DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.
"Mahirap umiyak dahil sa sakit na nararamdaman, pero mas
mahirap tumawa para lang ipakita na, hindi ka NASASAKTAN." -Jpaper
Chapter 14
"Ito
ba ang nakalimutan mo? Sabay abot sa akin ng aking bago kong notebook.
"Salamat!
Sige mauna na ako jasper."
Alam
kong masakit na iniiwasan ko na si Jasper pero kailangan kong gawin iyon dahil
alam kong wala
namang
parte sa puso niya para sa akin at isa pa ay opisyal na kaming magkarelasyon ni
JL, binigyan niya ako ng singsing at sinabing mahal na mahal niya ako.
"P-paul!"
ang pagtawag sa akin ni jasper.
"Oh
bakit? Kung tungol yan sa project natin sige ok lang na pagusapan pero kung
tungkol yan sa ibang bagay, siguro sa ibang araw na rin natin pag
usapan."
"E-Ehhh
importante lang to, hayaan mo akong makapagpaliwanag! Please kahit ilang minuto
lang."
"O-ok
sige bibigyan kita ng isang minuto tapos aalis na ako may importante talaga
akong pupuntahan."
"Ok
sige ganito yun alam mo kung bakit ako nagalit noong may nangyari sa atin
kasi." hindi natapos ni jasper ang pagsasalita.
"Eh
kasi?" ang mataray kong pagdudugtong sa sinabi ni Jasper.
"Eh
kasi ayokong matulad ako sa aking papa." at biglang tumulo ang luha ni
jasper.
Hindi
ko alam ang aking gagawin, parang gusto ko siyang yakapin ngunit may
humahadlang na gawin ko iyon. At sa sobrang pagkaawa ko at siguro nadala na din
ako sa emosyon ni Jasper ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na yakapin
si jasper at kausapin ito.
"J-jas...
Bakit ano ba ang nangyari sa papa mo?"
"B-Bakla...
ang papa ko."
Nagulat
ako sa sinabi ni jasper hindi ako makapaniwala na ang papa ni jasper ay isang
bakla ngayon naiintindihan ko na siya kung bakit ganoon nalang ang kanyang
pagkagalit sa akin noong nagawa ko ang mga ganoong bagay.
"Pero
paul alam mo simula ng nabasa ko ang liham mo..." tuloy tuloy pa din ang
kanyang pag iyak.
"Sige
ayos lang yan Jas..."
Medyo
nahihiya ako dahil nasa labas lang kami ng library ni jasper kaya inaya ko
siyang umalis at lumipat kami ng lugar na pwede kaming magusap, napagdesisyunan
namin na mamaya nalang magusap pagkatapos ng klase.
Sabay
nga kaming pumasok sa aming huling klase pero tulad ng dati ay hindi ako tumabi
kay jasper at si kelly agad ang pinuntahan ko.
"Girl
anyare? Mukhang bati na kayo ng papa jas mo ha."
"Psst!
Huwag ka ngang maingay!"
"Ok
eh di boy na!"
Sabay
kaming nagtawanan ni kelly at sabay sa pagtatawanan namin ay dumating ang aming
propesor. Tumahik kami agad at nakinig sa tinuturo ng aming prof ayaw naming
mapagalitan dahil istrikta ito. Natapos ang aming klase na walang pumasok sa
aking isipan, Nagtatalo ang aking isipan tungkol kay JL at Jasper. Agad akong
pinuntahan ni jasper at kinausap.
"Kelly
ok lang ba kung hindi muna sayo sasabay ang iyong bespren."
"Oo
sige na isama mo na yang bespren ko at huwag mo ng ibalik."
Mainit
pa din ang dugo ni kelly kay jasper, hindi pa kasi nakakahingi ng pasensya si
jasper kay kelly noong time na mas napalapit ako kay jasper.
"Kelly
sana ay patawarin mo na ako dahil naagaw ko ang atensyon ni paul na dapat ay sa
iyo, Wala ka naman dapat pagselosan eh pareho nating mahal si paul." ang
paghingi ng tawad ni jasper kay kelly.
Nabigla
ako sa sinabi ni jasper na "Pareho naman nating mahal si paul eh."
alam ko na bilang kaibigan lang ang pagmamahal na iyon at hindi na mapapalitan,
illusyunado lang siguro ako.
"Ah
sige na nga! Friends?" sabay abot ng kamay ni kelly kay jasper at hindi
naman ito tinanggihan ni jasper.
"Oh
ano kala ko ba tayo ang maguusap? Dito nalang wala namang tao eh tayo tayo lang
naman, pagkatapos natin magusap ay maypupuntahan pa ako, urgent!" ang
pagsingit ko sa usapan nila.
"Kelly
ayos lang ba sayo kung sa labas ka nalang muna magantay?" tanong ni
jasper.
"May
magagawa pa ba ako? Sige na bespren mauna na ako sayo at alam ko namang may
pupuntahan ka pa."
"Ok
bespren, salamat!"
Umalis
na nga si kelly at kaming dalawa nalang natira ni jasper sa loob ng room, wala
na din tao sa labas dahil lahat ng klase ay natapos na. Hindi na nga ako
nakatiis at nagsalita na ako.
"Oh
sige na jasper magsalita ka na, may pupuntahan pa kasi ako." ang medyo
mahinahon kong pagsasalita.
"A-alam
mo paul simula ng magkagalit tayo at hindi na nagpapansinan ay sobra kitang
namiss, walang araw na hindi kita naalala, bago ako matulog ay ikaw ang aking
iniisip, at sa bawat araw naman na nabubuhay ako ay lagi kitang naaalala,
masakit sa akin ang mga pinagsasabi kong masasama sa iyo, ayokong saktan ka,
pagnakikita kita araw araw na nakasimangot ay sinisisi ko ang aking sarili,
sana pala naging bukas ang isipan ko! Simula ng nawala ka sa buhay ko at ng
mabasa ko ang liham mo ay masasabi kong "mahal kita."
Alam
ko ang salitang "Mahal kita ay nangangahulugang bilang kaibigan
lang."
Sa
bawat nadidinig ko ay hindi ko maiwasan ang mapaluha, at ganoon din si
jasper.
"Alam
mo jasper kung hinihingi mo ay ang aking kapatawaran ay matagal ko ng ibinigay
ito sayo napatawad na kita..."
"Maraming
salamat paul tunay ka ngang kaibigan."
"Tama
na ang dramang to may pupuntahan pa ako, sabay pahid ko ng aking
luha."
"S-sandali
paul! Totoo bang boyfriend mo ang naghatid sayo."
Hindi
ako sumagot sa kanyang tanong at ipinakita nalang ang aking singsing.
"Ah
nice! Bagay kayo sana ay mahalin ka niya tulad ng pagmamahal ko sayo." ang
may bahid na pagkalungkot sa boses ni jasper.
"Hindi
jasper! Magkaiba kayo, mahal niya ako bilang kasintahan at ikaw naman ang
tingin mo sa akin ay kaibigan."
"Sinong
nagsabing kaibigan lang ang turing ko sayo?"
Nagulat
ako sa kanyang tanong at hindi agad nakapagsalita.
"Bakit
ano ba ang tingin mo sa akin jasper?"
"M-mahal
kita paul hindi bilang kaibigan, pero huli na."
Napayuko
si jasper at nakita ko ang tuloy tuloy na pagagos ng kanyang luha.
"P-paul
sana bigyan mo ako ng chance na ipakita sayo kung gaano kita ka
mahal."
Hindi
ako makapaniwala sa mga sinabi ni jasper, Hindi ako sure kung bakit niya ako
pinapahirapan. Pero sa tingin ko ay huli na ang lahat, may JL na handang ibigay
ang lahat, may JL na minahal ako sa umpisa pa lang, may JL na nagpapahalaga sa
akin at alam kong masama kung bibigyan ko ng chance si jasper kaya't ganito ang
sinabi ko sa kanya.
"P-pasensya
na jasper huli ka na, may taong tanggap ako sa umpisa palang, may taong lubos
ng nagmamahal sa akin, sana ay huwag mabago ang pakikipagkaibigan natin. Maging
magkaibigan nalang tayo." hindi pa din natatapos ang aking pagiyak.
Masakit
sa aking sabihin ito pero alam kong ito ang tama, hindi ko gagawing panakip
butas si JL at ayokong magulo ang maayos na pagsasama namin ni JL.
Hanggang
ngayon ay hindi pa din natitigil sa pagiyak si jasper.
"Aalis
na ako jasper."
"S-sandali!
Sige hindi na kita kukulitin basta sabihin mong mahal po din ako."
"Oo
jasper hanggang ngayon ay mahal pa din kita kaso mahal ko din ang boyfriend
ko." at tuluyan ko ng iniwan si jasper.
Nakarating
ako sa bahay na parang walang ganang kumain at hindi makausap.
At
syempre katulad ng dati ay pinapatugtog ko ang paborito kong kanta,
nakakapagparelax kasi sa akin ito.
"Huling
Sayaw"
Ito na
ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Di namalayan na malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag madali
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw,
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw.
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Di namalayan na malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag madali
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw,
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw.
Medyo
naramdaman ko ang antok at dahil na din siguro sa pagod at nangyari kanina ay
mabilis akong nakatulog.
Nang
magising ako ay umaga na, nakita ko ang aking cellphone na sobrang daming text
at miss calls.
Tinignan
ko kung kanino galing ang mga text, puro kay JL. At ang miss call ay sa kanya
din. Agad ko siyang tinawagan para makahingi ng patawad...
"Hello
mister ko."
"Ba't
hindi ka nagpunta sa bahay?" halatang malungkot ang boses.
"Pasensya
na sobrang napagod ako at hindi ko namalayan na nahimbing pala ako sa
pagtulog."
"Ok
sige gusto ko mamaya dito ka matutulog ha."
"Ah
papaalam muna ako kay mama."
"Sige,
ikumusta mo na din ako kay mama!"
"Ok!
I love you mister ko!"
"I
love you too asawa ko!"
"Ok
see yah later! Bye!"
Binilang
ko kung ilang araw nalang bago ako lumipat ng school, isang buwan nalang
pala!
Inspired
akong bumangon at nagayos ng aking sarili. Bago ako pumasok sa klase ay
nagpaalam na ako kay mama na kay JL ako makikitulog. Pumayag naman si
mama.
Dumating
ako sa school at pumasok agad ako sa room tumabi ako sa aking bespren na si
kelly at nagkwentuhan. Kinukulit niya ako kung ano daw ba ang pinagusapan namin
ni jasper at syempre dahil ayokong maglihim ay sinabi ko ito sa kanya. Nagulat
si kelly sa mga revelations ko.
"Ikaw
na bespren! Sobrang haba talaga ng hair mo."
Naikwento
ko na din pala sa kanya ang tungkol sa amin ni JL.
"Bespren
papaano naman si jasper?" ang pagtatanong ni kelly.
"Shunga
ka ba bespren? Ang dami daming nagkakagusto kay jasper, nakalimutan mo na ba na
Mr.Campus siya?"
"Sabagay!
May point ka, so iiwan mo na pala ako next sem?"
Isa pa
sa nakwento ko kay kelly ay ang paglipat ko ng school.
"Sinong
lilipat next sem?" ang pagsingit ni jasper, nakikinig lang pala siya sa
amin.
At sa
sobrang kadaldalan ni kelly ay nadulas ito sa pagsasalita.
"Si paul lilipat ng school sa feu na siya
lilipat!" biglang napatakip ng bunganga si kelly sa kanyang nasabi.
Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento