Mga Pahina

Linggo, Agosto 25, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [24]


DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.


Chapter 22
"If you're alone, I'll be your shadow. If you want to cry, I'll be your shoulder. If you want a hug, I'll be your pillow. If you need to be happy, I'll be your smile... But anytime you need a friend, I'll just be me.”

"Ah...Eh...Ma, may litrato po ba kayo ng tunay kong magulang?" pagtatanong ko't biglang nagulat si mama't papa sa kanilang nadinig.
"Ah Eh..." si mama na hindi alam ang sasabihin. 

"Wala anak. Wala kaming litrato ng tunay mong magulang." pagsabat ni papa. 

"Ah ganon po ba?" dismayang sagot ko. "Sige po ma at pa, akyat na po ako sa kwarto ko at magpapahinga. 

"Mabuti pa nga." wika ni Mama. 

Malungkot akong umakyat sa aking kwarto at doon ibinuhos ang natitirang sama ng loob. Gustuhin ko man na makilala o makita man lang ang aking magulang ay hindi ko magawa. Hindi ko alam ang kanilang itsura. Hindi ko nga din alam kung natatandaan pa ba nila ako o baka patay na sila. Para akong bulag na nangangapa sa dilim, hindi alam kung saan pupunta. Masakit man isipin ay kailangan kong magpakatatag dahil tuloy pa din ang buhay. At ang isa pang nagpapalungkot sa akin ay ang paglayo ko kay JL. Mahal ko siya at gusto ko pa siyang makasama. Siya ang kauna unahang lalaking tumanggap sa akin. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang pagmamahal at walang ibang inintindi kundi ang maging masaya ako. Oo sinabi ni mama at papa na layuan ko siya, ngunit sa pagkakataong ito ay susuwayin ko sila. Buong buhay ko ay ginawa ko ang lahat lahat ng gusto nila. Ngayon ay gusto ko naman maging masaya, maging malaya. Gusto kong maranasan ang mahalin ng mahal ko. Oo sabihin niyo ng makasarili ako at hindi iniintindi ang damdamin ng iba. Pero ano ba ang magagawa ko kung nagmahal ako? Ako ang may hawak ng puso ko, at ako din ang nakakadama ng saya na hindi nila nakikita. 

Matapos ang dalawang oras na pagdadrama ko ay napagdesisyunan kong tawagan si JL upang malaman niya ang nangyari sa akin at ang gustong mangyari ni Mama't Papa sa amin. Nang malaman ni JL ang tungkol sa lahat ay hindi niya naiwasang mapaiyak. Dinig na dinig ko ang paghikbi ni JL. At ng matapos ko ng ilahad sa kanya ang lahat ay tinanong niya ako. "Anong balak mo ngayon?" garalgal niyang boses. 

"Ipaglalaban kita JL! Hindi ako susunod sa gusto nila." tugon ko. 

"Salamat Paul! Mahal na mahal kita." 

"Mahal din kita JL." at tuluyan ko ng in-end call ang tawag. 

Lumipas ang isang linggo na parang normal pa din. Nakakapagfocus ako sa pagaaral kahit na kasama ko si Jasper sa iisang silid aralan. Nagkikita padin kami ni JL at madalas padin kaming lumabas at pumupunta sa kanyang bahay. 

Akala ko'y magiging maayos na ang lahat at masaya kong haharapin ang bawat araw ngunit nagkamali ako ng minsang magpunta ako ng convinient store at makita ko si Jane. 

"Hey Paul! Musta?" bati nito. 

"Hi Jane?" pagtatanong ko dahil hindi ko na sya ma-mukhaan pa, mataba ang kanyang pisngi at lumobo din ang kanyang tiyan na halatang may dinadalang bata. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay may nangyaring masama. Bumilis ang tibok ng aking puso at nanlamig ang aking katawan. 
B-buntis siya? Sino ang ama at ba't parang ambilis naman ata? Tuloy tuloy ang pagpasok ng katanungan sa aking isipan. Bakit? Kaylan? Saan? Sino? Walang humpay na pagtatanong ng aking utak. Alam kong masama ang maging-judgemental pero may mali talaga eh. 

"Hey! Natulala ka ata?" pagsasalita ni Jane na nagalis sa pagkakatulala ko. 

"Ah...Eh... Buntis ka? Kaylan pa?" pagtatanong ko, sinadya ko talagang wag itanong kung "Sino ang ama?" baka pag nalaman ko ay hindi ko alam ang gagawin sa babaeng ito. 

"Obvious ba? Haha. Oo five or six months na ata tong baby ko." tugon niya na may halong pagtawa. 

"Hehe, Congrats!!!" ang tanging naisagot ko. 

"Thank you! Oh papaano mauuna na ako ha." wika ni Jane. 

"Sige. Ingat ka Jane." tugon ko. 

Gusto ko sanang sabihin na "Sana madapa ka!" kaso mukhang masama naman ata ang humiling ng ikakasama ng iba. 

Lumipas ang isang linggo at magmi-midterm na ngunit walang ibang pumapasok sa aking isipan kundi ang pagiging buntis ni Jane. Oo hindi ako mapalagay at gustong gusto kong tawagan si Jane upang malaman ang totoo ngunit kailangan ko munang tumahik at magbulagbulagan kung tama man ang aking hinala. Sana ay mali ang nasa isip ko at sana'y hindi niya ako pagtataksilan, ngunit kung tama man ang aking hinala magpapaubaya ba ako at tatanggapin ang pagkatalo o ipaglalaban ko hanggang dulo? Ah ewan! Basta kailangan ko munang magfocus sa pagaaral ko at wag hayaang lamunin ng paghihinala. 

Nagdaan ang Midterm exam at lubos akong natuwa ng makita ko ang aking mga marka, Oo masaya ako pero sa kabila pa din ng aking pagkatao ay may multong gumugulo. Ngunit napagdesisyunan ko na gumawa na ng hakbang upang malaman ko ang katotohanan. 

Sabado noon kaya libre akong gumala, nagpunta ako kay Prince upang humingi ng payo o opinyon tungkol sa aking natuklasan. 

"Oo Ateng napadalaw ka ata? Halika tuloy..." wika ni Prince ng pagbuksan niya ako ng pinto. 

"Salamat Prince." tugon ko ng makapasok sa kanilang bahay. 

"Hello Kuya Paul!" bati sa akin ni Abby ng makita niya ako. 

"Hello din Abby! Ang cute mo talaga." tugon ko sabay kurot ko ng kanyang pisngi. 

"Kuya Paul pagnatapos na kayong magusap ni kuya ay maglaro tayo ha." bibong pagsasalita ni Abby. 

"Sure. No problem!" naka ngiting sagot ko. 

"Oh anong isinadya mo Ateng?" pagtatanong ni Prince ng matapos na kaming magusap ni Abby. 

"Ah...Eh... Itatanong ko lang sana sayo kung papaano mo malalaman na nagtataksil sayo ang taong mahal mo?" pagtatanong ko. 

"Aber? Ba't sa akin mo naman natanong iyan?" nakangiting tugon ni Prince. 

"Wala naman. Nagbabakasakali lang na matutulungan mo ako." malungkot na tugon ko. 

"Oy joke lang! Syempre alam ko." sagot ni Prince. 

"TALAGA!? PAPAANO?" masiglang pagtatanong ko.
"Uhhhm... Number one! Nanlalamig na sya sayo. Ikalawa hindi ka matitigan ng matagal dahil may itinatago siya. Ikatlo nababawasan na ang pagiging sweet niya. Ika-apat nawawalan na ng oras para sa making love. Ika-lima nilalagyan ng password ang cellphone at laptop. Ika-huli nakakalimutan na ang special day niyo." simpleng sagot ni Prince. 

"Ahhh..." ang tanging naisagot ko. 

"So ano? May tumugma ba sa mga sinabi ko?" pagtatanong ni Prince. 

"Sa ngayon eh wala pa naman." sagot ko. 

"Eh di mabuti! Pero kung masama ang pakiramdam mo at sa tingin mo ay pinagtataksilan ka, gumawa ka na ng paraan upang malaman ang katotohanan." payo nito. 

"Oo salamat Prince!" tugon ko. Pagkatapos namin magusap ni Prince ay inanyayahan niya akong magmeryenda at ng matapos na kaming kumain ay nakipagkulitan at nakipaglaro ako sa bibong kapatid ni Prince. 

Nagdaan ang ilang araw at limang araw nalang ay kaarawan ko na. Todo review ako dahil malapit na ang finals at kinakailangan kong makapasa upang ma maintain ko ang aking scholarship. Wala akong ibang inintindi kundi ang pagaaral ko, hindi ko na binibigyang pansin ang mga ginagawa ni Jasper at ng kanyang nobya, ignore lang ako at focus sa studies. Sa pagdaan ng araw ay mas lalo akong napalapit sa kaibigan kong si Prince, madalas din kaming nagsasama sa bawat lakad namin. Ang balita ko naman kay Kelly ay naging sila na daw ni Raymond at naging deans lister siya. Sinadya ko talagang puntahan si Kelly upang batiin siya at kumustahin na din. 
"Tita si Kelly po?" pagtatanong ko sa mama ni Kelly. 

"Nasa kwarto niya Paul. Puntahan mo nalang." sagot nito. 

"Sige po salamat tita." sagot ko at agad na nagpunta sa kwarto ni Kelly. 

"Bes!" pagtawag pansin ko sa nagbabasang si Kelly. 

"BEEES! I miss you bes." sabay beso beso niya. 

"Walang hiya to! Hindi man lang ako inupdate sa buhay niya. Oh kumusta kayo ni Raymond?" pagsasalita ko. 

"Gaga! Anong update ang sinasabi mo. Nanliligaw palang yung tao. Alam mo naman ang ate mo feeling konserbatibo. Hahaha!" tugon ni Kelly. 

"Konserbatibo daw! Oh baka pinahihirapan mo naman sa pangliligaw si Raymond ah?" pagtatanong ko. 

"Konti lang." si Kelly na ginaya ang latest comercial ng Mcdo. "Oh ikaw bes? Kumusta na kayo ni JL?" 

"Hhhmmm... Ayos lang." matipid na sagot ko. 

"Ang tagal tagal natin na hindi nagkita tapos sasabihin mong, Ayos lang? Magkwento ka na. Kainis!" wika ni Kelly na nagpapanggap na nagtatampo. 

"Haha. Ano pa ba ang dapat kong ikwento sayo? Eh halos lahat ata eh alam mo na." malungkot na tugon ko. 

"Lahat nga ba alam ko?" curios na pagtatanong ni Kelly. 

"Hhhmmm... Actually hindi lahat." pagamin ko. 

"Sabi ko na nga ba eh. Hindi ka magpupunta sa akin ng wala kang problema eh. Ano tama ba?" 

"Oo." matipid na sagot ko. 

"So ano ang problema mo? Nag away ba kayo ni JL? Sinaktan ka ba niya? Ano dalahin na kita sa DSWD?" exagerated na tugon ni Kelly. 

Masayahin padin itong si Kelly, hindi siya nagbabago at ang higit na ikinatuwa ko sa kanya ang pagiging maaalahanin nito at palagi kang pasasayahin. 

"DSWD? Over naman ata yon. Pero seryoso may masama akong nararamdaman eh." tugon ko. 

"Womans instinct ang tawag diyan!" seryosong tugon ni Kelly na dinalaunan ay biglang natawa. 

"Gaga! Womans ka dyan." 

"Haha. Biro lang" 

"Kelly papaano mo nasasabing nanlalamig na ang karelasyon mo?" pagtatanong ko. 

"Ah...Eh... Hindi ko alam eh, alam mo naman wala pa akong boyfriend. Pero sa sariling pananaw ko, nanlalamig yung taong minamahal mo kapag nawala na yung sparks at yung kuryente kapag nagtatama yung mga mata niyo." sagot ni Kelly. 

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. 

"Bakit mo naman natanong yan?" wika ni Kelly. 

"Wala, wala. By the way punta ka pala sa birthday ko ha, maliit na salo salo lang." pagiiba ko ng usapan. 

"Sure no problem. Ikaw pa! Malakas ka sakin eh." tugon ni Kelly. 

"Kaya mahal kita Bes eh." sabay yakap ko sa kanya at tuluyan ng nagpaalam. 

Apat na araw pa bago ang aking kaarawan at sinabihan ko din si Prince na magpunta sa kaarawan ko at pumayag naman siya. Kinausap ko din si JL na huwag pumunta at ipinaintindi ko sa kanya ang sitwasyon namin. Mabuti naman na naunawaan niya ngunit gusto din niyang ipagdiwang ang kaarawan ko kasama siya, iminungkahi niya na lumabas kaming dalawa at ipagdiwang ang kaarawan ko, pumayag naman ako at syempre masaya ako dahil alam kong gusto niya akong makasama sa kaarawan ko. 

Bawat araw ng pagpasok ko sa eskwelahan ay parang tinutusok ang aking puso at tila pinipiga ito hanggang magdugo, Oo inaamin kong naapektuhan padin ako at nagseselos sa nobya ni Jasper, hindi ko maitatangging may pagtingin pa din ako kay Jasper, masakit ngunit kailangan kong kayanin, kailangan kong magpanggap na hindi nasasaktan. Pero parang hindi ata kaya ng puso ko, sa tuwing gabi ay naiisip ko siya at hindi namamalayang tumutulo na ang aking luha. 

Lunes noon at maaga akong pumasok para makapaghanda sa aking i-rereport tungkol sa Clinical Psychology at Cognitive Development. Bago ako magtungo sa aking unang klase ay nanghiram muna ako sa Guard ng aming paaralan ng projector. Power point kasi ang ginamit ko bilang visual. Nang makuha ko na ang projector ay agad akong nagtungo sa aking silid aralan, pagkabukas ko ng pinto ay hindi ko inasahan ang aking nakita, si Jasper nakikipaghalikan sa kanyang nobya. Sobrang akward at maging sila ay nabigla. Napagisip isip ko na, ano ba itong babae na ito! Walang respeto sa sarili at ito namang si Jasper ay parang sarap na sarap sa labi ng kahalikan. 

Agad nilang inayos ang kanilang sarili at nakaramdan sila ng hiya dahil hindi sila nakaimik at sila'y natahimik. 

"Pwede na ba akong pumasok?" pangbabasag ko sa katahimikan. 

Nakadinig lang ako ng isang mahinang "oo" at tuluyan na akong pumasok. Dire-diretso lang ako at sinet-up na ang projector na gagamitin at ang aking laptop. Walang ibang pumapasok sa aking isipan kundi ang ginawa nilang paghahalikan. Ewan ko pero nakakaramdam ako ng selos at pagkairita. Tuloy tuloy lang ako sa pagse-setup at biglang nagsalita ang nobya ni Jasper. 

"Sa susunod kasi kumatok ka muna bago pumasok." mataas na tono ng kanyang boses. 

Hindi ko na sana siya papatulan pa ngunit nagsalita pa siya. "Siguro naiinggit ka? Ang tamis ng labi ni Jasper." nadinig kong nagsalita si Jasper at tila pinapatahimik nito ang kanyang nobya. 

"Bakit ko naman kailangan mainggit kung dati ko pa natikman yan?" mataray kong pagsasalita. Nakita kong biglang nagiba ang timpla ng kanyang mukha at tila sasabog sa galit. 

"BAKLA! BAAAAKLA! Mang-aagaw! Ahas! Desperada! Salot." pangaasar nito. Dedma lang ako at tinawanan ang kanyang mga pinagsasabi. Napikon ata ang gaga at bigla akong sinugod ngunit bigla siyang hinawakan ni Jasper at pinigil. 

"Magiingat ka sa kinakalaban mo Bakla! Baka magising ka nalang isang araw at nasa langit ka na." pagbabanta nito sabay takbo palabas ng kwarto na agad ding hinabol ni Jasper.
Hindi ko inintindi ang sinabi niya at nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa. Maguumpisa na ang unang klase at handang handa na ako mag-discuss sa binigay na topic sa akin ngunit ng maguumpisa na akong magreport ay napansin kong wala padin si Jasper at ang kanyang nobya. 

Kahit na napaghandaan ko ito hindi ko pa din maiwasan ang kahaban lalo na't alam kong galit sa amin ni Prince ang aming mga kaklase. Ngunit sa kabila ng mga negatibong naiisip ko, nadiscuss ko naman ng maayos at malinis ang aking report. Sobrang saya ko dahil binigyan ako ng gradong 1.00! Sa isip isip ko'y maagang regalo na sa akin ito. Natapos ang unang klase namin at mayroon kaming isang oras na vacant. Naikwento ko kay Prince ang mga nasaksihan ko at yung mga pinagsasabi ng nobya ni Jasper. Halos high bloodin si Prince sa sobrang inis. Wala siyang ibang bukangbibig kundi ang sabihing "Pagnakita ko talaga ang demonyitang babaeng yon, sasabunutan ko at kakaladkarin ko mula 4th floor hanggang ground floor." tinawanan ko lang siya dahil alam ko namang hindi kayang gawin iyon ni Prince. 

Nang matapos ang isang oras na vacant namin ay agad kaming nagpunta sa susunod naming klase. Natapos ang tatlo naming subject sa araw na iyon at masasabi kong naging masaya ang araw ko maliban nalang sa nangyari kaninang umaga. 

Mabilis na nagdaan ang mga araw at saktong walang pasok ang aking kaarawan. Binati ako ni JL ng isang matamis na happy birthday at balak naming magcelebrate mamayang alas dose ng hating gabi. 

Alas ocho na ng gabi nagpunta si Kelly at saktong nakahain na ang mga handa ko sa lamesa. Maliit na salo salo lang naman iyon ngunit gusto kong icelebrate iyon kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. 

"Wow tita ang sasarap naman ng mga niluto mo!" wika ni Kelly ng makita ang mga nilutong pagkain ni Mama. 

"Syempre gusto kong mabusog ka. Sandali nga lang maiba ako, bakit hindi ka na nagpupunta dito sa amin?" pagtatanong ni Mama. 

"May boyfriend na po kasi siya Ma." pagsingit ko sa usapan. 

"Hoy! Anong boyfriend? Wala pa kaya." pagtanggi ni Kelly. 

"Hahaha. Dalaga ka na." pangaasar ni Mama. 

"Tita naman eh." kunwaring pagkainis ni Kelly. 

Tawanan lang kami at sakayan sa mga biro ng isa't isa. 

"Anak asan na pala yung isa mong kaibigan?" tanong ni Mama. 

"Hindi ko nga po alam eh. Teka lang Ma, tawagan ko lang." 

Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone ko at agad kong tinawagan si Prince. 
Na agad din namang sinagot ni Prince. 

"Prince ano na?" pagtatanong ko. 

"Pasensya na Ateng. On the way nako." tugon nito. 

"Okay. Sige ingat." sabay in-end call ko ang tawag. 

Lumipas ang mahigit kalahating oras ngunit wala pa din si Prince. Nagumpisa na kaming kumain at masama ang aking loob dahil hindi ata pupunta ang matalik kong kaibigan. Ngunit nagkamali ako, pasubo na ako ng kanin ng biglang may kumatok sa aming pintuan. 

"Oh anak baka yung kaibigan mo na yan." wika ni Mama. 

"Baka nga po. Sandali lang Bes, buksan ko lang ang pinto." pagpapaalam ko. 

Tumayo ako sa aking upuan at binitawan ang hawak na kobyertos at agad na naglakad papuntang pintuan. Binuksan ko ito na may kasamang "Welcome Prince!" ngunit nabigla ako sa aking nakita. 

"Jasper?" pagtataka ko. 

"Oo. Ako nga." tugon nito sabay ngiti. 



Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento