Mga Pahina

Linggo, Agosto 25, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [20]


DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.



"Minsan kailangan mo pa din ngumiti para malaman nila na 
kahit nasasaktan ka, KINAKAYA mo pa din."


CHAPTER 19: The Nightmare

"Paul gumising ka, Paul binabangungot ka!" ang paulit ulit na pagyugyog at pag gising sa akin ng aking kapatid. Namulat ko ang aking mata at tila kabadong kabado. "Ateeeeeee!" sabay yakap ko sa aking nakakatandang kapatid at humagulgol na parang bata. "Hahahahhahahahahaha ano ba ang nangyari sayo Kapatid? Bakit para kang mamamatay sa kakasigaw?" ang ate kong walang sawang tumatawa. "Ate gising na ba ako?" ang pagtataka ko. "Shunga ka talaga Kapatid! Oo binabangunot ka andami mo kayang sinasabi! Hahahhaha" ang patuloy na pagtawa ng aking nakakatandang kapatid. "So, hindi totoo ang nangyari kanina?" ang pagtatanong ko. "Anong nangyari kanina? Eh kakauwi mo lang tapos natulog ka diyan tapos nagulat nalang ako na nagsisigaw ka. Hahahahaha" ang pagku-kwenta ng aking ate. "YEEEEEEEEEEEEEEEEEES nananaginip lang palaaa! Yepeeee!!!" ang pagsigaw ko na may halong pagtatalon. "Oh siya Paul matutulog na ako, istorbo ka talaga eh! Matulog ka na din at may pasok ka pa kinabukasan." Alas kwarto na ng madaling araw ng gisingin ako ng aking nakakatandang kapatid, sinubukan kong matulog ulit ngunit hindi na ako dinalaw ng antok, Mag-isa lang ako sa aking kwarto at pilit na inaalala ang lahat. "Ba't ganoon kagigising ko lang pero nakalimutan ko na ang mga napanaginipan ko? Ang weird naman!" Habang nasa gitna ako ng pagiisip ay biglang tumunog ang aking cellphone, May nagtext pala ngunit hindi naka save ang numero niya sa aking contacts, Binasa ko ang text at ako'y nagreply upang malaman kung sino ba siya. 

"Hello paul! Goodmorning! Gala tayo mamaya pagkatapos ng school mo?" ang message sa akin ng isang anonymous. 

"Uhhm sino ka ba?" ang pagtatanong ko. 

"Hala! Kanina lang nagkita tayo sa mall!" ang pagrereply niya. 

"Yea! Hahahaha alam ko na kung sino ka! Heeeey Kristan!, pasensya hindi kasi nakasave number mo eh." 

"Haha ok lang! At least alam mo na kung sino ako! Save mo number ko ha..." 

"Yap, bakit ka nga pala nagtext?" ang pa-inosenteng tanong ko kahit alam ko naman na mag-aaya siyang gumimik mamaya. 

"Wala lang, gusto ko lang gumala... Wala naman kasi akong kasama eh.." 

"Ahh ganoon ba? Sige dadamayan kita. Kaso mga alas ocho pa ang uwi ko, maaantay mo ba ako?" 

"Yap! Wala naman kasi akong gagawin mamaya eh..." ang pagrereply ni Kristan. 

"Ok ok see yah later!" 

"Yeaaaah!" ang reply ni Kristan. 

Pagkatapos namin ang usap ni Kristan ay naghanda na ako ng aking gamit, Kahit alas ocho pa ang una kong klase ay agad na naligo na ako upang makarating ng maaga sa paaralan dahil gusto ko agad makilala ang mga bago kong ka-klase. Alas siete ako naka alis ng aming bahay at tila ganadong ganado sa unang klase ng pasukan, Hindi na ako sumakay dahil walking distance lang naman ito at isa pa'y gusto ko din makalanghap ng malamig na hangin, gusto kong makita ang mga batang naglalaro ng holen kahit umagang umaga, Napagisip isip ko tuloy na "Ang sarap talagang maging bata!" dahil sa pagiimahinasyon ko ng kung ano ano ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa aking paaralan, Hinanap ko ang aking unang klase at pumasok sa aking room, naupo ako sa bandang likuran at nag-aantay ng mga estudyanteng papasok. Sa bawat minuto na lumilipas ay unti unti ng napupuno ang aming room, Halatang halata sa mga kaklase ko ang closeness nila dahil parang sabik na sabik makita ang isa't isa.

Daldalan dito, daldalan doon, chismis dito hanggang roon. Para akong tanga dahil wala man lang akong kausap para bagang na out of place ako at hindi belong sa grupong ito, palibhasay magkaka-klase sila sa umpisa palang at ako'y nakiki-join lang at saling pusa, Akala ko'y mapapanis nalang ang aking laway pero nagkamali ako may kumausap sa akin, Katabi ko siya at halatang mayaman dahil maputi't may itsura itong lalaking ito, Pero nagkamali ako ng madinig ko siyang magsalita. 

"Hello ateng! Kumusta ka?" ang pagbati niya at halatang malambot ang boses. 

"Walang hiya ito! Ang gwapo gwapo ay bakla pala! Kung tititigan mo kase ito ay talagang mabibighani ka sa angkin niyang ka-gwapuhan, hindi siya ung katulad ng ibang bakla na talagang ladlad na at nagmu-mukhang babae." sa isip isip ko.

"Hello!" ang pagtugon ko at bilang pag galang ay kinamayan ko siya. 

"Ano name mo? Bago ka lang dito ano?" ang pagtatanong sa akin ng gwapong bakla! 

"Ha... Ah oo bago lang ako. I'm Paul Perez nga pala nagshift ako dahil hindi ko kinaya ang course ko.." ang pagpapakilala ko sa aking sarili. 

"Ah nice! Ano ang dati mong course?" 

"Uhhm... Masscom." ang maikling tugon. 

"WHAAAAAAAAAAAAA?! MASSCOM? As in M-A-S-S-C-O-M???" ang nakakalokang tugon niya. 

"Ha? Oo bakit?" ang pagtataka ko. 

"Ateng! Bakit kapa nagshift? Eh andoon si Papa Jasper!!! Ang gwapo gwapo kaya nun!" ang parang hihimataying sagot niya. 

"Ha? Eh! Wala naman akong pake kung gwapo siya eh..." 

"Asuz! Huwag mo nga akong lokohin ateng! Maaari mong maloko ang ibang tao pero hindi ang sarili mo! At lalong lalo na hindi mo maloloko ang tulad natin!" 

"Ahh... Hindi kita ma-gets?" ang pagkukunwari ko kahit alam kong may gusto siyang patunayan. 

"Wag ka na ngang magpanggap Ateng! Alam mo ang gusto kong sabihin! Alam mo ang dugong dumadaloy sa atin! Dugong berde! Pink World! Alam mo ang lahat yan! Hahahahaha!" 

"Ewan ko sayo!" ang kunwaring pagkairita ko. 

"Haha ambilis mo naman magtampo! Hindi mo kasi ako maloloko dahil magkadugo tayo at isa pa'y PSYCHOLOGY STUDENT ang kinakausap mo!" 

"Grrrrgh!!! Psssst Wag ka ngang maingay! Oo na tama ang hinala mo..." sabay takip ko sa kanyang bibig ng tangkain niyang magsalita pa. 

"Ummmmmmmmmm..." ang pagpipilit niyang pagsasalita. Tinanggal ko na ang aking kamay dahil nagiging takaw attention na kami.

"Bakit mo ba tinakpan ang bunganga ko ha? Aber?" ang mataray na salita ng gwapong bakla.

"Eh baka ipagsigawan mo eh!" ang medyo naiirita kong sagot, "TANG INA ang lakas naman makaamoy nitong mokong na to!" sa isip isip ko.

"At bakit ko naman ipagkakalat? By the way i'm prince nga pala, pero princess sa gabi." sabay tawa niya at nakisabay na din ako.

"Hahaha sayang naman Prince! Ang gwapo gwapo mo bakla ka pala! Hahaha." ang patuloy na pagtawa ko.

"Haha ayos lang! At least ako masaya ako, eh ikaw?" ang tugon ni Prince.

Bigla akong tinamaan sa sinabi ni Prince. "At least ako masaya, eh ikaw?" Masaya nga ba ako? Ang hirap palang magtago, hindi ko magawa ang gusto kong gawin, para akong bata na tumatakbo sa sarili kong multo. Para akong isang maskara na nagpapanggap na masaya pero ang totoo ay malungkot pala.

"Hoooy!" sabay tapik sa akin ni Prince, natulala pala ako at hindi nakapagsalita sa sinabi niya. "Pasensya Paul... Hindi ko sinasadya." ang pag hingi ng tawad ni Prince.

"Ok lang Prince... Tama ka naman eh, hindi ako masayang nagpapanggap." ang tugon ko.

"Hala sineryoso ni ateng! Biro lang yon! Wag mo na lang akong pansinin, ganito lang talaga ako." ang pagsasalita ni Prince.

"Tama ka Prince, hindi siguro ako masaya sa buhay ko." ang tugon ko na may halong lungkot sa tono.

"Nako tigil tigilan mo nga ako Paulina! Este Paul!" ang tugon ni Prince.

"Hahaha! Wag ka ngang maingay mamaya ay may makarinig eh." ang pagtawa ko sa binigkas niyang salita.

"Hahaha ayan! At least tumawa ka na! Tama na ang badvibes, itapon lahat yan at palitan ng goodvibes!" si Prince na parang si vice ganda ang tono.

Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok ang aming propesor, nanahimik agad kami ni Prince at umayos ng upo. Lahat siguro ng estudyante yan tumahimik at halatang kinakabahan dahil sa postura ng aming propesor, mukha kasi itong masungit at mukhang lumaking dalaga. Ngunit nagkamali ako...

"Gooodmoooorning studeeeeents!" ang pakantang pambungad ng aming propesor, halos lahat kami ay nagtawanan sa aming propesor.

"Ok bako kayo magpakilala ay gusto ko munang magpakilala sa inyo, Ako nga pala si Binibining Dizon ako'y limangput limang taong gulang na, ako ang magiging propesor niyo sa General Psychology at gusto kong lahat tayo ay magpaparticipate sa klase. Ok ba yon guys? Huh?" ang pagpapakilala ng aming propesor, halatang masayahin itong propesor na to at mukhang isa ito sa magiging paborito kong guro. Nang matapos na magpakilala ang aming propesor ay isa isa na kaming tumayo at pumunta sa harapan upang magpakilala at dahil nga nasa bandang likuran ako nakaupo ay natagalan bago ako tawagin. Mga ilang minuto din ako nag-antay upang magpakilala at ng matawag na ako'y naging maayos at maganda naman ang pagpapakilala ko sa aking sarili.

Tatlong oras ang klase ni Bb. Dizon ngunit wala pang isang oras ay nag-dismiss na ng klase ang aming propesor, Lalabas sana akong mag-isa upang makapaglibang libang man lang ngunit tinawag ako ni Prince at sinabi niyang sasamahan niya ako. "Sa totoo lang ay parang hindi nalalayo ang ugali ni Prince kay Kelly bukod kasi sa masayahin ito ay mabait pa kaya kahit ilang oras palang kaming magkasama ay nagkagaanan kami ng loob.

Pumunta kami ni Prince sa cafeteria at duon namin ibinuhos ang aming oras, Daldalan, Kainan, Okrayan at kung ano ano pa.

Habang nag-uusap kami ni Prince ay may tumapik sa aking likuran, nakita ko naman ang reaksyon ni Prince na parang lalabas ang kaluluwa sa sobrang saya. Nilingon ko ang may ari ng kamay na tumapik sa akin at laking gulat ko ng makita ko si Jasper, Akala ko'y nakalimutan ko na siya at nakapag move on na sa mga nangyari ngunit nagkamali ako, nandoon padin kasi ung kilig factor na para bang maiihi ka sa sobrang sayang makita siya.

"Kumusta Paul? Matagal tagal din tayong hindi nagkausap ha..." ang pambungad ni Jasper.

"Ah Eh... O-o-ok lang naman ako." ang pautal utal kong tugon, Nakita ko ang reaksyon ni Prince ng magsalita ako para siyang hihimatayin sa sobrang kilig.

"Nice! Congrats pala tol! Nakapasa ka sa qualifying exam..."

"Salamat! Eh ikaw kumusta ka na?" ang tugon ko.

Magsasalita sana si Jasper ng madinig namin ang sigaw ng isang babae "Babe!" Kung kanina'y sabik at saya ang aking emosyon ngayon ay napalitan ito ng lungkot at pagkawalang gana.

"May bagong girlfriend na pala si Jasper." sa isip isip ko.

"Ah Eh Jasper! Mauna na pala kami ni Prince! Tara na Prince!" ang pagsasalita ko.

"Huh? Gora na agad tayo ateng? Isang oras pa ang break natin ohh..." ang pagtataka ni Prince.

"Halika na kasi!!!" sabay hatak ko kay Prince at tuluyan na kaming lumabas ng cafeteria at iniwan si Jasper at ang Babe niya.

"P-Paul!" ayan ang huli kong nadinig kay Jasper dahil kumaripas ako ng takbo at kinaladkad ko si Prince.

"Teka nga lang Paul!" sabay tigil sa paglakad ni Prince.

"Ohhh bakit? Tara na Prince! Mamaya eh wala tayong maupuan niyan" ang tugon ko.

"Ang OA mo ateng! Isang oras pa Haleeer! Bakit parang iniiwasan mo si Jasper? Aber?" ang pagtatanong ni Prince.

"Ha Eh? Wala... Hindi naman kasi kami close..." ang tugon ko.

"Hindi kayo close? So ganoon iyon? Kinukumusta kalang ng tao Aber!!!" ang mataray na pagsasalita ni Prince.

"Ay nako! Basta hayaan mo nalang siya..." ang tanging naisagot ko.

"Uhhhm... I smell something fishy! Wahahaha..." ang parang demonyong tawa ni Prince. "Basta if handa kang magkwento I'm here for you! I'm a good listener.." ang seryosong pagsasalita ni Prince.


"Salamat Prince ha. Kahit na ngayon palang tayong nagkakilala ay napakagaan ng loob ko sayo, hindi ko nga alam kung bakit ka ganyan maka-amoy ang BANGIS, Hahahaha." ang seryosong sagot ko na may halong biro sa dulo. 

"Hahaha ako pa! Malakas kaya maka-amoy ang gaydar ko! Hahaha" at pagpapatawa ni Prince. 

"Basta Prince, atin atin nalang muna ha..." 

"Ang alin? Ang pagiging Sirena mo? Hahaha oo naman! Promise!" sabay taas ng kanyang kamay upang ipakita ang kanyang pangangako. 

Nagtungo na kami ni Prince sa sunod naming klase at inantay kung dadating ang susunod naming propesor, dahil isang oras pa bago ang aming klase ay nagkwentuhan muna kami ni Prince ng kung ano ano. Halos lahat ng aming ka-klase ay nakita ang pagka-closeness naming dalawa ni Prince, hindi ko nalang pinapansin ang mga sinasabi nilang masama sa akin, "Kesho bakla daw si Prince at nahawa ako" "Pareho daw kaming salot" Ewan ko ba kung bakit hindi matanggap tanggap ng ating lipunan ang ikatlong sekswalidad. Nananatili lang akong tahimik at sa tingin ko ay naiinis na si Prince dahil talagang nilakasan pa nila ang mga salitang "BAKLA!FAGGOTS! GAY! SIRENA!" 
Nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Prince at sinapak ang isang lalaking nang-iinsulto sa amin, plakda ang lalaki at dumugo ang labi nito. 
"ANO? SINO NGAYON ANG BAKLA?" ang matigas na boses ni Prince. 
Hindi sila nakaimik at nagsibalikan sa kani-kanilang upuan, Ngayon alam ko na kung bakit wala gaanong kaibigan si Prince, dahil sya lang ang nag-iisang bakla at kaya sya nakipag-kaibigan dahil nararamdaman niyang iba ako. Matapos suntukin ni Prince ang isa naming kaklase ay bumalik na sya sa kanyang upuan at tumahimik at halatang halata padin ang kanyang pagkainis. 

Dumating ang ikalawa naming propesor at katulad ng dati ay hindi rin ito nagtagal dahil 1st day of school palang. 

"Prince, Ok ka na ba?" ang pagtatanong ko. 

"Ok lang naman ako Paul, tanggap ko naman na bakla ako eh, pero ayokong ini-insulto ang mga kaibigan ko." ang tugon niya. 

"Ah... Ganon ba? Salamat at pinagtanggol mo ako." ang tanging naisagot ko. 

"Wala yon! Basta pag may tarantadong mang-aaway sayo sabihin mo lang sa akin." 

"Wow ha? Lalakeng lalaki ka na huh?" natawa nalang sya sa binigkas kong salita. 

Dalawang oras pa bago ang aming huling klase kaya't naglibot libot muna kami ni Prince, lumabas kami ng campus at nagtungo sa malapit na mall. Nag-windows shopping, Foodtrip at naglaro ng arcade. 

"Ang sarap mo palang kasama noh? Pareho tayo ng mga gusto." ang pagsasalita ko. 

"Hahaha! Syempre pareho tayo ng dugo eh, berdeng dugo!" pareho kaming nagtawanan at nagpatuloy sa pakikipag-kwentuhan habang naglalakad palabas ng mall. 

Labing limang minuto pa bago ang huli naming klase kaya nagpunta muna si Prince sa comfort room upang mag-retouched daw. Inantay ko lang siya sa labas at nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. 

"Bespreeeeeeeeeen! I miss you!!!" si Kelly na sabik na sabik akong makita.

"I miss you too Bes! Kumusta ka?" 

"Ok lang naman ako, Ikaw? May kaibigan ka ba sa section niyo? Baka may bago ka ng bespren ha..." si Kelly na parang bata na nagtatampo. 

"Haha! May bago akong kaibigan pero syempre mas mahal kita at mas bespren padin kita." ang tugon ko. 

"Ansaveeeeeh? Sino yan ateng?" ang pagsingit sa usapan ni Prince. 

"Ay Prince, si Kelly pala ung bespren ko." ang pagpapakilala ko kay Kelly. Nakipag-shakehands naman si Kelly kay Prince bilang pagpapakilala. 

"Alagaan mo tong bespren ko ha..." ang pagsasalita ni Kelly. 

"Nako ako pa! Basta para sa bespren natin gagawin ko ang lahat!" ang tugon ni Prince. 

"Hala? Ano ako bata? Aalagaan pa?" ang pagsasalita ko. Nagtawanan naman sila kaya naki tawa na din ako.

"Bes, mauna na kami ha? May pasok pa kasi kami eh..." ang pagpapaalam ko. 

"Sure sige bes! Ingat kayo." sabay halik sa pisngi sa akin ni Kelly at nag beso beso naman sila ni Prince. Tuluyan na naming iniwan si Kelly at agad kaming nagtungo sa aming klase, pagkakitang pagkakita palang sa amin ng aming mga ka-klase ay agad silang nagsitahimik, para kaming kriminal na itinuturing nilang salot. Pero sa kabila ng pakikitungo nila ay ninais nalang naming manahimik at magpakumbaba. 

Isang oras na pero wala pa din ang aming propesor, kaya't napag-desisyunan na naming umuwi, Nagpaalam na ako kay Prince at ganon din sya sa akin. Nang makarating na ako sa bahay ay naligo agad ako at nagpalit ng damit na pang alis. Nagpaalam ako kay mama na gagabihin sa paguwi dahil may pupuntahan akong kaibigan ko at pinayagan naman niya ako. 

Tinext ko muna si Kristan kung saan kami magpupunta, at ang sagot naman niya ay sa bar daw, ngunit hindi ako pumayag dahil may pasok pa ako kinabukasan kaya't iminungkahi niya nalang na sa apartment niya nalang kami mag-gala. Sinundo niya ako malapit sa mall at sabay naming tinungo ang kanyang apartment. 

Saktong alas-ocho kami nakarating sa kanyang apartment at naglabas agad siya ng inumin. 


"Isang bote lang ang akin Kristan, may pasok pa ako kinabukasan." pumayag naman siya at kami'y nagsimula ng mag-inuman. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento