang pag-iyak ni mama ay hindi niya na kinaya at tuluyan ng hinimatay. Agad kong tinawagan si ate upang umuwi muna at alagaan namin si mama, wala pang isang oras ay nakarating na si ate. "Ano ba ang nangyari Paul?" ang pagtatanong ni ate. "Ah kasi may nagpunta ditong babae tapos nagusap sila ni mama, tapos nagsigawan at nagmurahan, hindi ko naman kilalala kung sino iyon." ang pagsagot ko. Nanatiling tahimik lang si ate at pilit na nilalabanan ang pagbagsak ng kanyang luha. "Bakit ate?" ang takang pagtatanong ko. "Ah Eh wala, kumain ka na at magpahinga ka na sa kwarto mo." ang utos ni ate sa akin, pagkatapos kong kumain ay agad akong nagtungo sa aking kwarto upang magpahinga. Maaga akong nagising at agad na bumaba upang kumustahin ang aking mama, nakita ko naman si mama na mukhang ok na dahil nakangiti ito habang nagluluto. Agad ko siyang niyakap at nagulat naman siya.

"Ma, love na love po kita, alam niyo po iyon." ang tanging nasabi ko upang mapagaan ko ang loob ni mama, Ang nasa isip ko kasi ay maaaring kerida iyon ng aking papa dahil may itsura naman kasi si papa. "Paul ipangako mo na hinding hindi mo iiwan si mama ha." unang beses ko lang nadinig ang ganyan kay mama, parang may pinaghuhugutan at may dinadalang mabigat sa kanyang kalooban. "Ano ka ba Mama! Saan naman ako pupunta." ang pagsagot ko kay mama, ginawa kong masigla ang aking boses upang maging masaya at mabuhayan si mama. Ngumiti lang si mama at sabay yakap sa akin ng pagkahigpit higpit. "Ma, hindi na po ako makahinga." kumulas naman si mama sa pagyakap at sabay kaming nagtawanan. "Oh siya, kumain ka na at bukas ay papasok ka na. Maagang matulog mamaya ha..." ang paglalambing ng aking mama, Natapos na akong mag-almusal at buong umaga ay wala akong ginawa kundi manuod ng palabas, maglaptop at maglaro ng dota. Ngunit parang nababagot ako kaya napagdesisyunan kong mag-mall upang malibang naman kahit papaano.

Mag-isa kong tinungo ang mall upang makapaglibang at kahit papaano'y mabawasan ang mga aking problema, Wala naman problema sa akin kung magmo-mall ako magisa, masaya naman ako kahit papaano, Masaya na ako sa mga simpleng bagay katulad ng Windows Shopping, Kumain na parang walang bukas, Maglaro ng Arcade sa Quantum at kung ano ano pa. Siguro ay gusto ko ulit maranasan ang pagiging isang bata, ung tipong walang iniintindi kundi maglaro, kumain at matulog lang magdamag.
Sa paglilibang ko sa mall ay hindi ko namalayan ang oras, mag-aalas nuebe na pala at kailangan ko ng umuwi dahil may pasok pa ako kinabukasan.
Palabas na sana ako ng mall ng biglang may tumawag sa aking pangalan. "PAUL!" Parang napaka-pamilyar ng boses na iyon ung tipong lagi kong nadidinig, Nang madinig ko ang boses ng tumawag sa akin ay masasabi kong boses iyon ni JL, ngunit biglang nadismaya ako ng makita ko ang taong tumawag ng pangalan ko, si Kristan pala.

"Oy Kristan! Musta?" ang pagbati ko.

"Ok lang ako Paul! Sinong kasama mo?" ang pagtatanong ni Kristan.

"Ah Eh, wala." ang pagtugon ko.

"Nice! Ako din eh, tara i-treat kita." ang pag-aanyaya ni Kristan.

"Ay pauwi na kasi ako eh, may pasok pa kasi tomorrow." ang pagdadahilan ko.

"Ah ganoon ba? Sayang! Teka ano pala number mo? Para may communication naman tayo." Pagkatapos kong ibigay ang aking numero ay agad akong nagpaalam sa kanya upang umuwi na.

Mag-aalas Dose na ng makauwi ako sa aming tahanan, Plakda agad ang aking katawan sa aking napakalambot na higaan, Gusto ko na sanang makatulog agad dahil maaga pa ang aking pasok kinabukasan ngunit tila may ibang presensya akong nadarama, May kaba at excitement sa aking puso na nagdulot ng aking pagkapuyat, Pero ng kalaunan ay napagod din ang aking isip sa pagiisip ng kung ano ano at agad na nakatulog.

Kinaumagahan ay ginising ako ng sigaw ng aking ate at tunog ng aking orasan, Hindi ko alam kung nanadya ba ang panahon dahil parang naulit nanaman ang pangyayari, ika nga nila baka ng Dejavu ka?

"Tik tak tik tak" ang paulit ulit at nakakairitang tunog ng aking orasan at sabayan pa ng sigaw ng aking nakakatandang kapatid. "Pa-paaaaaaaaaaul gumising ka na!" Agad kong minulat ang aking mata at tila ako'y uhaw na uhaw na parang nagising sa isang masamang panaginip. "Hayyy! Ang sama naman ng panaginip ko." bulong ko sa aking sarili.
Ngunit hindi ako nagpa-apekto sa masamang napanaginipan bagkus parang napakasaya ko pa at para akong naka-droga dahil napakagaan ng aking loob.

"Goodmorning Ma, Goodmorning Ate!" ang pagbati ko sa kanila.

"Aba mukhang maganda ang gising ng anak ko ha..." ang pagtugon ni mama.

"Nako siguraduhin mo lang na mapapasa mo ang entrance exam mo sa papasukan mong paaralan!" ang pagsingit ni ate.

Hindi ko alam kung nagbibiro si ate o mali lang ako ng nadinig.

"Hahahaha si ate naman oh nagbibiro pa! Hahaha nakapasa na kaya ako! Nakapagshift na nga ako ng Psychology eh!" ang pagsagot ko.

"Shunga ka ba Kapatid? Ngayon ang araw ng entrance exam mo." ang pagbanat ng aking nakakatandang kapatid.

"Teka teka teka teka! Naguguluhan na ako... Hindi magandang biro yan Ate!" ang medyo naiirita kong pagsagot.

"Hahaha ano ka ba Paul? Tignan mo ang kalindaryo at nakabilog doon ang petsang page-entrance examan mo, Ikaw pa nga ang bumilog nun eh." ang patawa tawang sagot ng aking ate.

Hindi ko kinibo si ate at ako'y nagisip "Hindi pwedeng mangyari ito!" Agad kong nilapitan ang kalindaryo at nagulat ako sa aking nakita, Nakita ko ang taong 2011 at buwang Hunyo kung saan ay nakabilog ang araw na "13" at ang araw na ito'y tumutukoy kung kaylan ako mag-eentrance exam. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, Hindi ko napansin na tumulo na pala ang aking luha at agad na tumakbo patungo sa aking kwarto.
"Hoy paul saan ka pupunta at bakit ka umiiyak?" ang tanging nadinig ko sa aking ate.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto ay....


Agad kong kinandado ang aking pintuan at sinimulan ng umiyak at magdabog. "TANG INA! Hindi pwedeng mangyari ito!" sinasampal sampal ko ang aking sarili upang malaman kung totoo nga ba ang mga nangyayari, Ngunit talagang totoo ito nasasaktan ako at ramdam ko ang bawat pagtama ng aking kamay. "HINDEEEEEEE! TANG INAAAAAAA! Panaginip lang ito! Hindi pwedeng mawala si Jaspeeeer! Mahaaaaaaaal ko siyaaaaaa! SABIHIN NIYONG PANAGINIP LANG TO, TANG INAAAAA!" ang patuloy na pagiyak ko at pagdadabog sa aking kwarto.

"Paul! Paul! Papasukin mo ako, si mama to! Ano ba ang nangyayari sayo?" ang pag-aalala ng aking mama.

"Maaaaaaaaaaa, Pleeeease! Sabihin niyong Panaginip lang itoooo..." ang patuloy na pagiyak ko at pagsigaw.

"Anak buksan mo ang pinto, magusap tayo." Hindi na ako nagdalawang isip at agad kong binuksan ang pinto, Niyakap ko si mama ng pagkahigpit higpit at tila ayoko ng mawalay pa sa kanya, Naramdaman ko naman na hinahaplos haplos ni mama ang aking buhok at pilit na pinapakalma.

"Maaaaa, panaginip lang ito diba?" ang pagtatanong ko, ngunit imbes na sumagot si mama ay nanatili lang siyang tahimik at nakikinig sa akin.

"Maaaaaa! Gusto ko ng magising! Ayoko ng ganitong panaginip..." ang patuloy na pagsusumbong ko kay mama.

"Anak, huminahon ka. Andito lang si mama." ang patuloy na pagpapakalma sa akin ni mama.

"Eh ma! Papaano ako hihinahon nawala ang tao kong minamahal..." ang pagsagot ko.

"Psst... Andito pa si mama, love na love ka ni mama, tandaan mo iyan." at lalong hinigpitan ni mama ang pagyakap at hinalikan ako sa ulo, Natigil ang aking pagiyak at hikbi nalang ang madidinig dahil sa mga sinabi ni mama.

"Ok ka na anak?" ang pagtatanong ni mama, tumango lang ako bilang pagtugon kahit na may sakit pa din akong nararamdaman.

"Ang gusto ko lang sana ay maligo ka na anak! Ambaho mo na eh..." ang pagbibiro ni mama, ramdam ko na gusto lang akong pasayahin ni mama at pinapagaan niya lang ang loob ko.

"Ohh maligo ka na ha... Tapos mag-ayos ka na at pumunta ka na sa eskwelahan mo." ang pagpapaalala ni mama, Kahit may sama pa din akong dinadala ay sinunod ko ang gusto ni mama, Agad akong naligo at pagkatapos ay agad na nagtungo sa aking paaralan. Upang malaman ko  "Ang Kursong Hindi ko Inakala"

-Itutuloy....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento