Mga Pahina

Linggo, Agosto 25, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [23]


DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.


Nobody is perfect but you can do something good and remarkable that can attract others attention and make them love your imperfection.”

Chapter 21
"Ma? Ah... Eh..." hindi ako makasagot sa tanong na iyon ni mama, hindi ko alam kung ito na ba ang right time upang sabihin ko ang iningat ingatan kong lihim.

"Please...Anak...Magsabi ka ng totoo." wika ni mama habang umiiyak. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at niyakap ko si mama kasabay ang pag-iyak.

"Pasensya po ma. Hindi ko naman ginusto na maging ganito ako eh..." ang pagsagot ko habang umiiyak. Hindi nakaimik si mama at tila na-stroke sa kanyang nadinig.

"Anak bakit? Pinalaki ka namin ng maayos ng papa mo! Bakit ka nagkaganyan! Baka si JL naman ang bakla at hindi ikaw anak?" ang malakas na boses ni mama.

"Ha JL? Papaano nalaman ni mama ang tungkol sa amin? Pinasundan ba ako ni mama? Ay tang ina! Kagabi ay hindi ko nagawang i-lock ang pintuan namin at baka nakita ni mama ang nangyari sa amin." sa isip isip ko.

"Ma, ako po talaga ang bakla at hindi si JL!" ang tugon ko. Hindi na nagawang sumagot ni mama, niyakap nalang niya ako ng pagkahigpit higpit at saka ibinuhos ang lahat ng kanyang luha.

"Ma, pasensya po. Alam kong gusto niyong magka-apo ngunit hindi na mangyayari iyon." hindi padin nagsasalita si mama at patuloy sa pagiyak.

"Ma, Wag niyo po munang sabihin kay papa." wika ko.

"Alam niya na anak."

"Ha!? Papaano ma? Sinabi niyo po ba?" ang pagtatanong ko na may halong takot at kaba.

"Hindi ko sinabi anak."

"Eh P-pano niya po nalaman..." ang pautal utal na pagsasalita ko.

"Ang Papa mo ang nakakita sa inyo ni JL."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tila naubusan ng dugo sa sobrang takot.

"Ma, natatakot ako..." wika ko.

"Wag kang mag-alala anak, mauunawaan ka ng papa mo. Ako bilang isang ina mo, tanggap kita kahit ano ka pa. Kahit na hindi mo matutupad ang pangarap naming magka-apo. Pero ipangako mo sa akin anak na pagbubutihan mo ang pag-aaral mo upang ang pangarap namin na makatapos ka ng kolehiyo ay matupad." ang pagpapayo ni mama.

Tama nga ang sabi nila na, Lahat ng ating ina ay andyan palagi sa ating likuran at handang gumabay at sumuporta sa atin.

"Opo ma! Pagbubutihan ko po ang pag-aaral ko." sabay ngiti ko.

"Mabuti naman anak. Tara na sa ibaba at kakausapin ka pa ng papa mo." sabay pahid ni mama ng kanyang luha.

"Ma, hindi pa po ako handa." sagot ko.

"Kaya mo yan anak! Andito ako."

"Wag niyn akong pababayaan ma."

"Oo pangako."

Pagkatapos namin magusap ni mama ay agad kaming bumaba at hinarap at kinausap ang aking papa.

"Totoo ba anak?" ang mahinahong boses ni Papa.

"Opo pa." pagkasagot na pagkasagot ko ay biglang lumanding sa aking pisngi ang kamay na bakal ng aking ama. Napaka-hapdi at nakapaka-sakit ng sampal na iyon, ngunit hindi ako umiyak o nagpakita man lang ng pagkamahina. Sa isip isip ko'y kung ang sampal na iyon ang tanging paraan upang tanggapin ako ay kakayanin ko.

"PA!" ang gulat na pagsigaw ni mama ng makita akong sinampal.

"Okay lang po ako ma..."

"Pinalaki ka namin ng maayos Paul! Bakit ka nagkaganyan! Tang ina naman oh... Ayokong magka-anak ng isang bakla." wika ni papa.

"Ano po bang magagawa ko... Eh naging ganito ako." sagot ko.

Nagulat ako sa susunod na pagsasalita ni papa at tila tinamaan ako ng kidlat.

"Anong magagawa mo? Magpakalalaki GAGO! Kaya ka nga namin kinupkop at inampon upang magkaroon kami ng apo." nagulat ako sa mga binitawang salita ni Papa, hindi ko inakalang lalabas sa kanyang bibig ang salitang "AMPON"

Nakita ko si mama at maging siya ay nagulat at napaluha.

"Totoo po ba Ma? AMPON LANG AKO!?" Ang galit at mataas na tono ng aking boses. Hindi nakaimik si Mama at halatang may itinatago sa akin.

"Ampon? Ampon ako!" sabay labas ko ng aming bahay.

Takbo ako ng takbo upang makalayo lang sa aming bahay, hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh, basta ang alam ko lang sa ngayon ay kailangan kong lumayo.
Nang mapagod ako sa kakatakbo ay nagpahinga ako sa isang waiting shed. Naghalo ang luha at pawis ko, wala pa din akong ibang iniisip kundi ang mga nangyari kanina. Habang nagpapahinga ako ay may isang tao na nag-abot ng panyo sa akin, tinanggap ko naman ito ngunit hindi man lang ako nagpasalamat.

"Bakit ka umiiyak?" pagtatanong niya. Pamilyar sa akin ang boses niya kaya tinignan ko kung sino ito.

"Ah Wala...Salamat pala sa panyo, Jasper." sabay ngiti ko sa kanya.

"May problema ka ba Paul?" ang pangungulit ni Jasper.

"Wala...Wala...Okay lang ako." sagot ko.

Magsasalita pa ulit sana si Jasper ngunit tinawag na siya ng kanyang kasama.

"Babe! Tara na! Naka-ordered na ako ng pagkain natin." wika ng kasama ni Jasper.

"Mauna na pala ako Paul. Basta kung may problema ka ay tawagan mo lang ako." wika niya. Hindi ako umimik at nanatiling nagpupunas ng luha.

Pagkatapos magpaalam ni Jasper ay agad din siyang umalis at iniwan akong nag-iisa, buti nalang at sakto ang pagtawag sa akin ni Prince.

"Hello Ateng!" pambungad na pagsasalita ni Prince.

"Hello Prince?" wika ko.

"Ay umiiyak lang ang peg? Anong kadramahan yan? Dali ichika mo na." tugon niya matapos madinig ang boses ko.

"Prince, ambigat ng problema ko. Pwede mo ba akong sunduin?" pagtatanong ko.

"Haaaa? Sige... Nasaan ka? Pupuntahan kita agad agad, kara-karaka! Now na! Ikaw na" pagpapatawa ni Prince.

"Ah Eh...Andito ako sa labas ng 168mall." ang mahinang boses ko.

"Sige pupuntahan na kita dyan." wika ni Prince.

"Salamat Prince!" huling tugon ko at in-end call ang tawag.

Mahigit tatlongpung minuto din ako nagantay ng makarating si Prince. Agad siyang nagbeso-beso sa akin at kinumusta ako.

"Anyare ba Ateng? Ba't namamaga ata yang mata mo?" pagtatanong ni Prince.

"Prince...Pwedeng sa bahay niyo nalang tayo mag-usap? Hindi ko yata kayang maglakad mag-isa kaya ako nagpasundo sayo." wika ko

"Sige sige...Walang problema, Tara dito Ateng alalayan kita." sabay alalay niya sa akin ng pagtayo at bago kami sumakay ay binilhan niya muna ako ng makakain.


Nang makarating na kami sa bahay ni Prince ay agad niya akong pinakilala sa kanyang kapatid at sa kanyang magulang.

"Ma, Sis!" sabay lapit ng kanyang mama at ng kanyang kapatid. "Si Paul nga pala, kaibigan ko." pagpapakilala sa akin ni Prince.

"Goodmorning po, tita at hello sayo napaka-cute mo." sabay kurot ko sa pisngi ng nakakabatang kapatid ni Prince.

"Hello din po kuya Paul!" ang bibong pagsasalita ng kapatid ni Prince. Nginitian ko lang siya at nagmano naman ako sa mama ni Prince.

"Magandang umaga din sayo Paul. Biriha magdala ang anak ko ng kaibigan dito sa bahay namin, siguro ay ikaw ang ikalawang kaibigan ng anak ko na bumisita sa bahay namin." wika ng mama ni Prince.

"Ay ganon po ba? Mabuting kaibigan po si Prince, mabait po siya at masarap kasama." tugon ko.

"Ane ke be! Paul! Mesyede me nemen akeng pinuri!" pagpapatawa ni Prince. "Ah ma, pwede po bang makituloy si Paul sa bahay natin kahit mga ilang araw lang?" dagdag pa ni Prince.

"Abay oo naman anak! Welcome na welcome sa bahay natin ang mga kaibigan mo, lalo na itong si Paul na mukhang mabait at mapagkakatiwalaan." mahinahong tugon ng mama ni Prince.

"Salamat po tita." wika ko sabay ngiti.

"Ah ma, sasamahan ko po muna si Paul sa Guest room natin, para makapagpahinga naman po siya." wika ni Prince.

"Mabuti pa nga anak. Pagnagutom si Paul punta lang kayo sa kitchen or utusan mo nalang si manang para mapaghanda kayo ng makakain ha..." Tumango lang si Prince at sabay sensyas sa akin na sumunod sa kanya. 

"Kuya kuya! Pwede po ba akong sumama sa room ni Kuya Paul?" pagtatanong ng kapatid ni Prince.

"Ah...Eh...may problema si Kuya Paul mo eh...Later nalang ha, pagtapos naming mag-usap." sabay ngiti ni Prince sa kanyang kapatid.

"Sige po Kuya, i understand po. Wait ko nalang kayo ha... manonood muna ako ng Powerpuff, tapos maglalaro tayo mamaya ha..." sabay ngiti ng kapatid ni Prince.

"Sure sure... Mamaya maglalaro tayo." tugon ko sabay ngiti din sa kanya.

"Yipeeeeee! Maglalaro kami kasama si Kuya Paul!!!" masayang tugon ng kapatid ni Prince sabay takbo.

"Ang cute na kapatid mo Prince!" wika ko

"Hahahaha! Cute talaga yan! Nagmana ata sa ate niya." sabay muwestra niya ng kanyang mukha.

"Ay ang kapal? Hahaha, nagmana kamo sa nanay niya!" tugon ko.

"Hoyy! Aber? Maganda kaya ako kaya ganyan din sya! Hahahahha" tugon niya sabay tawa na parang demonyo.

"Sige fine! Teka ano pala pangalan niya?" pagtatanopng ko.

"Maria Abbyln Rose Marie Bueneventura! Abby nalang for short." sabay tawa naming dalawa. 

"Ang ganda ng name niya kaso ang haba naman ata." matawa tawang tugon ko. 

"Haynako! Si mama kasi! Halos lahat ata ng first name ng mga kababaihan ay pinagsama sama niya. Kaya ayan! Durog ang lapis at papel kapag nagsusulat ng pangalan si Abby." tugon ni Prince. 

"Ateng...Iwanan muna kita sandali dyan sa Guest room ha... May aasikasuhin lang ako. Bye feel at home!" pagsasalita ni Prince sabay takbo papuntang second floor ng kanilang bahay. 

Pagkapasok ko sa Guest room ay agad kong dinama ang napakalambot na kama. Ilang saglit lang ay nakatulog na pala ako sa kama. Para akong si Snow White matulog at inaaantay ang Prince Charming na hahalik sa aking labi upang magising ngunit ibang Prince ang gumising sa akin siya ay si Baklang Prince. 

"Hoy Ateng! Gumising ka! Sabi ko sandali lang diba? Aba'y tinulugan ako?" panggigising ni Prince. 

"Haha. Pasensya na Prince! Ang lambot kasi ng kama eh... Alam mo na minsan lang makahiga kaya susulitin ko na." tugon ko. 

"Ano ka ba! Diba sabi nga ni mama na welcome na welcome ka dito sa bahay." pagtataray ni Prince. 

"Haha. Salamaaaaat Prince. Hindi lang pala ikaw ang mabait pati ang mama mo. Kaya napakaswerte kong naging kaibigan kita eh..." tugon ko. 

"Asus! Bolera ka talaga kahit kaylan Ateng!" ngising sagot ni Prince. 

"Shunga. Totoo yung sinasabi ko." wika ko. 

"Ay na-shunga pa talaga ako?" 

"Ayaw mo kasing maniwala eh..." 

"Oh sya! Sige naniniwala na akong anghel ako. So ano ngayon ang problema natin Ateng?" kung kanina'y puro ngiti at tawa ang emosyon namin ni Prince ngayon ay napalitan ito ng pagkaseryoso at pagkalungkot. 

"Ah...Eh..." nahihiyang tugon ko. 

"Ah...Eh...Ih...Oh...Uh? OH MY G! Hindi ka marunong magbasa?" pagpapatawa ni Prince upang kahit papaano'y mabawas bawasan ang tensyon. 

"Prince naman eh...Ready na nga ang lola mong magdrama rama eh!" pagpapatawa ko din.

"Oh sige! Eh di simulan mo na ang pagdadrama mo. Ano pang hinihintay mo? Itszzzzz SHOOWWWTIMEEE!" patuloy na pagpapatawa ni Prince. 

"Haha. Okay na ako Prince. Kalmado na ako sa pagpapatawa mo. Ready na ako upang isiwalat ang hinanakit ng puso ko." kunwaring pagdadrama ko.
"Okay! Sige go na. Ikwento mo na. Ikaw na!" si Prince na ginaya ang famous line ni tito boy. 

"Ah...Si papa't mama kasi eh..." maiyak iyak na pagsasalita ko. 

"Ohhh. Anyare kila tita at tito? At bakit may paiyak iyak ka pa?" pagtatanong ni Prince. 

"Eh kasi Prince, nalaman na nila na bakla ako eh." tugon ko sabay patak ng aking luha. 

"Abay magpapa-FIESTA na ako!" masayang tugon ni Prince. 

"Papa Fiesta? Tanga ka ba Prince? Alam na nga nila yong sikreto ko magsasaya ka pa." pagtataray ko sa sinabi ni Prince. 

"So ako nanaman ang tanga ngayon? TANGA KA DIN!" wika ni Prince. 

"Huh? Ako ang naging tanga aber?" pagtatanong ko. 

"Ay pinanindigan niya talaga ang pagiging tanga! Di mo ba naisip na mas okay na nalaman na ng papa't mama mo ang sikreto mo?" tugon ni Prince. 

"Huh? Hindi kita maintindihan." nalilitong tugon ko. 

"Ay TANGA NGA! Shunga. Ngayong alam na ng mama't papa mo ang tunay mong pagkatao dapat maging masaya ka! Di mo ba naisip ang good side na nalaman na nila ito?" tuloy tuloy pa din si Prince sa pagsasalita at ako'y todo sa pakikinig. 

"Ang good side na nalaman nila ang sikreto mo'y wala ka ng itatago! Hindi mo na kailangan magpanggap sa maskara mo. Magiging masaya ka na sa kung ano man ang gugustuhin mo. Diba ang sarap sa feeling na nabunutan ka ng tinik sa puso mo?" ang matalinghagang pagsasalita ni Prince. 

Napatango nalang ako sa mga binitawang salita ni Prince. 

"Oo nga noh! Mas mabuti ng nalaman nila mula sa akin kaysa sa iba pa nila nalaman. Ngayon ko lang din naramdaman na parang nasira na ang tinataguan kong maskara at yung feeling na sobrang gaan ng pakiramdam mo kasi nasabi ko na." sa isip isip ko. 

"Oh...Ano? Nga-nga ka sa mga pinagsasabi ko? Diba tama naman ako?" pagtatanong ni Prince. 

"Oo tama ka nga Prince. Ngayon lang ako naging ganito kasaya." wika ko ngunit nanatiling malungkot ang mukha ko. 

"So ganyan ka pagmasaya ka? Naka-busangot? Ganyan na ba ang uso ngayon?" pang-ookray ni Prince. 

"Eh...May isa pa kasi akong problema eh!" wika ko. 

"Ay? May mas malala pa pala sa problema mo? Sige na ikaw na ang King of Problem! este Queen of Problem." biro ni Prince. 
"Oh ano yong mas karumal dumal at mas katakot takot na problema mo?" dagdag pa niya sa kanyang sinabi. 

"Ampon ako Prince." pag-amin ko. 

"Ay. Ang bigat nga ng problema mo. Di ko na ata keri Ateng! Mga pasabog mo sabog na sabog talaga." pagbibiro ni Prince. 

Nanatiling tahimik lang ako at nakayuko upang hindi makita ni Prince ang pagbagsak ng luha ko. 

"So papaano mo nalaman ang tungkol dyan Ateng?" seryosong pagtatanong ni Prince. 

"K-kay P-papa." pautal utal na pagsasalita ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyang bumuhos ang aking luha. 

"Sige lang Ateng. Iiyak mo lang yan. Tandaan mo luha ang nagsisilbing bibig ng puso kapag ang sakit ay hindi na masabi ng labi." pagpapalubag loob sa akin ni Prince kasabay ang paghimas ng aking likod. 

"Go lang Ateng. Ubusin mo na ang luha mo upang gumaan ang loob mo. Ilabas mo lang lahat yan." patuloy na pagpapayo ni Prince. 

"Napaka-unfair Prince!" pagsasalita ko, ramdam kong ayaw makisabat ni Prince at nanatili lang siyang nakikinig sa kwento ko. 

"Napaka-unfair! Hindi man lang nila naisip ang nararamdaman ko! Ginawa nila akong tanga. Hindi ko man lang nakilala ang mga tunay kong magulang! Kahit makita ko lang sana sa litrato'y magiging masaya na ko! Mayakap at mahalikan ko man lang sana sila. Maramdaman ko man lang sana ang isang yakap ng tunay kong magulang." pagtatapos ko sa pagku-kwento ko. Hindi ko padin mapigil ang sarili ko sa kakaiyak. 

"Ateng...Opinyon ko lang ha. Alam mo napakaswerte mo." hindi na natapos ni Prince ang pagsasalita ng biglang sumingit ako. 

"Huh? Swerte? Papaano? Sige nga sabihin mo nga kung papaano ako naging swerte?" seryosong pagtatanong ko. 

"Swerte ka dahil may taong nag-ampon sayo. Binigyan ka ng matitirahan, makakain, maisusuot at higit sa lahat minahal ka nila na parang tunay ka nilang anak. Hindi mo ba naisip na may mga batang sa lansangan lang nakatira o natutulog? Hindi mo din ba naisip yung panglilimos nila makakain lang sila? Napakaswerte mo paul. Pinunan lahat ng pangangailangan mo ng iyong magulang. Sana'y isipin mong mas naging tunay na magulang ang mga nag-ampon sayo. Inaruga ka nila at minahal bilang anak nila, bilang kadugo at tunay na pamilya. Sa araw araw na pamumuhay natin lagi natin iniisip na napakamalas natin ngunit ang totoo nya'y napakaswerte natin dahil nagkaroon tayo ng responsableng magulang." pagsasalita ni Prince na ngayo'y lumuluha na din. 

"Tama ka Prince. Napakaswerte ko. Hindi ko man lang inisip ang kalagayan ng ibang tao. Napaka-selfish ko!" wika ko. 

"Ngayon ay nalaman mo na ang pagkakamali mo Ateng... Simulan mo nang ayusin ang lahat ng pagkakamaling iyon at palitan ng tama. Magsimula ka ulit at ituwid ang baluktot mong pagkakamali." pagpapayo pa ni Prince. 

"Thank you Prince! Naliwanagan ako at labis kong naunawaan ang pagkakamali ko." tugon ko habang nagpupunas ng luha. 

"So anong plano mo ngayon Ateng?" pagtatanong ni Prince. 

"Pwede bang makituloy muna ako dito kahit mga tatlong araw lang? Magpapalamig lang at pagkatapos ay uuwi nako." nahihiyang tugon ko. 

"Ofcourse! Welcome na welcome ka sa bahay namin." masayang tugon ni Prince. 

"Salamat talaga Prince!" masayang tugon ko. 

"Yan tama! Ngumiti ka lang upang gumaan ang pakiramdam mo. Tama na ang kadramahan natin." wika ni Prince at sabay kaming nagtawanan. 
"Tara magpahanda tayo ng makakain kay manang? Nagugutom na ko eh..." wika ni Prince, tumango lang ako bilang pagtugon at agad kaming nagpunta sa kitchen.

"Kuya! Kuya!" tawag ni Abby sa amin matapos kaming kumain ni Prince. 

"Hello. Abby! Ang cute mo talaga." sabay kurot ko sa kanyang pisngi. 

"Aray! Aray! Ang sakit." pagangal ni Abby ng hindi ko napigilan ang sariling kurutin ang mataba niyang pisngi. 

"Ay pasensya. Ang cute mo kasi eh! Nakakapanggigil ka." sabay bitaw ko sa pagkurot ng kanyang pisngi. 

"Maglalaro na ba tayo Kuya Paul?" pagtatanong ni Abby. 

"Uhhhm...Sige! Anong laro ba gusto mo?" pagtatanong ko. 

"Gusto ko sanang maglaro tayo ng barbie kaso lalaki ka naman eh." inosenteng sagot ng bata. Bahagya akong napatawa sa mga sinabi ni Abby. 

"Ok lang sakin. Walang problema kung maglaro ako ng barbie." nakangiting sagot ko. 

"TALAGAAAA!?" masayang tugon ni Abby. 

"Oo naman." matipid na sagot ko. 

"Yehey! Teka lang Kuya Paul ha...Kukunin ko lang yung mga barbies ko." masayang tugon ng bata. 

"Napakasayahin ng kapatid mo Prince." wika ko. 

"Oo masayin talaga yan si Abby kaso noong namatay si daddy sobrang nalungkot yan at walang tigil sa kakaiyak." tugon ni Prince. 

"Ah ganon ba? Buti naman at nakarecover sya at ikaw din. Papaano niyo nagagawang maging masaya sa kabila ng mga problema?" malungkot na pagtatanong ko. 

"Uhhhm... For me wala ka naman magagawa kung iiyak at iiyak ka lang. Tuloy padin ang buhay kahit namatay na ang taong mahalaga sayo." wika ni Prince. 

"Bilib talaga ako sayo Prince!" masayang tugon ko. 

"Ako pa!!!" at sabay kaming nagtawanan, dumating si Abby bitbit ang kanyang mga laruan at masayang nakipaglaro ito sa amin ni Prince. Nang magsawa itong maglaro ay nagpahanda siya sa kanilang katulong ng meryenda at sabay sabay kaming nagkainan. 

Lumipas ang dalawang araw at napagdesisyunan ko nang umuwi sa aming munting tirahan, labis akong nagpasalamat sa pamilya ni Prince dahil trinato nila ako bilang isang parte ng kanilang pamilya. At dahil sa mga naging payo sa akin ni Prince ay labis kong naunawaan ang lahat. Natutunan kong maging kontento sa kung ano man ang mayroon ako. Ngayong naunawaan ko na ang lahat masasabi kong magaan na ang aking loob. 

Kinakabahan man ako sa aking paguwi ay nanaig naman sa akin ang saya dahil muling makakasama ko na ang pinakamamahal kong pamilya. Pagkapasok ko sa aming bahay ay bumungad agad sa akin si mama, tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. 

"ANAAAAK? ANAAAAAAK!!!" sabay takbo sa akin ni mama at yumakap ng pagkahigpit higpit. 
"PAAAA! PAAAA! Andito na ang anak natin!" sabik na pagtawag ni mama kay papa. 

"ANAK!" sabay takbo sa akin ni papa at halata sa kanyang mukha ang labis na saya. 

"Papa. Pasensya po." malungkot na tugon ko. 

"Hindi anak. Ako ang dapat humingi sayo ng paumanhin. Naging sarado ang aking pagiisip sa mga posibleng mangyari sayo. Patawad anak." malungkot na wika ni Papa. 

"Pa. Ok na po, naunawaan ko na po ang lahat lahat at hindi niyo na po kailangang humingi ng patawad dahil hindi naman po kayo ang nagkamali." tugon ko. 

"Mabuti naman at naunawaan mo na ang lahat anak." pagsingit ni mama sa usapan. 

"Anak ang gusto ko lang sana sa ngayon ay lumayo ka muna kay JL, mag-aral ka munang mabuti at magtapos ng kolehiyo, alam mo namang ikaw lang ang inaasahan namin ng mama mo." wika ni Papa. 

"PA! Alam niyong hindi ko kayang mawalay kay JL." ang medyo napataas na boses ko. 

"Para naman sa ikabubuti mo iyon anak." mahinahong tugon ni Papa. 

"Tama ang Papa mo anak. Para sayo din naman itong ginagawa namin." dagdag pa ni Mama. 

"Tama si mama't papa, para din ito sa ikabubuti ko't ikakaunlad ko. Labag man sa aking kalooban ay susundin ko ito. Magulang ko sila't alam kong sila ang nasa tama." sa isip isip ko. 

"Sige po Ma,Pa susundin ko po ang gusto niyo." napipilitang tugon ko. 

"Mabuti naman anak." wika ni mama na ngayo'y masayang masaya, ganoon din si papa. 

"Ah...Eh...Ma, may litrato po ba kayo ng tunay kong magulang?" pagtatanong ko't biglang nagulat si mama't papa sa kanilang nadinig.



Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento