DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.
"The best place in the world is in the arms of someone
who will not only hold you at your best, but will pick you up and hold you
tighter at your weakest."
Chapter
20
"Ano yan?" ang painosenteng tanong ko.
"Obvious
ba? Eh di singsing." ang kunwaring naiiritang sagot ni JL.
"Oh
tapos?" ang patuloy na pang-iinis ko. Nakita ko na biglang nagbago ang
mood ni JL, kung kanina'y seryoso ito, ngayon naman ay parang nawalan ito ng
gana.
"Hahaha
ang cute mo talaga pag naiinis." ang pagsasalita ko na may halong
pagtawa.
"Ikaw
naman kasi eh!" ang kunwaring pagmamaktol ni JL.
"Ok
sige na, isuot mo na! Siguraduhin mo lang na wala ng itong ibang katerno
ha...Gusto ko'y tayong dalawa lang ang may ganitong singsing." ang tugon
ko.
"Oo,
tayong dalawa lang ang may ganito." ang tugon ni JL.
Hinawakan
niya ang aking kamay at dahan dahan niyang sinuot sa aking daliri ang gintong
singsing.
Nang
oras na iyon ay naghalo halo ang aking emosyon. Nag-uumapaw ang aking saya
dahil sa wakas ay muli kaming nagsama.
Ang
binabalak na pagmo-motel namin ay hindi natuloy dahil tumanggi ako, gustuhin ko
man na makasama magdamag si JL ngunit may mga obligasyon ako bilang isang anak
at bilang isang estudyante. Natapos ang gabing iyon na may ngiti sa aking mga
mata at nagsimula ang aking panibagong araw na may BIGAT sa aking puso.
"Kaya
ko na ba ulit na magmahal? Hindi ba nabigla lang ako dahil namiss ko lang ng
sobra si JL? Mahal ko ba sya? Oo ang sabi ng utak ko pero tila baliktad ang
nangyayari, ang puso ko ang kumo-kontra. Masarap na may kapiling ka sa araw
araw ngunit tila ba may hadlang sa inyong pagmamahalan, para bang nawala na ung
dating saya, yung dating kilig at kasabikan sa bawat araw, Hhhhhmmm bahala na
nga! Kung magwo-work pa ang relationship na ito." sa isip isip ko.
Isang oras pa bago ang una kong klase ngunit handang handa na ako upang pumasok. Pagkalabas ko ng aming bahay ay agad na bumungad sa akin ang kotse ni JL.
"Oh?
Bakit ka nandito?" ang gulat na pagtatanong ko.
"Gusto
kitang ihatid eh..." ang simpleng sagot nya.
"Ah...
Nag-abala ka pa." ang tila walang ganang pagsasalita ko.
"Ok
lang, para naman yon sa minamahal ko eh..." ang tugon niya. Ngumiti lang
ako at agad akong pumasok sa loob ng sasakyan.
Habang
nagmamaneho si JL ay napansin niya ang sobra kong pagtahimik.
"May
sakit ka ba?" may tonong pag-aalala sa kanyang boses.
"Wala..."
ang matipid na sagot ko.
Dahil
hindi naman kalayuan ang aking paaralan sa aming tirahan ay nakarating agad
kami.
"Bye,
asawa ko..." ang pambungad ni JL, sabay halik sa aking pisngi. Hindi na
ako umimik at bumaba nalang ako sa sasakyan.
Naglakad
ako patungo sa aking unang klase at pagkapasok na pagkapasok ko ay walang gana
akong umupo.
"Anyare
sayo ateng?" sa sobrang lutang ko ay hindi ko namalayan na andyan na pala
si Prince.
"Ay
Prince! Nandyan ka na pala..." ang pagsasalita ko.
"Ay
OO! KANINA PA AKO DITO! Naka-shabu ka ba? Oh rugby? Oh baka naman katol? Nako
itigil mo na yan ateng!" ang pagbibiro ni Prince.
"Ano
ka ba! Hindi ako nagdu-drugs noh!" ang naging tugon.
"Ah....alam
ko na! Baka naman inlove ka? Share naman dyan!" si Prince na parang kinikiliti.
"Tumahimik
ka nga dyan Prince!" ang pagsagot ko.
"Ayieeeh!
Confirmed! Share na dali! Habang wala pang prof!" ang pagsasalita ni
Prince.
"Ang
lakas mo talaga maka-amoy Prince! Bilib na ako sayo! Sige mamayang break
iku-kwento ko." ang tugon ko upang tumahimik na siya, ngunit baliktad ata
ang nangyari, mas lalo niya pa akong kinulit.
"Sige
na ohh! Dali na kasi." ang pangungulit ni Prince.
"Tsk!
Mamaya nalang..." ang tugon ko.
"Dali
na kasi eh! Binibitin mo naman ako eh! Para kang yung istoryang Ang Kursong
hindi ko Inakala eh, ang lakas mambitin!" ang patuloy na pangungulit ni
Prince.
"Tumahimik
ka kung gusto mong ikwento ko sayo." ang tugon ko.
"Please
ngayon na! Habang may sampung minuto pa tayo! Push na yan!" ang patuloy na
pagsasalita at pangungulit ni Prince.
"Sige
ka paghindi ka tumahimik at kinulit mo pa din ako, hinding hindi ko na
iku-kwento." ang pagbabanta ko sabay ngiti.
"Ito
na nga eh, tatahimik na! Hindi na mangungulit. Ayan shut up na..." ang
tugon ni Prince.
Sampung minuto na ang nakalipas at dumating na ang una naming prof, katulad nga ng aking inaasahan ay naging bored ang aming unang klase. Para kasing shunga itong prof namin dahil ang pisara lang ang kinakausap at wala man lang kagana ganang magdiscuss at higit sa lahat ay ang mahinang boses nito. Lumipas ang tatlong oras ng kanyang pagtuturo ng wala man lang akong naintindihan, buti nalang at may syllabus akong maasahan.
"Ang
boring talaga ng klase ni Mr.Rod!" ang naiinis na pagsasalita ko.
"Yes!
Relate much, ateng! Yung pisara ata ang estudyante niya eh, at lamok lang ata
ang makaka-dinig na boses niya." sabay tawa naming dalawa.
"Tara
na nga Prince! Punta na tayo sa susunod nating klase..." agad namin
tinungo ang pangalawa naming klase at nag-antay na dumating ang
professor.
Labing
limang minuto na ang nakakalipas at sa wakas ay dumating na ang aming
professor. Habang abala ang aming professor sa pagche-check ng attendance ay
nagulat ako ng magsitilian ang mga babae kong ka-klase. Wala akong ibang nadinig
kundi puro tili at hiyawan, tinignan ko si Prince at maging siya ay parang
mapapaos sa kakatili, hinanap ko kung ano ang dahilan kung bakit sila
nagkakaganyan at ng mabaling ang aking paningin sa bandang pintuan ay nakita ko
si Jasper at isang pamilyar na babae.
"Class!
STOP THE FUCKING DAMN NOICE!!!" ang galit na pasigaw ng aming professor.
Agad na tumahimik ang aming kaklase at tila naging isang maamong tupa.
"Sino
kayo?" ang pagtatanong ng aming professor kila Jasper at kasama
nito.
"Uhhhm,
sorry sir i'm late, my name is Jasper Lopez from the college of arts and
science." ang pagsasalita ni Jasper.
"Oh
ikaw ija?" sabay baling ng paningin ng aming professor sa kasamang babae
ni Jasper.
"Hello
po sir! Ako po si Kate Torres." ang mahinhin at mahinang boses ng
babae.
"Ahh...Ok?
And why are you here?" ang pagtatanong ng aming professor.
Kahit
hindi ako ang tinatanong ay tila ba kinakabahan ako at nanlalamig ang aking
buong katawan.
"Sana
lang mali ang iniisip ko..." sa isip isip ko.
"Nagshift
po kasi kami ng kurso..." ang pagsagot ni Jasper sa tanong ng aming
professor.
Para
bang binagsakan ako ng langit at lupa sa aking nadinig, hindi ako makapaniwala
na makakasama kong muli si Jasper, naghalo halo ang emosyon ko. Saya, selos,
lungkot, panghihinayang, ngunit lahat ng yan ay hindi ko maipaliwanag.
"Ha? Bakit sila nagshift? Para magselos ako sa paglalambingan nila? Para makita kong masaya sila? Para ipamukha nilang hindi ako pwedeng magmahal o nag-aassume lang ako?" sa isip isip ko.
"Ok,
Mr.Lopez ang Ms.Torres umupo kayo doon sa vacant seat." ang tugon ng aming
professor, sinunod naman nila ang utos ng aming prof at halatang halata ang
closeness nila sa isa't isa.
"Kagatin
sana kayo ng mga langgam!" ang mahinang pagsasalita ko.
"Uyyy!
Nadinig ko yun Ateng! Nagseselos ka ba sa kanila?" ang pang-iintriga ni
Prince.
"Ha?
Bakit naman? Ano ko ba sila?" ang tugon ko.
"Hahaha!
Halatang halata na nagseselos ka! Para kang bulcan mayon dahil sa usok na
lumalabas dyan sa ilong mo! Cool ka lang Ateng! Mamaya bubuhusan kita ng tubig
na may halong yelo na galing sa Mt.Everest." ang tugon ni Prince.
"Puro
ka talaga kalokohan! Tumigil ka na nga at makinig nalang tayo, mamaya ay
mapagalitan pa tayo." ang naging tugon ko.
"Sige,
push natin ang makinig." sabay tahimik ni Prince at tila nagfocus sa
dini-discuss ng aming prof. Maging ako'y nahawa kay Prince, nakinig na din ako
at nagtatake down notes na din kung saka sakaling may quiz, ngunit hindi ko
masabing isang daang porsyento ako nakafocus, dahil bawat minuto ay
napapatingin ako sa upuan ni Jasper at tila ino-obserbahan ang kanilang
ginagawa.
"Ang landi naman ng babaeng yan! Kung makadikit kay Jasper parang higad!" ang sigaw ng nai-insecure kong utak.
Makalipas
ang tatlong oras ng klase namin ay agad akong lumabas ng aming room, hindi ko
alam kung bakit ako nagkakaganito pero isa lang ang idinidikta ng aking puso at
isip, ang iwasan si Jasper.
"Hoy,
Ateng! Hintayin mo ako..." ang sigaw ni Prince habang patuloy ako sa
paglalakad. Nang maabutan ako ni Prince ay agad niyang hinawakan ang braso ko
at sabay tanong sa akin ng.."Bakit ka ba nagkakaganyan?" ang
seryosong pagsasalita niya.
"WALA!"
ang galit na tugon ko.
"Maglo-lokohan
pa ba tayo Ateng? Alam kong may problema ka. Ano ba ako sa buhay mo kung ayaw
mo man lang magkwento? Diba magkaibigan tayo? Tayo ang magkasangga? Tayo ang
magkaramay? Para saan pa ang pagkakaibigan natin kung maglilihim ka lang
din?" ang seryosong tugon ni Prince.
Bigla
akong tinamaan sa sinabi ni Prince, may biglang kirot at tila tinutusok tusok
ang aking puso.
"Pasensya
ka na Prince." ang mahinahong pagsasalita ko.
"Ateng,
alam kong mahirap ang sitwasyon natin, kaya nandito ako upang pagaanin ang loob
mo, pwede kang mag-unload ng mga hinanakit mo, tandaan mo ito! Simula ngayon ay
magbff's na tayo, walang lihiman." ang dagdag pa ni Prince sa kanyang mga
sinabi.
Hindi
ko alam ngunit nakikita ko talaga ang pagkatao ni Kelly kay Prince, siguro
ginawa nga talaga ang mga katulad nila upang mapagaan ang nararamdaman natin.
May rason ang lahat, andyan sila sa ating buhay upang makiramay, siguro sila
ang matatawag kong tunay na kaibigan. Yung handang magsakripisyo at makinig
sayo, yung karamay ka sa lungkot at saya.
"Salamat
talaga Prince! Alam kong isa kang tunay na kaibigan." ang naging tugon
ko.
At
dahil may isang oras pa kaming break time ay kumain muna kami bago magpunta sa
susunod naming klase. Naging masaya ang lunch namin ni Prince, puro kalokohan
at masasayang pangyayari lang ang pinagkwentuhan namin, hindi niya ako pinilit
na magkwento kung bakit ganito ang mga ikinikilos ko. Nang matapos na kaming
kumain ay inaya na ako ni Prince na magpunta sa susunod naming klase.
Pagkapasok na pagkapasok namin ng room ay agad na bumungad sa akin si Jasper,
nakatingin siya sa akin ngunit hindi ko nalang iyon pinansin, nagpatuloy lang
ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aking upuan.
"Hoy
bakla! Umalis ka nga dyan sa upuan ko." ang galit na boses ng isa naming
ka-klase, Sa sobrang lutang ko ay hindi ko napansin na iba pala ang aking
naupuan. Tatayo na sana ako upang lumipat ng pwesto ngunit biglang sumabat si
Prince.
"TANG
INA KA! Ba't mo sinasabihan ng bakla itong kaibigan ko?" ang
nanggagalaiting pagsagot ni Prince.
"Eh
bakit? Totoo naman diba?" sabay tawanan ng mga kabarkada nito.
Magsa-salita
pa sana si Prince ngunit umawat na ako, ayoko magkaroon ng gulo at isa pa'y
tama din naman ang sinabi ng ka-klase namin, isa akong bakla.
"Tama
na Prince, pasensya na classmate nagkamali ako ng inupuan." ang
pagsasalita ko.
"Sa
susunod kasi umayos ayos ka! Wag kang ba-bakla bakla! May itsura ka bading ka
naman pala!" ang patuloy na pangungutya at pagtawa nila.
Hindi
ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi niya, nanahimik lang ako at naupo sa
isang sulok.
"Bakit
hindi ka man lang lumaban Ateng?" ang pagtatanong ni Prince.
"Para
saan pa? Totoo naman ung sinabi niya..." ang tugon ko.
"Ewan
ko ba sayo! Pag hindi ka kasi lumaban mas lalo ka lang nilang aapihin."
ang tugon ni Prince.
Hindi
na ako kumibo sa sinabi ni Prince. Ito na ang huli naming klase ngunit mukhang
liliban pa ata ang aming professor, mahigit isang oras na ngunit wala pa din
ang aming prof, isa isa nang naglabasan ang aming mga ka-klase at sumabay na
din kami ni Prince. Pagkalabas namin ng campus ay nag-aantay pala si JL sa
akin. Ngumiti lang si Prince at sabay bulong ng "Siya ba yun Ateng? Panalo
ha..." sabay tawa naming dalawa.
"Mauuna
na ako Ateng!" ang pagpapa-alam ni Prince.
"Hoy
sumabay ka nalang sa amin at ihahatid ka namin." ang pag-aanyaya ko kay
Prince.
"Ok
lang ako Ateng! Wag mo na akong problemahin, enjoy nalang kayo, Babush!"
sabay kaway sa akin ni Prince.
Nang maka-alis na si Prince ay agad kong nilapitan si JL.
"Kanina
ka pa ba?" ang pagtatanong ko.
"Ah...Eh...Ngayon
ngayon lang." halata sa tono ng kanyang pananalita ang
pagsisinungaling.
"Sana
hindi mo nalang ako inantay, papaano kung hindi kami nai-dismiss ng maaga? Eh
di namuti ang mata mo sa kakaantay..." ang may bahid na pag-aalala sa
aking pagsasalita.
"Ano
ka ba! Ok lang ako, gusto ko lang kasing bumawi..." ang tugon ni JL.
"Hindi
mo naman kailangan bumawi eh...Ayos na tayo. Diba nga eh tayo na ulit."
ang mahinahong boses ko.
"Gusto
ko kasing mapasaya ang Asawa ko..." ang tugon niya sabay kindat at ngiti
sa akin.
"Haha
sige na nga, tara na! Ihatid mo na ako pauwi." agad naman niyang binuksan
ang pintuan at para akong isang prinsesa na inalalayan. Nang makasakay na ako
ay agad nadin siyang sumakay at nagsimula ng magmaneho.
Habang
patuloy sa pagmamaneho si JL ay nagtataka ako dahil iba ata ang tinatahak
naming landas.
"Saan
ba tayo pupunta?" ang takang pagtatanong ko.
"Dyan
lang! Kakain lang tayo." ang simpleng sagot niya.
Hindi
na ako kumibo dahil medyo nakakaramdam nadin ako ng gutom...
Wala
pang isang oras ng makarating kami sa isang pang-mayamang restaurant.
"Bakit
dito pa tayo kakain? Alam mo namang hindi ako sanay na kumain sa mga
pang-sosyal na resto." ang pagsasalita ko.
"Gusto
ko lang naman maging special ang araw na ito..." ang naging tugon ni
JL.
"Hindi
mo naman ako kailangan dalhin sa ganito, Ok na ako sa fishball, qwek qwek,
kikiam, squidballs o shomai." ang tugon ko.
"At
isa pa, hindi ka ba nahihiya na makasama mo ako sa ganyang restaurant?"
ang pagdagdag ko sa aking sinabi.
"Bakit
naman ako mahihiya? Wala naman tayong masamang ginagawa." ang tugon ni
JL.
"Eh
basta! Ayoko kumain dyan, doon nalang tayo kumain oh..." sabay turo ko sa
kabilang kalye.
"LUGAWAN?"
ang matawa tawang pagtatanong ni JL.
"OO!
Masarap yan! Tapos ayon oh, may fishballan pa!" ang masayang tugon
ko.
"Sigurado
ka?" ang takang pagtatanong ni JL.
"Ako
ang dapat magtanong niyan! Sigurado ka bang kaya mong kumain ni lugaw at
fishballs." ang nakangiting tanong ko.
"Oo!
Ako pa tinanong mo? Baka gusto mong kumain ako ng sisiw ng balot?" ang
matawa tawang tugon nya.
"Hahaha!
Sige kumain ka ng balot mamaya ha...Tara na kain na tayo doon!" ang tugon
ko.
Agad
kaming nagpunta sa isang maliit na lugawan at nag-order ng aming makakain.
"Wow! Madami pa pala akong hindi alam kay JL, Ang isang
anak mayaman ay kaya palang kumain ng pagkaing kalye? Sa totoo lang ay
napaka-sweat niya, ginagawa niya ang lahat upang mapasaya lang ako, hindi ko
masasabing ka-plastikan lang ang ipinapakita ni JL, Totoo ang sinabi niya,
Mahal niya talaga ako. Ako kaya? Mahal ko pa ba siya katulad ng dati?" sa
isip isip ko.
"Hey! Hey!" si JL sabay tapik sa aking mukha, hindi ko
namalayan na nakatitig nalang pala ako kay JL at hindi kumakain.
"What's wrong?" ang pagtataka niya.
"Ah...Wala ito! Wag mo nalang akong pansinin." ang
tugon ko.
"Wehhhhh? Baka may dumi ako sa mukha ah... Titig na titig
ka kasi sa akin eh...Siguro nagwa-gwapuhan ka sa akin?" ang pagsasalita ni
JL.
"Kapal mo! Kumain na nga lang tayo." ang naging tugon
ko sabay subo ng pagkain.
Nang matapos na kami kumain ay akala ko ay uuwi na kami ngunit
may pupuntahan pa daw kami.
"Saan nanaman tayo pupunta?" ang takang pagtatanong
ko.
"Magba-bar tayo!" ang simpleng sagot niya.
"Ok lang sa akin na mag-bar tayo pero wag naman sa
pang-sosyal ha..." ang naging tugon ko.
"Yap! Mage-enjoy ka dun promise!" ang tila excited na
sagot ni JL.
"Ok." ang maikling tugon ko.
Wala pang labing minuto ay nakarating na kami sa isang comedy
bar, at tila ginanahan ako at na-excite. Nang makapunta na kami sa comedy bar
ay naupo kami sa hindi gaanong kalayuan at nag-order si JL ng maiinom.
Nang maka-order na si JL ay nagsisimula palang na magtugtog ang
iba't ibang banda, wala pa ang mga comedians at puro kanta lang ang aming
nadidinig. Habang umiinom kami ni JL ay hindi namin maiwasan ang magkwentuhan,
sa sobrang sarap ng aming kwentuhan ay hindi namin namalayan na nag-uumpisa na
palang magpatawa ang mga comedians.
"Ayiieee! Tignan niyo yung dalawang iyon oh... Ang sweet
nila! Hoy baka langgamin kayo dyan." ang pang-ookray ng isang komedyante,
nagulat nalang ako ng biglang nagsitinginan ang mga tao sa direksyon namin.
"HA?" ang pagtataka ko.
"Hello dalawang nag-gwagwapuhang mag-couple." sabay
baling ng paningin ng komedyante sa amin. "Maaari ba kayong magpuntang
dalawa dito sa stage." ang pagtatanong ng komedyante.
"Tara..." ang pag-aayaya sa akin ni JL.
"Ayoko JL." ang pagtanggi ko, sabay muwestra ng kamay
na ayoko.
"Tayo na! Walang KJ! Tatayo na yan! Tatayo na yan!"
ang sigaw ng mga tao.
Kahit ayokong tumayo ay napilitan padin ako dahil sa pagpilit ng
mga tao. Hinawakan ni JL ang aking kamay at inalalayan sa pagtayo.
"Ay Prinsesa lang ang peg?" ang pagbibiro ng
komedyante sabay tawanan ng mga tao, halos lahat ng mata ay nakatingin sa amin
at ako'y naiirita.
Nang makatayo na ako ay agad kaming nagpunta sa stage at
tinanong ng komedyante.
"Anong pangalan mo?" sabay lapit ng mikropono sa akin.
"Paul po." ang sagot ko.
"Ano ka ba Paul! Wag mo na nga akong pino-po! Magkasing
edad lang kaya tayo! Kahit mukhang gurang ako ay bata pa ako." ang
pagbibiro ng komedyante. Nagtawanan ang mga tao at nagpatuloy sa pagtatanong
ang komedyante.
"Ikaw naman? Hot baby loves? Anong pangalan mo." sabay
hawak niya sa mga matitipunong katawan ni JL.
"John Louie." ang suwabeng sagot ni JL.
"Wow! Ang laki naman ng katawan mo Papa John Louie! Kaano
ano mo siya?" sabay turo sa akin.
Kalmado lang ako ng madinig ang tanong ng komedyante, alam ko
naman kasing Kaibigan lang ang sasabihin ni JL ngunit nagkamali ata ako.
"Asawa ko..." ang sagot ni JL, halos lahat ng tao ay
naghiyawan at ung iba naman ay nagpalakpakan at syempre ung iba ay hindi
maiwasang mangutya.
"Ang haba ng hair niya! Umabot hanggang EDSA!" ang
pagbibiro ng komedyante.
Ngumiti lang ako at tila na-freeze ang aking utak sa mga
nangyayari. Naramdaman ko nalang ang kamay ni JL na humawak sa kamay ko.
"Oy, pasensya ka na ha... Hinawakan ko yung abs ng asawa
mo.." ang patuloy na pagbibiro ng komedyante, kung kanina'y mga simpleng
tawa lang ang nadidinig ngayon naman ay halos sumabog ang comedy bar sa sobrang
tawanan ng mga tao.
"Ok lang, nagsawa na ako dyan." ang tugon ko sabay
hiyawan ng mga tao.
Puro halakhakan at sigawan lang ang madidinig sa comedy bar,
patuloy padin kaming ino-okray ng komedyante at sinasakyan nalang namin ito.
Nang matapos na ang pag-papatawa ng komedyante ay nakita ko si JL na kinausap
ang komedyante at tila may ibinulong.
"Thank you very much sa dalawang ito na sports at
nakipag-okrayan ngayong gabi! Palakpakan naman po natin sila." ang huling
pagsasalita ng komedyante, halos wala akong madinig dahil sa lakas ng
palakpakan ng mga audience, Nang makabalik na kami sa aming upuan ay madaming
gays,bi or straight ang nagpa-picture sa amin at nakipagkwentuhan. Halos lahat
sila ay na-inspired sa istorya naming dalawa ni JL.
"Ngayon ay iniimbitahan ko po si Mr.John Louie na umakyat
dito sa ating stage at siya ay kakanta para sa kanyang special someone,
palakpakan naman po natin si Mr.John Louie." sabay palakpakan ng mga
audience, nagulat ako ng si JL ang tumayo akala ko kase ay ibang John Louie ang
kakanta, sa pagkakaalam ko kasi ay hindi marunong kumanti si JL ngunit ng
makapunta na siya sa stage at nag-umpisa ng kumanta ay halos namangha ako sa ganda
ng kanyang boses.
"I'm Yours" by Jason Mraz
Well you dawned on me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted
I fell right through the cracks, now I'm trying to get back
Before the cool done run out I'll be giving it my bestest
And nothing's gonna stop me but divine intervention
I reckon it's again my turn, to win some or learn some
But I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm yours
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you're free
Look into your heart and you will find love love love love
Listen to the music of the moment, people dance and sing
We're just one big family
And it's our God-forsaken right to be loved loved loved loved loved
So I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm sure
There's no need to complicate, our time is short
This is our fate, I'm yours
I've been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
But my breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed
I guess what I be saying is there ain't no better reason
To rid yourself of vanities and just go with the seasons
It's what we aim to do, our name is our virtue
But I won't hesitate no more, no more
It cannot wait,
I'm yours
Open up your mind and see like me
Open up your plans and damm your free
Look into your heart and you'll find the sky is yours
So please don't, please don't, please don't
There's no need to complicate cause our time is short
This o' this o' this is our fate
I'm yours...
I fell right through the cracks, now I'm trying to get back
Before the cool done run out I'll be giving it my bestest
And nothing's gonna stop me but divine intervention
I reckon it's again my turn, to win some or learn some
But I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm yours
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you're free
Look into your heart and you will find love love love love
Listen to the music of the moment, people dance and sing
We're just one big family
And it's our God-forsaken right to be loved loved loved loved loved
So I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm sure
There's no need to complicate, our time is short
This is our fate, I'm yours
I've been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
But my breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed
I guess what I be saying is there ain't no better reason
To rid yourself of vanities and just go with the seasons
It's what we aim to do, our name is our virtue
But I won't hesitate no more, no more
It cannot wait,
I'm yours
Open up your mind and see like me
Open up your plans and damm your free
Look into your heart and you'll find the sky is yours
So please don't, please don't, please don't
There's no need to complicate cause our time is short
This o' this o' this is our fate
I'm yours...
"WOW! PALAKPAKAN naman po natin si Mr. John Louie para sa
nakaka-inlove niyang boses." halos lahat ng tao ay nagpalakpakan at ang
iba naman babae ay nagsisitili.
Nang makabalik na si JL sa aming upuan ay pinalakpakan ko siya...
"Ang galing mo palang kumanta! Hindi mo man lang sinabi sa
akin." ang pagsasalita ko.
"Hahahahaha! First time ko nga kumanta sa madaming tao
eh." tugon niya.
"Asus! Pa-humble pa!." ang naging tugon ko.
"Hahaha, masarap kumanta kapag may-inaalayan ka ng iyong
kinakanta, katulad ng kanina kinanta ko iyon ng buong puso para sayo."
sabay ngiti ni JL.
"BOLERO ka talaga!" ang naging tugon ko.
Nagtawanan lang kami at nagpatuloy sa paginom ng alak at
pagku-kwentuhan.
Mag-aala una na ng napagdesisyunan naming umuwi
na, napadami ang inom namin kaya hindi na kinaya ni JL na magmaneho. Ako naman
ay may sapat pang lakas at nasa tamang pag-iisip pa ngunit hilong hilo
ako.
Habang nag-aantay ako ng taxi ay akbay akbay ko
si JL at dahil sa mas malaki siya sa akin at mas mabigat ay hindi ko kinayang
alalayan siya, buti nalang ay may naglakas loob na tumulong sa amin at ng
makahanap na ako ng taxi ay agad kaming sumakay at tinungo na namin ang aming
tirahan. Mahigit isang oras din ang biyahe bago kami nakarating sa aming bahay,
kumatok ako at tama nga ang hinala ko, nag-aantay si mama.
"Ikaw na bata ka, hindi ka man lang
nagpapa-alam" sabay pingot sa aking tenga.
"Bukas niyo na ako sermonan ma, tulungan
mo muna akong buhatin itong si JL at iakyat sa kwarto ko.
"Oh siya halika at tulungan na kita."
nang maakyat na namin si JL ay inihiga ko siya sa aking kama at humingi ako kay
mama ng mainit na tubig at bimpo.
"Kaya mo bang punasan siya, anak?"
ang pagtatanong ni mama.
"Ok na po ako dito ma, kaya ko na po ito. Magpahinga
nalang po kayo, ako na pong bahala sa kanya." tumango lang si mama at
hinalikan ako sa pisngi.
"Good night ma."
"Good night anak." sabay sarado ni
mama ng aking pintuan.
Nang makalabas na si mama ay sinimulan ko ng
punasan ang mukha ni JL at pagkatapos ay ang kanyang leeg hanggang sa ibabang
parte ng kanyang katawan, hindi ako nailang na hubarin ang kanyang mabangong
damit at maging ang kanyang pantalon at brief ay hinubad ko din. Lahat ng parte
ng katawan niya ay pinunasan ko ng basang bimpo, Wala akong libog na naramdaman
ng makita ko ang kabuuan ng katawan ni JL. Nang matapos ko na siyang punasan ay
naghalungkat ako ng preskong damit na maaaring ipahiram kay JL. Habang
sinusuotan ko siya ng damit ay bigla niyang hinawakan ang aking leeg at
inilapit sa kanyang labi. Napakalambot talaga ng labi ni JL kahit amoy alak ang
kanyang bibig ay napakasarap pa din nito, dala na din siguro ng alak na nainom
ay nagawa kong makipag-pasahan ng laway kay JL at sa gabing iyon ay
pinagsaluhan namin ang aming mga katas. [For more torrid Scene, message me at
my facebook account @www.facebook.com/iampaulperez ]
Pagkagising ko ay parang buko ang ulo ko na unti-unting binibiyak sa sakit. Buti nalang ay rest day namin at wala akong aasikasuhing takdang aralin. Tinignan ko si JL at tila sarap na sarap sa pagtulog at himbing na himbing. Nilapitan ko ang kanyang mukha at inisa isa kong tinignan ang kaliit liitang detalye ng kanyang mukha.
"Napaka-swerte ko sayo JL, Kahit na
nagkamali ako ay tinanggap mo pa din ng buong buo, Ibinuhos mo ang lahat ng
pagmamahal mo sa akin ngunit ako hindi ko lubusang naibibigay ang pagmamahal ko
sayo, Minahal kita JL dahil tinanggap mo ako bilang ako at hindi mo man lang
ako pinakitaan ng masama. Oo nagkasala ka ngunit alam kong nagsisisi ka na at
hindi mo na magagawang magtaksil ulit sa akin, I love you John Louie." sa
isip isip ko sabay halik sa kanyang labi, sakto naman dahil bigla niyang
minulat ang kanyang mata. Inialis ko agad ang aking labi ng makita kong gising
na siya, ngunit tila nabitin siya sa aking ginawa kaya agad niya akong
hinalikan at niyakap.
Nang matapos na ang paghahalikan namin ay
ngumiti naman si JL na parang isang anghel at sinabing.
"Good Morning Asawa ko!" ang ganadong
pagsasalita ni JL.
"Psssst, wag kang maingay baka madinig
tayo ni Mama." ang tugon ko.
"Ok, anong oras na pala?" ang
pagtatanong niya.
"Mag-aalas nuebe na..." tugon
ko.
"Ay mauuna na ako Asawa ko, may
aasikasuhin pa ako eh..." ang natatarantang tugon ni JL.
"Ah ganon ba? By the way ung sasakyan mo
pala naiwan doon sa may comedy bar." ang pagpa-paalala ko.
"No problem, hindi naman mawawala iyon.
Magta-taxi nalang muna ako pauwi." ang tugon niya.
"Ok." ang maikling tugon ko.
Pagkapalit niya ng damit ay agad siyang bumaba
at nagpaalam kay mama, ihahatid ko sana siya ngunit tumanggi siya.
At dahil wala naman akong pasok na araw na iyon, napagdesisyunan kong makipagbonding kay Kelly at saktong wala din pala siyang pasok.
Pagkatapos
kong maligo ay nagtungo agad ako sa bahay ni Kelly.
"Goodmorning
po tita! Nasaan na po si Kelly?" ang pagtatanong ko.
"Goodmorning
din ijo, Nasa kwarto ang bestfriend mo, puntahan mo nalang." ang tugon ni
tita. Tumango lang ako at agad na nagtungo sa kwarto ni Kelly.
"Bes!"
ang pasigaw ko ng makita ko siya.
"Beeees!"
sabay takbo sa akin ni Kelly at agad akong niyakap.
"Kumusta
ka naman?" ang pagtatanong ko.
"Aba!
Dapat ako ang magtanong niyan! Alam mo namang lagi akong Ok! Oh ano kumusta ka
kasama si Jasper?" ang nakakalokong tanong ni Kelly.
"Leche!
Jasper ka dyan!" ang kunwaring naiiritang sagot ko.
"Ay
galit galitan ang peg? So ganon? Ay sosyal ha! Wedding ring? Kaylan kasal? Ba't
hindi mo ako inimbita?" ang sunod sunod na tanong ni Kelly ng makita ang
suot kong singsing.
"Kasal?
Wtf! Hahaha." ang tugon ko.
"Eh
ano yan? Trip mong bumili lang ng mamahaling singsing?" sabay taas ng
kilay ni Kelly.
"Shunga!
Wala akong pambili ng ganito kamahal na singsing noh! Ibinigay sa akin ito ni
JL." ang tugon ko.
"Whaaaaaaaaat!?
Nagkabalikan na kayo? Ang haba ng hair mo bes! Ikaw na si Rupunzel!" ang
maloka-lokang tugon ni Kelly.
Bigla
akong natahimik at tila umurong ang aking dila.
"Oh
ba't natahimik ka? Hindi ka ba masaya?" ang pag-aalala ni Kelly.
"Yun
na nga Bes eh... Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito! Ginawa niya na ang
lahat lahat pero parang may kulang." ang malungkot kong pagsasalita.
"Alam
mo bes, sa love hindi kailangan maging isang daang porsyento na siya lang
bubuo, kung may pagkukulang man siya sa tingin ko ay ikaw na ang dapat pang
magdagdag. Ikaw ang nakakitang kulang ang pagmamahal ikaw din ang gumawa ng
paraan upang maging sakto ito." ang mala-mkk na pagpapayo ni Kelly.
"Tama
ka nga bes, siya lang ang gumagawa ng way upang maayos itong relasyon na ito,
sa tingin ko ay wala kay JL ang pagkukulang, ako ang may pagkukulang at ako din
ang dapat gumawa ng paraan upang matugunan ang pagkukulang na iyon." ang
naging tugon ko.
"Tama yan bes! Dapat habang maaga pa ay solusyunan mo na." ang payo ni Kelly.
"Tama yan bes! Dapat habang maaga pa ay solusyunan mo na." ang payo ni Kelly.
"Salamat
bes! Ay teka nga lang, matanong ko lang. Ikaw bang babaeng ka ay may boyfriend
na." ang pagtatanong ko.
"Ano
ka ba bes! Wala akong panahon sa ganyan noh!" kitang kita sa mukha ni
Kelly ang pagkailang sa tanong ko.
"Ay
pwedeng pwede pala si Raymond!" ang pabulong kong pagsasalita.
"Ano
yon bes? Raymond?" ang naguguluhang tanong niya.
"Ahhhhh
wala..." ang tugon ko.
"Hindi
nga bes, may nadinig ako eh..." ang pagpipilit ni Kelly.
"Ang
sabi ko pwedeng pwede pala mangligaw si Raymond." ang tugon ko.
"Sinong
Raymond bes? Yung tauhan nila JL? Siya ba?" ang natatarantang pagtatanong
ni Kelly.
"Oo,
si Raymond bes. May gusto siya sayo." ang pag-amin ko.
"TALAGA?
Seryoso?" si Kelly na biglang namula ang mga pisngi.
"Bakit
bes? Interasado ka ba kay Raymond?" ang pagtatanong ko.
"Ah...Eh...
Hindi noh!" si Kelly na mas lalong namula.
"Asus!
Sinungaling! Basang basa na kita bes! Hindi mo na ako maloloko." ang wika
ko sabay ngiti.
Hindi
agad nakasagot si Kelly at napaupo nalang sa gilid ng kanyang kama.
"Oh
ano? Tama ba ako bes? Mahal mo din si Raymond noh?" ang pangungulit
ko.
"Oo
bes." ang maikling tugon niya.
"Sabi
ko na nga ba eh! Tinamaan ka na ni kupido!" ang korning tugon ko.
"Pero
bes, kung gusto niya ako... Eh ba't hindi siya gumagawa ng paraan upang ligawan
ako?" wika ni Kelly sabay tulo ng kanyang luha.
"Bes
ako naman ang magpapayo sayo, Siguro kaya hindi ka niya nililigawan dahil ayaw
niyang masira ang pangarap mo, gusto niyang makatapos ka ng pag-aaral at isa pa
siguro ay wala pa siyang mukhang ihaharap sayo. Sa tingin ko ay gusto niyang
makapagtapos ng pag-aaral upang may maipagmalaki siya kung saka sakaling
manligaw man siya." ang pagpapayo ko kay Kelly.
"Siguro
nga bes, siguro iniisip niya lang ang kapakanan ko." ang naging tugon ni
Kelly.
"Kung
hindi man ngayon bes, may tamang oras para sa lahat ng yan. Siguro hindi pa ito
ang oras upang magbukas ang libro ng storya mo at hindi pa ito ang oras upang
malaman ang unang yugto ng iyong pag-ibig." ang pagdagdag ko sa aking
sinabi.
"Bes,
san mo napupulot yang mga payo mo? May pinaghuhugutan ka ba?" wika ni
Kelly sabay tawa.
"Gusto
ko lang mapagaan ang loob mo shunga! Kaya smile ka na at gumala na tayo."
ang tugon ko.
"Tara
na nga! Tama na ang senti moments!" ang tugon ni Kelly sabay hatak sa
aking kamay.
Pagkapaalam namin kay tita ay agad kaming umalis ni Kelly at
nagtungo kami sa paborito naming kapehan.
"Bes tagal na nating hindi nagpupunta dito noh?" wika
ni Kelly.
Hindi ako nakasagot at tila nagflash back ang mga nangyari.
FLASHBACK
Tumawa lang sya alam niya kasing totoo ang aking sinasabi.
Nakarating na nga kami sa sinasabing sikat na mall at katulad ng
dati ay para akong bodyguard ni kelly, taga bitbit ng paper bags taga suggest
kung ano ang mas maganda, hindi naman ako naiinis pag ganyan ang nangyayari,
natutuwa pa nga ako eh feeling ko ay sweet yun. Nalibang nga ako ng husto at
pansamantalang nakalimot sa problemang dinadala. Sa wakas at napagod din si
kelly sa walang humpay na pamimili, siya naman daw ang magttreat sa akin,
nagorder ulit kami sa aming paboritong kapehan.
"Bespren alam mo na ulit ang order ko ha."
"Owki dowki!"
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakita ko nanaman ung lalaking
nabunggo ko hindi ko alm kung ito'y sinasadya. Humarap ulit ang lalaki ngunit
hindi siya nakatingin sa aking parang naulit ang pangyayari parang nadejavu
ako. Tatayo na sana ako para puntahan ang lalaki nang mabunggo ko ang isang
bata napaupo ito sa sahig at umiyak. Tinayo ko agad ang bata at pinatahan, nang
tumigil na ang bata ay pupuntahan ko na sana ang lalaking nakabungguan ko noon
ngunit mukha talagang sinasadya ng panahon na hindi kami magkita, Nawala na
siya hindi ko alam kung saan siya nagpunta para siyang bula na napakabilis
mawala.
Naputol nalang ang pagkakatulala ko ng biglang pasuin ako ng
mainit na kape ni kelly.
"Aray ang init!"
"Ayan ka nanaman bespren eh, natutulala ka nanaman."
"Eh kase naman bespren nakita ko nanaman ung lalaki."
"Nako bespren imahinasyon mo lang talaga yan!"
"Hindi bespren totoo talaga ung nakita ko, Promise!"
"Sige sabi mo bespren eh! "
Natahimik nalang ako at nagisip "Sa pagkakataong ito hindi
na talaga ako nagkamali, totoong totoo talaga eh."
"Natahimik ka ata bespren?"
"Iniisip ko talaga siya eh."
"Kung saka sakaling makita mo ulit siya aba tumakbo ka at
sumigaw ka na para makita ka niya."
BACK TO REALITY
"Oy bes! Ano nangyari sayo?" ang pagtatanong ni Kelly
habang tinatapik ang aking braso.
"Oy bes! Andyan ka na pala." ang tugon ko.
"Ayan ka nanaman eh! Bumalik nanaman yung sakit mo na
nanaginip ng gising!" ang matawa tawang tugon ni Kelly.
"May iniisip lang kasi ako." ang naging tugon ko.
"Ano? Yung misteryosong lalaki na lagi mong nakikita at ito
pala'y si JL?" ang prangkang pagsasalita ni Kelly.
"Oo bes, bigla ko lang naalala ang una naming
pagkikita." ang mahinahon kong sagot.
"Mahal mo ba talaga si JL?" ang rektahang pagtatanong
ni Kelly.
"Hindi ko alam bes, naguguluhan pa ako." ang pagsagot
ko.
"Saan ka naman naguguluhan? Wala ng hadlang sa pagmamahalan
niyo diba? Baka may mahal ka namang iba." ang pagtatanong ni Kelly.
"Ewan." ang matipid kong sagot.
"Tara na nga bes, maglibot libot muna tayo para mawala ang
badvibes mo at mapalitan ng goodvibes." wika ni Kelly.
"Siguro nga bes." ang tugon ko.
Pagkatapos namin kumain ay naglibot libot kami, parang walang
kasawaan ang aming paa sa paglalakad. Mag-aalas kwarto na ng hapon ng
napagpasyahan namin na umuwi na dahil medyo nakaramdam nadin kami ng pagod.
Hinatid ko muna si Kelly sa kanilang bahay bago ako umuwi.
Pagkapasok ko ng aming bahay ay bumungad sa akin si mama at papa
na nakaupo sa aming sala at tila hindi maitimpla ang mukha. Agad akong nagmano
sa aking magulang at para bang nanibago ako dahil seryosong seryoso ang
kanilang mukha.
"Ma, may problema po ba kayo?" ang pagtatanong ko,
hindi umimik si mama at nanatiling tahimik. Pagkatingin ko naman kay papa ay
parang nagliliyab ang kanyang mga mata sa sobrang galit.
"Anak mag-usap nga tayo, umakyat ka sa kwarto mo." ang
mahinahong pagsasalita ni mama.
Kahit wala akong kaalam alam sa mga nangyayari ay sumunod padin
ako sa utos ni mama, pumanik agad ako at pumasok sa aking kwarto. Pagkapasok ko
ng aking kwarto ay nakasunod si mama ngunit si papa ay nanatiling nasa sala.
"Bakit po ba Ma?" ang mahinahon kong pagtatanong.
"Anak, umamin ka nga. BAKLA ka ba?" ang pagtatanong ni
mama na ngayon ay nag-uumpisa ng umiyak.
Hindi ako nakapagsalita at tila nawala sa aking sarili.
"Bakit? Papaano? Sino? Saan? Kaylan?" ang patuloy
tuloy na pag-iisip ko.
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento