Mga Pahina

Linggo, Agosto 25, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [21/19 part 2]


DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.



Chapter 19 Part II

Saktong alas-ocho kami nakarating sa kanyang apartment at naglabas agad siya ng inumin. 

"Isang bote lang ang akin Kristan, may pasok pa ako kinabukasan." pumayag naman siya at kami'y nagsimula ng mag-inuman. 

"Teka naalala ko lang Kristan, ano pala ibig sabihing ng Gintong Paro-paro? Hindi mo kasi nasabi noong nakaraan?" ang pagtatanong ko. 

"Ay ung dumapo sayo? Ang ibig sabihin ng gintong paro paro ay Nagmamahal ka ng tunay pero pinagtataksilan ka ng taong minamahal mo, at isa pa ung mga taong nagmamahal naman sayo ayon naman ang hindi mo nabibigyang pansin o nasusuklian man lang ang pagmamahal nila." ang pagsagot ni Kristan. 

Medyo kinabahan at nagsitaasan naman ang aking balahibo sa aking nadinig. Para kasing tumugma ang sinabi ni Kristan sa akin. 

"Oh? Anong nangyari sayo? Ba't bigla kang natulala dyan?" si Kristan na nagtataka sa ikinilos ko. 

"Ah...Eh... Wala! Biglang sumama lang ang pakiramdam ko..." ang pagdadahilan ko. "Mauna na ako Kristan, sa susunod nalang siguro tayo mag-inuman." 

"Ha? Eh? Diba? Kararating mo lang?" ang pagtataka ni Kristan. 

"Ah...Oo kaso bigla talagang sumama ang pakiramdam ko eh..." ang tugon ko. 

"Ah...Ok!" ang maikling tugon ni Kristan. 

Agad akong lumabas ng kanyang apartment at naghanap ng masasakyan. Nang makasakay na ako ay hindi ako mapakali, parang may kirot sa aking puso ng madinig ko ang kahulugan ng gintong paro-paro. "Paul! Kalma ka lang, pamahiin lang iyon at hindi ka dapat maniwala, Walang masamang mangyayri sayo at makakahanap ka pa ng taong mamahalin mo..." sa isip isip ko. 


Alas-nuebe ng gabi na ako nakarating sa aming bahay at nagtaka naman si mama kung bakit ang bilis ko daw umuwi, ang naisagot ko nalang ay dahil sumama ang pakiramdam ko. Nagpaalam ako kay mama na magpapahinga na at agad naman akong pumunta sa aking kwarto. 

"Ano ka ba Paul! Mukha kang tanga! Nakakahiya kay Kristan! Pupunta punta ka tapos uuwi ka din pala! Uhhhrrg! Shit. Tapos na kayo ni JL! Wala na, moved on na Paul!" sa isip isip ko. 

May pasok pa kinabukasan ngunit hindi pa din ako makatulog ng dahil sa letcheng paro-paro na yan. Alas dose na pero ito pa din ako tulala at parang sasabog ang utak sa kakaisip." ang patuloy na pag-iisip ko. 

Habang nakahiga ako sa aking kama at nagmumuni muni ay may natanggap akong text mula kay JL. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at parang nagbalik lahat ng masasayang ala ala namin ni JL. 

Nanginginig ang aking kamay ng kunin ko ang aking mobile at hindi ko inaasahan ang nabasa ko sa text ni JL. 

"Mr.Paul Perez right? I'm Dr.Alvez, na-aksidente ang iyong kaibigan na si John Louie at malubha ito, kinakailangan nya ng magbabantay at mag-aalaga. Ikaw ang sinabing pamilya ni JL kaya't ikaw ang aming kinontak. Sana'y makapunta ka dito sa St.Marie Hospital, sa Quezon City branch. Iyon lamang po at salamat." 

Pagkatapos kong basahin ang text na iyon ay may biglang kumurot sa aking puso at tila binuhusan ako ng pagkalamig lamig na tubig, Hindi ko namalayan na napaluha na ako't naihi sa sarili kong short ng dahil sa kabang nadarama.

"Ito na ba ang karma sa mga nagawa kong katarantaduhan? Ito na din ba ang kapalit ng pagtataksil ko sa aking kasintahan? Ang mawala ang taong minamahal ko? Hindi ko maitatanggi na may pagmamahal pa din ako para kay JL. Siya ang kauna unahang lalaking tumanggap sa akin. Tapos sa isang iglap lang ay babawiin na siya ng poong may kapal?" sa isip isip ko. 

"Tama! Hindi pa huli ang lahat, pupuntahan ko si JL upang magbigay ng lakas ng loob at bigyan siya ng tiwala sa kanyang sarili." ang patuloy na pag-iisip ko, Agad akong naligo at nagbihis upang mapuntahan ko agad ang sinasabing ospital. Wala pang sampung minuto ay nakapag-ayos na ako, kumaripas ako ng takbo upang makahanap ng masasakyan, ngunit parang nananadya ang panahon, kung kaylan kailangan ko ng masasakyan ay walang masakyan. "Grrrrrg! Tang ina naman oh! Asan ba ung mga putang inang jeepney driver na yan." ang pagkainis ko. 

Bigla naman akong nabuhayan ng loob ng makita ko ang isang pamilyar na sasakyan, at hindi nga ako nagkamali, sasakyan iyon ni Kristan. 

"Ohh Paul! Saan ka pupunta? Pinuntahan kita sa bahay niyo para kumustahin ka eh... Kaso sabi ng mama mo nagmamadali ka daw na umalis?" ang pambungad ni Kristan. 

"Eh mamaya na yang chikahan na yan, ihatid mo muna ako sa ospital!" ang medyo galit kong boses. 

"Ha? Eh? Bakit? Masama ba talaga ang pakiramdam mo at hindi mo na kaya?" ang pagtatanong ni Kristan. 

"Ano ba! Ihahatid mo ba ako o hindi?" ang mataray na sagot ko. 

"Haha, ito naman oh! Ang sungit! Sige sakay na." ang kalmadong boses ni Kristan. Agad akong sumakay sa kanyang sasakyan at tumahimik ako dahil sa sobrang kaba. 

"Saan bang ospital tayo pupunta?" ang pagtatanong ni Kristan. 

"Sa St.Marie, sa quezon." ang matipid na sagot ko. 

Nang madinig ni Kristan ang sagot ko ay agad niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan. Habang nagmamaneho si Kristan ay hindi ako mapakali sa aking pwesto, parang gusto kong bumaba sa kotse at lumipad na parang si Superman upang makarating agad sa aking pupuntahan. Hindi naman nagtanong si Kristan kung bakit hindi ako mapakali, hinayaan niya lang ako at nanahimik. Isang oras na nagmamaneho si Kristan ngunit sa tingin ko ay napakalayo pa namin at wala pa sa kalahati. Hindi na ako nakontento sa katatahimik at nagtanong ako kay Kristan. 

"Malayo pa ba tayo?" ang medyo mahinahon kong boses. 

"Uhhhm medyo, Napaka-traffic kasi eh..." ang tugon niya. 

"Utang na loob! Bakit ba nakikisabay itong mga tsuper na to? Kanina napakaluwag ng kalsada, ngayon naman ay halos hindi mahulugan ng karayom." sa isip isip ko. 

"Chillax ka lang Paul! Makakarating din tayo." sabay nagpatugtog ng radio si Kristan.

Ang unang musika na tumugtog ay isang sikat na kanta ni Bamboo na "Hallelujah"

Anong balita sa radio at TV?Gan'un pa rin; kumakapa sa dilimMinsa’y naisip ko nang umalis na lang ditoLimutan ang lahat, lumipad lumayo
Bato-bato sa langit, tamaan 'wag magalitAlam naman natin kung sino ang tusoSa bawat sumpang umiiyak, singil ko ay pisoSa bawat lumuluhang dukha, alay ko’y dugo
May kasama ka kapatid, kaibiganHangga’t ako’y humihinga, may pag-asa pa
Oh-oh, hallelu-ooh, hallelujahSinong sawa, sinong galit?Sumigaw ngayong gabiHallelu-ooh, hallelujah, halle-yeah
Blinded by the lightI can barely see the faces in front of meAsking me where do we beginWell, for starters, from withinI’m ashamed of what I've become in the mirrorThe face of my one true enemyHallelujah, it’s a new day

Let's take control if I have to take this message door to doorSave myself, save every soulWith permission I make this my personal missionSave me from the fire…from the fire

Ngayong gabi, ako ang sundalo moHabang ika’y tulog ako’y gisingNakabantay sa 'yo kasi mahal kitaTingnan mo, pag-ibig ko’y sa 'yo lamang
May kasama ka kapatid, kaibiganHangga’t ako’y humihinga, may pag-asa pa
Oh-oh, hallelu-ooh, hallelujahSinong sawa, sinong galit?Sumigaw ngayong gabiHallelu-ooh, hallelujah
Sinong sawa, sinong galit?Sumigaw ngayong gabiHallelu-ooh, hallelujah
Oh-oh, hallelu-oohHallelujahOh-oh, hallelu-ooh...


Naging kalmado ako dahil nakarinig ako ng pampaganang kanta, Ngunit ang hindi ko inaasang sumunod na kanta ay ang nag pataas ng aking balahibo.



"MY WAY"
And now, the end is here
And so I face the final curtain
My friend, I'll say it clear
I'll state my case, of which I'm certain
I've lived a life that's full
I traveled each and ev'ry highway
And more, much more than this, I did it my way

Regrets, I've had a few
But then again, too few to mention
I did what I had to do and saw it through without exemption
I planned each charted course, each careful step along the byway
And more, much more than this, I did it my way

Yes, there were times, I'm sure you knew
When I bit off more than I could chew
But through it all, when there was doubt
I ate it up and spit it out
I faced it all and I stood tall and did it my way

I've loved, I've laughed and cried
I've had my fill, my share of losing
And now, as tears subside, I find it all so amusing
To think I did all that
And may I say, not in a shy way,
"Oh, no, oh, no, not me, I did it my way"

For what is a man, what has he got?
If not himself, then he has naught
To say the things he truly feels and not the words of one who kneels
The record shows I took the blows and did it my way!

Yes, it was my way....

"Tang ina naman oh! Nakakakilabot yang kanta na yan! Nakikisabay pa yang punyetang kanta na yan." ang pagsasalita ko sabay patay sa radio. 

"Bakit ano ba ang nangyari Paul?" ang pagtatanong ni Kristan. 

"Wala!" ang tugon ko. 

"Anong wala? Eh parang kiti kiti ka nga dyan na hindi mapakali eh... Subukan mong magkwento, makikinig ako, hindi kita huhusgahan." ang tugon ni Kristan. 

"Mahabang kwento Kristan. Sa susunod ko nalang iku-kwento sayo." ang naging tugon ko.

"Ahhh...Ok!" ang maikling tugon ni Kristan. 

Lumipas pa ang tatlongpung minuto at sa wakas ay nakarating na din kami sa sinasabing ospital. 

"Salamat talaga Kristan ha... Malaki ang utang na loob ko sayo!" ang pagsasalita ko. 

"Walang problema Paul! Basta kung kailangan mo ng kaibigan andito lang ako, at isa pa mag-kaibigan na tayo diba?" ang tugon ni Kristan. 

"Oo naman! Magkaibigan tayo! Salamat ulit! Mauna na ako ha..." ang naging tugon ko. 

"Sige!" ang huling nadinig ko kay Kristan dahil kumaripas na ako ng takbo papunta sa help desk. 

"Ah nurse, matanong ko lang. Saan po ba ang room ni Mr.John Louie?" ang pagtatanong ko. 

"Uhhm Mr.John Louie po? Ano po ang surname?" ang pagtatanong ng Nurse. 

Hindi agad ako nakasagot sa tanong at tila nag-iisip. 

"Patay! Bakit hindi ko ba alam ang apelyido ni JL? Naging kami ng hindi ko man lang nalalaman ang kanyang surname?" sa isip isip ko. 

"Ah teka lang nurse ha... Tatawagan ko lang ung Doctor." agad kong tinawagan ang numero ni JL at maswerte naman ako dahil may sumagot agad. 

"Hello, pwede po bang makausap si Dr.Alvez?" ang pagtatanong ko. 

"Si Dr.Alvez ito, ano ang maipagli-lingkod ko sayo Mr.Perez?" ang tugon ng doktor. 

"Ah...Eh... Gusto ko lang po sanang itanong ang Surname ni JL." ang tugon ko. 

"Teka lang at titignan ko." 
Isang minuto ako nag-antay ng sagot ng doktor pero para sa akin ang isang minuto na iyon ay katumbas ng isang araw. Para bang napakatagal at hindi ko na kayang mag-antay pa. 

"Uhhm...Mr.Perez, ang apelyido ni Mr.JL ay Lopez." 

"Salamat po Doc!" at agad kong binaba ang telepono. Nagpunta ulit ako sa Help desk at kinausap ulit ang nurse. 

"Excuse me nurse, Uhhhm ung room po ni Mr.John Louie Lopez." ang pagtatanong ko. 

"Sandali lang po Sir, hahanapin ko lang po." tumango lang ako bilang pagtugon at nag-antay. "Uhhm ano po ang pangalan niyo at kaano ano niyo po ang pasyente?" ang pagtatanong sa akin ng Nurse. 

"Paul Perez, kaibigan niya!" ang mabilis kong sagot. 

"Ah sige po Sir, nasa private room 301 po siya." ang tugon ng Nurse. Nang malaman ko kung saang room si JL ay agad akong tumakbo, Imbes na gumamit ako ng elevator ay lakas loob kong inakyat ang bawat hagdan, kahit papaano'y gusto kong mabawasan ang kabang nadarama. Ngunit mukhang mapaglaro nga ang tadhana. Ito ako na parang tanga kakahanap ng kwarto ni JL. 

"Tang ina! Naligaw pa ako! Ang laki laki naman kasi ng Ospital na ito!" sa isip isip ko habang nagpupunas ng pawis. 

Kung kanina ay lakas loob akong tumakbo ngayon naman ay para akong pagong kung kumilos dahil bawat sulok ay binubusisi ko. 

"Room 
 309,



 308,



 307,



 306, 



 305,



 304, 



 303,


 302, "nakita ko na ang lahat ng numerong iyan ngunit nasaan ang punyetang 301?" sa isip isip ko. 

Habang patuloy pa din ako sa paghahanap sa letcheng room na yan, may napansin akong mga nagkalat na pulang rosas, Ang nakakapagtaka pa ay parang may direksyon itong tinutukoy, kaya't ang ginawa ko ay sinundan ko kung saan nanggagaling ito at ng makita kong sagad na ito, tumingala ako sa pintuan at nakita ko ang numerong 301.


Nang makita ko ang numerong 301 ay hindi ko ma-explain ang aking saya, may kaba at ngiti sa aking mukha. Kinakabahan ako dahil alam kong na-aksidente si JL at saya dahil sa wakas ay muli ko siyang makikita. Para akong naka-droga ng mga oras na iyon dahil ramdam ko na para bang lumulutang ako sa alapaap at walang mapagsidlan ang saya. 

Kinakabahan man ay pilit kong nilakasan ang aking loob, hinawakan ko ang doorknob at halatang kinakabahan ako dahil nagpapawis ang aking kamay at pinapasma, ngunit buo na ang loob ko, gusto ko ng makita at mahagkan man lang si JL sa huling pagkakataon. 

"Hmmmmm, this is it! Kaya mo ito Paul! Nandito ka para palakasin ang loob ni JL!" sa isip isip ko, sabay pihit ko ng doorknob at binuksan ang pintuan. 

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, Si JL nakatayo at may hawak na isang boquet ng rosas. May mga lobo din na nagkalat at higit sa lahat ang table na may mga pagkain na nasa gitna at may mga musikerong nag-uumpisang tumugtog. 

"Totoo ba itong nakikita ko? Buhay na buhay si JL at hindi totoong na-aksidente? Kung isang panaginip lang ito ay ayoko ng magising pa, ito na ata ang pinaka-romantic at pinaka-sweet na nangyari sa katulad kong bisexual." sa isip isip ko, Hindi pa din ako nakapaniwala at tila na stroke sa aking kinakatayuan, hindi ko namalayan na nag-umpisa ng tumulo ang aking luha at pilit kong nilalaban ang mapaha-hugolgol. Ngunit ng magsalita si JL ay nagsimula na akong umiyak na parang isang bata. 

"Asawa ko." sabay lapit at ngiti sa akin ni JL. 

Kahit na may mga taong nakakakita sa amin ay hindi ko na iyon pinansin at walang dalawang pag-iisip ay agad kong niyakap si JL at sa balikat niya ako umiyak. Ramdam ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking ulo at ang pagyakap niya na ubod ng higpit. Parang ayoko ng matapos pa ang sandaling iyon, gusto kong tumigil ang oras. Ngunit imposible iyon. 

"Asawa ko, tahan na. Andito na ang mister mo at nalaman ko na ang aking pagkakamali at napatawad na din kita, past is past. Moved on na tayo at magsimula ng panibago." ang pagsasalita ni JL. 

Hindi pa din ako natinag sa pagyakap kay JL at tila dinama ang sarap ng aming pagyayakapan. 

"Tara kain na tayo? Smile ka na asawa ko." sabay angat niya ng aking ulo at akmang hahalikan sa labi, pumikit ako at gusto kong madama ang kanyang halik, ngunit natawa ako dahil nagsalita si JL ng "Mamaya na tayo maghalikan, kumain muna tayo." sabay tawa namin pareho. 

Pumasok kaming dalawa ni JL sa kwarto at para akong prinsesa na pinagsisilbihan, inayos ni JL ang aking upuan at inalalayan sa pag-upo. 

"Paano mo nagawa ang lahat ng ito?" ang pagtatanong ko. 

"Halos lahat naman ata ay nadadaan sa pera, maliban lang sa pagmamahal mo." sabay kindat sa akin ni JL. 

"Bolero ka pa din hanggang ngayon!" ang pagbibiro ko. 

"AKO? BOLERO? Malabo yan!" sabay tawa ni JL at nakitawa na din ako. 

Habang abala kami ni JL sa pakiki-pagkwentuhan ay abala din ang mga waiter sa paghahanda ng aming ma-kakain at ma-iinom na wine. 

"Kain na..." sabay ngiti sa akin ni JL, tumango lang ako bilang pagtugon at nagsimula na akong kumain.

"Ah...Asawa ko?" ang pagsasalita ni JL.

"Oh? Bakit?" ang pagtatanong ko.

"Uhhhm tayo na ba ulit?" ang nahihiyang pagtatanong ni JL.

"Ahhhh... Pag-iisipan ko muna." ang pagsagot ko, nakita ko naman na biglang naging malungkot si JL at tili kinurot ang aking puso at nakonsensya.

"OO na! Sige na! Tayo na ulit!" ang pagbawi ko sa unang sinagot ko.

"TALAGA?" at unti unting lumabas ang magagandang ngipin ni JL at halatang masaya sa nadinig.

"AYAW MO PA?" ang pagtataray ko.

"Syempre gusto ko! Wala ng bawian yan ha..." sabay ngiti ni JL.

"Oo na! Kumain na tayo!" ang pagsagot ko.

Naging masaya at nakakabusog ang dinner date na iyon, ang akala ko ay tapos na ang lahat at maaari na akong umuwi ngunit may sorpresa daw na ibibigay si JL. Lumabas kami ng ospital at sumakay kami sa kanyang kotse.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" ang pangungulit ko.

"Basta! Manahimik ka lang dyan at Mag-antay!" ang pagsagot ni JL.

"Anong oras na kasi eh? May pasok pa ako kinabukasan..." ang pagsasalita ko.

"Nako hindi ka naman makakatulog nyan dahil nagulat ka sa ginawa ko kaya wag ka nalang munang pumasok kinabukasan." ang pagdadahilan ni JL.

"Hhmmmm sige na nga, tutal tama naman ang sinabi mo eh, hindi talaga ako makakatulog." sabay tawa ko. Ngumiti lang si JL at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Nakalipas ang isang oras na biyehe at sa tingin ko ay nakarating na kami sa aming pupuntahan.

"Andito na ba tayo?" ang pagtatanong ko.

"Oo bakit?" ang pagtataka ni JL.

"Hahaha, MOTEL? As in M-O-T-E-L? ang sorpresa mo sa akin?" ang natatawang pagtatanong ko.

"Bakit ayaw mo?" ang natatawang sagot ni JL.

"Bakit may sinabi ba akong ayoko?" ang mataray kong pagsagot.

"Aba, aba, aba! Lalaban ka na ha..." ang matapang na sagot ni JL.

"Hahaha binibiro lang kita..." ang tugon ko.

Hindi ko nakitang ngumiti si JL at tila naging seryoso ito.

"Ah...P-paul, i love you..." ang seryosong pagsasalita ni JL at nagulat ako ng bigla niyang inilabas sa kanyang bulsa ang isang maliit na kulay pulang kahon. Binuksan niya ito at hindi nga ako nagkakamali, isa itong "GINTONG SINGSING"



Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento