DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.
"Life is
so ironic, We ignore who adores us, adore who ignore us. Love those who hurt
us, but hurt those who love us." -Jpaper
Chapter
12
Kitang kita
ko na nakatingin sa amin si Jasper habang ako ay nagpapaalam kay JL.
Nang makaalis
na si JL ay naglakad na din ako patungo sa aking room parang wala lang akong nakita,
basta ang alam ko lang ay mahal ako ni JL at alam kong ganoon din ako sa kanya.
Hindi ko man lang binati o pinansin si Jasper.
Pagkapasok na
pagkapasok ko sa room ay si kelly agad ang aking nilapitan, tumabi ako sa
kanya, kinamusta ko siya at sa tingin ko ay ok na siya.
Maagang
nakarating ang una naming propesor kaya wala na kaming time na magusap ni
kelly, sa pagkakataong ito ay inspired ako nagulat ang aking mga classmate sa
mga pagsagot ko sa mga tanong ng aming propesor, hindi naman nagtaka si kelly
sa ipinamalas kong galing, dati ay pinaka ayokong subject ang stats pero ng
turuan ako ni JL ay sobrang laki ng inimprove ko. Maging ang mahihirap na
question ng aming propesor ay nasasagot ko. Natapos ang unang subject na
sobrang saya ko, pero sa isang side ay natatakot ako dahil hindi ko pa din
nakikita ang aking notebook. Pumunta na kami sa susunod naming subject, ilang
minuto na ay wala pa din ang aming propesor kaya ang ginawa ko ay pinuntahan ko
si jasper at tinanong ito.
"Hey!
Nasa iyo ba ang notebook ko?" ang pagtatanong ko.
"Bakit
ko naman kukunin ang notebook mo?"
Nagtaka ako
dahil mahinahon ang kanyang boses at parang hindi na galit sa akin.
"Eh kasi
noong nagpunta ako sa inyo nakalimutan ko ata?"
Hindi siya
sumagot at ang ginawa nalang ay nagsuot ng headphone at nakinig ng
musika.
Wala na akong
nagawa kundi bumalik sa aking upuan at para malibang ako ay nakipagkwentuhan
nalang ako kay kelly.
Hindi na nga
nakapasok ang aming propesor kaya kumain muna kami ni kelly sa cafeteria, isang
subject pa bago matapos ang aming klase.
Hindi parin
mawala sa aking isip kung nasaan na ang aking notebook hindi ako pwedeng
magkamali alam ko ay naiwan ko ito ng magpunta ako kila Jasper, parang
nababaliw na ako sa pagiisip hindi na mapakali ang aking utak. Ang ginawa ko
para mabasbasawan ang aking pagiisip about sa notebook na yun ay tinanong ko
lahat ng aking classmate ngunit lahat sila ay nagsabihing hindi nila
nakita.
Huling
subject na namin at hindi na ako makapagconcentrate hindi ko alam kung saan ko
hahanapin ang notebook na yon. Naiirita na si kelly sa akin hindi daw ako
mapakali at para akong natatae.
Natawa nalang
ako sa sinabi ni kelly, tinanong niya ako kung ano daw ba ung problema ko.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya yung totoo. Pero nanaig pa
din sa akin ang takot kaya't napilitan akong magsinungaling.
"Ah eh
walaaa!"
"Eh
bakit ganyan ka umasta? Sabihin mo nga kung nababaliw ka na at dadalhin na kita
mental hospital." ang pagbibiro ni kelly.
"Bespren
naman eh!" ang pagmamaktol ko.
"Eh ano
nga kasi ang problema mo? Bespren mo ako diba? Sabihin mo sa akin kung ano ang
problema mo baka sakaling makatulong ako."
"Sige na
nga, Nawawala kasi ung notebook ko."
"Yun
lang? Aba si bespren mukhang nagaaral ng mabuti."
"Hindi
mo ako naiintidan eh!"
"Eh ano
nga kase yon?"
"Mamaya
nalang bespren sa bahay ko na sasabihin, basta ipangako mo na huwag kang
magagalit ha."
"Oo
naman bespren kaya kita sigurado akong maiintindihan kita."
Napagisip
isip ko ang sinabi ni kelly sa akin, "Bespren tanggap kita kahit ano ka
pa." malaki ang tiwala ko kay kelly at alam kong mauunawaan niya talaga
ako. Napagdesisyunan ko ng sabihin kay kelly ang lahat lahat gusto kong tumupad
sa aming pangako na "Walang lihiman."
Hindi nagtagal
ang aming propesor sa pagtuturo at pinauwi kami ng maaga.
Hindi na ako
makali sa maaaring mangyayari mamaya alam kong sasama ang loob ni kelly sa
aking sasabin pero kailangan kong magpakatotoo.
Sabay nga
kaming umuwi ni kelly at agad kaming nakarating sa aking bahay.
Nagkumustahan
muna ang aking mama at si kelly bago kami pumunta sa aking kwarto. Handa na
talaga akong aminin ang lahat.
"Oh
bespren ano ba ung sasabihin mo at parang napakahalaga talaga?"
"Bespren
alam mo kasi."
"Oh
anong alam ko?"
"Bespren
kasi ung notebook na nawawala ay may liham iyon eh."
"Wow ha!
May paliham liham ka pang nalalaman ha!" ang pagbibiro ni kelly.
"Oo
liham nga bespren. Liham ko para kay jasper." halatang napanghihinaan ang
aking loob.
"Oh
tapos? Ano naman kung bigyan mo ng liham si jasper? Masama ba iyon?"
"Eh kase
bespren liham iyon ng pagtatapat kong mahal ko si jasper eh."
At tuluyan na
ngang bumagsak ang aking luha hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon ay mahal
ko pa din si jasper kahit na may JL na ako, ibang iba kasi silang dalawa.
"Matagal
ko nalang alam yan bespren at nauunawaan kita."
Biglang
gumaan ang aking pakiramdam sa mga nadinig ko mula kay kelly. Nauunawaan niya
ako at ok lang sa kanya ito.
"Talaga
bespren? Hindi ka galit?"
"Oo
naman! Napakaraming babae at bakla kaya ang naghahabol kay jasper at malabong
magustuhan niya ako at isa pa napagisip isip ko na hindi muna ako papasok sa
isang relasyon, magiging magulo lang ang aking pagaaral ok na ako na may
bespren na nagmamahal."
"Salamat
talaga bespren!"
Hindi parin
natitigil ang pagdaloy ng aking luha. Ramdam ko ang senseridad ni kelly at
talagang masasabi kong tunay nga siyang bespren.
"So
anong balak mo ngayon niyan?"
"Hindi
ko alam bespren. Malabong magkaayos kami."
"Ha?
Bakit magkaaway ba kayo?"
"Oo
bespren, may nangyari na kasi sa amin."
"Haaaaaaaaaa!
Kaloka ka bespren! Inunahan mo pa ako! Ano itsura malaki ba? Yummy ba?"
ang tuloy tuloy na pagbibiro ni kelly.
Hindi ko na
sinagot ang tanong niya at tumawa nalang.
"Bespren
may isa pa akong ipagtatapat sayo."
"Wow ha
daming revelations ha! Parang di mo ako bespren nyan!"
"Natatandaan
mo pa ba ung naikkwento ko sayong lagi kong nakikita sa kapehan at ung nabunggo
ko."
"Oo
bespren tanda ko pa. Huwag mong sabihing natikman mo na din siya? Sobrang haba
na talaga ng hair mo niyan."
Tumango
nalang ako bilang pagtugon.
"Anoooo
bespreeeen! Kakaiba talaga ang beauty mo ha."
Tumawa nalang
ulit ako alam kong labis akong naunawaan ni kelly at sobra niya talaga akong
mahal.
"Naging
kayo ba ng mistery guy mo?"
"Hindi
pa nga bespren eh, pero ang sabi niya ay mahal na mahal niya daw
ako."
"Eh di
kung saan ka masaya ay susuportahan kita."
"Maraming
salamat talaga bespren!"
Hinatid ko na
si kelly sa kanilang tirahan at agad din akong umuwi, pakiramdam ko ay
napakagaan ko nailabas ko na ang mga hinanakit ko sa tingin ko ay nabawasan ang
tinik na nakatusok sa aking puso.
Habang
nakahiga ako sa kama at nagmumuni muni ay pinakikinggan ko ang aking paboritong
kanta.
Huling
Sayaw
Habang
nakikinig ako ay may nag text sa akin dalawang unread message binuksan ko ito
at nakita ko kung kanino galing, ang isang text ay kay JL at ang isang text
naman ay nagmula kay Jasper.
Binuksan ko
muna ang text ni JL at agad ko itong binasa.
"Hello
asawa ko! Miss na kita! Punta ka mamayang 7:00 dito may regalo ako sayo."
kinilig ako sa text ni JL at gusto ko na sanang pabilisin ang oras para magkita
kami.
Pagkatapos
kong basahin ang text ni JL ay binuksan at binasa ko naman ang text ni Jasper.
"Hey
Mr.Perez gusto kitang kausapin, pumunta ka mamayang 7:00 dito sa bahay! At kung
hindi ka pupunta ay hindi ko talaga ibibigay ang notebook mo."
Tama nga ang
aking hinala na kay Jasper nga ang aking notebook, agad akong kinabahan at
nagsitaasan ang aking balahibo. Hindi kasi malabong mabasa niya ang liham na
ginawa ko para sa kanya.
Hindi na ako
makapagisip ng maayos dahil mamimili talaga ako sa kanila. Ngunit may naisip
akong isang ideya tinext ko agad si JL na mga 8:00pm na ako makakapunta,
pumayag naman siya sa aking naging desisyon.
Medyo
kampante na ako ng mga oras na iyon dahil alam kong mapupuntahan ko silang
pareho.
Lumipas na
nga ang ilang oras at panahon na para magpunta ako kay Jasper, nakarating ako
sa kanilang bahay bago pa mag ala siete. Agad akong pinatuloy ng mama ni jasper
at kinumusta, at dahil alam nga nilang magclose kami ni jasper ay hinayaan
nalang nila akong magpunta sa kwarto nito.
"Mabuti
naman at nakarating ka." ang mahinahon at mala anghel na boses ni
Jasper.
Ngunit para
namam akong demonyo sa aking inasal.
"Nasaan
na ang aking notebook? Ibigay mo na!"
"Sagutin
mo muna ang tanong ko."
"Sige
ano ba yon? Para matapos na to!"
"Boyfriend
mo ba ang naghatid sayo?"
At tulad nga
ng nakalagay sa quotes ay "Hurt those who love us, but love those who hurt
us."
Kaya ang
tanging nasagot ko nalang ay...
"Oo boyfriend ko nga siya!"
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento