DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.
"The person who really loves you,
will never leave your side no matter how hard things get
through better or worse. " -Jpaper
Chapter 17
At dahil nga nagstop ako ng pag-aaral ay nasa bahay lang ako magdamag, nagmumukmok ng dahil kay JL, nagpapakasaya dahil binigyan pa ng chance na mabuhay at syempre nagagalit din kasi pinagtaksilan ka ng taong mahal mo. Pero napagisip isip ko na hindi lang si JL ang handang ibigay ang pagmamahal sa akin, andyan ang aking magulang, ang aking ate, si kelly pero syempre iba pa din ung taong mamahalin mo hanggang sa dulo.
Naging
mahaba ang araw na iyon para sa akin, walang makausap, nagsawa maglaro ng dota,
sawa na din sa pakikinig ng musika, parang hinahanap ko ung dati kong ginagawa
ang pumasok sa eskwelahan. Kinausap ko si mama tungkol sa aking pagaaral.
"Ma,
gusto ko pong mag-aral, ayoko pong nakahiga lang magdamag dito at
nakatunganga."
"Oo
anak mag-aaral ka next sem. Sa ngayon ay magpahinga ka nalang muna, ienjoy mo
muna ang bawat araw."
"Salamat
ma!"
"Eh
kaso malalayo ka na sa amin." ang biglang pagkalungkot ni mama.
"Ma?
Bakit naman po?"
"Eh
diba sa Feu ka na mag-aaral."
"Ma,
kakausapin ko po si JL about diyan. Ayoko na pong mag-aral sa Feu, kontento na
ako sa paaralan ko."
"Nako
anak huwag na huwag mong gagawin yan! Alam mong gusto ka namin pagaralin sa
magandang eskwelahan pero kapos tayo sa pera. Sayang ang opportunity anak, sana
ay tanggapin mo ang alok niya, mas maganda kung doon ka
makakapag-aral."
Gusto
ko man tanggihan ang alok ni JL ay si mama na talaga ang nagpumilit na
tanggapin ko ito.
"Sige
po ma." ang tanging nasagot ko nalang.
Habang
naguusap kami ni mama ay may kumatok sa aming pintuan, agad naman itong
binuksan ng aking ate at nakita ko na si JL pala ang kumakatok.
"Tuloy
ka JL." ang pagaaya ng ate ko na pumasok si JL sa bahay.
"Salamat"
iyon lang ang sinabi ni JL at pumasok na ng aming bahay. Agad naman siyang
nagmano kay mama at papa. Nang lumapit siya sa akin ay isang matamis na ngiti
lang ang ibinigay niya.
"Hello
JL! Ba't ka napadalaw?"
"Gusto
ko lang sanang isama ka sa farm namin, magbakasyon lang kahit tatlong araw
lang."
"Ma,
pwede ba ako sumama?" ang pagtatanong ko sa aking mama.
"Oo
naman anak, magaling ka na kaso huwag ka lang masyadong magpapagod
ha."
"Wow
talaga ma? Salamat po! Oh narinig mo iyon JL? Pwede daw ako sumama!" ang
sabik na pagsasalita ko.
"Oh
ano pang hinihintay mo? Magimpake ka na!"
"Haaaa?
Ngayon na mismo?" ang nalilitong tanong ko.
"Oo
naman!" halatang sabik at masaya si JL.
"P-pero,
pwede ba isama si Jasper at Kelly? Pleaaaase!" ang pagmamakaawa ko.
"Ang
gusto ko sana ay tayong dalawa lang, para maenjoy talaga natin, gusto ko kasing
maalala mo ulit ako at matandaan, pero kung gusto mo talaga silang isama, sige
ok lang."
"Yeheeeey!"
aakapin ko sana si JL pero napagisip isip ko na may galit pa din ako sa kanya,
kaya imbes na yakapin ko siya ay kinuha ko nalang ang aking cellphone at
tinawagan si Kelly at Jasper."
"Hello
Kelly?"
"Oh
bakit mama? Este papa! May problema ka ba?" ang pagbibiro ni Kelly.
"Wala,
masaya nga ako kasi magbabakasyon ako kila JL at gusto kitang
isama."
"Wah
talaga? Bongga ha! Gagawin mo akong alalay? Joke lang, kailang ba?"
"Ngayon
na, magimpake ka na at aalis na tayo. Tatlong araw tayo kaya medyo damihan mo
ang damit mo."
"Agad
agad? Tatlong Araw? Sorry bes masasamahan lang kita ng dalawang araw, alam mo
na study first."
"Ay
ganoon ba? Sige oks na ang dalawang araw."
"Sige
bes antayin mo nalang ako dyan sa bahay niyo." at naputol na nga ang aming
paguusap, sinunod ko naman kausapin si Jasper at pumayag naman ito pero
dalawang araw din siya pwede.
Habang
nagaayos ako ng aking gamit ay hindi mawala sa isipan ko si JL, parang napaka
plastic ko kasi galit ako sa tao pero sa isang pagmamakaawa niya lang ay parang
nawawala ang galit ko, ngunit ang aking naisipan lang ay alamin kung tunay niya
nga akong mahal at handa niyang ipagpalit si jane para lang sa akin.
Natapos
na ako sa pagliligpit at inaantay nalang namin dumating si Jasper at Kelly. Habang
inaantay namin ang dalawa ay nagkwentuhan muna kami ni JL.
"Alam
mo Paul ay may nagmahal sa akin ng sobra sobra kaso nakalimutan niya na ako
eh."
Nagulat
ako at hindi makapaniwala sa kanyang sinasabi, hindi ko alam kung ako ang
tinutukoy niya o may iba pa siyang karelasyon.
"Bakit
anong nangyari sa kanya?" ang painosenteng pagtatanong ko.
"Naaksidete
siya eh, tapos pag gising nalang niya hindi niya na ako maalala." ang
malungkot na paglalahad ni JL.
"Ahhh...
Mahal mo ba siya?" habang tinanong ko iyon ay hindi ko maiwasan na hindi
mapaluha, kunwaring nagpupunas lang ako ng mata pero ang totoo ay pinapahid ko
ang aking luha.
"Oo
naman! Mahal na mahal ko ang taong iyon! Kung hindi niya nga lang siguro ako
nakalimutan siguro masaya pa din kaming nagsasama."
Biglang
lumambot ang puso kong bato sa aking mga nadidinig. Pero sa isang banda ay
napagisip isip ko ang sinabi niya noong nagkwentuhan kami. "Oo mahal na
mahal ko si Jane." hindi ko maiwasang magalit pag naaalala ko ang kanyang
sinabi.
"SINUNGALING!"
ang biglang lumabas sa aking bibig.
"Ha?
Sinungaling ako?" ang pagtataka ni JL.
"Hindi
ikaw si Jasper at Kelly ang sinungaling!" sakto naman at dumating ang
dalawa at nailigtas ako sa pagkabuko.
"Sinungaling
kayong dalawa! Sabi niyo mabilis lang kayong makakapunta?" ang
pagsisinungaling ko para hindi mabuko ang aking pagpapanggap.
"Sorry
naman bes! Kasi itong si Jasper." hindi na natapos sa pagsasalita si kelly
ng sumingit sa usapan si Jasper.
"Oh
oh? Ako nanaman sisisihin mo? Ikaw na nga itong sinundo ko." ang
pagdedepensa ni Jasper sa kanyang sarili.
"Oh
sya sya! Tama na yan! Sumakay na kayo para makapunta na tayo agad sa farm nila
JL." ang pagpipigil ko sa kanilang pagaaway.
Sumakay
na nga kami sa sasakyan ni JL, Syempre si JL ang nagdrive at nasa likuran naman
kami nakaupo ni kelly at si Jasper naman ay nasa harapan katabi si JL. Halatang
nagkakailangan ang dalawa at hindi man lang nagpapansinan. Kaming dalawa naman
ni Kelly ay todo sa pagtatawanan at ku-kwentuhan. Sa sobrang pagkalibang namin
ni Kelly sa pagku-kwentuhan ay hindi namin namalayan na nakarating na pala kami
sa farm nila JL. Tama nga talaga ang hinala ko mayaman talaga sila, napakalaki
ng kanilang taniman at ang bawat taong aming nasasalubong ay nagbibigay galang kay
JL. Nagtataka nga ako kung bakit nagtityaga si JL sa pagma-manager kung ganito
ba naman kayaman ang kanilang pamilya.
"Baba
na tayo." si JL na parang sabik na sabik makapunta sa kanilang
taniman.
"JL,
Mansiyon niyo ba yan?" sabay turo ni Kelly sa malaking bahay.
"Oo
sa amin nga yan."
Halos
mapanganga kaming tatlo sa nadinig, Napakayaman talaga nila JL.
"Hoy bespren baka pasukan ng langaw yang bibig mo!" hindi ko namalayan na nakanga-nga talaga ako.
"Ano
tara na?" ang pagaaya ni JL.
"Tst...
Ang yabang." ang pabulong na pagsasalita ni Jasper, nadinig ko siya dahil
magkatabi lang kami.
Nakapasok
na nga kami sa kanilang mansion, mukhang luma ito pero nanatili pa din ang
kagandahan.
"Oh
ijo. Nandirito na pala kayo." ang biglang pagsasalita ng isang
babae.
"Ma,
mga kaibigan ko po. Si Kelly, Paul,at Jasper po." ang pagpapakilala sa
amin ni JL.
"Kumusta
mga ijo, ang gwa-gwapo niyo at ikaw naman ija napakaganda mo."
"Salamat
po." ang sabay sabay naming pagsasalita.
"Oh
JL samahan mo na sila sa mga kwarto nila para mailagay nila ang mga gamit nila
at pagkatapos niyong magayos ay pumunta kayo sa kusina at may ipinahanda akong
pagkain." ang paguutos ng mama ni JL.
"Sige
po ma." ang tanging tugon ni JL.
Sinenyasan
kami ni JL na sumunod sa kanya, "Kelly dito ka nalang sa kwartong ito,
malaki yan at may aircon." tumango naman si Kelly bilang pagtugon.
"At ikaw Jasper dito ka sa kwartong ito."
"Dito
nalang si Paul magtatabi nalang kami sa kama." ang pagsu-suggest ni
Jasper.
"Nako
hindi na! Sa kwarto ko matutulog si Paul." ang pagsalungat ni JL.
Wala
namang nagawa si Jasper dahil hindi naman sa kanya ang bahay na iyon, pumasok
nalang si Jasper sa kanyang kwarto at halatang naiinis kay JL.
"Tara
Paul punta na tayo sa kwarto natin."
"Dalawa
ba ang kama ng kwarto mo?" ang pagtatanong ko.
"Hindi
isa lang, pero malaki naman iyon kaya magkakasya tayo." tumango nalang ako
at naglakad.
"Teka
matanong ko lang Paul, bakit ganoon umasta ang kaibigan mong si Jasper? Parang
ang yabang?" ang pagtatanong ni JL.
"Hindi
naman mayabang si Jasper eh. Bakit mo naman natanong?"
"Ah
Eh wala..."
Nang
makarating na kami sa aming kwarto ay agad kong inaayos ang aking gamit,
inilagay ko ang aking mga damit sa cabinet, nahiga ng saglit at dinama ang pagkalambot
ng kama. Siguro ng dahil sa pagod at antok ay nakatulog ako. Wala pang sampung
minuto ako natutulog ng maramdaman ko na may humahalik sa aking leeg. Minulat
ko ang aking mata at nakita ko si JL.
"Ano ka ba JL." sabay tulak ko sa kanya at tuluyan siyang nalaglag sa kama.
"Sorry
Paul!" ang paghingi ng tawad ni JL.
"Bakit
mo ba kasi ginawa iyon?" ang kunwaring pagtatanong ko.
"Wala
lang namiss ko lang, Namiss ko ang asawa ko eh." sabay kurot sa aking
pisngi.
"Puro
ka kalokohan! Tara na nga sa baba at kumain na tayo, nagugutom na ako eh."
ang patuloy na pagpapanggap kong may amnesia ako.
Wala
namang nagawa si JL kundi sumunod sa akin, pagkababa namin ay nakita ko na si
Kelly at Jasper na nasa hapagkainan.
"Halatang
gutom na gutom ka besprend ha." ang pagbibiro ko kay Kelly.
"Haynako
bes minsan lang ako makakain ng pangsosyal kaya sasagarin ko na! At isa pa
libre naman to eh!"
"Ok
tama na yan at kumain na tayo." ang pagputol ni JL sa usapan.
"Teka
teka teka!" ang biglang pagsigaw ni Kelly, nagulat kami kung ano ang
gagawin. Kukuhanan lang pala ng litrato.
"Pang-instagram
lang para may maipost lang." sabay sabay kaming nagtawanan. Ngunit halata
kay Jasper na pinakikisamahan niya lang kami at hindi siya komportable. Nang
matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami, Si JL ay umakyat at pumunta ng
kanyang kwarto at kami naman ni Kelly ay nasa sala lang at nanood ng
television, samantalang si Jasper naman ay lumabas at magpapahangin lang daw.
Ilang minuto na kami nag-aantay ngunit hindi pa din lumalabas ng kwarto si JL,
pinuntahan ko ito para masiguradong ok lang siya. Bubuksan ko na sana ang pinto
ng madinig ko na parang may umiiyak. Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at
nakita ko si JL na umiiyak sa hawak nitong litrato.
"JL,
Ok ka lang?" bigla naman nagulat si JL at parang nakakita ng multo. Agad
agad siyang nagpahid ng kanyang luha at tininabi ang litrato sa kabinet.
"Oo
ayos lang ako, tara na bumaba na tayo para malibot natin lahat." tumango
lang ako bilang tugon at sabay na kaming lumabas ng kwarto at tinungo ang sala,
nakita kong abala pa din sa panonood si Kelly.
"Bes
tara na! Maglilibot na daw tayo!"
"Ay
andyan na pala kayo akala ko ay ginagawa pa kayong milagro eh! Ang tagal niyo
kasi." ang pagbibiro ni Kelly.
"Dapat
nga mayroon eh! Kaso nakalimot ang isa diyan eh." ang pagbibiro ni JL,
ngumiti lang ako at kunwaring hindi naapektuhan sa kanyang sinabi. "Ano
tara na?" ang pagaaya ni JL. Lumabas na nga kami sa kanilang mansion at
ang una naming ginawa ay hanapin si Jasper. Hindi naman kami natagalan sa
paghahanap kay Jasper dahil nasa bungad lang pala siya ng taniman at nakaupo sa
isang upuang gawa sa kahoy. Sumigaw ako para malaman niya na aalis na kami.
"Jasper!" ang malakas na pagsigaw ko, Nadinig naman niya ito at agad
na lumapit sa amin. Nang magkasama sama na kami ay agad kaming nagpunta sa
sinasabi ni JL na maganda at malinis na ilog, Habang binabaybay namin ang
sinasabing ilog ay may tumawag sa pangalan ni JL.
"Kuya
JL!" ang sigaw ng isang matipunong lalaki. Sa tingin ko ay nasa labing
walong taong gulang ito, may itsura din ito, matangos ang ilong, maganda ang
katawan ngunit sunog ang balat siguro ay dahil sa trabaho nito.
"Uy
bro! Halika may ipapakilala ako sayo!" lumapit naman ito kay JL at agad na
umakap. "Bro ipapakilala ko nga pala sayo ang mga kaibigan ko, ayan si
Paul, Kelly at Jasper." isa isa niya kaming kinamayan at sabay ngiti sa
amin.
"Ako
nga po pala si Raymond, labing walong taong gulang at tauhan nila kuya
JL." ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
"Nice meeting you Raymond." ang tanging nasabi namin ni Kelly, ngunit si Jasper ay mukhang walang ganang makipagkumustahan.
"Bro
ba't hindi mo naman sinabi sa kanila na nagaaral ka?" ang pagtatanong ni
JL kay Raymond. Ngumiti lang ito at parang nahihiya. "Saan pala kayo
magpupunta kuya JL?" ang pagiiba sa usapan ni Raymond. "Dyan lang sa
ilog." tumango lang si Raymond at nagpaalam na, may gagawin pa daw siya at
mamaya pa siya pwedeng makagala. Napagpasyahan na namin na maglakad na ulit
para mapuntahan na nga ang sinasabing ilog, ilang minuto din kami naglakad at
sa wakas ay nakita na namin ito. Tama nga si JL na maganda at malinis talaga
ito.
-May continuation pa po ito. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento