DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.
"May
mga bagay na hindi para sayo dahil nakalaan para sa iba, pero tandaan mo na may
mga bagay na hindi para sa iba dahil nakalaan para sayo." -Jpaper
Chapter
13
Natamik
si Jasper sa aking sinabi maging ako ay natahimik pero nanaig pa din aking
pride at isa pa wala naman siyang pakialam. Para matapos na ang dramang to ay
nagsalita na ulit ako.
"Oh
ano nasaan na ang aking notebook! Ibigay mo na at may pupuntahan pa ako!"
Ang medyo mataas kong boses.
"May
isa pa akong tanong at gusto ko sagutin mo ito ng tama" ang mahinahong
boses pa din ni jasper.
"Teka
teka teka! Binuksan mo ba ang notebook ko? Binasa mo ba ang mga laman
nito?" ang mataas ko pa din na boses.
"Sagutin
mo muna ang itatanong ko sayo!"
"Sige
ano yon para matapos na tong P*tang inang gulong to." ang pasigaw ko at
may kaunting luha na sa aking mata.
"Totoo
ba ang nakalagay dito? Ang sinulat mong liham para sa akin?" ang mala
anghel na boses ni Jasper.
Gusto
ko na sanang sabihin sa kanya ang lahat pero dahil sa galit ko at pagmamataas
ay nagsinungaling ako.
"Oo
dati, pero dati yon! Ngayong ginawa mo akong kahiya hiya ay nawala na
ito!"
"Alam
mo ba kung bakit nilayuan kita ng may ginawa ka sa akin?" ang pagtatanong
ni Jasper.
Hindi
ko na pinakinggan ang sasabihin ni jasper at tuluyan na akong lumabas ng
kanyang kwarto hindi ko na din kinuha ang aking notebook dahil alam kong alam
niya na ang lahat.
Tumakbo
ako at dali daling lumabas sa kanilang pamamahay, patuloy na tumutulo ang aking
luha, hindi ko alam kung saan pupunta, hindi ko alam ang aking gagawin.
Magaalas
otso na at napagdesisyunan ko nang pumunta sa bahay ni JL hindi pa din maalis
sa akin ang mga nangyari kanina, namamaga pa din ang aking mata at halatang
umiyak. Kumatok na nga ako sa bahay ni JL at agad niya akong pinagbuksan.
Nakita ko na sobrang saya ni JL ng makita ako. Agad niya akong pinapasok sa
kanyang bahay nagulat ako dahil naghanda pa siya ng aming makakain hindi man
kasing sweet ng dati ay masasabi kong nageffort na din ito, pansamantalang
nawala ang aking lungkot at napalitan ng saya.
"Asawa
ko umiyak ka ba?" ang pagtatanong ni JL.
"Haha
hindi ah!" ang pagsisinungaling ko.
"Eh
ba't parang namamaga yang mata mo?"
"Ay
wala to! Huwag mo nalang pansinin."
"Ok."
ang maikling tugon niya.
Ang
isa pang maganda kay JL ay nirerespeto niya ang aking mga desisyon.
"Asawa
ko tara kain na tayo at may sorpresa pa ako sayo."
"Ok
sige." ang maikling tugon ko.
Agad
na kaming nagpunta sa kusina para kumain, namangha ako sa kanyang mga niluto
parang isang sikat na chef ang gumawa.
"Wow
ikaw ba ang lahat ng gumawa nito?"
"Oo
naman! Gusto kong gawin ang lahat para sa asawa ko." ang proud na proud na
pagsasalita ni JL.
Kumain
na nga kami ni JL at talagang napakasweet niya, minsan ay sinusubuan niya ako
at ganoon din ako sa kanya.
Natapos
na nga kaming kumain at agad na pumunta si JL sa kanyang kwarto at may kukunin
daw siya.
Pagkalabas
na pagkalabas niya ng kanyang kwarto ay may nakita akong kulay pulang karton na
hawak hawak niya, agad niya itong pinakita sa akin at binuksan, nagulat ako sa
laman nito, dalawang gintong singsing.
"Para
sa akin ba talaga ito JL?" ang pagtatanong ko, hindi ako makapaniwala na
ganito siya kaseryoso.
"Oo!
Ang singsing na to ang palatandaan na mahal na mahal kita, at agad niyang
isinuot sa akin ang singsing."
Nagulat
ako, saktong sakto ang singsing at parang sinukat talaga.
"Wow
saktong sakto!"
"Hehe
ako pa! Eh ikaw hindi mo ba isusuot ang singsing na para sa akin?"
Hindi
na ako nagdalawang isip at kinuha ko na ang singsing at agad ko itong isinuot
sa kanya.
"Ayan
pareho na tayong may singsing opisyal na mag asawa na tayo."
Sabay
kaming nagtawanang
Teka
teka may isa pa akong regalo, Nagulat ako sa kanyang sinabi, ha? Kulang pa ba
to? Ang isip isip ko.
"Asawa
ko tapusin mo ang unang semestre mo at lilipat ka na ng school."
Nagulat
ako sa sunod sunod na sinabi ni JL.
"Ha!
Lilipat ako ng school?"
"Oo
gusto ko ay sa Feu ka din magaral para mas madali kang makahanap ng trabaho
kapag grumaduate ka. Huwag mong alahahanin ang gagastusin ako ng bahala sa
lahat lahat, sana ay huwag mong tanggihan ang alok ko sa iyo."
"Eh
pero."
Nagdadalawang
isip ako sa alok ni JL hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito, gusto ko itong
tanggapin dahil tama nga naman siya mas may future ako sa paaralang iyon,
ayokong tanggapin dahil malalayo ako kay jasper.
"Sige
na naman asawa ko oh! Please kahit para sa akin tanggapin mo ang alok ko, sabay
luhod sa aking harapan."
"Oy
tumayo ka nga diyan, oo sige tatanggapin ko na pero kailangan ko munang ipaalam
ito kay mama."
"Huwag
mo ng tanungin si mama, pumayag na siya, kinausap ko na si mama."
"Haaaaaaaa?
Pumayag si mama?"
"Oo
at wala naman daw masama sa alok ko, nagpapasalamat pa nga eh."
Wala
na akong nagawa kundi tumahimik at pumayag nalang sa kanyang desisyon.
"Asawa
ko sana naman maunawaan mo ako."
"Oo
nauunawaan kita ako lang talaga ang problema." may halong pagtatampo sa
aking boses.
"Ayieeeee
ang asawa ko gusto lang magpalambing."
"Hoy
ano ka anong gust..." hindi ko na natapos ang aking pagsasalita dahil agad
niya akong hinalikan.
Hanggang
ang halikang iyon ay napunta sa kama at pinagsaluhan namin ang aming katas ng
pagmamahalan.
"Mister
ko uwi na ako may pasok pa ako bukas."
"Maaga
pa naman asawa ko eh, dito ka nalang muna ihahatid nalang kita
mamaya."
At
tulad nga ng inaasahan nagkaroon ng part two ang aming paglalambingan.
Inihatid
ako ni JL sa aking bahay at umuwi na din siya agad, may pasok din kasi siya
kinabukasan.
Maaga
akong nagising at naghanda agad ako para makapasok na sa eskwela.
Nakarating
ako sa school ng medyo maaga, trenta minutos pa bago ang aking unang klase,
nagpunta muna ako ng library para magbasa basa ang nasa isip ko kasi ay may
quiz kami sa isang subject. Namili muna ako ng librong aking babasahin bago ako
umupo. Habang naglalakad ako ay nagbabasa na ako, umupo ako sa isang random na
upuan ng hindi man lang tinitignan ang mga katabi nito, focus na focus ako sa
pagbabasa, bigla akong nagulat at muntika ng matumba sa aking inuupuan ng
makita ko kung sino ang aking katabi, si "Jasper."
Kanina
pa pala niya ako tinitignan at wala akong kamalay malay na katabi ko pala siya,
akmang tatayo na sana ako ng biglang hawakan niya ang aking kamay...
"Huwag
ka munang umalis please." ang mahinahong boses ni jasper.
"Eh
may pupuntahan pa kasi ako." ang plastic kong pagsasalita na parang walang
awayan kagabi.
"May
paguusapan lang tayo, kahit saglit lang please." ang pagmamakawa ni
jasper.
"Ok
sige bilisan mo lang at nagmamadali ako." ang pagsisinungaling ko.
"Alam
mo kase paul..." hindi natapos ang kanyang pagsasalita ng tumunog ang
aking cellphone.
"Ay
sorry talaga jas i got to go na talaga."
Tumango
nalang siya bilang pagtugon halatang nalungkot dahil sa mabilisang pagbago ng
kanyang emosyon.
Hindi
ko na napigilan ang aking luha at pagkalabas na pagkalabas ko ng library ay
tumulo na ang aking luha.
Kinausap
ko ang tumawag sa aking cellphone si JL pala.
"Hello
asawa ko! Magandang umaga." ang pagbati ni JL.
"G-go-goodmorning
din." halatang umiiyak ang aking boses.
"Umiiyak
ka ba?" ang pagaalala ni JL.
"Ay
hindi sinisipon lang ako." ang pagsisinungaling ko.
"Asawa
ko nagsisinungaling ka. Pumunta ka nga mamaya sa bahay pagtapos mo sa klase mo,
magusap tayo."
"O-ok."
halatang umiiyak pa din.
"Ok
i love you Asawa ko."
"I
love you too, sabay pagputol sa aming usapan."
Akmang babalik sana ako sa library dahil
nakalimutan ko nanaman ang bago kong notebook ng makita ko si jasper at
halatang nadinig lahat ng aming pinagusapan ni JL.
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento