Mga Pahina

Sabado, Agosto 24, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [1]



DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.

Ang Kursong hindi ko Inakala
By: Paul Perez
Wattpad: @iampaulperezred


"Marami sa atin ang naghahangad o nangangarap na makapagtapos ng kolehiyo."

Bata pa lamang tayo ay tinatanong na tayo ng ating mga magulang kung ano ang gusto natin kapag tayo'y malaki na.

"Madami ang nangangarap na maging Doktor, Guro, Engineer, Nurse, at kung ano ano pa"

CHAPTER 1
"May mga bagay tayong hinahangad, Ngunit hindi lahat ng ating hinahangad ay natutupad." -JPaper



"Tik tak tik tak"
"Papauuuuuuul gumising ka naaaaaaaa!" sigaw ng aking nakakatandang kapatid

Umaga na pala at kailangan ko ng makapagayos dahil ito ang araw ng aking interview sa aking papasukang paaralan

"Ako nga pala si Paul, labing pitong  gulang na nagaaral sa isang pangpubliko ngunit mataas ang kalidad, kilala ako sa amin dahil isa akong magaling na player ng dota, hindi naman sa pagmamayabang ay may itsura naman ako madami din na babae ang nagkakagusto sa akin bukod sa maputi na ako ay matangos at matangkad din. Sabi nila ay magandang tignan kung lagi akong nakangiti dahil pantay pantay ang aking mapuputing ngipin."

Ok, back na sa kwento tama na ang pagdedescribe.

Umaga na nga at nagpasya na akong magayos ng sarili, upang maging maaga din ang pagpunta ko sa paaralan.

Nang makapunta ako sa paaralan ay nagantay akong tawagin ang aking pangalan para mainterview at malaman kung nababagay ng ang kurso kong pipiliin.

Nang matawag na ang pangalan ko ay sobrang lakas ng tibok ng aking puso, Pagkapasok ko ng dean's room ay agad akong umupo at sinimulan na ang paginterview sa akin.

"Ok Mr. Perez, ano ang kursong iyong pipiliin?" tanong ng psychology teacher.

"Gusto ko po sanang kumuha ng BSE major in Biological Sciene."

"Bakit gusto mo maging isang guro?"

"Sa tingin ko po kase ay sa pagtuturo ako nagiging masaya"

Sa tingin ko ay ok naman ang naging sagot ko.
Tinignan nya ang aking Marka,

"Ngunit Mr.Perez ang isa mong Subject ay may kababaan, at ang iyong Science ay hindi ganoong kataas, ang kailangan grade para makapasa ka sa BioScie ay 90% ang science ngunit ang grade mo sa science ay 88% lang, pasensya ngunit hindi kita mapapayagang kumuha ng kursong iyong ninanais."


Kaya ko naman makakuha  ng 90% nung highschool  ngunit medyo tinamad lang ako sa aking pagaaral. Hindi ko akalain na ganito pala ang mangyayari sa akin.

"Natapos na ang interview."
Sobrang nadismaya ako dahil hindi daw ako qualified sa kursong gusto ko, kaya't nagbigay ang naginterview sa akin ng kursong babagay daw sa akin at ang kursong ito ay ang "Kursong hindi ko Inakala." -Mass Communication.

Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento