Mga Pahina

Linggo, Agosto 25, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [25]


DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.


Chapter 23
"Hindi mo madadama ang tunay na saya kung hindi mo ibinigay ang tunay mong nadarama." –Paul Perez.

Tumayo ako sa aking upuan at binitawan ang hawak na kobyertos at agad na naglakad papuntang pintuan. Binuksan ko ito na may kasamang "Welcome Prince!" ngunit nabigla ako sa aking nakita. 

"Jasper?" pagtataka ko. 

"Oo. Ako nga." tugon nito sabay ngiti. 
"B-bakit ka nandito?" takang pagtatanong ko. 

"Ano pa nga ba ang ipinunta ko dito? Syempre ikaw." tugon nito sabay ngiti. 

"Huh? Ako?" painosenteng tanong ko. Alam ko naman talaga na ako ang sinadya niya dahil kaarawan ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa pagpunta niya sa kaarawan ko, inis ba o saya. Naglalaban kasi ang dalawa kong emosyon, Inis dahil nagseselos ako at saya naman dahil naalala niya ang aking kaarawan. Pero sa kabilang banda mas lumamang ang "SAYA" ewan ko pero parang may sumusundot sundot sa aking puso at tila bumalik ang spark kapag tinitignan ko siya, bumibilis din ang tibok ng aking puso sa tuwing makikita ko siyang nakangiti at masaya. 

"Oo. Syempre birthday mo diba? Ito nga oh may pasalubong ako sayo." tugon ni Jasper sabay abot sa akin ng cake. 

"Ah...Thanks!" matipid na sagot ko. 

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" pagtatanong nito. 

"Ah...Eh...Sige tuloy ka." tugon ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit parang nawawala ako sa aking sarili? 

"Hey. Jasper!" bati ni Kelly na agad din naman sinagot ni Jasper ng "Hi, Kelly!" 

"Matagal tagal din tayong hindi nagkita ah?" wika ni Kelly. 

"Oo nga eh, medyo busy kasi sa studies eh." tugon ni Jasper. 

"STUDIES? PAGLALANDI KAMO." mahinang pagsabat ko. 

"Ano?" pagtatanong ni Jasper ng may madinig siyang sagot ko. 

"Wala! Sabi ko umupo ka na at kumain na." pagiiba ko. 

"Okay." simpleng sagot nito. 

Tatawagan ko ulit sana si Prince ngunit biglang may kumatok ulit sa aming pintuan na agad ko namang pinagbuksan. 

"HAPPY BIRTHDAY ATENG!" bibong sagot ni Prince. 

Hindi ako umimik at sinimangutan ko lang siya. 

"Oy. Ito naman oh! Na late lang ng mga ilang minuto eh!" si Prince ng mapansin ang pagsimangot ko. 

"Ilang minuto? Eh halos magdadalawang oras na?" pambabara ko. 

"Sorry na! Ito oh may regalo ako sayo. Ito ang dahilan kung bakit na late ako. Hindi ako makapagdeside eh." tugon nito sabay abot sa akin ng kanyang regalo na nagpabago sa aking mood. 

"Ah ganon? So pag may regalo ngiti agad? Papasukin mo kaya ako noh?" pambabara sa akin ni Prince. 

"Hahaha. Pasensya ka na. Halika na tuloy ka!" pagaanyaya ko kay Prince. 

"Jasper?" pagtataka ni Prince ng makita si Jasper sa harap ng hapag kainan. 

"Oo ako nga. Bakit parang gulat na gulat ka?" tugon nito. 

"Wala. Nevermind." tugon ni Prince sabay upo at sandok ng makakain. 

Habang nagku-kwentuhan silang tatlo ay abala naman ako sa paglike at pagcomment sa mga bumati sa akin sa pamamagitan ng facebook, binuksan ko din ang regalo ni Prince na siyang ikinatuwa ko. Isang malaking malaking teddy bear. Agad kong nilapitan si Prince sabay akap sa kanya at halik sa kanyang pisngi. 

"Salamat Princeeeee!" masayang wika ko. 

"No problem Ateng!" tugon ni Prince sabay ngiti. 

"Unfair! Ba't siya may hug at kiss? Ako wala?" si Jasper na nagmamakaawa. 

"Eto gusto mo?" sabay muwestra ko ng aking kamao. 

Tawanan lang kami at tuloy sa kwentuhan. 

Alas dose na ng mapagdesisyunan ni Kelly umuwi, kinausap niya muna ako bago siya tuluyang umalis. 

"Bes, pasensiya ka na ha. Wala akong regalo sayo." malungkot na wika ni Kelly. 

"Ano ka ba. Ayos lang yon. Madami pa akong birthday. Haha!" tugon ko.
"Okay. Promise next time babawi ako." wika ni Kelly. 

"Sure! Oh papaano bye na?" 

"Yeah. Bye Bes! Thanks for the food." tugon ni Kelly sabay halik sa aking pisngi at tuluyan ng nagpaalam. 

Nang bumalik ako sa bahay ay nadatnan ko si Prince at Jasper na nagku-kwentuhan at naguumpisang uminom ng alak. 

"San kayo kumuha ng alak?" pagtatanong ko ng makitang may dalawang case ng alak. 

"Malamang binili." sabat ni Jasper. "Bakit ayaw mo bang uminom?" dagdag pa nito. 

"AYOKO!" ang tanging lumabas sa bibig ko. Ewan ko ba kung bakit ayaw kong uminom kahit na minsanan lang naman ito pero siguro may takot pa din akong nadarama dahil sa nangyari sa amin ni Jasper noon. 

"Ang OA naman nito ni Ateng! Minsan lang ito ohh. Tsaka birthday mo naman eh." wika ni Prince. 

"Oo nga." dagdag pa ni Jasper. 

Hindi na ako nakapalag at pumayag nalang sa gusto nila. Nagumpisa na kaming uminom at "TAGAY SYSTEM" ang ginawa namin. Wala kaming kibuang tatlo at nanatiling tikom ang aming bibig ngunit binasag ni Prince ang katahimikan ng bigla siyang magtanong kay Jasper. 

"Bakit ka nga pala nagshift ng kurso Jasper?" si Prince na medyo tipsy. 

"Ah...Eh..." hindi agad nakasagot si Jasper at tila nagiisip ng sasabihin. "Dahil sa isang tao kung bakit ako napilitang magshift." dagdag na sagot ni Jasper. 

"Ah...Yung nobya mo ba yun?" dagdag na tanong ni Prince. 

"O-oo." nag-aalinlangang sagot ni Jasper. Naputol nalang ang kanilang paguusap ng magpaalam ako sa kanilang matutulog na. Pumayag naman sila at tatapusin nalang daw nila ang isang bote at magsisiuwi na. Pero ang totoo niyan ay tatakas ako upang magpunta sa pinagusapan naming lugar ni JL, Mag-aala una na ng madaling araw ng makapunta ako sa isang sikat na bar. Umupo ako at nagorder ng maiinom, Saktong ala una na ngunit wala pa din si JL, Hindi ko nalang pinansin ang oras at inenjoy nalang ang kantang tinutugtog ng isang banda. 





I will be here for you. “ –Kaligta
I will be here for you
Somewhere in the night
Somewhere in the night
I'll shine a light for you
Somewhere in the night
I'll be standing by
I will be here for you

When you feel the sunlight
Fade into the cold night
Don't know where to turn
Don't know where to turn
And all the dreams you're dreaming
Seem to lose their meaning
Let me in your world
Baby, let me in your world

All you need is someone you can hold
Don't be sad, you're not alone

I will be here for you
Somewhere in the night
Somewhere in the night
I'll shine a light for you
Somewhere in the night
I'll be standing by
I will be here for you

In this world of strangers
Of cold and friendly faces
There's someone you can trust
There's someone you can trust
I will be your shelter
I'll give you my shoulder
Just reach out for my love
Reach out for my love

Call my name
And my heart will hear
I will be there, there's nothing to fear

I will be here for you
Somewhere in the night
Somewhere in the night
I'll shine a light for you
Somewhere in the night
I'll be standing by
I will be here for you

I will be here for you
Somewhere in the night
Somewhere in the night
I'll shine a light for you
Somewhere in the night
I'll be standing by
I will be here for you


Nakakailang bote na ako ng beer ngunit wala pa din siya, Sinubukan ko siyang i-text o tawagan ngunit hindi niya naman ito sinasagot. Naguumpisa ng tumulo ang aking luha at iniisip na baka nakalimutan na niya. Lumipas ang mga oras ngunit walang JL pa din ang nagpapakita. 

Ala una 



Alas dos 



Alas tres 



Alas kwatro 




Madami na akong nainom na alak ngunit wala talaga siya! Walang JL na nagpakita! Nakalimutan niya ang kanyang ipinangako. Para akong tanga dahil umiinom akong magisa't umiiyak pa. Gusto ko pang uminom ng uminom ng madaming alak upang makalimutan ko siya ngunit biglang may nang-agaw ng beer ko. 

"Tama na yan. Madami ka ng naiinom." yan nalang ang nadinig ko at tuluyan na akong nakatulog. 

Sumikat ang haring araw at ako'y nagising, ramdam ko ang sakit ng ulo at alam kong hindi ko din ito kwarto. Minulat ko ang aking mata at nagulat sa aking nakita. Bakit ako nandito? Ano ang ginagawa ko dito at bakit siya ang kasama ko? Kung kanina'y masakit ang aking ulo ngayon ay napalitan ng mga tanong. 

"J-ja-Jasper?" bulong ko sa aking sarili. 

Hindi ko namalayan na gising na din pala siya at kanina pa nakatingin sa akin. Nakangiti siya at halata sa kanyang mukha ang kakaibang saya. 

"Goodmorning Paul!" bati ni Jasper sabay halik sa aking pisngi. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari at biglang napatayo, ngunit mas nagulat ako sa aking nakita. 

Bakit nakahubad ako? Ba't walang saplot ang katawan ko? Anong nangyari? At kung may nangyari nga ba't hindi ko matandaan? 

Agad akong nakaramdam ng hiya kaya kinuha ko ang kumot na ginamit ko at ipinangtakip sa aking katawan. 

"Wag mo ng takpan yan. Nakita ko na yan eh." wika ni Jasper sabay ngiti at kindat. 

"ANOOOO!?" Gulat na tugon ko. "Bakit may nangyari ba?" pagtatanong ko pa. 

"Bakit? Hindi mo ba naalala?" pilyong tugon nito. 

"WHAAAAT? Sabihin mong nagbibiro ka Jasper! Kundi papatayin kita." pagbibiro ko. 

"Hindi ako nagbibiro noh!" sagot nito. 

"Hindi ako naniniwala! Walang nangyari sa atin! Panaginip lang ito! Magising ka na Paul Pleeeeease." wika ko. 

"Hahaha! Nakakatawa ka talaga Paul. Kanina ka pa gising at hindi ka na nanaginip." tugon ni Jasper na may pagtawa pa. 

"Grrrrgh FINE! Hindi nga ito panaginip. Pero wala naman talagang nangyari diba?" tanong ko. 

"Ano gusto mong isagot ko? Yung totoo o hindi?" balik na pagtatanong ni Jasper. 

"Syempre yung totoo!" sagot ko. 

"Syempre wala noh! Hindi kita sasantalahin. Gusto ko kasi kapag may nangyari sa atin, gusto ko yung gising ka at ramdam mo ang pagmamahal ko." nakangiting tugon ni Jasper. 

"Loko! Pero bakit ako nakahubad?" pagtatanong ko ulit. 

"Eh papaano naman iinom inom ka pala hindi mo naman kaya. Kaya ayan sinukahan mo yung damit at pantalon mo. Tapos noong pinalitan naman kita na boxer shorts ayan oh tinanggal mo lang." pagpapaliwanag ni Jasper sabay turo sa nakahandusay na boxer shorts. 

"Ah ganoon ba? Salamat. Teka papaano mo pala naiuwi dito?" pagtatanong ko nanaman. 

"Ang dami mo namang tanong Paul! Tara na kumain nalang muna tayo ng almusal at tsaka ko nalang ipapaliwanag." nakangiting tugon padin nito. 

Sumangayon ako sa kanya at nagsuot ako ng damit at pagkatapos ay lumabas na kami ng kwarto at nagpunta na sa kusina upang kumain na ng almusal. Habang kumakain kami ay ipinaliwanag sa akin ni Jasper ang mga nangyari na siyang nagpatibok muli sa natutulog kong puso. 

"Halata ko Paul. Noong nakita palang kita sa inyong bahay ay pansin kong hindi ka masaya, kitang kita sa mga pagkilos at reaksyon mo na tila ba may kulang. Hindi mo man sabihin alam kong dahil iyon kay JL. Kaya ginawa ko ang lahat mapangiti ka lang sa iyong kaarawan. Akala ko nga'y magtatalon ka sa tuwa ng makita ako, ngunit nagkamali ako. Oo alam kong gusto mo ako noon pa ngunit napakalaki kong tanga dahil pinalagpas kita, sising sisi nga ako kung bakit hindi ko man lang naisip na ligawan ka. Siguro'y nahihiya ako ngunit alam kong mahal din kita. Noon inamin ko sayo na mahal kita alam kong huli na dahil may iba ng nagpapatibok ng iyong puso alam kong may iba ng nagpapasaya sa iyo at iyon ay si JL. Sobrang naiirita ako at nasasaktan sa tuwing makikita ko kayong magkasama at masaya. Mas gugustuhin ko ngang tamaan ng kidlat kaysa makita kong magkasama kayo. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Kung dati ko pa sana tinanggap ang pagmamahal mo eh di sanay hindi ako nagkakaganito. Sa tuwing gabi bago ako matulog ay ikaw ang aking inaalala. Para nga akong tanga dahil habang yakap yakap ko ang litrato mo ay umiiyak ako. Sinubukan kong kalimutan pero sobrang hirap talaga, hindi ka talaga mawala wala sa isip ko, ngunit nang dumating si Kate sa buhay ko, doon nagumpisa na unti unti kang limutin. Ngunit bigla nanaman nagsindi ang nagbabaga kong pagmamahal sayo ng naramdaman kong malungkot ka dahil sa lalaking inibig mo. Noong nagpaalam ka na matutulog ka na ay hindi ako naniwala bagkus ay sinundan kita at nagtago upang hindi mo makita. At nang makarating ka na sa bar at nakita kitang umiiyak ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Alam kong inaaantay mo ang iyong nobyo dahil panay tingin ka sa iyong cellphone, ngunit ng mag-alas kwatro na at hindi ka na niya sinipot ay parang nadurog ang puso ko. Hinayaan ka niyang malungkot at nagiisa, gusto sana kitang samahan ngunit naisip ko na baka dumating padin siya at ako'y mapahiya. Kaya noong oras na lunod ka na sa alak ay pinigilan na kita at inakay pauwi." paglalahad ni Jasper sabay punas ng kanyang luha.

Hindi ko maiwasang mapaluha at bumalik ang dating alab ng aking puso para sa kanya. Ramdam ko na bukal ang sinasabi niya at halatang may pinaghuhugutan.

Pagkatapos magkwento ni Jasper ay hindi ko naiwasang yakapin siya at umiyak. May pagtingin pa pala siya para sa akin. Ngunit kung magbibigay man siya ng pagmamahal niya para sa akin ay hindi ko iyon masusuklian dahil may ibang nagmamay-ari ng puso ko.



Itutuloy…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento