Mga Pahina

Sabado, Agosto 24, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [6]


DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.

Chapter 6
"Ang bawat isa sa atin ay may pangarap, lahat ng ating pangarap ay matutupad kung tayo'y magsusumikap." -Jpaper

Nagaudition nga si jasper sa mr. and ms.campus at dahil sa pagsusumikap niya ay natanggap siya bilang isa sa mga contestant.
Hindi nagtagal at nalaman na namin ang mga finalist sa naturing na event.
Isa si jasper sa sampung finalist at syempre 
masayang masaya at proud ang aming section.

"Jas ang galing mo at nakapasok ka sa finals." pagbati ko kay jasper.

"Salamat! Hindi nga ako makapaniwala eh."

"Ba't hindi ka naman makapaniwala? Eh matalino ka naman maputi at gwap..." hindi ko na tinapos ang pagsasalita.

"Ano ulit yon?"

"Sabi ko matangkad at matalino ka."

"Bukod don, May sinabi ka pa eh. Gwapo?" sabay tawa niya na parang walang bukas.

"Ang yabang!"

"Haha di ka naman mabiro. Halika na nga sa cafeteria at ililibre nalang kita."

Naging magkasundo na talaga kami ni jasper sa isa't isa, Nandoon yung time na makikitulog siya sa amin, makikikain at minsan ganoon din ako sa kanya. At sa tuwing magkasama kami ni jasper ay parang nagtatampo ang aking bespren na si kelly.

"Oy bespren ba't hindi ka namamansin?" ang pagtatanong ko sa kanya."

"Umalis ka na! Sumama ka na sa bago mong bespren." may halong inis at pagtatampo sa kanyang boses.

"Uyyy si bespren nagtatampo." sabay ngiti ko sa kanya.

"Eh papaanong hindi ako magtatampo eh parang hindi mo na ako kilala pag nandiyan si jasper."

"Ok sige para mawala na yang pagtatampo mo ano ba ang gusto mo?"

"Ilibre mo ako ng starbucks at sa inyo ako matutulog namimiss ko na din si tita eh."

"Yun lang? Sige tara na."

May ngiting lumabas mula sa labi ni kelly at sabay talon sa likod ko, gusto niya daw na pasanin ko siya. At para matapos na ang pagtatampo niya ay pinasan ko nalang siya.

Nagpunta nga kami sa sinasabing sikat na inuman ng kape at tulad ng ipinangako ko ay ako ang manglilibre. Binigyan ko ng pera si kelly para siya na ang magorder, nakasanayan na kasi namin na siya ang oorder dahil pangit daw sa lalake kung siya ang gagawa nito.

Habang nagoorder si kelly ay may napansin akong taong parang kilala ko. Nagulat ako ng humarap siya ngunit hindi nakatingin sa akin, kilala ko ang taong iyan ah! Siya yung taong nabangga ko
Tatayo na sana ako para lumapit sa kanya ng biglang dumating si kelly.

"Hey bespren parang nakakita ka ng multo ah." pagtatanong ni kelly.

"Bespren alis ka diyan may titignan lang ako."

Gumilid si kelly para makita ko ang tao sa kabilang lamesa, ngunit nalungkot ako. Wala na yung taong nabangga ko.

"Hoy bespren may sakit ka ba? Tara idadala na kita agad sa malapit na ospital." ang exage na pagsasalita ni kelly

"Wala bespren wala akong sakit may nakita lang ako."

"Ano multo? Nako natatakot na talaga ako sa iyo nyan bespren. Magpatawas o lumapit na tayo sa manghuhula."

"Exage mo naman bespren, natandaan mo pa ba yung naikwento ko sayo yung dahilan kung bakit ako nalate."

"Ay oo naman bespren ung may ginawa kang milagro? Hahaha oo tandang tanda ko pa"

"Hindi, ung lalaking nabangga ko ung naikwento ko sayong lalaking muntik ko ng mahalikan."

Naikwento ko na nga pala kay Kelly kung bakit ako nalate noong araw na nasita ako ni Mr.Reyes

"Ay ung gwapo at mapormang lalake? Nasaan siya? Nasaan? Ipakilala mo naman ako please." pagmamakaawa ni kelly.

"Yun na nga bespren eh, Nawala kanina nandyan lang siya umiinom ng kape tapos ng makarating ka dito at natakpan mo siya bigla namang nawala."

"Nako bespren imahinasyon mo lang yan, itigil mo na kasi ang paghithit ng marijuana." pagbibiro ni kelly.

"Puro biro ka naman kelly eh." pagtatampo ko.

"Oh siya sige na nga nakita mo na kung nakita pero nasaan siya? Diba wala?"

Siguro nga imahinasyon ko lang iyon. Pero parang totoo talaga eh. Sigaw ng utak ko

"Ubusin mo na yang kape mo para makauwi na tayo at aayusin ko pa ang kwarto ko para kay senyora." pagbibiro ko

"Haha dapat lang na ayusin mo dahil kailangan mong bumawi."

Natapos na nga ang paginom namin ng kape at balak na sana naming umuwi nang makita namin si jasper.

"Oy bro ba't ka nandito." pagtatanong ni jasper

"Bakit? Bawal ba kaming uminom ng kape dito?" ang mataray kong pagtugon.

"Oo nga bakit mayayaman lang ba ang pwedeng uminom dito? Sabay hatak ng aking kamay ni kelly"

"Tekaaaaa..."
Iyan ang huli kong nadinig mula kay jasper, hinatak at pinasakay agad ako ni kelly sa jeep"

Nakituloy nga sa amin si kelly, kilalang kilala siya ng aking mga magulang at ng aking kapatid, masaya kasi ang bahay pagnandoon si kelly, siya ung parang clown sa loob ng bahay.

"Anak kumain na ba kayo?"

"Opo ma, kumain na kami sa labas."

"Mabuti naman kung ganoon. Oh siya maghilamos na ako para makapagpahinga na."

"Sige po ma, sabay halik sa kanyang pisngi."

"Mahal na mahal mo talaga si tita no?" tanong ni kelly.

"Obvious ba?"

Naligo muna ako bago ako matulog ganoon din si kelly, nanghiram siya ng pantulog sa nakakatanda kong babaeng kapatid.

Nagkwentuhan muna kami ni kelly bago matulog.

"Bespren sinong gusto sa classmate natin." pagtatanong ni kelly.

"Wala! Ayoko muna nanglovelife kakatapos ko lang diyan."

Nagkaroon kasi ako ng Girlfriend noong 4th year ngunit hindi iyon nagtagal.

"Weh? Asus ikaw pa? Chickboy ka kaya! Pwede sa chicks at pwede sa boy." sabay tawa ni kelly.

Para akong nilamig sa sinabi ni kelly. Hindi ko alam kung bakit.

"Utot mo! Sa boy magkakagusto ako?"

"Haha denial, nasa stage of denial si bespren. Mauunawaan naman kita kung saka sakaling mangyari ang bagay na iyon."

"Sige isa pa bespren uupakan kita diyan."

"Sige stop na nga ako."

"Good, pero maiba ako bespren ikaw sino ang crush mo sa mga classmate natin?"

"Sa totoo lang..."

"Uyy may crush siya! Sino bespren?" pangungulit ko kay kelly.

"Ayoko naman talagang tarayan siya eh, kaya nga ako nagpapakabibo para sa kanya eh, para mapansin niya ako. Gusto ko sya bespren gustong gusto ko si " Jasper..."

Parang kinurot ang puso ko sa narinig ko, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito?
Nagsisisi ako bakit naitanong ko pa.

"Hoy bespren natulala ka nanaman."

"Ay may naalala kasi ako."

"Mukhang napapadalas na yang pagkakatulala mo ah, siguro may special someone ka na?"

"Kulit nito sinabi ko nang wala eh, matulog ka na nga dyan para di na lumaki yang eyebags mo."

"Sige matutulog na ako bespren i love you, good night, sabay halik sa aking pisngi."

Ganyan talaga ka sweet si Kelly pinangako kasi namin sa isa't isa na magmamahalan kami bilang tunay na magkaibigan at isa pa sa pangako namin ay walang lihiman, kaya't ganoon nalang ang tiwala ni kelly na sabihin niya kung sino ang kanyang minamahal.

Alas dos na ngunit hindi ako dalawin ng antok, binuksan ko ang aking laptop para magbukas ng fb at magpatugtog ng paborito kong kanta.

"Huling Sayaw"

Ito na ang ating huling sandali 
Hindi na tayo magkakamali 
Kase wala ng bukas 
Sulitin natin ito na ang wakas 
Kailangan na yata nating umuwi 
Hawakan mo aking kamay 
Bago tayo mag hiwalay 
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat 
Paalam sating huling sayaw 
May dulo pala ang langit 
Kaya't sabay tayong bibitaw 
Sa ating huling sayaw 
Di namalayan na malalim na ang gabi 
Pero ayoko sanang mag madali 
Kay tamis, kay sarap  
Ngunit ito na ang huli 
Kailangan na yata nating umuwi  
Hawakan mo aking kamay  
Bago tayo mag hiwalay  
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat  
Paalam sating huling sayaw  
May dulo pala ang langit  
Kaya't sabay tayong bibitaw 
Sa ating huling sayaw 
(Adlib) 
Paalam sating huling sayaw 
May dulo pala ang langit 
Kaya't sabay tayong bibitaw 
Sa ating huling sayaw,  
Paalam sating huling sayaw  
May dulo pala ang langit  
Kaya't sabay tayong bibitaw 
Sa ating huling sayaw.




Pagka-log in ko ng aking facebook ay tinignan ko agad ang notification ngunit lahat ng iyon ay walang kwenta, sinunod kong buksan ang message nakita ko na madami ang nagmessage sa akin. Inisa isa kong itong tignan at ang huli kong nabasa ay ang message ni jasper.


Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento