DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.
"Everybody knows how to LOVE.
But only few people know how to STAY in love with ONE PERSON
for a very LONG period of TIME." -Jpaper
Chapter 16
JL Point Of View
"Hindi
ako makapaniwala na may mangyayaring masama sa asawa ko! Sana ay hinatid ko
nalang siya para sigurado akong ligtas siya! Hindi ko siya iningatan! Wala man
lang akong nagawa! Napaka tanga ko T*ng Ina!" at patuloy na umiiyak at
nagwawala si JL sa kanyang kwarto.
Kinabukasan
ay maagang nagising si JL para pumunta sa ospital at makumusta si paul, habang
naglalakad siya sa lobby ay nasagi siya ng isang gwapo at matangkad na lalake,
ng makita niya ang itsura nito ay si Jasper pala, may dalang bulaklak at
prutas, malamang ay ibibigay niya iyon kay paul.
"Oy
pare! Diba ikaw ang bespren ni paul!" ang pagtatanong ni JL kay
Jasper.
"Oo
ako nga!" may halong pagkamayabang sa boses.
Ang
yabang naman ng mokong na to, sa isip isip ni JL.
"Ako
nga pala si JL kaibigan ni paul." sabay abot ng kamay kay jasper, ngunit
hindi iyon tinanggap ni jasper.
"Ah
oo kilala na kita matagal na! Ikaw diba ang kasintahan ni Paul?" halatang
niyayabangan ni Jasper si JL.
Nagulat
si JL sa mga sinabi ni Jasper, hindi niya inaasahan na may iba na palang
nakakaalam ng kanilang relasyon.
"A-ah
Eh, papaano mo nalaman." ang pagtatanong ni JL.
"Wala
lang alam ko lang! At isa pa diba ikaw din ang tutulong kay paul sa kanyang
pagpapaaral? Alam ko naman na may kapalit iyon eh!"
"Kapalit?
Anong kapalit ang sinasabi mo?" ang pagtataka ni JL.
"Nagmamaang
maangan ka pa! Alam ko naman na inangkin mo na ang lahat kay paul!"
Hindi
nakasagot si JL at napayuko nalang.
"Mauna
na nga ako! Diyan ka na." ang pagpapaalam ni Jasper.
Naiwan
si JL na nakatayo sa lobby at tila nagiisip.
"Bakit
kaya ganoon umasta ang mokong na iyon? Wala naman akong nagawang masama sa
kanya?" ang paulit ulit na pagiisip ni JL.
Pupuntahan
na sana ni JL si paul ng bigla niyang maalala ang bulaklak na ibibigay ni
jasper para kay paul. "Ay shit! Bakit ba ang tanga ko? Bakit ko
nakalimutan na bumili ng bulaklak?" kaya imbes na pumunta si JL kay paul
ay minabuti nalang niyang huwag muna magpunta at bumili muna ng bulaklak sa
pinakamalapit na flower shop.
Nakapunta
agad siya sa flower shop at sinubukang humanap ng magandang bulaklak ngunit
hindi niya alam kung ano ang kanyang bibilihin. Kinausap niya ang tindera at
nagtanong.
"Miss,
ano ba ang magandang bulaklak na pwedeng ipangregalo."
"Para
sa girlfriend niyo po ba sir? Or sa kamaganak lang."
Natawa
ako sa kanyang tanong, hindi naman kasi babae ang pagbibigyan ko kundi
lalake.
"Ah
para sa girlfriend ko." ang pagsisinungaling ko sa tindera.
"Uhhhhm
rose po ang maganda diyan sir."
"Ah
ok sige bigyan mo nga ako ng isang boquet ng rose."
Tuwang
tuwa ako ng makita ko ang inorder ko kaya nagmadali akong magmaneho para
maibigay ko agad ang aking regalo. Nang makarating ako sa ospital ay
nagkakandarapa ako sa pagmamadali. At sa wakas ay nakarating na ako sa kwarto
ni paul, agad kong ibinigay ang bulaklak kong dala at labis na natuwa si
paul.
Nakaramdam
ako ng hiya dahil andoon ang mama ni paul, syempre hindi naman bagay na
magbigay ka ng rosas sa kapwa mo lalake, ngunit napawi ang aking pagkakapahiya
ng makita ko kung gaano kasaya si paul.
"JL
at Jasper salamat sa mga dala niyong bulaklak ha."
Magsasalita
sana ako ngunit biglang sumingit si jasper.
"Wala
yon bespren, basta magpagaling ka agad para makapasok ka na sa
school."
"Ay
jasper napagdesisyonan namin na hihinto muna si paul sa pagaaral at
magpapahinga muna." ang pagsingit ng mama ni paul sa usapan.
"Ay
ganoon po ba." medyo nalungkot ang mukha ni jasper sa kanyang
nadinig.
"Ok
lang yan Jasper. Teka matanong ko lang ba't hindi pa nagpupunta si kel..."
hindi na nagawang ituloy ni paul ang pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto
at agad siyang niyakap ng babaeng bakla.
"Bespren
hindi na ako makahinga."
"Ay
pasensya na bespren! Na miss lang talaga kita." at kumalas na si kelly sa
pagkakayakap.
"Bakit
ba kasi ngayon ka lang dumalaw?"
"Eh
papaano ayan si jasper ngayon lang ako tinext at alam mo na busy ang ateng mo
sa pagaaral."
"Hoy
anong ngayon lang kita tinext? Tinawagan pa kaya kita." ang kunwaring
pagmamaktol ni jasper.
Habang
nakikita ko silang masaya ay hindi ko maiwasang malungkot dahil hindi katulad
ng dati ay nasa akin ang atensyon ni paul, kaya minabuti ko nalang na magpaalam
sa mama ni paul.
"Tita
aalis na po ako."
"Nako
ijo kararating mo lang diba?"
"May
pupuntahan pa po kasi ako, urgent po daw sabi ng boss ko." ang
pagsisinungaling ko.
"Ah
ganoon ba, ok salamat pala sa pagbisita sa anak ko ha."
"Nako
tita wala po iyon, ako nga po ang dapat magpasalamat dahil pinayagan niyo akong
makadalaw."
"Nako
ang batang ito, kami nga ang dapat magpasalamat dahil sa tulong mo sa amin sa
pagbayad ng ospital at sa mga gastusin, at isa pa pwedeng pwede ka naman talaga
magpunta dito eh parang kuya ang turing sayo ni paul."
Ngumiti
nalang ako at nagpaalam na kay tita.
Nakarating
ako sa bahay at para akong tanga na biglang umiyak. "Hindi naman namatay
si paul! Nakalimutan ka lang niya JL." ang pagmumukmok ko, at siguro sa
sobrang drama ko at pagod sa pagiyak ay agad akong nakatulog.
Paul Point of View
"Bakit
kaya umalis agad si JL at hindi man lang nagpapaalam. Hindi ko siya kilala pero
ang gaan ng loob ko sa kanya." ang tuloy tuloy na pagiisip ko.
Hapon
na ngunit nakabantay pa din sa akin si jasper at kelly, siguro ay labis talaga
akong mahal nitong mga kaibigan ko.
Siguro
nga minsan ay nakakalimutan ng ating utak ang mga bagay bagay ngunit ang ating
puso naman ay laging andyan para ipaalala sa atin ang isang bagay.
Nakita
kong kinausap si mama ng doktor at sa tingin ko ay good news ang binalita ng
doktor. Nagmamadaling lumapit sa akin si mama at kinausap ako agad.
"Goodnews
anak makakauwi ka na daw!" ang masayang pagbabalita ni mama.
"Buti
naman Ma! Sobrang bored na kasi ako dito sa ospital eh."
"Nako
bespren magpahinga ka muna pagkauwi mo ha! Baka mabinat ka niyan." ang
pagsingit sa usapan ni kelly.
"Oo
nga bespren! Huwag kang magalala dadalawin kita palagi." ang pagsingit din
ni jasper sa usapan.
"Uhmmm
jasper at kelly pwede ko bang makausap muna ang anak ko?"
"Sige
po tita, lalabas nalang muna kami." ang pagpapaalam ni Jasper at
Kelly.
Nang
makalabas na ng kwarto si kelly at jasper ay agad akong kinausap ni mama.
"Anak umamin ka nga, nakikilala mo naman talaga sila diba? Sinabi sa akin
ng doktor na wala kang amnesia."
Hindi
agad ako nakapagsalita at nagisip ng sasabihin, pero para saan pa nga itong
pagpapanggap kong may amnesia kung buking na talaga. "Opo ma wala po
talaga akong amnesia. Pasensya na po kayo." ang paghingi ko ng tawad kay
mama.
"Buti
naman at umamin ka na. Bakit mo ba nagawang magpanggap? Hindi mo ba alam na
labis mo kaming pinag-alala?"
"Pasensya
na po talaga Ma. Wala naman po talaga akong balak na masama eh."
"Alam
ko naman iyon anak eh ang sa akin lang ay parang ginawa mong biro ang
lahat."
Hindi
ko na kinaya pa at tumulo na ang aking luha, agad naman akong niyakap ni mama
at ramdam ko na mahal niya talaga ako.
"Ipangako
mo sa akin na hindi ka na magpapanggap."
"Eh
ma, may dahilan po ako kung bakit ko gagawin ito." ang pagdadahilan
ko.
"Oh
ano naman ang dahilan mo?" ang pagtatanong ni mama.
"Eh
basta po ma, malalaman niyo din po ang pakay ko."
"Ok
sige pero ipangako mo na pagkalipas ng isang buwan ay magpapakatotoo ka
na."
"Sige
po ma, pangako po." At nagkasundo nga kami ni mama at hindi nagtagal ay
nakalabas na nga ako ng ospital.
Araw
ng sabado iyon at sunod sunod ang pagdalaw sa akin ng mga classmate ko,
nagpanggap pa din ako na may amnesia at syempre tuwang tuwa ako ng malaman ko
na nagkakagulo ang mga classmate ko ng dahil sa akin. Maghahapon na ng makauwi
na ang mga classmate ko, nagulat ako ng biglang sumigaw si mama.
"Paaaaaaaul
may bisita ka!"
Hindi
ko inaasahan na may darating pa akong bisita ng araw na iyon. Ang nasa isip ko
ay baka si JL o Jasper.
"Ma,
sino po yan." ang pasigaw kong pagsasalita para madinig ako ni mama, nasa
second floor kasi ang kwarto ko.
"Anak
maganda at seksi! Girlfriend mo ba ito Anak?" halatang kinikilig at
natutuwa ang boses ni mama.
Isa
lang ang pumasok sa aking isipan ng madinig ko ang diskripsyon ni mama, si
Jane.
"Ma,
paakyatin mo nalang po."
Nakarating
nga ang sinasabi ni mama na maganda at seksi sa kwarto ko, at hindi nga ako
nagkamali, si Jane nga.
"Hello
paul! Kumusta ka na? Nabalitaan ko na naaksidente ka daw eh." ang
pambungad na pagsasalita ni jane.
"Sino
ka ba? Hindi kita naalala eh." ang pagpapanggap kong may amnesia.
"Whaaaaaaaat?
Nagka-amnesia ka ba?" ang gulat na patanong ni jane.
"Ah
oo sabi ni mama ay nabura daw ang halos lahat ng aking memorya kaya hindi ko na
kayo kakilala."
"Nako!
Ok sige magpapakilala ako ulit sayo. Ako nga pala si Jane kaibigan mo,
nagkakilala tayo sa isang convinient store."
Habang
nagku-kwento si jane ay bigla namang dumating si JL, Nakita kong gulat na gulat
si JL ng mapansin ang babaeng kausap ko.
"JL!"
ang pasigaw kong pagtawag kay JL. Napalingon naman si jane at nakita si
JL.
"Magkakilala
kayo ni Paul?" ang pagtatanong ni jane kay JL.
"Teka
teka teka! Magkakilala kayo ni JL?" ang pagsingit ko sa usapan.
"Oo
naman! Boyfriend ko siya eh, heto oh may singsing pa nga kami." ang
pagsagot ni jane sa aking tanong.
Para
akong binuhusan ng malamig na tubig ng madinig ko ang mga sinabi ni jane. Ang
sakit pala malaman na niloloko ka at pinaglaruan ka lang, ung tipong ibinigay
mo sa kanya ang lahat pero ang kapalit ay pagtataksil, para akong tinotorture
ng mga oras na iyon.
Kunwari
ay hindi ako naapektuhan sa aking natuklasan at nagpanggap na wala pa ding
nalalaman.
"JL
tara dito tabihan mo ang GIRLFRIEND mo." at talagang inemphasize ko pa ang
salitang girlfriend.
Lumapit
naman si JL kay jane at tinabihan ito sa pag-upo, ramdam ko ang takot at
pangamba ni JL ngunit nagpanggap ako na masaya para sa kanilang dalawa.
"Hey
Jane ilang taon na kayong magkarelasyon ni JL?" ang pagtatanong ko kay
jane, nakita kong nakayuko lang si JL at nakikiramdam lang.
"Magdadalawang
taon na kaming magkarelasyon at balak na naming magpakasal sa susunod na
taon."
Parang
tinutusok ang puso ko sa mga nalalaman ko pero kailangan kong magpanggap para
mas madami pa akong matuklasan.
"Oy
JL hindi ka man lang nagku-kwento na may GIRLFRIEND ka pala!" Inemphasize
ko pa din ang salitang Girlfriend.
"Ah
Eh..." halatang hindi alam ang sasabihin at tila kinakabahan.
"Ah
paul maiba lang ako, papaano pala kayo nagkakilala ng honey ko?" ang
pagtatanong ni Jane.
"Eh
jane diba wala nga akong maalala?" ang kunwaring pagpapanggap ko.
"Ay
oo nga pala! Pasensya na paul!" sabay kaming nagtawanan ni jane at
nakitawa na din si JL bilang pagsakay sa aking sinabi.
"Hey
paul mauna na pala ako ha, dumaan lang ako para kumustahin ka, text text nalang
paul ha."
"Ok
sige jane magingat ka ha." at sabay halik sa kanyang pisngi.
Bago
umalis ng kwarto ko si jane ay hinalikan niya muna sa labi si JL at sabay
sabing "Mauna na ako honey ha, ikaw na munang bahala kay paul."
tumango naman si JL bilang pagtugon at tuluyan na ngang nakalabas si jane sa
aking kwarto, ngayon ay kaming dalawa nalang ang natira sa kwarto.
Ang
sakit pala makita na hinahalik halikan ng ibang tao ang mahal ko, ang sakit din
palang marinig ang kanilang tawagan na "Honey", sa isip isip
ko.
"Sorry
paul!" biglang lumapit sa akin si JL at niyakap ako.
"Sorry?
Para saan naman?" ang kunwaring pagtatanong ko, pinipigilan ko ang aking
luha dahil baka mahalata ni JL na nasasaktan na ako.
"Sorry
para sa lahat ng masamang nagawa ko."
"Ano
ka ba JL! Wala ka namang kasalan eh, wala akong naaalala diba?" tuloy
tuloy pa din ako sa pagpapanggap.
"Madami
akong kasalanan sayo paul, sana ay mapatawad mo ako, mahal na mahal kita at
ayaw kong mawala ka."
Madrama
din pala tong tao na to! Mahal mo ako tapos mahal mo din ung isa, ano to dalawa
ang iyong puso?, sa isip isip ko.
"Ok
lang, napatawad na kita kung sakaling may kasalanan ka man. Pasalamat ka at
naaksidente ako, pasalamat ka din sa bato na nagalis ng memorya ko." at
sabay akong tumawa, ang hirap palang magpanggap na masaya ka pero sa totoo lang
ay malungkot ka.
"Napatawad
mo na talaga ako?" ang pagtatanong ni JL.
"Syempre
hindi pa! Ano yon basta basta nalang?" ang pagbibiro ko.
"Sige
sabihin mo kung ano ang dapat kong gawin para mapatawad mo lang ako, please
paul! Kahit ano gagawin ko." ang pagmamakaawa ni JL.
"Uhhhm
may tanong muna ako."
"Sige
ano yon." ang masayang tugon ni JL.
"Mahal
mo ba si Jane?"
"Oo
mahal ko ang taong iyon at hindi lang basta mahal, kundi mahal na mahal."
ang pagsagot ni JL sa tanong ko at tila proud pang sinabi sa mukha ko na mahal
na mahal niya talaga si jane, at talagang may amnesia ang tingin sa akin ni
JL.
Sana
ay hindi ko na itinanong ang bagay na iyon, labis lang akong nasaktan at ang
masakit pa ay sa kanya talaga ng galing.
"Nice!
Sa tingin ko ay mahal ka din ni jane!" parang pinipiga ang puso ko sa mga
sinasabi ko at nadidinig ko.
Ngumiti
si JL at nagpasalamat.
"So
kailan ang balak niyong magpakasal?" tuloy tuloy pa din ang pangangalap ko
ng impormasyon.
"Sa
susunod na taon na, at gusto ko ikaw ang maging best man ko."
"Sure
walang problema." at dahil nga nagpapanggap ako ay tinanggap ko ang alok
niya, mamaya eh magduda siya pag tinanggihan ko.
"Salamat
paul! So ano ang gagawin ko para mapatawad mo ako?" ang pagtatanong ni JL.
"Uhmmmm..." tila nagiisip ng magandang ipapagawa kay JL.
"Gusto
mo ba ay maghubad ako at mag macho dancer?" ang pagsusuggest ni JL.
"Pwede
kaso dati ko ng nakita yan..." tila nadulas sa aking sinasabi.
"Ano
ulit yon paul? Matagal mo ng nakita ang junior ko?" ang pagtatanong ni JL
sabay tawa.
"Hindi
ah! Ano ako bakla?" pati ang pagkatao ko ay tila nakikisabay sa aking
pagpapanggap.
"Kung
hindi ka bakla ay hawakan mo nga ito." sabay lapit sa akin ng namumukol
niyang alaga.
At
dahil sa aking galit at natuklasan sa pagkatao ni JL ay hindi ko na napigilan
ang aking emosyon.
"T*ng
ina mo! Ba't ko hahawakan yan? Mga bakla lang ang humahawak ng ari ng ibang lalaki."
ang galit kong boses.
Tila
napahiya naman si JL at naupo nalang malapit sa akin.
"Eh
ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?"
Ewan
ko pero bigla nalang lumabas sa aking bibig ang katagang "Hiwalayan mo si
Jane at mapapatawad kita!"
Oo
selfish na kung selfish pero noong oras na iyon ay puro higpati at sakit ang
aking nararamdaman.
Tila
nagulat naman si JL sa gusto kong mangyari, maging ako ay hindi makapaniwala na
nasabi ko iyon.
"Hindi
naman pwede iyon paul." ang mahinahon na boses ni JL.
"Pwes
hindi kita mapapatawad." hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero
ang tanging nasa isip ko nalang ay mahal ko talaga si JL.
"Paul
naman eh! Ang hirap hirap naman ng pinapagawa mo eh." ang pagmamaktol ni
JL.
"Bakit
JL hindi mo ba nararamdaman kung gaano kasakit ang ginawa mo?" hindi ko
alam kung bakit ko nasabi iyon, siguro ay hindi na talaga kaya ng puso ko na
magpanggap.
"Haaa?
Ano ulit iyon paul?" ang tila naguguluhan na patanong ni JL.
"Wala
ang sabi ko ay umuwi ka na at magpapahinga na ako, umuwi ka nalang at
mapapatawad na kita." ang pagsisinungaling ko.
"Sigurado
ka paul? Promise yan ha! Patatawarin mo na ako."
"Oo
na sige na! Umuwi ka na bago pa magbago ang isip ko."
Lalabas
na sana si JL ng aking kwarto ng bigla niyang sabihin na. "May nakalimutan
pala ako."
"Ano
naman iyon?" ang pagtataka ko.
Lumapit
siya sa akin at bigla niya akong hinalikan sa labi. Sa tingin ko ay ayon ang
sinasabing "Halik ni Hudas" kaya bago pa may ibang mangyari ay
tinuluk ko siya palayo at pinagsalitaan ko siya ng masama.
"P*tang
ina naman! Bakit mo ako hinalikan! Umuwi ka na nga lang bago pa ako mainis
sayo."
"Sige
bye asawa ko." sa tingin ko ay paniwalang paniwala siya na may amnesia
talaga ako.
Pagkalabas
na pagkalabas ni JL ng aking kwarto ay agad kong inilock ang pinto at siguro
dahil na din sa naipong sakit at galit ay nagawa ko ng umiyak ng ubod ng lakas.
Dahil sa pagiyak ko lang naipapalabas kung gaano kasakit ang mga pinaggagawa ni
JL sa akin, wala akong ginawa magdamag kundi umiyak ng umiyak, wala man lang
akong mapagsabihan ng aking sama ng loob dahil ang alam nila ay may amnesia
talaga ako. Pero bigla kong naisip si kelly at naalala ko ang pangako namin sa
isa't isa "Walang lihiman bespren ha."
Agad
ko siyang tinawagan at mabilis naman niya itong sinagot.
"Hello
bespren, pwede mo ba akong puntahan sa bahay?"
"Sure
bespren! Teka umiiyak ka ba? Anong drama yan bespren?"
"W-wala
to bespren, pumunta ka nalang dito para may kausap man lang ako." ang
mahinahon kong boses.
"Sige
bespren maya maya ay andyan na ako, bibilihan muna kita ng
pasalubong."
"Salamat
bespren! Sige mamaya nalang tayo magusap. Love you bes."
"Ang
drama mo bes, sige na love you too." sabay baba ng kanyang telepono at
naputol na ang kanilang paguusap.
Habang ako ay nagaantay sa pagdating ni kelly ay pinatugtog ko muna ang aking paboritong kanta.
"Huling
Sayaw"
Ito na
ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Di namalayan na malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag madali
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Di namalayan na malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag madali
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw,
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw.
Habang nalibang ako sa pakikinig ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si kelly.
"Hoy
paul andito na ako." sabay alis ng aking headset.
"Ay
bespren pasensya ka na."
"Ok
lang pero ano ba ang problema mo at pinapunta mo pa talaga ako dito? Teka bespren
bakit namamaga ang mata mo?" ang pagtatanong ni kelly.
"Bespren,
wala talaga akong sakit na amnesia." nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni
kelly at parang hindi naniniwala.
"Sigurado
ka ba bespren? Eh kung wala ka ngang amnesia eh ba't ka malungkot? Diba dapat
maging masaya ka?"
Hindi
pa ako nakakapagsalita ay tumulo na ang aking luha, agad naman akong niyakap ni
kelly at pinipilit na pakalmahin ako.
"Ok
lang yan bespren, sige sabihin mo sa akin ang problema mo. Bespren mo ako,
magtiwala ka lang." at dahil sa mga sinabi ni kelly ay sinabi ko na nga
ang lahat lahat.
"Kelly
si JL may girlfriend pala at niloko niya ako! Ang sakit sakit bespren! Ang
hirap ng ganito! Hindi ko alam ang gagawin ko."
"Bespren
mahirap iyan, pero para sa akin kung mahal mo talaga siya ay bayaan mo siyang
makalaya, dahil kung talagang para sayo ang isang tao ay babalik ito
sayo."
May
punto si kelly at talagang tama ang opinyon niya.
"Chos!
Bakit mo naman siya papakawalan kung kaya mo naman punan ang pagmamahal na
hinahanap niya, kung mahal mo talaga ay ipaglaban mo." ang muling pagbawi
ni kelly sa nauna niyang payo.
"Sigurado
ka ba bespren? Worth it ba na ipaglaban ko siya? Kaso mukhang mahirap bes kasi
babae ang kalaban ko, pwede silang makabuo ng pamilya samantalang ako ito
parausan lang."
"Alam
mo bes walang bagay ang nadadaan sa mabilis na usapan siyempre ganyan talaga sa
umpisa kailangan mo munang maghirap bago mo makamtan ang sarap."
Hindi
ko alam kung saang lupalot napupulot ni kelly ang mga ganoong payo. Pero talaga
namang tama ang pinagsasabi ni kelly, walang duda siya na ang prinsesa ng
tagapayo.
"So
anong balak mo bes? Ipaglalaban mo ba ang pagmamahal mo o susuko ka nalang ng
wala man lang kalaban laban?"
"Hindi
ko pa alam bes, mahirap ang ganitong estado. Bakit ba naman kasi nagmahal pa
ako ng lalake!"
"Nako
bes huwag mong sisihin ang kasarian mo. Kung saan ka masaya ay doon ka at alam
mong isa lang ang ating buhay at hindi na mauulit pa."
"Tama
ka bes." sa pagkakataong ito ay wala ng luha ang lumalabas mula sa aking
mata. Parang tayong mga tao kapag nakita natin na hindi na tayo pinapahalagahan
ay tumitigil na tayo, siguro ganyan din sa love, kapag napagod na ang puso sa
pagmamahal ay titigil na ito sa pagtibok at hahanap ng panibagong tao na
handang muling magpatibok nito.
"Bes
basta kung may problema ka ay tawagan mo lang ako, handang tumulong ang
minamahal mong bespren. Tandaan mo yan!"
"Salamat
bes! Tunay talaga kitang kaibigan. Kaya't loves na loves kita eh." sabay
yakap ko kay kelly at kiniliti ko ito, at ganoon din ang ginawa niya sa
akin.
"Ayan
nakasmile na ang bespren ko! Ganyan ka lang lagi! Smile lang ng smile malay mo
makuha kang endorser ng toothpaste."
Sabay
kaming nagtawanan ni kelly at ng napagod na ako sa pakikipagusap ay sinabi ko
kay kelly na magpapahinga na ako, hinintay niya muna akong makatulog bago siya
umalis sa aking tabi.
Kinaumagahan
ay sobrang sakit ng ulo ko at parang mabibiyak ito, agad naman akong pinainom
ni mama ng gamot. Mga ilang minuto din iyon bago umepekto.
Hindi
pa din naaalis ang sakit na nadarama ng puso ko, pero sa kabilang banda ay
naging masaya din ako dahil nalaman ko na ang lihim ni JL.
Itutuloy...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento