Mga Pahina

Lunes, Setyembre 15, 2014

Ang Kursong hindi ko Inakala [32]


Ang Kursong hindi ko Inakala
Chapter 32

Isang linggo na ang nakakalipas noong mangyari ang isang nakaw na halik na ginawa sa akin ni Jasper. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan at sa bawat araw na aking maaalala'y kakaibang saya ang naidudulot nito. Saya na ngayon ko lang naranasan. Saya na nagbigay pag-asa na ipaglaban ko ang pagmamahal ko para kay Jasper. Hindi ba ginagawa ko lang ito para makalimot? Para gawing panakip butas sa sakit na nararamdaman na ginawa ni JL? Pero sa tingin ko hindi dahil alam kong mahal na mahal ko si Jasper. Pinapangunahan lang ako ng takot na baka ma-reject at mali ang akala kong mahal niya din ako. Na para bang isang ilusyon nalang ang maging kami.  Mag-iisang buwan na mula noong ipaalam sa amin ang aming thesis at sa wakas ay natapos na kami. Sa paggawa namin ng thesis ay minsa'y naiilang ako dahil sa mga kakaibang ikinikilos nito. Napaka-sweet at laging naglalambing at nagpapa-cute. May pagkakataong nagre-research ako sa laptop tapos maya maya ay lalapit sa akin dala dala ang isang slice ng cake at sinusubuan ako. May pagkakataon ding susunduin niya pa ako sa bahay para lang makapag-bonding kami at paguwi'y may regalo siyang tsokolate at bulaklak. Para akong isang babae sa ipinapakita ni Jasper, isang babae na gustong gusto niyang maging kanya at maging nobya ngunit papaano matutupad ang gusto niya kung hindi niya sakin sasabihin at kung may karelasyon pa siya? "Jasper! Uminom naman tayo!" aya ko sa kanya noong matapos ang aming thesis. Nakita ko ang naging reaksyon ni Jasper noong sinabi ko iyon. Gulat na gulat at hindi makapaniwala na ako ang nag-aaya.
"Sigurado ka?" tanong nito sa akin na halata ang pagaalala.
"Oo naman! Hirap na hirap tayo sa punyetang thesis na yan kaya oras naman nating magsaya." sagot ko dito.
"Okay. Saan mo ba gustong uminom?" tanong nito.  "Kahit saan!" saad ko.
"Sige. Magbibihis lang ako tapos alis na tayo. Gamitin nadin natin iyong kotse ni Mama para mas mabilis tayong maka-alis." wika nito, tumango nalang ako bilang tugon.  Nang makapag-ayos na si Jasper ay agad din kaming umalis gamit nga ang sasakyan ni Tita. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kokote ko at nag-aya akong uminom. Ewan ko pero parang gusto ng utak ko na makalimot at sumaya naman kahit papaano. Pero kabaligtaran ang naging emosyon ko nang makarating kami ni Jasper sa Bar na pag-iinuman namin.                                                    
Ito yung Bar kung saan nagpunta kami ni JL at hinandugan ng isang kanta na labis kong ikinatuwa. Ito yung comedy bar kung saan masaya kaming dalawa at walang mapagsidlan ang aking tuwa.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang nag iba ang ugali ni JL. Na kahit sa aking panaginip ay hindi ko naisip na mag-iiba siya. Ilang taon na ang nakakalipas ngunit hindi ko pa din nakakalimutan ang mga masasakit na ginawa niya sa akin. Ang pagtataksil. Ang pagsisikreto. At ang pagdurog sa puso kong walang ibang ginawa kundi mahalin siya ng lubos. Siya lang ang lalaking nagbago sa aking pagkatao at tinuruan ang puso kong magmahal ng lubos.
"May problema ba Paul?" tanong ni Jasper sa akin noong makitang malungkot ako.
"A-ah W-wala! May naalala lang ako. Tara na!" sagot ko. Ngumiti lang ito kasabay ang isang tango bilang pag-sang ayon.  Nang pumasok kami sa Comedy Bar ay nag-uumpisa ng magpatawa ang mga stand-up comedian at mukhang masasampolan kami ng pang-ookray nito.
"Hoy! Poging nakapula! Halika dito samahan mo naman ako!" bungad na pagsasalita ng komedyante at tumutok ang spot light sa amin ni Jasper. Napangiti lang si Jasper dahil siya ang sinasabing pogi.  "Ako?" tanong ni Jasper.
"Ay sino pa nga ba? Ang pogi pogi tapos bingi pala. Syempre ikaw!" pang-ookray ng komedyante at lahat ng tao ay nagtawanan, maging ako at si Jasper ay napatawa.
"Ayyyyh! Sino yang kasama mo? Jowa mo? Bagay kayo ha! Nakakakilig!" isa pang banat nito. Saktong sakto pa dahil magkahawak pala ang aming kamay. At nang mapansin ko iyon ay agad akong bumitaw.
"Kayong dalawa! Halika dito! Samahan niyo ko. Bawal ang KJ. Hindi ako nangangagat! Nangangain lang. Pramis! Honesto!" biro ng komedyante at nagtawanan ang mga tao.
 Tinignan ko si Jasper at tila nagtatanong ang aking mga mata kung pupunta ba kami sa stage. At tila nagkaintindihan ang aming mga titig. At sabay kaming nagpunta sa stage. Noong una'y nakahawak lang siya sa aking balikat ngunit maya maya'y hinawakan niya ang aking kamay, at nang maramdaman ko iyon ay tinangka kong tanggalin iyon ngunit mas lalong hinigpitan ni Jasper ang pagkakahawak. Nakarating kami ng stage at nananatiling magkahawak parin ang aming mga kamay. Natatandaan ko ang komedyanteng ito, siya din iyong komedyanteng nang-okray sa amin ni JL.
                                                                                                                  
Bigla nanamang pumasok sa aking isipan si JL at ang masasayang pang-ookray sa amin noon. Hindi ko naiwasang mapaluha na agad ko din namang pinunasahan dahil ayokong maging malungkot sa araw na ito. Ngumiti din ako para masabing masaya ako. Tinignan ako ni Jasper at tila nagtatanong ang mga titig nito. Isang matamis na ngiti lang ginawad ko para sabihing okay lang ako.
"Magandang gabi sa inyong dalawa. At maraming salamat sa pagpunta dito sa aming Comedy Bar para masilayan lang ang ganda ng isang Dyosang katulad ko." pagbati nito.
"Anong pangalan mo?" tanong nito sa akin at itinapat ang mikropono.
"P-paul..." nauutal na sagot ko.
"Wag kang kabahan. Pinangako kong hindi ako mangangagat! At kung mangagat man ako ngayon sigurado akong may anti-rabbies ako." biro nito na agad din namang nagtawanan ang mga manonood.
"At ikaw naman? Anong pangalan mo hot papa!" nangaakit na tanong ng komedyante.
"Jasper." kalmadong sagot nito at nakuha pang ngumiti ng todo.
"Pangalan palang ang gwapo na! Papaano pa yan? Ulam na?" biro nito sabay turo sa pagkalalaki ni Jasper. Hindi nairita si Jasper at sa tingin ko'y cool na cool lang ito at nasasakyan ang mga joke.
"Kaano ano mo siya?" tanong ng komedyante sa akin.
"K-k-kaibigan" sagot ko.
"Asuuus! Kaibigan mo lang? Totoo ba ang sinabi niya?" tanong naman nito kay Jasper.
"Hindi po." nakangiting sagot ni Jasper at agad naman naghiyawan ang mga manonood. Kinurot ko ang kamay ni Jasper na hanggang ngayon ay nakahawak padin sa aking kamay.
"Ohh My Pink Gush! Nakakakilig! Naala ko tuloy yung mag syotang na okray ko noon. Napaka-sweet nila katulad niyo. Bagay na bagay nga ang dalawang iyon eh. Ano na kaya ang nangyari sa dalawang iyon?" pagku-kwento ng komedyante at sa tingin ko'y kaming dalawa ni JL ang itinutukoy nito.
 Tuloy tuloy pa din ang pang-ookray sa amin at kung ano ano ang mga pinagawa sa amin. Andyan yung hahalikan mo yung pinaka gusto mong parte ng katawan ng partner mo. Kaming dalawa ni Jasper ang naglaro ng games na ito at ako ang unang hahalik sa kanya. Ginagawa ko lang ito para hindi maging KJ at hindi para mag take advantage.                                                                        
Nag-umpisa na ang tugtog at piniringan na si Jasper ng komedyante at sinenyasan na ako nitong simulan na. Lumapit ako kay Jasper at pumwesto sa kanyang labi, kinilig ang lahat ng tao sa pag-aakalang sa labi ko hahalikan si Jasper ngunit naloko ko sila dahil hinalikan ko si Jasper sa kanyang baba. Nang matapos kong halikan si Jasper ay napangiti ito kasabay ang pagtanggal ng kanyang piring. At nang ako naman ang pipiringan ay kakaibang pakiramdam ang dumadaloy sa aking katawan.
Nang mailagay na sa akin ang piring ay nagumpisa na ang hiyawan ng mga tao. Hanggang sa unti unting naramdaman ko ang hininga ni Jasper papalapit sa aking labi. Amoy na amoy ko ang presko at mabangong hininga nito. Hanggang sa tuluyan na ngang lumapat ang labi ni Jasper sa aking labi. Hindi ko napigilang mapangiti ng malaman kong sa labi niya ako hinalikan ngunit maya maya ay biglang nag iba ang mood ko at para bang may guilt akong nararamdaman, marahil may karelasyon kasi si Jasper at ayokong gawin din sa iba ang ginawa sa akin noon na niloko at pinaglaruan. Ayokong masaktan ang damdamin ni Karen dahil alam ko ang sakit na kanyang mararamdaman kapag ipinagpatuloy pa namin ni Jasper ito. Kahit na sabihin kong gusto ko din ang mga nangyayari ay hindi ko maiwasang makonsensiya. Sa loob ng limang segundong halik ni Jasper ay pakiramdam ko'y umabot ito ng limang oras dahil sa sarap sa pakiramdam, para bang kinikiliti ang aking puso. Nang matapos na ang halik niyang iyon ay inalis ko agad ang piring at ngumiti nalang ako ng pilit.
"Maraming maraming salamat po sa dalawang taong ito na napaka-sports at kwelang kwela na sumagot sa aking mga katanungan. Palakpakan naman po natin sila." wika ng komedyante at lahat ng manonood ay nagpalakpakan.
Nang matapos na kaming okrayin ay agad din kaming bumaba ng stage upang magpunta sa table at umorder ng inumin ngunit nag paiwan si Jasper sa stage at sinabi niyang antayin ko nalang daw siya. Habang nakaupo ako at sinisimulan ang pag inom ay bigla kong nadinig ang boses ni Jasper.
"Ang kanta pong ito ay inaalay ko sa isang taong napaka mahal at mahalaga sa aking buhay. Para sayo ito." saad ni Jasper habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang mag tanong sa aking sarili kung sa akin niya ba inaalay ang kantang iyon. At kung sa akin man niya ialay iyon ay nangangahulugang mahal niya pa din ako at mahalaga ako para sa kanya.

                                                                                                           
Habang umiinom ako ay naguumpisa nang kumanta si Jasper. Hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya habang siya'y kumakanta. Ngayon ko lang nalaman na maganda pala ang boses nito. Mararamdaman mo talaga ang emosyon sa kanyang boses. Ramdam na ramdam mo na ma'y gusto talaga siyang ipahayag.
"It took one look
And forever laid out in front of me
One smile then I died
Only to be revived by you"
 Habang kumakanta si Jasper ay hindi ko maiwasang hindi maalala si JL. Parehong pareho sila. Napakagaling kumanta at napaka-sweet pa. Sariwa pa pala sa aking isipan kung gaano kami kasaya noon ni JL. Kung papaano niya ako pinasaya. Kung paano niya ako minahal ng lubos. Labis akong nanghihinayang, sinira lang niya ang tiwala at pagmamahal na ibinigay ko para sa kanya.
"There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how muchI know
'Bout the way life plays out"
"I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you, ooh"
"Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine"
"They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you"
"I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you"
"My one and only, one and only youuuuuu" sabay tingin sa akin ni Jasper.
                                                                                                                
Habang kinakanta ni Jasper ang kantang "One and Only You." ng bandang kamikazee ay unti unting tumulo ang aking luha. Ang bawat lyrics nito'y damang dama ko. Pakiramdam ko'y ako ang tinutukoy niya sa kantang ito.
 Hindi ko na talaga maitatanggi na mahal ko na talaga siya. Parang gusto ko umulit ang panahon at ibalik yung pagkakataong sinayang ko. Masyado akong nagpadala sa aking damdamin noon kaya ngayon ako'y nagdurusa at nanghihinayang.
"Okay ba ang kanta ko?" tanong nito.
"O-oo, ang ganda nga ng boses mo eh." sagot ko.
"Madami na ata ang nainom mo noh?" tanong nito sa akin nang mapansin niyang medyo namumula na ako.
"H-h-hindi P-p-pa ako lasing... Tsaka ano ka ba kaya nga tayo nagpunta dito para magpakalasing. Kaya kung ako sayo uminom ka nalang diyan at wag mo na akong intindihin." wala sa sariling sagot ko, tumango lang siya bilang tugon at umorder na din ito ng maiinom.
Habang nagku-kwentuhan at nag-iinuman kami ni Jasper ay biglang tumaas ang aking balahibo nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Well you done done me me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted
I fell right through the cracks, now I'm trying to get back
Before the cool done run out I'll be giving it my bestest
And nothing's gonna stop me but divine intervention
I reckon it's again my turn, to win some or learn some
But I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm yours"
 Sana kaboses niya lang. Sana mali ang iniisip ko. Sana isa lang itong panaginip at magising na ako. Ayoko ng bumalik pa sa nakaraan. Ayoko ng maulit pa ang sakit na naramdaman. Sawang sawa na ako sa pagdurusa. Gusto ko namang sumaya at lumigaya.

"Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you're free
Look into your heart and you will find love love love love”
                                                                                               
Natatakot man akong malaman kung kaninong boses ang aking nadidinig ngunit kailangan ko upang malinawan ako kung siya nga. Pero papaano naman kung tama ang aking hinala? Ano ang aking gagawing Papaano kung lapitan niya ako at kausapin? Ano ang aking sasabihin?
“Listen to the music of the moment, people dance and sing
We're just one big family
And it's our God-forsaken right to be loved loved loved loved loved”
“So I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm sure
There's no need to complicate, our time is short
This is our fate, I'm yours”
“I've been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
But my breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed”
“I guess what I be saying is there ain't no better reason
To rid yourself of vanities and just go with the seasons
It's what we aim to do, our name is our virtue”
“But I won't hesitate no more,no more
It cannot wait,
I'm yours”
“Open up your mind and see like me
Open up your plans and damm your free
Look into your heart and you'll find the sky is yours”
“So please don't, please don't, please don't
There's no need to complicate cause our time is short
This o' this o' this is our fate”
Unti unti akong lumingon at pinilit na tignan kung kaninong boses ang aking nadidinig. Nagulat nalang ako at biglang nanlaki ang aking mata nang malaman ko kung sino ang kumakanta. Siya nga! Tama ang aking hinala! Si JL nga! Pero bakit nandirito siya? Akala ko'y umalis na siya papuntang ibang bansa? Bakit ngayon pa siya nagpakita kung kaylan unti unting gumaling ang sugat na ginawa niya sa puso ko?
"I'm Youuuuuuuuuuuurs!" huling banat nito sa kanta at nakita kong tinuro pa niya ako sabay kindat.          

 Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento