DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.
"Don't force
someone to remember you all the time,
Just stay silent, let
them realize how will they be without you in their life." -Jpaper
Chapter 9
Nagtampo talaga si
kelly sa akin dahil sa aking ginawang hindi pagpasok kanina. Hindi ko namalayan
na naiiyak na ako sa naghalong saya at lungkot, Saya dahil nanalo si Jasper
bilang Mr.Campus ngunit nalungkot dahil alam kong galit pa din siya sa akin.
Wala akong ginawa kundi ang magmukmok padin sa aking kwarto, labis na nagaalala
na ang aking pamilya ngunit nirespeto naman nila ang aking desisyon na bayaan
lang ako magisa at makakaya ko din ang aking problema. Hindi na rin nangulit si
mama kung ano ang aking problema basta ang gusto niya lang daw ay kumain ako ng
nasa oras at kinabukasan ay pumasok na ako.
Araw nanaman ng aking
pasukan hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o mahihiya ng dahil sa ginawa ko.
Pumasok na nga ako dahil ayokong mahuli sa mga lectures na tinuturo ng aking
mga propesor. Pagkapasok na pagkapasok ko ng aking room ay agad na tinignan ako
ng aking mga kaklase, kinabahan ako dahil baka pinagsabi ni Jasper ang ginawa
ko sa kanya.
Pumasok ako ng aking
room at naupo sa isang sulok,
Wala akong mukhang
ihaharap ng araw na iyon wala akong malapitan, hindi ko matanong ang mga
kaklase ko dahil nahihiya ako. Nang tinignan ko ang mukha ni Jasper ay tuwang
tuwa ito at parang proud na proud. Sabagay dapat lang siyang maging proud dahil
siya naman talaga ang nagpanalo sa sarili niya at wala nang iba. Sa hindi
inaasahang pangyayari ay nagkasalubong ang aming mga tingin, iniwas ko agad ito
ngunit ang nakita ko sa mata ni Jasper ay parang galit at nagtitimpi lang.
Natapos ang mga masasakit na tingin sa akin ni jasper nang pumasok na ang aming
propersor, nagulat ako dahil hindi naman lumiliban ang aking bespren na si
Kelly.
Nagtext agad ako kay
kelly, dahil sa isang saglit lang ay maguumpisa nang magturo ang aming
propesor.
"Kelly galit ka
ba sa akin Sorry na please! Sige ok lang na magalit ka sa akin pero pumasok ka
na kahit malate ka parang awa mo na kelly." ang pagmamakaawa kong text kay
kelly
Nagsimula na ngang
magturo ang aming propesor, puro discussion, lectures ang aming ginawa nang
araw na iyon, pero may pahabol pa ang aming propesor magpapartner partner kami
para sa gagawin naming proyekto sa kanyang subject, Inilabas ng aming propesor
ang fish bowl at may mga nakalagay na papel sa loob ng nito, mga pangalan namin
ang nakalagay sa mga papel, inisa isang bunutin ng aming propesor ang aming mga
pangalan
Kinakabahan ako hindi
dahil sa project na pinapagawa kinakabahan ako kung sino ang magiging kapartner
ko.
Nagtawag na ng
nagtawag ang aming propesor ng pangalan, unti unting naubos ang mga papel na
may pangalan, kinakabahan ako dahil hanggang ngayon ay hindi padin natatawag
ang aking pangalan, hanggang sa dalawang pangalan nalang ang natira. Ang
pangalan ko at ang pangalan ni "Jasper"
"Ayieeeeeeeeh"
sigawan ng aking mga classmate.
Wala akong kaalam
alam kung bakit ganoon ang inasta ng aming mga kaklase.
Hindi ko alam kung
sinasadya ba ito ng tadhana, pero kung sinadya nga ito ay napaswerto ko dahil
magkakaroon ako ng time para makahingi ng patawag o marinig man lang ang aking
panig kung bakit ko nagawa iyon.
Nang malaman na namin
ang aming mga partners ay agad itong nagusap usap ngunit kami ni jasper ay
hindi man lang nagkikibuan.
"Ok tama na to!
Grades namin ang nakasalalay dito." sigaw ng utak ko.
"Jasper ok kung
wala tayong kibuan ay ok lang ang sa akin lang sana ay magawa natin ang ating
project." ang lakas loob kong sinabi kay jasper.
Ngunit nagmukha akong
tanga sa hindi niya pagpansin sa akin, parang hindi man lang niya ako nakikita
pang multo lang ako na nagpaparamdam.
Natapos ang aming
unang subject at kailangan na naming magtungo sa susunod na subject.
Tumayo nalang ako at
agad na lumabas ng klase, tinungo ko ang susunod kong klase ng biglang may
nagtext sa akin.
"Baliw ba't
naman ako magagalit sayo bespren? Nagtampo lang ako kasi hindi ka pumasok
nakaraan wala tuloy akong kadaldalan! Hindi pala ako makakapasok pero Ok lang
kasi may excuse letter naman ako." text ni kelly
"Hay salamat
kala ko pa naman ay galit ka eh, bakit anong nangyari sayo?" tanong
ko.
"Wala to!
Simpleng lagnat lang to." reply ni kelly.
"Sige bespren
babawi ako sayo ako ang magaalaga mamaya sa pinakamamahal kong
bespren!"
"Sweet naman ng
bespren ko."
Naputol nalang ang
aming pagtetexan ng makapasok na ako sa susunod kong klase, at katulad ng
kanina ay sa isang sulok lang ako naupo.
Nainip ako ng araw na
iyon tatlong oras ba naman ang statistics at wala man lang akong kausap, dahil
sa pagkabored ko ay gumawa nalang ako ng liham para kay jasper, ngunit wala
akong intensyon na ibigay ito sa kanya.
At ito ang nilalaman
ng liham.
Sa minamahal kong
pangalawang bespren alam mo na masaya ako sayo sa pagkapanalo mo sa mr.campus
at alam mo din na sobrang proud ako sayo! Maraming salamat pala sa
pagkakaibigan natin alam kong sandali lang ito at alam kong ako rin ang dahilan
kung bakit ito nasira. Kung naging kuntento lang sana ako sa pagiging
magkaibigan natin ay sana magbespren padin tayo. Nauunawaan ko kung bakit ka
lubos na nagalit sa akin. Sana mapatawad mo ako balang araw hindi ko naman
talaga intensyon na gawin iyon, ayokong maging bakla! Pero noong time na nagawa
ko iyon ay labis na sumaya ang aking puso, nagawa ko ang hindi ko inaasang
pangyayari dahil alam ko kung sino talaga ang mahal ko, At ikaw yun Jasper!
Mahal na mahal kita!
At iyon nga ang
nilalaman ng liham dahil sa pagmumukmok ko sa aking kwarto ay napagalaman kong
mahal na mahal talaga kita.
Natapos ang subject
na statistic ng wala man lang akong natutunan.
May isa pa akong
subject sa araw na iyon ngunit bago ako pumasok ay nagbreak muna kami mayroon
kaming isang oras na break. Kumain nalang ako sa paborito kong fastfood chain
kumain ako ng wala man lang kasama, nalulungkot ako ng araw na iyon kaya ang
ginawa ko nalang ay naglibot libot sa mall, natapat ako sa isang sikat na
internet shop at biglang may tumawag sa akin.
"Hoy paul
tara."
Akala ko ay si jasper
ang tumawag sa akin, ganoon pala ung feeling na sobrang pagkamiss mo sa kanya
ay lahat ng bagay ay parang siya ito.
Nilingon ko kung sino
ang tumawag sa akin, si rex pala ang aming manager sa dota.
"Hey sir
rex!"
"Laro ka naman
sa amin kahit isang game lang 10k kasi ang pusta eh." pagaalok ni rex na
maglaro ako ng dota.
"Eh sir rex may
pasok pa ako eh."
"Ok lang yan
isang game lang naman eh." ang pagpupumilit ni rex.
Wala na akong nagawa
ng hilahin niya ang kamay ko papuntang computer shop.
Labis na natuwa ang
aking mga kakampi ng makita ako, matagal tagal na kasing hindi nila ako
nakakasama sa mga pustahan.
Nagenjoy naman ako sa
laro at hindi ko naisip ang oras ng klase ko, nanalo kami sa pustahan at
binigyan ako ng isang libo para sa isang oras kong paglalaro. Nagulat ako ng
makita ko sa aking relo kung anong oras na, late na ako ng mahigit 30 minutes
nagmamadali akong nagpaalam at tinakbo ang pinakamalapit na sakayan. Hindi
pwedeng lumiban ako sa klase may long quiz kami, pero parang sinasadya talaga
ng panahon na matagalan ako sa pagpunta, parang karo ng patay ang aking
sinasakyan sa sobrang bagal ng papapatakbo, Bumaba ako ng jeep at lakas loob na
tinakbo ang aking paaralan, hingal na hingal na ako pero bawal ang babagal
bagal! Sa sobrang pagmamadali ko ay nabunggo ko ang isang lalaki, napaka lakas
ng pagkakabunggo ko at nagdulot ito ng aming pagkakahiga, nahalikan ko ang
kanyang labi at talagang naglapat ito. Ramdam ko ang matitipuno niyang katawan
at amoy na amoy ko ang kanyang nakakaakit na pabango, sobrang nagslow motion
ito. Ngunit nanadya talaga ang panahon tumayo ako at tinulungan siyang tumayo,
Nagsitaasan ang aking balahibo ng makita ko kung sino ang nabunggo ko, siya din
ang nabunggo ko dati pa.
"Hep hep hep
huwag kang tatakbo" sabi ng lalaki.
Parang namesmerize
ako sa aking nakita, isang lalaki na ubod ng gwapo, maputi, singkit ang
mata,matangos ang ilang, magaganda ang ngipin at ang kanyang katawan ay parang
inukit ng pinakasikat na iskulptor.
Hindi agad ako
nakapagsalita sa aking nakita, natulala ako at hindi alam ang gagawin, naputol
nalang ang aking pagkakatulala ng bigla siyang pumalakpak.
"Pasensya talaga
hindi ko sinasadya. Nagmamadali lang talaga ako dahil malalate ako."
"Ok sige
patatawarin kita kung pupunta ka mamaya sa aking bahay?"
Nagisip muna ako bago
ako sumagot hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapunta sa bahay niya. Pero
biglang bumukas ang aking bibig at biglang nagsalita ng "Oo sige pupunta
ako"
Sino nga ba naman ang
makakatanggi sa gaanong uri ng lalaki?
"Ok good!"
ang tanging naisagot niya.
Isinulat niya ang
kanyang address sa aking notebook.
"Ok asahan kita
mamayang gabi ha."
"Teka! Anong
pangalan mo?"
"JL! John Louie,
sabay ngiti at tanong sa akin ikaw anong pangalan mo?"
"Paul, Paul
Perez!"
"Nice to meet
you paul, mauna ako sayo paul ha." ang tanging naisagot ni JL
"Sige
ingat!"
Gusto ko sanang
itanong kung saan siya pupunta ngunit wala akong karapatan na gawin iyon.
Naka alis na nga si
JL at iniwan ako, biglang pumasok sa aking isip kung anong oras na.
Mahigit limang minuto
din pala kami nagusap ni JL.
Tumakbo ulit ako para
makahabol sa aming klase ngunit ngayon ay parang masaya ako at hindi
kinakabahan.
Nakarating nga ako sa
room ko ng mahigit 45 minutes na late, laking pasasalamat ko nalang at wala pa
ang aming guro, nakaupo padin ang aking mga classmate at nagaabang kung papasok
pa ang aming propesor. Ang sabi kasi ng aming propesor ay kapag isang oras na
siyang wala ay doon lang maaaring umalis sa klase.
Umabot na nga sa
isang oras at wala padin ang aming prof nagsimula ng magsilabasan ang aking mga
kaklase at uuwi na daw sila, tatayo na sana ako para umuwi nadin ako ng bigla
akong harangin ni jasper sabay sabing.
"Kung gusto mong
magawa ang ating project pumunta ka sa bahay namin mamayang gabi at pagplanuhan
na natin para maayos at matapos na agad." halatang galit ang pagkakasabi
ni jasper.
"Pero."
hindi na natapos ang aking pagsasalita ng biglang nagsalita nanaman si
jasper.
"Wala ng pero
pero, pumunta ka sa ayaw at gusto mo." sabay talikod sa akin at lumabas ng
klase.
Ha anong gagawin ko?
Pupunta ako mamaya kay JL para humingi ng patawad pero nakikisabax naman tong
si jasper! Anong gagawin ko? Hahatiin ang katawan ko para makapunta sa kanila?
Bahala na nga!" sigaw ng utak ko.
6pm na ng makauwi ako
sa aming bahay, natuwa ang aking mama ng makitang nakangiti ako at sumabay sa
kanilang pagkain, hindi nadin ako nagkulong sa aking kwarto.
"Mukhang masaya
na ulit ang anak ko ha?" bati sa akin ni mama.
"Sinabi ko na
kasi sa inyo ma na huwag kayong magalala at maaayos ko din ang aking
problema."
Hindi na nagsalita si
mama at ngumiti nalang.
Pagkatapos kong
kumain ay naligo na ako para dalawin si kelly.
Magaala siete na ng
makarating ako kay kelly, agad ko siyang kinumusta at binilihan ko din siya
prutas.
"Bespren kumusta
ka na?" pangungumusta ko.
"Syempre ok na
ako dahil andito ka na."
"Mabuti naman!
Dapat lang magpagaling ka agad!"
"Oh sya! Tama na
yan may chismax ka ba?"
"Nagpartner
partner kami dun sa isa nating subject at si jasper ang partner ko, mahina at
mahinahon kong boses."
"Oh un naman
pala eh! Partner mo naman pala si jasper eh ba't parang hindi ka
masaya?"
"Syempre hindi
ko partner ang bespren ko, kung partner kita alam kong wala na akong
gagawin." pagbibiro ko.
"Hahahaha!
Bolero! Ano pa? Wala ka na bang ibang chismis?"
"Ay meron pa
palang isa bespren, nakita ko na ung taong nabunggo ko." ang may excite na
pagsasalita ko.
"Ginawa mo ba
ung sinasabi kong sumigaw ng malakas para makita ka niya?"
"Hindi nga
bespren eh, nagmamadali nanaman ako dahil malalate ako sa isang subject ng
biglang nabunggo ko siya at nahalik..." hindi ko na natapos ang sinasabi
at maging ako ay nabigla.
"OMG! Bespren!
Nahalikan mo siya? Anong feeling? Masarap ba ung labi nya? Sana kinagat
mo!" ang tuloy tuloy na pagbibiro ni kelly.
"Haha puro biro
ka talaga bespren! Ba't ko naman gagawin yon? Hindi naman ako
Bakla."
Parang kinurot ang
puso ko ng itago ko sa bespren ko ang tunay kong pagkatao.
7:30 na nga at
nagpaala na ako kay kelly may pupuntahan pa kasi ako, naunawaan naman niya iyon.
Napagpasyahan kong
pumunta nalang kay jasper ito na kasi ang pagkakataon na magkausap at magkaayos
kami, kung magagalit naman si JL ay mauunawaan ko dahil ako ang may kasalanan.
Eksaktong 7:45 ng
makapunta ako kila Jasper, Agad akong pinatuloy ni tita at sinabing, "Hey
GoodEvening! Ngayon ka nalang ulit napadalaw ahh."
"Medyo busy na
po kasi ako tita, at napapunta po ako dito para sa project namin ni
Jasper"
"Nice at kayo
talaga ang naging mag partner, At least alam kong magkakasundo kayo."
Kung alam nyo lang
tita na hindi na kami magkaibihan, sigaw ng utak ko.
"Sige po tita
puntahan ko na po si Jasper, baka kanina pa po nagaantay"
"Oh siya sige na
punta ka na sa kanya!"
Kinatok ko muna ang
pintuan ng kwarto ni jasper, dati kasi ay pagkanakasarado ang pintuan nya ay
papasok na agad ako pero iba na ngayon. Hindi nga nagtagal at binuksan niya
agad ang pintuan.
"Buti naman at
nagpunta ka" pambungad ni Jasper
"Eh may magagawa
ba ako? Sinabi mo na magpunta ako diba?"
"Pumasok ka na
at masimulan na natin ang pagpaplano sa ating project."
Agad na akong pumasok
sa kwarto ni Jasper at agad ko siyang kinausap ng masinsinan.
"Alam mo jasper
hindi ko naman talagang intensyon gawin yon sayo eh." ang paguumpisa ko.
"Hindi ayan ang
project natin, kaya kung ok lang sayo ay manahimik ka nalang at makinig sa
aking sasabihin kung papaano matapos ang project natin, ayoko na kasing tumagal
pa ito! Ayokong makasama ang isang baboy!" Ang may halong galit sa boses
ni Jasper.
Natulala ako sa aking
nadinig, "Ayokong makasama ang isang baboy!" ang paulit ulit na
pumasok sa aking isipan. Sa isang pagkakamali ko ay ganyan ang ipapakita niya
sa akin? Sabagay mali talaga ako pero sana man lang yan alamin niya muna kung
bakit ako humihingi ng patawad.
Hindi na nga ako nagsalita
alam ko kasing magagalit na ito ng tuluyan kung pagpipilitan ko.
Wala akong ginawa
kundi makinig sa kanyang instructions para sa project namin.
9:00 na ng matapos
ang kanyang discussion
"Uuwi na ako,
salamat pala." ang mahinahong boses ko.
"Mabuti naman
kung ganoon ayoko na kasing may makatabi akong BABOY!"
Yumuko nalang ako at
lumabas na ng kanyand kwarto...
"Tita mauna na
po ako"
"Sige magiingat
ka ha" ang paalala ni tita.
Umuwi nalang ako agad
at nagkulong sa aking kwarto, pag ako ay nalulungkot at gusto kong mapagaan ang
aking damdamin ay lagi ko nalang pinapagtugtog ang aking paboritong kanta.
"Huling
Sayaw"
Ito na ang ating
huling sandali
Hindi na tayo
magkakamali
Kase wala ng
bukas
Sulitin natin ito na
ang wakas
Kailangan na yata
nating umuwi
Hawakan mo aking
kamay
Bago tayo mag
hiwalay
Lahat lahat ibibigay,
lahat lahat
Paalam sating huling
sayaw
May dulo pala ang
langit
Kaya't sabay tayong
bibitaw
Sa ating huling
sayaw
Di namalayan na
malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag
madali
Kay tamis, kay
sarap
Ngunit ito na ang
huli
Kailangan na yata
nating umuwi
Hawakan mo aking
kamay
Bago tayo mag
hiwalay
Lahat lahat ibibigay,
lahat lahat
Paalam sating huling
sayaw
May dulo pala ang
langit
Kaya't sabay tayong
bibitaw
Sa ating huling
sayaw
(Adlib)
Paalam sating huling
sayaw
May dulo pala ang
langit
Kaya't sabay tayong
bibitaw
Sa ating huling
sayaw,
Paalam sating huling
sayaw
May dulo pala ang
langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling
sayaw.
Hindi na ako nagpunta
kay JL alam ko naman kasing masyado na akong late. Alam kong magagalit siya
pero tatanggapin ko nalang.
Napagdesisyunan kong
pumunta sa bahay na sinabi ni JL kinabukasan, Umagang umaga ay nagpunta ako sa
kanilang bahay, wala naman kasing pasok bukas at ito na ang time para makilala
ko siya ng mabuti
8:30 na makapunta ako
sa kanila
Agad akong kumatok sa
pintuan ng kanilang Bahay, "Tok tok tok tok"
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento