DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.
"Madaling iwasan
ang taong mahal mo,
ang mahirap iwasan ay
yung nararamdaman mo para sa kanya." -Jpaper
Chapter 8
Nagulat ako sa nagawa
ko natakot na baka masira ang aming pagkakaibigan namin nang dahil sa nagawa
ko, hindi ko alam ang aking gagawin biglang nawala ang aking pagkalasing parang
binuhusan din ako ng malamig na tubig.
Nahiga ako sa kama ni
Jasper at pinilit na matulog ngunit sadyang umuulit ulit ang nangyari kanina,
"Bakla na ba ako? Bakit ko nagawa iyon? Parang ayokong gawin ngunit
ginusto ng puso ko." ang paulit ulit na pumasok sa aking isipan.
Sa sobrang pagod at
pagkalasing ko ay nakatulog nadin ako katabi si jasper.
Umaga na ng magising
ako wala si jasper sa aking tabi, natakot na naman ako dahil baka itakwil niya
ako bilang kaibigan.
Lumabas ako ng silid
at agad na hinanap si Jasper.
"Tita nasaan po
si Jasper?"
"Nasa banyo
maliligo daw muna siya dahil init na init, alam mo naman ngayon ang panahon
natin sobrang init." ang tugon ni tita.
Para akong nabunutan
ng tinik ng marinig ang sinabi ni tita ngunit may kaunti pading kaba dahil
hindi ko padin nakakausap si jasper.
Nakalabas na ng banyo
si Jasper at parang nagulat ito nang makita ako. Naka twalya lang ito nakabalot
sa kanyang bewang hanggang sa tuhod.
"Jas magusap
tayo." ang natatakot kong boses.
"Wala na tayong
dapat pagusapan Paul!" ang medyong malakas na tinig ni jasper.
"Please naman
oh, hindi ko naman sinasadya eh!" ang pagmamakaawa ko.
Alam kong alam ni
jasper ang nangyari ngunit laking pagtataka ko kung bakit hindi man lang siya
tumutol. Ay naalala ko na nabanggit pala niya ang pangalang ng girlfriend niya
noong sinubukan kong isubo ito ng buo " Ahhhhhh ang saraaaaaap sige pa
babe."
"Sinabi ko na
sayo paul wala na tayong dapat pagusapan natapos na yon!" ang pasigaw na
pananalita ni jasper.
Hindi ko namalayan na
bigla nalang bumagsak ang aking mga luha, unti unti din na lumalakad ang aking
paa papalayo kay jasper. Nang makalabas na ako ng pintuan nila ay tumakbo agad
ako ramdam ko talaga ang sakit sa aking puso, patuloy na umaagos ang aking luha
hindi ko ito mapigilan. Nakarating ako sa amin at agad akong nagkulong sa
sarili kong kwarto.
"Bakit ko kasi
nagawa yun! Bakit ko nararamdaman to? Lalaki ako! Lalaki ako!" ang pasigaw
kong pagmumukmok.
Para mawala ang sama
ng aking loob ay pinatugtog ko muna ang aking paboritong kanta.
"Huling
Sayaw"
Ito na ang ating
huling sandali
Hindi na tayo
magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na
ang wakas
Kailangan na yata
nating umuwi
Hawakan mo aking
kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay,
lahat lahat
Paalam sating huling
sayaw
May dulo pala ang
langit
Kaya't sabay tayong
bibitaw
Sa ating huling sayaw
Di namalayan na
malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag
madali
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang
huli
Kailangan na yata
nating umuwi
Hawakan mo aking
kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay,
lahat lahat
Paalam sating huling
sayaw
May dulo pala ang
langit
Kaya't sabay tayong
bibitaw
Sa ating huling sayaw
(Adlib)
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang
langit
Kaya't sabay tayong
bibitaw
Sa ating huling
sayaw,
Paalam sating huling
sayaw
May dulo pala ang
langit
Kaya't sabay tayong
bibitaw
Sa ating huling
sayaw.
Natapos ang araw na
iyon nang wala man lang akong kinain o ininom man lang.
"Ma, ok lang po
ako huwag niyo nalang po ako pansinin."
"Nako anak
ayokong nagkakaganyan ka, matalino ka sabihin mo kay mama kung pano ang iyong
problema." ang mahinahong boses ni mama.
"Sige po ma
bababa din po ako mamaya para kumain. Huwag niyo na po ako alalahanin wala po
akong problema."
"Sige anak kung
ayaw mong sabihin ung problema mo rerespituhin kita pero anak kumain ka
ha."
"Opo ma."
Lahat talaga ng ating
Ina ay gagawin para lang sa kanyang anak, labis ko talagang mahal ang aking ina
kaso hindi pa ako handa para sabihin sa kanya ang aking problema.
Sunday na at wala
pading pasok tulad kahapon nagmukmok ako sa aking kwarto lalabas lang ako kung
kakain o magbabanyo.
Alalang alala padin
si mama sa akin pero sinabihan ko siya na ok lang talaga ako.
Nasa loob ako ng
aking kwarto walang ginawa kung hindi maglaptop magdamag at maglaro ng dota.
Sinusubukan ko kasing makalimutan ang nangyari.
Hapon palang nang may
mareceive akong text...
Kinabahan ako baka
kasi si jasper ang nagtext ngunit ng tignan ko ito ay si Kelly pala.
"Oy bespren
samahan mo naman ako mamimili lang ako ng damit. Treat kita dali!" ang
text ni kelly
Agad kong nireplayan
si kelly.
"Pasensya ka na
bespren nagrereview kasi ako eh, malapit na kasi ang midterm exam." ang
pagsisinungaling ko kay kelly.
"Ano ka ba
bespren next week pa ang midterm! Tsaka tiwala ka lang matalino ka kaya!"
"Bolaaaa!"
"Hindi kaya!
Matalino ka talaga shunga! Ang tamad mo lang kasi eh! Pero kung magaaral kang
mabuti matatalo mo ako sa klase."
"O sya tama na
ang bolahan sige sasamahan na kita."
Tinanggap ko ang alok
ni kelly na samahan siya magmall, Ginawa ko iyon upang makalimot at mabawas
bawasan ang sama ng loob."
"Bespren sunduin
nalang kita diyan sa inyo." text ko kay kelly.
"Sige bespren!
I'm so excited!"
Alas tres na nang
makapunta ako sa bahay ni kelly.
"Good Afternoon
tita si kelly po?" pagtatanong ko sa mommy ni kelly.
Nagulat naman ako ng
biglang sumigaw ng malakas si tita.
"Kellyyyy! Si
pauuuuuuul nandito! Ang gwapoooo dali!"
Manang mana talaga si
kelly sa kanyang mama, madaldal ito at palabiro din.
"Teka lang ma!
Nagpapaganda ako para bagay kami ni paul." sigaw din ni kelly.
"Kayo na ba ng
anak ko, sabay ngiting nakakaloko." ang pagtatanong ni tita.
Sinakyan ko nalang
ang biro ni tita alam ko kasing nagbibiro lang siya.
"Opo tita balak
na po namin magpakasal pagkagraduate namin." ang pagbibiro ko.
"Eh kung ganoon
eh maganda! Magiging maganda ang lahi natin, isang napakagwapong lalaki at
isang napakagandang babae." ang bibiro ni tita.
"Pati si tita
bolera!"
"Hindi ako
nagbibiro! Totoo napang napaganda mong lalaki eh."
Naputol nalang ang aming
paguusap ni tita ng biglang bumaba si kelly, napakaganda niya sa suot niya
simple lang pero lumitaw ang kanyang kagandahan.
"Ano paul alis
na tayo?" pagtatanong ni kelly.
"Ok, tita alis
na po kami." pagpapaalam ko sa mommy ni kelly.
"Oh sya!
Magiingat kayo ha, bantayan at ingatan mo yang unika ija ko."
"Sige po
tita."
Naglakad na kami ni
Kelly papunta sa pinakamalapit na sakayan ng jeep.
"Bakit ka naman
agad nagaya magmall bespren?"
"Wala lang gusto
ko lang magbonding tayo at namiss kaya kita."
"Asuuuus! Bolera
ka talaga manang mana ka sa nanay mo."
Tumawa lang sya alam
niya kasing totoo ang aking sinasabi.
Nakarating na nga
kami sa sinasabing sikat na mall at katulad ng dati ay para akong bodyguard ni
kelly, taga bitbit ng paper bags taga suggest kung ano ang mas maganda, hindi
naman ako naiinis pag ganyan ang nangyayari, natutuwa pa nga ako eh feeling ko
ay sweet yun. Nalibang nga ako ng husto at pansamantalang nakalimot sa
problemang dinadala. Sa wakas at napagod din si kelly sa walang humpay na
pamimili, siya naman daw ang magttreat sa akin, nagorder ulit kami sa aming
paboritong kapehan.
"Bespren alam mo
na ulit ang order ko ha."
"Owki
dowki!"
Sa hindi inaasahang
pangyayari ay nakita ko nanaman ung lalaking nabunggo ko hindi ko alm kung
ito'y sinasadya. Humarap ulit ang lalaki ngunit hindi siya nakatingin sa aking
parang naulit ang pangyayari parang nadejavu ako. Tatayo na sana ako para
puntahan ang lalaki nang mabunggo ko ang isang bata napaupo ito sa sahig at
umiyak. Tinayo ko agad ang bata at pinatahan, nang tumigil na ang bata ay
pupuntahan ko na sana ang lalaking nakabungguan ko noon ngunit mukha talagang
sinasadya ng panahon na hindi kami magkita, Nawala na siya hindi ko alam kung
saan siya nagpunta para siyang bula na napakabilis mawala.
Naputol nalang ang
pagkakatulala ko ng biglang pasuin ako ng mainit na kape ni kelly.
"Aray ang
init!"
"Ayan ka nanaman
bespren eh, natutulala ka nanaman."
"Eh kase naman
bespren nakita ko nanaman ung lalaki."
"Nako bespren imahinasyon
mo lang talaga yan!"
"Hindi bespren
totoo talaga ung nakita ko, Promise!"
"Sige sabi mo
bespren eh! "
Natahimik nalang ako
at nagisip "Sa pagkakataong ito hindi na talaga ako nagkamali, totoong
totoo talaga eh."
"Natahimik ka
ata bespren?"
"Iniisip ko
talaga siya eh."
"Kung saka
sakaling makita mo ulit siya aba tumakbo at sumigaw ka na para makita ka
niya."
Sabagay may point nga
siya. Gagawin ko na talaga yon sa susunod hindi ko na papalipasin.
Natapos na kaming
kumain at tapos na din magshoping si kelly kaya't napagdesisyunan na naming
umuwi, hinatid ko muna si kelly sa bahay nila bago ako umuwi sa amin.
"Oh sige na
bespren salamat sa pagsama magingat ka sa paguwi mo ha, matulog ka ng maaga
dahil bukas manonood tayo ng finals ng mr. and ms. campus"
"Eh bespren baka
hindi ako makapunta bukas ang sakit kasi ng katawan ko for sure malalate ako sa
first subject."
"Ha? Hindi mo
man lang susuportahan ung bespren mo?"
"Hindi muna
mauunawaan naman ako niyon eh."
"Ok sige ikaw
ang bahala pero pumasok ka bukas ha may quiz tayo kay sir reyes."
"Sige
bespren."
Maagang nagtext sa
akin si kelly binasa ko agad ito.
"Bespren gising
ka na ba? Pasok si jasper sa top 5!"
"Ok" ang
maikling tugon ko.
Alas nuebe na ng
umaga at iyon ang oras ng aking unang subject. Sinadya ko talagang huwag
gumising ng umaga at huwag pumasok sa araw na iyon. Tinignan ko ang aking
cellphone at nakita kong madaming unread messages, binuksan ko ito isa at
binasa.
"Bespren gising
na anong oras na, unang message ni kelly, Bespren anong oras na gising ka na,
pangalawang message ni kelly, Bespren pumasok ka may quiz tayo! Pangatlong
message ni jasper, Bespren Mr.Campus si Jasper! Medyo nagalit ako sayo bespren
hindi ka pumasok, ang huling mensahe ni kelly."
Medyo natuwa ako ng
malaman na Mr.Campus si jasper. Ngunit medyo nalungkot din ako dahil baka galit
padin sa akin si jasper.
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento