Mga Pahina

Miyerkules, Oktubre 23, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [30]

Author's Note: Pasensya po kung natagalan ang pag-update ng story na ito dahil medyo busy po ako sa aking studies. Hope na maunawaan niyo po. Pramis babawi po ako sa sembreak. Thanks! Keep reading AKHKI! :)
Add me on Facebook@www.facebook.com/iampaulperez
Please follow me po and paki-vote din po ng story na ito. Salamat! :)

Chapter 30

"Masakit ang masaktan pero mas masakit kapag ang taong nanakit sayo ay ang taong mahal mo." Paul Perez
                   Wala akong nagawa kundi ang tignan siya palabas. Kung hindi siya maniniwala sa akin. Gagawa ako ng paraan upang maniwala siya at ang tanging paraan na iyon ay bantayan at matiyagan si JL. Alam kong sa gagawin kong ito ay maaayos ko ang lahat. Ebidensiya lang kailangan. Tama yung picture! Iyon ang magiging ebidensiya ko upang tuluyang maniwala sa akin ang aking kapatid.

Tamang tama, mayroon pa akong naitagong extrang litrato ni JL at ng kanyang kabit. Ito na ang magiging solusyon upang tuluyan ko silang mapaghiwalay. 

Mabilis kong hinagilap sa aking tukador ang litrato at nang makita ko na ito'y agad kong hinabol si Jane. 

"Jane sandali..." sigaw ko sa kanya. Tinignan lang ako nito at tila nagtatanong ang mga tingin. 

"Ito tignan mo itong mga litrato. Ito ang magpapatunay na may kabit ang iyong asawa." wika ko sabay abot ng litrato. Nanginginig niyang hinawakan ito. At ng makuha niya na ay tila hindi maipinta ang kanyang mukha sa kanyang nakita. 

"K-k-kuyaaaaa! B-b-bakit niya ginawa ito!? Sabihin mong hindi ito totoo. Sabihin mo please..." umiiyak na wika ni Jane ng makita niya sa litrato si JL na may kasamang iba. 

"Ayokong masaktan ka Jane. Pero para sa ikakabuti mo iyan. Para sa bata. Ayokong lokohin ka niya. Ayokong masaktan ka katulad ng nangyayari sayo ngayon. Gusto kong lumigaya ka at magkaroon ng maayos na pamilya. Hindi ko gustong makita kang lumuluha o umiiyak dahil sinaktan ka o niloko ng taong minamahal mo. Kung mawawalan man ng ama ang batang iyan ay okay lang dahil nandito ako. Nandiyan si mama. Pamilya tayo. Kuya mo ako at kapatid kita kaya ako nagkakaganito. Gusto kitang protektahan." wika ko kasabay ang pagtulo ng aking luha. 

"K-kuya... H-hindi ko ata kaya. Mahal na mahal ko siya at ang sabi niya sa akin ay mahal niya din daw ako at mamumuhay kami ng tahimik at maayos. Bubuo ng isang masayang pamilya. Magta-trabaho siya at ako'y mag-aalaga ng mga anak namin. Ang sabi pa niya'y hindi niya ako kayang lokohin. Mamahalin niya ako at hindi ipagpapalit kanino man." si Jane na napayakap na sa akin dahil sa sobrang pagdaramdam.
"Binibilog ka lang niya Jane. Niloloko. Pinaglalaruan at pinapaasa. Wag kang magpadala sa mga sinasabi niya. Sa maniwala ka't hindi, kilalang kilala ko na si JL. Naging magkarelasyon kami at tumagal ng isang taon. Ayokong mangyari sayo yung mga nangyari sa akin. So please, wag kang magpapakasal kay JL. Nagmamakaawa ako sayo Jane." saad ko.

"P-pero K-kuya... Natatakot akong mag-isa. Hindi ko kayang mawalan ng ama ang anak ko. Hindi ko kayang palakihin ang anak ko. Wala pa akong hanap buhay. High school lang natapos ko. Hindi ko alam ang gagawin Kuya." umiiyak na sagot ni Jane.

"Wag kang mag-alala andito ako Jane. Diba ang sabi ko sayo'y pamilya tayo. Magtutulungan tayong palakihin ng maayos ang anak mo. Susuportahan ka namin. Ako at si Mama. Wag kang matakot may pamilya kang masasandalan." sagot ko habang pinupunasan ang mga luha niya sa mata.

"Maraming salamat Kuya. Sa kabila ng ipinakita ko sayong kasamaan at pangungutya, hindi mo ako itinakwil. Maraming maraming salamat Kuya." wika nito.

"So? Anong plano mo ngayon?" seryosong pagtatanong ko.

"Hindi ko pa alam Kuya. Basta gagawin ko ang lahat para maging maayos at ligtas ang panganganak ko." saad ni Jane.

"Tama yan Jane, pero sa tingin ko ay mas mapapabuti kung tuluyan niyo ng tatapusin ang relasyon niyo." payo ko sa kanya.

"Pag-iisipan ko kuya." ayan ang huli niyang sinagot sa araw na iyon. Bagamat mabigat ang aming problema sa ngayon ay masaya na din ako dahil nagkaayos kami ng kapatid ko. Alam ko naman sa sarili ko na kaya naming lagpasan ang problemang ito. Alam kong walang ibinibigay na problema ang poong may kapal na hindi natin kayang lagpasan.

Lumipas ang isang linggo at mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa ng aking kapatid. Araw araw kaming magkasama. Bawat araw ay sinusulit ko dahil labing walong taon kaming hindi nagkita. Gusto ko na sa bawat araw na magkasama kami ay lagi kaming masaya at puno ng pag-asa.

Sa pagdaan ng mga araw ay hindi ko namamalayang sobrang lapit na namin ni Jane sa isa't isa. Nabalitaan din namin na nagpunta na ng Singapore si JL dahil ang totoo pala ay mayroon na siyang tunay na pamilya. Ang babaeng kasama pala ni JL sa litrato ay ang kanyang tunay na asawa. Sa pagalis ni JL ay kasabay noon ang pagalis din ng pagmamahal ko para sa kanya. Ang lahat ng nangyari sa amin ay para lang isang panaginig. Napakabilis na nawala. Naging masaya ako dahil sa wakas ay natapos na ang aming problema dagdagan pa ng panganganak ni Jane, isang napakalusog na lalakeng sanggol ang ipinanganak ni Jane. Akala ko'y magtutuloy tuloy na ang lahat ng mga masasayang pangyayari sa amin. Ngunit isang gimbal ang nangyari kay Jane. Hindi niya kinayanan ang pangangak at siya'y binawian ng buhay. Halos magwala ako sa loob ng ospital noong nalaman ko iyon. Kung alam ko lang sana na ganoon ang mangyayari sa aking kapatid ay ginawa ko na ang lahat ng gusto niya upang mapasaya ko siya. Bakit ba na napakahirap na mawalan ka ng taong minamahal mo. Kung kaylan pa naging malapit kami ni Jane sa isa't isa ay bigla nalang siyang babawiin. Napakasakit. Tila ba namatay ang kalahati ng katawan ko sa pagpanaw ni Jane. Ngunit sabi nga nila, may nawawala at may darating.

Isang taon na pala ang nakakalipas noong namaalam ang aking kapatid. At isang taon na din ang kanyang anak na pinangalanan naming "Jano" Napakalusog at napaka-cute ng batang ito. Mahirap man sa amin ang palakihin ang anak ni Jane, ngunit kailangan kong gawin dahil alam kong sa ganitong paraan ko lang maipapahayag ang pagpapasalamat at pagmamahal ko para sa aking kapatid.
Tatlong taon na pala ako sa kolehiyo at konting tiyaga nalang ay makakapagtapos na ako ng pag-aaral. Sa ngayon ay masaya akong inaalagaan si Jano at ganoon din sa aking pag-aaral. Sa ngayon ay pahinga muna ako pagdating sa pag-ibig. Bagamat nagpaparamdam si Jasper ay itinuturing ko lang iyong isang inspirasyon. Sinubukan kong magsipag sa pag-aaral at ituon ang lahat ng oras sa pag-aaral at pag-aalaga sa aking pamangkin. Sa pagkakaalam ko'y naghiwalay na si Jasper at ng kanyang nobya dahil sa hindi pagkakaintindihan. Napag-isip isip ko tuloy na, lahat ng bagay ay may tamang oras, pangyayari at lugar. Maaaring hindi man sa ngayon alam kong darating din ang panahon upang tumibok muli ang aking puso sa tamang oras, lugar at sa tamang tao. Pero mahirap din pala ang magpanggap na hindi mo mahal ang isang tao. Oo, aaminin kong hanggang sa ngayon ay mahal ko pa din si Jasper. Ika nga nila, "First love never dies." pero kung totoo nga ang katagang yan, alam kong pag nakita kaming muli ni Jasper ay masasabi ko sa sarili ko na totoo nga ang sabi nila, first love never dies nga talaga.

Ikatlong taon namin sa kursong Psychology. Masaya. Mahirap. Nakakapagod ngunit sulit dahil natutumbasan ito ng ngiti sa aking mukha kapag nakikita ko ang aking marka. Sobrang nakakataba ng puso kapag ang lahat ng iyong pagod ay natumbasan ng mga malulutong na unong grado. Dagdagan mo pa na may inspirasyon ka sa araw araw. Nagbibigay pag-asa sayo at lakas sa tuwing makikita mo siya.

Isang araw ay nagtapat ng pagmamahal si Jasper. Ngunit tinanggihan ko iyon at sinabi ko sa kanya na "Hanggang kaibigan lang muna tayo. I-enjoy natin ang sarili natin. Mahirap na kasi kapag may karelasyon ka, may hangganan na ang galaw mo. Hayaan mong ang panahon ang siyang magdikta kung kaylan niya tayo pagtatagpuin. Malay mo tayo talaga ang para sa isa't isa." Nakita ko noon ang reaksyon ni Jasper, malungkot at dismiyado. May namumuong luha din sa kanyang mata. Niyakap niya ako kasabay ang pagbitaw niya sa mga katagang. "Mahal na mahal kita Paul. At sana kung ang panahon nga ang magdidikta sa atin, Sana'y wala pang ibang nilalaman ang iyong puso. Sana'y andyan pa din ang pangalan ko na nakaukit sa iyong puso. Sana. Sana" Labis akong namangha at hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha. Gusto ko sabihin sa kanyang "Mahal na mahal kita!!!" ngunit hindi ko kaya. Alam kong hindi pa ito ang tamang pagkakataon. Kumalas na siya sa pagkakayakapa at tumakbo papalayo sa akin. Gusto ko siyang habulin ngunit tila napakabigat ng mga paa ko. Hindi ko maigalaw at tanging pag-iyak nalang ang nagawa ko. Akala ko'y magiging maayos at balik sa dati ang lahat. Akala ko'y hindi ko pagsisihan ang ginawa kong desisyon. Gusto kong bawiin ang lahat ng mga binitawan kong salita. At sana'y tinanggap ko ang pagmamahal niya. Hindi ko na sana pinalampas pa ang pagkakataong magmahal at mahalin. Masakit din pala. Masakit na makitang may iba siyang kasama. Akala ko'y Okay lang ang lahat at makakaya ko ngunit hindi eh. Parang kinukurot ang puso ko sa tuwing makikita silang masaya at magkahawak kamay pa.

"Ateng... Alam mo na ba na si Papa Jasper at si Karen ay mag-on na?" pagtatanong ni Prince.

"Talaga?" walang ganang sagot ko dahil matagal ko ng alam na nangliligaw si Jasper kay Karen.

"Ay S-s-sorry Ateng..." pag-hingi ni Prince ng paumanhin ng mapansin niyang apektado ako.

"Para saan ang sorry mo?" kalmadong pagtatanong ko.

"Eh baka... Baka na-hurt ka..." wika ni Prince.

"Hurt!? Para saan?" pa-inosenteng pagtatanong ko.

"Sa sinabi ko na si Jasper at Karen ay mag-jowabells na..." sagot nito.

"Hindi noh!!!" may halong pagseselos na sagot ko.

"Uyyy... Selos ang BFF ko." malambing na saad ni Prince.

"No way!" ang tanging naisambit ko. Tanging ngiti at malanding tingin lang ang isinagot sa akin ni Prince.
Hindi nga naglaon ay nabalitaan kong si Jasper at Karen ay talagang mag karelasyon na. Masakit. Mahirap ngunit kailangang tanggapin. Desisyon ko ito kaya dapat ko itong panindigan. Alam kong ito ang tama.

"Naniniwala ka ba kay Destiny? Huh Ateng?" tanong sa akin ni Prince.

"Huh? Bakit mo naman naitanong yan?" balik na tanong ko.

"Wala lang. Kasi ako hindi ako naniniwala kay Destiny." sagot nito.

"Huh? Bakit naman? Diba lahat naman tayo ay may kanya kanyang tadhana?" pagtatanong ko.

"Echosera! Tadhana ka diyan. Sipain kita diyan eh. Alam mo Ateng, wag kang maniniwala kay Destiny kasi para lang iyon sa mga taong hindi makita ang pagmamahal nila. Alam mo kung bakit sila umaasa sa tadhana? Dahil sa bilyong bilyon na tao sa mundo, bakit wala padin si "DESTINY?" wika ni Prince at talagang inemphasize pa ang salitang "Destiny"

"Alam mo kung bakit hindi padin nila makita si Destiny? Kasi lahat ng bagay ay nasa tamang oras, lugar at tao. Minsan kasi kailangan mo lang mag-antay. Darating din yan." sagot ko sabay ngiti.

"Oo nga noh. May point ka. Hahaha" sagot ni Prince at sabay kaming nagtawanan sa mga matatalinghagang kwentuhan namin.
Ang bilis talaga ng panahon. Tandang tanda ko pa noong pumasok ako sa unibersidad na ito. Galit na galit ako dahil iba ang kursong ibinigay sa akin. Ngunit tama nga sila lahat ng bagay ay may dahilan. Nagpapasalamat nadin ako dahil kung hindi dahil sa pagiging Masscom ko ay hindi ko mararanasan ang saya kong nadarama. Masaya ako dahil nasa ika-apat na taon na ako sa kolehiyo. Malapit ko ng matupad ang aking pangarap sa buhay. Ngunit sa kabila ng saya na aking nadarama ay may lungkot din na bumabalot sa aking pagkatao dahil ito na ang huling taon naming magkasama ni Jasper. Alam kong sa sarili ko na mahal ko pa din siya ngunit hindi pa talaga ako handa, siguro kung kami nga talaga para sa isa't isa'y ang tadhana mismo ang maglalapit sa amin. Katulad nalang ng sinabi ko kay Prince na "Ang lahat ng bagay ay nasa tamang oras. Hindi man sa ngayon, ngunit alam kong darating din iyon." Ayan ang katagang aking pinanghahawakan. At kung hindi man mangyari ang bagay na iyan, alam kong may mas better na ibibigay ang poong may kapal. Masaya ako para kay Jasper dahil alam ko na masaya siya kapiling si Karen. Pero may mga pagkakataong naiinggit ako at pakiramdam ko ay walang nagmamahal sa akin. Pero kapag naaalala ko ang lahat ng aking inspirasyon ay bumabalik ulit ang buhay sa aking pagkatao. Inspirasyon na panghahawakan ko hanggang sa dulo. Inspirasyon na magbibigay sa akin ng pag-asa sa araw araw. Masarap mabuhay lalo na kapag punong puno ka ng pag-asa at pagmamahal ng iyong kapwa.

"Ateng! Konting kembot nalang makaka-graduate na tayo!" masayang tugon ni Prince habang kami'y naglalakad patungo sa aking susunod na klase.

"Oo nga eh... Napakabilis talaga ng panahon." walang emosyon na sagot ko.

"Bakit parang hindi ka ata masaya?" takang pagtatanong ni Prince.

"Masaya ako! Ano ka ba. Haha. Ma-mi-miss ko lang talaga ang buhay estudyante." sagot ko.

"Ang drama mo ngayon ha. May pinaghuhugutan? Hugutin na yan! Hahaha" wika nito sabay pormang parang humihila ng lubid.

Ngumiti lang ako sabay upo sa aking upuan. Saktong sakto ang dating namin dahil pumasok din agad ang aming professor.

"Okay class! Para sa inyong completion sa subject ko. Gagawa kayo ng inyong thesis." wika ng aming professor at lahat kami'y parang mga bubuyog ng nagsisitsitan at nagbubulungan. Maririnig mo ang ilang katagang "Anong topic?" "Oy ako partner mo ha."

"Quiet class! Okay para sa mga nagtatanong kung ano ang topic na ipapagawa ko para sa inyong thesis. Bilang isang mga psychology students kayo, ang topic natin ay about sa "Pag-ibig" aalamin niyo kung ano ang naidudulot o epekto sa isang tao kapag siya'y umibig. Kada thesis ay may dalawang taong magtutulungan para gawin iyon. Ngunit hindi kayo mamimili ng partner niyo dahil magbubunutan tayo." litanya ng aming guro.

Para akong sinuntok sa topic na ibinigay sa amin. Sapul na sapul ako. Oo nga noh? Ano nga ba ang naidudulot sa isang tao kapag siya'y nagmahal?

Itutuloy....

VOTE!!! FOLLOW!!! COMMENT!!! -Paul Perez! ;)

5 komento: