Mga Pahina

Lunes, Setyembre 15, 2014

Ang Kursong hindi ko Inakala [33]

Ang Kursong hindi ko Inakala
Chapter 33
Nang matapos na siyang kumanta ay unti unti siyang naglakad. At kung hindi ako nagkakamali ay naglalakad siya sa direksyon kung nasaan ako. Bawat hakbang niya ay kakaibang emosyon ang aking naramdaman. Saya, Lungkot, Galit at Panghihinayang ang aking naramdaman ng mga oras na iyon.
 Hindi ko nga alam kung bakit ako nakaramdam ng saya nang makita ko siya. Basta bigla nalang akong napangiti na biglang binawi ng galit dahil muli kong naalala ang lahat ng kanyang ginawa.
"Kumusta ka Paul?" tanong nito sa akin ngunit nanatili akong tahimik.
"Gusto ko lang sanang sabihin na hindi ko gustong saktan ka dahil mah--" hindi na nagawang tapusin ni JL ang kanyang sasabihin dahil nagsalita agad ako.
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag JL. Wala ka nang dapat ipaliwanag pa." wika ko.
"P-p-pero... M-m-mali... Ang iniisip mo... Please Paul hayaan mo naman akong magpaliwanag." saad nito sabay hawak sa aking kamay na tila nagmamakaawa.
"Ano ba pare! Diba sinabi na nga niyang wala ka nang dapat ipaliwanag pa!" saad ni Jasper.
"Bakit sino ka ba niya? Diba ikaw lang naman yung dahilan kung bakit naging magulo yung buhay namin? Ikaw lang naman itong nakikisalo? Dahil isa kang ahas! At kahit kaylan hinding hindi magiging masaya sayo si Paul dahil ako ang mahal niya. At ikaw isa ka lang namang KABET!!! MANG-AAGAW!!!" Bulyaw ni JL kay Jasper.
Biglang napikon si Jasper sa mga sinabi ni JL kaya agad niya itong pinaulanan ng suntok. Ngunit hindi nagpatinag si JL na agad na gumawi ng suntok. Di hamak na mas malaki ang katawan ni JL kumpara kay Jasper ngunit nagawang patumbahin ni Jasper si JL. Tatayo na sana si JL upang makabawi ng biglang sumingit si Paul at inawat ang dalawa.
"TAMA NAAAA!!!" sigaw ko na agad na nagpatigil sa kanilang pagsusuntukan.
"Gago kasi yang ex mo eh! Nasiraan na yata ng kukote." wika ni Jasper sabay turo kay JL.
"Sinabi ng tama na eh. Nakakahiya na! Nakikita niyo ba yung mga tao sa paligid niyo! Pinagtitinginan na tayo! Kaya kung ayaw niyong magpaawat na dalawa, bahala kayo sa buhay niyo!" sigaw ko sa kanilang dalawa sabay lakad paalis ng bar.

                                                                                                           
Kalalabas ko palang ng Bar ay biglang nagsilabasan din ang dalawa. Tila bumubuntot sa akin. Patuloy pa din ako sa paglalakad at tinungo ko ang direksyon pauwi. Habang naglalakad ako ay ramdam ko silang dalawa na nasa likod ko at sinusundan ako. Lumingon ako at hinarap ko silang dalawa.
"Ano? Tapos na kayong magsapakan?" mataray na tanong ko sa kanilang dalawa.

"A-ah E-eh... Gusto ko lang sanang magpaliwanag Paul..." saad ni JL.
"Diba sinabi ko namang wala ka nang dapat ipagpaliwanag pa? Okay na ang lahat. Naka move-on na ako. May pamilya ka na. Maayos na ang buhay natin kaya please lang tama na JL. Wag mo na akong guluhin pa. Please..." mahinahon na pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ganon ba? Masaya ka na? Masaya ka na dahil may nagmamahal na sayo? Tama ba?" wika ni JL. Sa pananalita ni JL ay halata sa kanya ang labis na pagkalungkot at panghihinayang.
 Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong dahil hindi ko alam ang kasagutan. Ayokong mag assume na tama ang aking nararamdaman. At isa pa ay ayokong masaktan ang damdamin ni JL. Ewan ko pero parang may parte pa din siya sa aking puso. May maliit na bahagi nito na nagsasabing mahal ko pa siya. Na kaya ko pa ngunit sa pagkakataong ito hindi na ako magpapaka tanga pa. Ayoko ng maulit pa ang dinanas kong sakit mula sa kanya. Alam ko sa sarili kong nakapag move-on na ako sa kanya. Pero bakit ngayon na muli ko siyang nakita ay bumalik lahat ng masasaya naming ala ala. Haisst! Napaka irony talaga!
"Ano Paul? Tama ba ako? May iba nang nagpapasaya sayo? Si Jasper ba yon? Ha?" tanong ulit nito sa akin ngunit katulad kanina nanahimik lang ako.
"Sumagot ka Paul! Si JASPER ba?" nanggagalaiting tanong ni JL.
"Oo si Jasper nga!" ang tanging naisagot ko. Hindi ko inakalang lalabas sa aking bibig ang mga katagang iyan. Pagkasabi ko ng mga salitang iyan ay nakita ko ang pagtulo ng luha ni JL. Sa ekspresyon ng mukha nito'y masasabi kong nasaktan siya.
 Hindi na nagawang makasagot ni JL at ang tanging nagawa nalang niya ay ang maupo sa sahig at umiyak. Noong makita kong umiyak si JL ay hindi ko maiwasang makonsensiya at magalit sa sarili. Dapat hindi na ako naaapektohan. Dapat hindi na ako masasaktan pero bakit ganito? May sakit pa din akong nararamdaman.

                                                                                                           
"Halika na Jasper. Umuwi na tayo." wika ko. Tumango lang si Jasper bilang pagtugon at hinawakan niya ako sa braso para alalayan dahil nakita niya akong nangangatog at nanghihina. Habang naglalakad kami ni Jasper papunta sa pinag-paradahan ng kanyang kotse ay nadidinig ko pa din ang hagulgol ni JL, para siyang isang bata na inagawan ng kendi. Inawan namin si JL na nakaupo sa sahig at patuloy na nagmumukmok. Nang makarating kami sa pinagparadahan ng kotse ni Jasper ay hindi ko maiwasang mailabas ang mga sama ng loob ko. Humagulgol ako ng humagulgol na parang wala ng bukas. Nilapitan ako ni Jasper sabay yakap
.
"Sige lang iiyak mo lang..." bulong nito sa akin habang patuloy pa din ako sa pag iyak.
"Bakit nagpakita pa siya? Bakit niya pa ginugulo ang isip at damdamin ko. Manhid ba siya? Hindi niya ba alam na labis akong nasaktan dahil sa ginawa niya. Pinag-mukha niya akong tanga. Ginawa niya akong laruan na pagkatapos pagsawaan ay iiwan. Tapos ngayon ano? Gusto niya ulit ako paglaruan. Ang sakit sakit na eh... Hindi ko alam kung bakit nasasaktan pa din ako hanggang ngayon. Akala ko nakalimutan ko na siya. Akala ko naghilom na yung mga sugat na ginawa niya sa puso ko. Akala ko kaya kong mabuhay ng wala siya. Pero bakit nagkakaganito ako ngayon! Sabihin mo nga sa akin Jasper, masama ba akong tao ha? Dapat ba paglaruan ang isang katulad ko? Gusto ko lang naman na mahalin ako eh. Gusto ko lang na may tao akong makakasama sa pagtanda. Natatakot ako na balang araw ay mag-isa lang ako at walang kasama, malunkot at nag-iisa." paglalabas ko ng sama ng loob kay Jasper. Tanging pagpapakalma lang ang ginawa niya at dinamayan niya ako sa mga hinanakit ko.
"Hindi ka masamang tao Paul... Sadyang may mga tao lang na tanga dahil nasa kanila na ang taong para sa kanila pinakawalan pa. Wag mong sisihin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman ginawa at kung natatakot kang mag-isa pagtanda mo, nandirito ako, sasamahan kita at ipaparamdam ko sayo na hindi ka nag-iisa. Papatunayan ko din sayo na may mga taong nagmamahal sayo ngunit hindi mo lang makita dahil nagbubulag bulagan ka lang at nakatuon lang ang atensyon mo sa isa. Tumingin ka lang sa paligid mo at makikita mo ang hinahanap mong taong magmamahal sayo. Kaya ngumiti ka na. Sige ka mabilis kang tatanda niyan kapag lagi kang umiiyak at malungkot." saad ni Jasper.
"Hehe. Sinasabi mo lang yan kasi ang lakas ko umiyak. Alam ko namang naiirita ka sa pag-iyak ko eh..." wika ko.                                                
"Hindi noh! Totoo ang lahat ng sinabi ko. Imulat mo lang ang iyong mata ng makita mo naman na may ibang taong nagmamahal sayo. Bakit naman kasi sa dinami daming paraan upang maging masaya mas pinipili mo pa din maging malungkot ng dahil sa isa." litanya sa akin ni Jasper. Napatango lang ako bilang pag-sang ayon. Tama naman talaga si Jasper eh, libo libong paraan upang maging masaya pero bakit mas pinipili kong maging malungkot ng dahil sa isa.
"Halika na nga. Tama na itong drama ko at umuwi na tayo." nakangiting wika ko.

"Ayan! Naka-ngiti na ulit siya. Diba mas okay kapag lagi kang naka-smile. Mukha kang walang problema at nakakapang-goodvibes ka pa." nakangiting tugon din ni Jasper.
"Oo na! Tama na ang bola. Baka maka score ka na sa puso ko." biro ko dito ngunit di ko inakalang sasakyan niya din ang biro ko.
"Iyon nga ang gusto ko eh. Ang maka score sa puso mo." wika ni Jasper na nagpangiti ng bahagya sa akin. Hindi ko na dinagdagan pa ang mga biro ko dahil baka saan pa mapunta ang mga biruan na ito. Sa halip ay sumakay nalang ako sa kanyang kotse at pinilit na ngumiti sa kabila ng pagsubok. Habang binabaybay namin ang daan pauwi ay bigla ko nanamang naalala ang mga nangyari kanina.
 Bigla akong nakaramdam ng hiya ng maalala kong ginawa kong palusot na si Jasper ang nagpapasaya sa akin. Kaya agad kong tinignan si Jasper habang nagmamaneho at kinausap.
"Jas..." tawag ko sa kanya.
"Bakit Paul?" tanong nito sa akin.
"A-ahh E-ehh... Pasensya pala kanina ha..." nahihiyang sagot ko.
"Pasensya para saan?" pagtataka nito.
"Pasensya kung ikaw ang naging palusot ko kanina sa tanong ni JL sa akin. At sa pagtatanggol mo din kanina sa akin." nahihiyang pagsasalita ko
"Ah... Ganoon ba? Wala iyon. Basta para sayo." sagot nito sabay ngiti. Ngumiti din ako bilang pagtugon.
 Nagising nalang ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha. Nagulat ako nang malaman kong nasa bahay na ako, nakahiga sa kama at suot suot ang damit na pang tulog. Madami ang tanong na pumasok sa aking isipan. Kagabi lang ay magkahalong saya at lungkot ako sa bar tapos ngayon bigla nalang akong napunta sa kama ko. Ano to magic?
 Nang magising na ako ay agad akong naghilamos at lumabas ng kwarto. Medyo nakakaramdam ako ng sakit ng ulo at ng buong katawan.                           
Para akong lalagnatin. Siguro dahil iyon sa alak na nainom ko kagabi, napadami ata. Pagkalabas ko ng kwarto ay diretso agad ako sa kusina upang mag-almusal. Sakto at naabutan kong naghahanda ng pagkain si Mama.
"Goodmorning po Ma." bati ko dito sabay halik sa pisngi.
"Goodmorning din anak. Ano ba ang nangyayari sayong bata ka at nagpapakalunod ka sa alak ha?" bati din sa akin ni Mama na may konting pagtalak.
"Wala po yon Ma. Nagkasiyahan lang kami dahil natapos na namin iyong thesis namin." sagot ko dito.
"Ahh. Ganoon ba? Mabuti naman. Akala ko eh may problema ka eh." saad ni Mama.
"Wala ho... Ano naman ang po-problemahin ko? Tsaka kung may problema man ako alam kong madali ko lang iyon masusolusyunan. Dahil isang tingin ko lang sa inyo Mama, nawawala na ang problema ko. Ang ganda ganda mo kasi ma eh." wika ko.
"Haynakong bata ka. Binobola mo pa ako. Kumain ka na nga diyan. Gutom lang yan Anak." saad ni Mama.
Ngumiti lang ako sabay upo sa upuan at sinimulang kumain. Habang kumakain ako ay bigla kong naisip kung sino ang nagdala sa akin sa kwarto at nagpalit ng damit ko.
"Ma? Kayo po ba ang nag-akyat sa akin sa kwarto ko?" tanong ko kay Mama habang abala siya sa paghuhugas ng pinggan.
"Hindi Anak. Ang bigat bigat mo kaya." sagot ni Mama.
"Ahhh... Eh yung suot kong pang-tulog. Kayo po ba ang nagpalit?" tanong ko ulit.
"Hindi din." tipid na sagot ni Mama.
"Eh sino po?" tanong ko ulit.
"Si Jasper..." saad ni Mama.  Sa sinabing iyon ni Mama ay muntikan ko ng maibuga ang iniinom kong kape. Hindi ko kasi inaakalang kayang gawin iyon ni Jasper sa akin.
"Oh ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Mama ng makita niya akong nasamid.
"Ayos lang po." sagot ko sabay thumbs up.
 Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman sa sinabi ni Mama. Saya ba o hiya. Nang matapos na akong mag almusal ay nagpaalam ako kay Mama na magpupunta muna ako kay Prince.
Nang makarating ako sa bahay ni Prince ay naabutan ko siyang kumakain at nagbabasa ng libro.                                                                                     

"Ohh Ateng! Napadalaw ka ata?" wika nito nang makita niya ako.
"Hehe. Gusto ko lang sanang sulitin yung araw na magkasama tayo. Alam mo na malapit na ang graduation." saad ko dito.
"Asus! Kunwari ka pang ako ang sinadya mo dito. Oh ano? Ano ang problema mo aber?" nakangiti at mataray na wika ni Prince.
"Kilalang kilala mo na talaga ako Prince. Alam na alam mo kung nagsisinungaling ako o hindi." malumanay na sagot ko.

"Naman! Tatlong taon kitang Bff eh. And so? Anong problema mo ha? Pag-ibig ba? Ha?" ani ni Prince.
"Oo eh... Naguguluhan ako." sagot ko
"Oh sya! Tutulungan kita basta i-kwento mo ang lahat para mapayuhan kita." saad ni Prince.
"Naguguluhan kasi ako Prince. Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko. Para bang ang saya saya ko at ang gaan gaan ng mundo ko kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko'y ligtas ako kapag kasama ko siya. Noong una kong makita si Jasper sinabi ko sa sarili kong hindi dapat ako magkagusto sa kanya pero habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. At lalong lalo na noong maging mag-partner kami sa thesis. Doon ko nasabi sa aking sarili na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, na umaasa pa rin ako na may kaunting pagmamahal siya para sa akin. Pero kagabi biglang nagulo ang aking isip at damdamin noong magpakitang muli si JL. Para bang naghati silang dalawa sa puso ko. Hindi ko nga alam kung bakit may awa at saya pa rin akong nararamdaman para kay JL. Alam kong niloko niya ako pero sa tuwing makikita ko siya ay hindi ko maitatangging gusto ko siyang hagkan. Pero tuwing naaalala ko yung mga pinaggagawa niya ay labis akong nagagalit. Gulong gulo na ako Prince! Hindi ko alam ang aking gagawin." pagku-kwento ko rito.
"Ano ba ang gusto mong mangyari?" tanong sa akin ni Prince.
"Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang aking gagawin. Gusto kong umiwas pero parang may pumipigil. Gusto kong magpakalayo pero hindi ko kaya." sagot ko kasabay ang pagbuntong hininga.
"Alam mo Ateng, ang pinakamagandang gawin mo'y mag-isip ng mabuti kung handa ka na bang pumasok sa isang relasyon. Alam mo naman siguro na ang pag pasok sa isang relasyon ay parang sugal.”
       
 “Hindi ka mananalo kung hindi ka tataya. Lalong lalo na sa relasyong katulad ng sa inyo Tago at labag sa mata ng diyos. Kaya wala sa akin ang desisyon mo, kundi nasa iyo. Ikaw ang mamimili ng magiging tadhana mo." sambit ni Prince.
"Tama ka Prince. Nasa akin nga ang desisyon ng lahat ng ito. Pero papaano ko sisimulan ang pagpili ko ng sarili kong tadhana?" tanong ko kay Prince.
"Sa tingin ko Ateng ay dapat mo munang kausapin si JL. Dapat pareho kayong malinawan sa mga bagay na gumugulo sa inyo. Pangalawa kung mahal mo talaga si Jasper, sabihin mo. Malay mo pareho pala kayo ng nararamdaman? Nagkakahiyaan lang kayo at ayaw mag-aminan dahil ayaw niyong masaktan. At huli sabihin mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal dahil minsan ang isang oportunidad ay nawawala sa isang kisap mata at malamang sa alamang pagsisihan mo ito ng habang buhay." ani ni Prince.
"Maraming salamat talaga Princeeee! Sobrang maaasahan ka talaga." sambit ko sabay yakap.
"Ohh? Ano pang hinihintay mo? Simulan mo nang piliin ang magiging tadhana mo." masayang wika nito.
 Isang araw ang nakalipas at sinunod ko ang mga payo ng aking matalik na kaibigan. Pinagisipan kong mabuti kung handa na ba ulit akong magmahal, at ang sagot sa tanong na iyon ay Oo. Handa na ulit akong buksan ang aking puso para sa isang tao. At iyon ay walang iba kundi si Jasper. Masasabi kong bilang kaibigan nalang ang tingin ko para ka'y JL at tuluyan ko ng sinara ang aking puso para sa kanya. Kaya ngayon ay inaantay ko siya sa isang Bar para makipag-ayos at liwanagin ang lahat sa amin.
 At sa wakas ay dumating din siya, dala dala niya ang isang bouquet ng rose at isang box ng tsokolate. Nakita ko din ang wagas niyang ngiti at ang porma niyang halatang pinaghandaan. Naka-brush up ang kanyang buhok, naka-long sleeve din siya na kulay puti at blue, sa pagkakaalam ko ay iyan ang kanyang dalawang paboritong kulay. Ang saya saya niyang tignan para bang wala siyang ka proble-problema. Ngunit ang hindi niya alam ay ang sasabihin ko sa kanyang labis na wawasak sa kanyang puso. Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, ayoko siyang masaktan pero kailangan kong gawin.
"Hello Paul! Kumusta?" bati nito sa akin sabay ngiti.
"Okay lang?" patanong na sagot ko, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa simpleng tanong niya.
                                                                                                           
Alam kong hindi niya pinansin ang naging sagot ko marahil ay parang negatibo ang tono nito."Flowers and Chocolates for you..." wika nito sabay akmang iaabot sa akin ang hawak niyang rosas at tsokolate.
Ngumiti muna ako sabay sabing "Salamat pero hindi ko matatanggap iyan." sagot ko dito sabay iwas ng tingin sa kanya. Nakita kong biglang nalungkot ang kanyang mukha at tila ba isa siyang tindera na hindi pa nagbubukas ay nalugi na agad. Alam kong masakit ang ma-reject pero mas okay na iyon kaysa sabihin kong "Uy salamat ha" na para bang pinapaasa ko pa siya. Mahirap kasi ang umasa. Masasaktan ka lang at masasabing sana pala'y hindi na ako umasa para hindi ako nasaktan.
"Upo ka pala..." sambit ko kay JL.
Bago umupo si JL ay inilagay niya ang hawak nitong rosas at tsokolate sa gilid ng lamesa. Malumanay nitong hinatak ang upuan at sabay upo.
 Nang makaupo na siya ay hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Wala rin ang gustong bumasag sa katahimikan. Pareho kaming nagpapakiramdaman.
Ilang minuto na ang nakakalipas ngumit nanatili pading tikom ang aming mga bibig. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hanggang sa binasag na nga ni JL ang katahimikan ng biglang magsalita ito.
"Gutom ka na ba? Mag-order ka na." mahina at malumanay na sagot nito. Kung kanina'y walang mapagsidlan ang ngiti nito ngayon ay tila isang pipi na hindi makapagsalita. Malungkot at halatang kinakabahan.
"Busog pa ako, ikaw nalang muna ang umorder" sagot ko rito.
Hindi siya nagsalita at binalot ulit kami ng katahimikan. Nakita ko ang kanyan mukha na nakatingin sa malayo at tila nag-iisip ng kung ano ano.
Hindi ko na natiis ang katahimikan at hindi ko na din pinatagal pa ang pag-iisip ni JL. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakapatong sa lamesa. Tinignan ako nito sabay tingin na parang nagtatanong.'
"Hindi ko na patatagalin iyong pag-iisip mo. Gusto kong sabihin sayo na kaya kita pinapunta dito ay dahil gusto kong malaman mo na wala ka ng dapat pang asahan pa, masaya ka na diba. Masaya ka na kasama ang asawa mo at siguro'y may anak na nga kayo. Gusto ko ding malaman mo na nasa mabuting kalagayan ang anak mo, binibigay namin ang lahat ng gusto nito. Pinupuno din namin ito ng pagmamahal at puspusang pag-aalaga. Napakabilis talaga ng panahon noh JL? Dati rati ay masaya lang tayong magkasama sa bahay mo. Naaalala ko pa iyong mga siping nating punong puno ng pagmamahalan.                                             
Masasabi ko ngang ikaw na ang perfect guy na dumating sa buhay ko. Pinuno mo ako ng pagmamahal kahit minsa'y nagkukulang ako.
 Ang saya saya ko noon dahil sa dinami daming tao sa mundo ay ikaw ang naging karelasyon ko, tinanggap mo ako ng buong buo, minahal na parang tunay mong asawa. Ang sweet pa nga ng tawagan natin eh "Asawa ko at Mister ko" ang akala ko noo'y habang buhay na ang relasyong iyon, pero hindi pala. Ang sakit pala kapag nalaman mong iyong "Mister" mo ay may "Asawang" iba. Para akong sinaksak sa puso noon, napakasakit. Kung maaari nga lang eh sana'y binalik ko ang panahon kung saan ay hindi kita makikilala at hindi ako magpapahulog sayo. Katulad ng nangyari sa atin noong una tayong nagkita, nagkabungguan tayo sa isang kalsada at ako'y nadapa at ikaw ang sumalo sa akin para hindi ako masaktan. Napakasaya ko noon kasi nakita kita kahit na late na ako sa aking klase. Na-paranoid nga ako kakaisip sayo. Sa bawat taong makikita ko eh ikaw ang naiisip ko. Pero bakit mo sinira ang lahat ng tiwala at pagmamahal ko sayo?
Bakit mo ako sinaktan? Bakit parang walang halaga sayo ang mga pagmamahal ko? Nasaan na iyong dating JL  na nakilala ko? Nasaan na iyong masayahin at punong puno ng pagmamahal na nakilala ko? Bakit JL? Bakit ka nagbago..." litanya ko sa kanya, sa bawat pagsasalita ko ay hindi ko maiwasan ang mapaluha, tila bumalik din sa aking isipan ang mga nangyari sa amin  noon. Iyong una naming pagkikita, unang date, unang halik, unang pagsisiping, unang anibersaryo at ang huling mangyayari pala'y unang pamamaalam.
Nakita ko ang mukha ni JL habang nagsasalita ako, namumula ang mata at tila tinitiis ang pagbagsak ng luha,
Hindi niya din magawang makapagsalita dahil tuloy tuloy ako sa pagsasalita. Nang matapos na akong
maglabas ng mga sama ng loob at hinaing sa kanya ay hindi agad siya sumagot. Pinakalma niya muna ang kanyang sarili at nang kumalma na kaming pareho ay doon siya nagsalita.
"Hindi naman ako nagbago ko Paul, ako pa din iyong JL na nakilala mo. Ginawa ko lang ang makakabuti kaya nasira ang ating relasyon.." bago pa magsalita si JL ay agad akong sumabat.
"Makakabuti? Anong iyong mabuti sa ginawa mo? Pagkatapos mong paglaruan at pagsawaan iyong kapatid ko ay iiwan mo lang at sasaktan? May iba ka ng pamilya at nagawa mo pading pumatol sa kapatid ko?" mataray na sagot ko rito.
     
"H-h-hindi! M-m-mali ang iniisip mo." sagot ni JL na medyo napataas ang tono ng pananalita.
"Eh ano? Iyon naman ang katotohanan diba? Pinaglaruan at pinagsawaan mo lang ang kapatid ko." matapang na sagot ko rito.
"T-t-teka P-p-Paul makinig ka muna. Pakinggan mo ako kahit ilang minuto lang..." sagot nito sa akin.
"Okay! Siguraduhin mo lang na hindi kasinungaling ang sasabihin mo dahil hinding hindi kita paniniwalaan." wika ko.
"Hindi ko anak si Jano." iyan palang ang kanyan nasasabi ay pinutol ko na agad ang kanyang pagsasalita.
"SINUNGALING! Bakit mo itatakwil ang sarili mong anak? Hindi mo kayang panindigan? May bayag ka JL magpakalalaki ka naman. Huwag kang tumakas sa mga nakaraan mo." bago ko pa sundan ang aking sasabihin ay pinigilan na ako nito.
"SANDALI!" sigaw nito sa akin, nagsitinginan ang mga taong nakapaligid sa amin. Ngumiti lang ako sabay thumbs up sa kanila para ipahayag na okay lang kami.
"MAKINIG KA KASI PAUL! Yan ang mahirap sayo eh, ang bilis mong gumawa ng isang desisyon at pumuna sa iba. Pakinggan mo ako ha? Hindi ko anak si Jano dahil anak siya ng dating boyfriend ni Jane, at isa pa hindi naging kami ni Jane. Matalik ko lang siyang kaibigan. Nakilala ko siya sa isang kaibigan ko, pinag-blind date kami ngunit dahil hindi naman si Jane ang tipo kong babae kaya hindi ko siya pinatulan, pero hindi naging hadlang iyon para hindi kami maging magkaibigan. Habang tumatagal ang aming pagkakaibigan ay mas lalo kaming nagkalapit hanggang sa maging mag-best friend kami. Alam niya ang sikreto ko na nagpapanggap lang ako sa tunay kong kasarian. Sa kanya ako naglalabas ng sama ng loob tuwing nasasaktan ako sa buhay pag-ibig. Sa kanya ko din inamin na may nagustuhan akong isang lalaki na nakabungguan ko at ikaw ay iyon. Sinoportahan niya ako at sinabing ligawan ko iyon, baka iyon na daw ang aking soul mate. Hanggang sa naging tayo na nga. Masayang masaya siya noon ng malaman na naging tayo na ngunit sa kabila pala ng ngiti at saya na kanyang ipinapakita ay may sama ng loob pala siya at sikretong gusto niyang sabihin at ito ay ang sikretong na-buntis siya, ngunit tinalikuran siya ng magiging tatay ng kanyang dinadala. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang magulang kapag nalamang disgrasyada siya.                                                                      
 “Kaya nagmagandang loob ako na akuin ang responsibilidad na panagutan ang batang kanyang dinadala kahit na alam kong hindi ako ang tunay na tatay ni Jano. Ginawa ko iyon dahil sa magandang pagkakaibigan namin ni Jane, naging mabait siya sa akin at hindi niya ako iniwan sa ere. Iyon ang totoo Paul, maniwala ka. Kung buhay pa si Jane ay malalaman mo ang katotohanan." pagku-kwento nito sa akin.
"Huwag mo ngang  idamay ang kapatid ko sa kasinungalingan mo. Kung hindi mo kayang panagutan si Jano wala akong pakialam. Hindi namin kailangan ng tatay na katulad mong itinatakwil ang sariling Anak!" huling sambit ko sabay tayo sa upuan at dire-diretsong lumabas. Nagawa pang hawakan ni JL ang aking kamay ngunit nagawa kong kumalas dito.
"Pero Paul iyon ang totoo, maniwala ka." huling nadinig ko bago ako makalabas.
Galit ang nanaig sa akin simula ng malaman ko ang lahat ng kasinungalingan na pinagsasabi ni JL. Hindi ko inakalang magagawa niyang idamay ang kapatid kong nahimlay na. Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya dahil alam kong gawa gawa niya lang iyon.

Itutuloy...


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento