Mga Pahina

Martes, Oktubre 1, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [29]




Ang Kursong hindi ko Inakala 29
By: Paul Perez
Blog: www.iampaulperezredstories.blogspot.com


Chapter 29
"Masakit isipin na kung sino pa yung taong mahal natin ay siya pa ang nawawala sa atin." -Paul Perez

Alas tres na nang umalis ako ng bahay at nagpunta sa bahay ni JL. Kumatok ako ngunit walang nagbubukas. Kumatok ulit ako ngunit wala parin ang nagbubukas. Hanggang sa ipihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Unti unti akong sumilip hanggang sa unti unti akong pumasok at dahan dahang naglakad papasok ng kanyang bahay. Pumunta ako sa Sala ngunit wala siya doon. Sinunod kong puntahan ang kusina ngunit wala din siya doon. At ng magpunta ako sa kanyang kwarto ay nakita ko siyang nakahiga sa lapag at kasama ang mga bote ng alak. Tulog na tulog ito at halatang madami ang nainom. Hindi ko na siyang tinangkang gisingin pa at kinuha ko nalang ang sulat ko para sa kanya kasama ang regalo niya sa akin na "Gintong Singsing" iniwan ko iyon sa kanyang kama at dahang dahang naglakad palabas ng kwarto. Hindi ko naiwasang mapaluha at mapahikbi dahil sa aking desisyon. Alam kong madami na ang pinagdaanan naming problema at lahat ng iyon ay aming nalampasan. Ngunit sabi nga nila, walang permanente sa mundong ito. Maaaring sayo ang isang bagay sa ngayon ngunit balang araw ay babawiin din sayo ang bagay na pinaka-iingat ingatan mo.


Palabas na sana ako ng kanyang kwarto ng bigla siyang magsalita. Bago ko siya lingunin ay pinunasan ko muna ang aking luha at ngumiti upang ipakita ko sa kanya na kaya ko at masaya ako. 

"Paul...Wag mo akong iwan please..." pagsasalita ni JL, unti unting namuo ang luha nito hanggang sa tuluyan na itong pumatak. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya at patuloy pa din ang panggap na ngiti. 

"Mahal na mahal kita Paul... Please wag mo akong iwan. Hindi ko kayang mawala ka." wika nito. 

Tila nagpintig ang aking tenga ng madinig ang kanyang mga litanya. 

"TANG INA!? Hindi mo kaya? Gago ka ba? Wag mo nga akong gawing tanga!" matapang na sagot ko. 

"Patawad Paul... Patawad sa mga pagkakamali ko. Alam mo kung gaano kita kamahal. Alam mo na sa unang pagkakataon palang ay tanggap na kita kung ano ka pa. Minahal kita dahil sa pagkatao mo at alam na alam mo iyon." sagot nito. 

Tila dinurog ang aking puso sa aking mga nadidinig. Tama siya. Siya ang kauna unahang lalaking tumanggap sa akin kung sino man ako. Siya ang taong binuhos ang pagmamahal para sa akin. Siya ang taong ginawa ang lahat mapasaya lang ako, Ngunit siya din ang taong nagwasak ng puso ko. Siya ang taong naglaro ng aking damdamin. Tama na! Tama na ang larong ito. Bato na ang pusong ito upang mapatawad ang katulad niyang hindi karapat dapat na patawarin. 

"Patawad? Sa tingin mo ganon lang kadali iyon? Sabihin mo ganon lang ba kadali paglaruan ang puso ko? Matapos mong pagsawaan ay itatapon mo lang kung saan saan? Iiwanan mo na parang isang basura? Sabagay madali lang ang magpatawad ngunit ang lumimot ay hindi ganon kadali. Sige, pagbibigyan kita, pinapatawad na kita, pero tama na ang lahat. Tapos na tayo." sagot ko sabay labas ng kanyang kwarto. Nadinig ko nalang ang nagmamakaawang sigaw nito at ang hagulgol nito. Tuluyan ko ng nilisan ang kanilang bahay at nagpunta ako sa bar upang makalimot at sumaya naman kahit papaano. Hindi ko deserve ang maging malungkot, ang kaylangan ko ay ang maging masaya at mag move on.

Mag-uumaga na ng makauwi ako ng bahay. Todo alalay ang aking magulang sa pagalalay sa akin papuntang kwarto. Sobrang lasing ako at pakiramdam ko ay panandalian akong nakalimot at sumaya ng sobra. Hanggang sa magising ako ng hapon, sobrang sakit ng aking ulo at tila lalagnatin. Napadami ang nainom kong alak. Pa-gewang gewang akong naglakad papuntang banyo at doon naghilamos upang mabawas bawasan ang pagkahilo at hang over.


Tinignan ko ang aking cellphone at nakita kong halos mag-iisang daan ang miss call, lahat ng ito ay galing kay JL. Hindi ko nalang iyon pinansin. Sinira ko nadin ang aking Sim card upang tuluyan na kaming mawalan ng komunikasyon. Alam kong sa mga simpleng bagay mag-uumpisa ang lahat upang makalimot. Inubos ko ang buong araw na iyon upang maging masaya at maging malaya. Gumala ako, Kumain ng mga gusto ko at nilibang ko ang aking sarili. Paulit ulit iyon hanggang umabot ng halos isang linggo. Ngunit hindi pala iyon madaling malimutan. Sa ayaw at sa gusto mo ay bumabalik balik sa iyong isip ang mga masasayang araw niyo noon. Yung lambingan. Yung kaharutan niya at pagiging kwela. Yung boses at itsura niya, iyon ang lagi mong naiisip. Pero sabi nga nila na ang pag-move on daw ay parang pag lagay ng alcohol sa sugat, sa umpisa ay masakit ngunit kailangan mong tiisin upang gumaling. Katulad nalang ito ng nangyayari sa akin, kaylangan kong tiisin ang sakit nito upang tuluyang maghilom ang sugat ng aking puso. Kailangan ko lang siguro ng mapaglilibangan ngayon at sa tingin ko ay ito'y ang aking pamilya. Tama gusto kong magpunta sa tunay kong magulang at sa aking kapatid upang maging masaya ako at makalimutan ang aking problema, sa ngayon ay tanging pamilya lang ang aking masasandalan. 

"Hello Ma!" bati ko sabay mano dito. 

"Ohh...Paul mabuti naman at napadalaw ka. Sayang at hindi kayo nagkita ni Jane. Kakaalis lang niya eh, kasama yung asawa niya." saad ni Mama. 

"Po? Nagpunta dito si Jane?" takang pagtatanong ko. 

"Oo, kaso nakaalis na. Bakit hindi mo nalang tawagan para magkita kayo." sagot ni Mama. 

Oo nga naman napakalaki kong tanga. Bakit hindi ko ba naisip na kuhain nalang ang cellphone number ng aking kapatid upang magkausap man lang kami? Haissst! Tanga. 

"Sige po. Ano po ba ang number ni Jane." tanong ko na agad din namang sinagot ni Mama. Ngunit nagtataka ako dahil yung 'Jane' na nakasave sa phonebook ko ay parehong pareho sa ibinigay ni Mama. Para bang tama ang nasa isipan ko na si "Jane" na kilala ko ay si "Jane" din na kapatid ko? Hindi pwede ito. At kung siya nga talaga, ano ang gagawin ko? 

"Ahh...Ma alam mo ba kung saan at sino ang asawa ng kapatid ko?" tanong ko. 

"Oo naman... Si JL yung asawa ni Jane." sagot ni Mama na labis kong ikinabigla. 

Tatakbo sana ako palabas ng bahay upang hindi makita ni Mama ang pag-iyak ko ngunit laking gulat ko ng makita ko sa pintuan si Jane. 

"JAAAAAAAAAANE?" hindi makapaniwalang pagsasalita ko. 

"PAAAAAAAAAAAAAAUL?" sagot ni Jane. 

"IKAW ANG KAPATID KO?" sabay naming tugon. 

Nanlaki ang aking mata at tila hindi makapaniwaka, para bang ang lahat ng aking napanaginipan ay nagkatotoo. Para bang yung bangungot ng buhay ko ay nangyari na. Ito ako ngayon nakatayo at kitang kita ko ang aking kapatid na buntis. Kitang kita ko din ang labis niyang pagkabigla at maging ang kasama nito ay hindi makapaniwala. Sinulyapan ko kung sino ang kasama nito at ito na siguro ang dumurog ng aking puso. Si JL, ang taong minahal ko ay ang asawa ng kapatid ko? Akala ko ba'y tapos na ang lahat sa kanila? Bakit ako pinagtaksilan ng ganito? Bakit ko pinagdurusahan ito? Alam kong tapos na kami ni JL ngunit may sakit padin akong nararamdaman. Pakiramdam ko ay pinaglaruan ako. Tama nga sila. Napakaliit nga ng mundo. 

"Ikaw ang kabit ni JL?" may luhang pagtatanong ko. 

"A-a-ano!!? Kabit? Ako?" naguguluhang sagot ni Jane. 

"Halika na Jane... Umalis na tayo." sagot ni JL. Hinawakan ko ang kamay ni Jane at pinigilan silang makalabas ng bahay. Tanging adrenaline rush ang pumigil sa kanila. 

"HINDI!!! Tapusin na natin ang KATARANTADUHANG ITO!" matapang na sagot ko. 

"B-b-bakit? Ano ba ang nangyayari? Naguguluhan ako..." maiyak iyak na sagot ni Jane. 

"Sabihin mo ang lahat JL, kung ayaw mong magkagulo tayo." pagbabanta ko. 

"B-bakit? A-anong nangyayari dito?" natatarantang pagtatanong ni Mama. Hindi ko pinansin si Mama at nanatili ko pading tinitignan ng masama si JL. Tama ng ako ang naloko niya at hindi na ako papayag na gawin pa niya iyon sa kapatid ko. 

"ANOOO!!? Bakit hindi ka makapagsalita JL?" pagtatanong ko. "Sabihin mo sa kapatid ko na may relasyon tayo! Sabihin mo sa kanyang niloko mo siya. Magsalita kang tarantado ka." nanggagalaiting pagsasalita ko.

"Hahaha nahihibang ka na ba? Sa tingin mo magkakagusto ako sa isang katulad mo? Hindi ako pumapatol sa BAKLA! Ang kapal ng lalaking ito." saad ni JL. 

"Wag kang magsinungaling JL! Alam mo na hindi totoo ang mga pinagsasabi mo. Alam mo na nagkaroon tayo ng relasyon. Wag ka ng magmalinis pa." galit na sagot ko. 

"Hahaha sa tingin mo ba papatulan ko yung mga katulad niyang bakla? Huh Jane?" pagtatanong nito kay Jane. Tila nag-isip ito bago sumagot. 

"Oo Babe... Naniniwala akong hindi mo kayang pumatol sa mga bakla." sagot ng aking kapatid. 

Nagulat ako sa isinagot ng aking kapatid. Akala ko'y maniniwala siya sa akin ngunit hindi. At ang masakit pa doon ay ako pa ang nag mukhang sinungaling. Kung alam ko lang na ganito ang tunay na ugali ni JL eh di sanay hindi ako nagpadala sa mga mabubulaklak niyang pagsasalita. Ibang iba siya sa JL na nakilala ko. Parang ibang tao ang aking kaharap. At hindi lang iyon, tila nabilog niya ang isipan ng aking kapatid, at ang masakit pa ay imbes na ako ang kampihan ay mas naniwala siya kay JL. Para akong tanga dito at tila ako ang naging kontra bida sa fairytale nila. 

Nakatingin silang dalawa sa akin at pinagtatawanan ako. Ewan ko ba kung bakit ganito ang ugali ng kapatid ko taliwas sa sinabi ni Mama na mabait. 
Nagmamadali akong lumabas ng kanilang bahay. Tumakbo ako ng tumakbo ngunit hindi ko alam kung saan ako pupunta, hanggang sa napagod ako at tumigil sa pagtakbo. Hindi ko namalayan na sa bahay ni Jasper pala ako napadpad. Ewan ko kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko, pero ang alam ko lang sa ngayon ay kailangan ko ng kausap, ng isang kaibigan na mapaglalabasan ko ng sama ng loob at ng taong iintindi sa akin. 

"Ohh panyo. Punasan mo yang luha mo." isang pamilyar na boses ang aking nadinig. Tinignan ko kung sino ito at hindi nga ako nagkamali, si Jasper nga. Para bang naulit ang eksenang ito. Bumalik sa aking isipan yung tagpo na inabutan niya ako ng panyo sa waiting shed upang punasahan ko ang aking luha. Nanumbalik lahat sa aking isipan kung sino nga ba itong si Jasper. Siya yung taong kauna unahang nagpatibok ng aking puso. Mabait. Friendly. Masarap kasama at laging nasa likuran ko kahit ano man ang nangyari. Siya ang taong hinahanap ko ngayon. Alam kong siya ang taong mapaglalabasan ko ng sama ng loob at iintindi sa sitwasyon ko. 

"Salamat! Dalawang panyo mo na ang naiiyakan ko." nakangiting wika ko sabay punas ng luha. 

"Wag kang magalala. Isang daang unan na ang naiyakan ko ng dahil sayo." wika nito sabay bitaw ng pilit na ngiti. 

Katahimikan. 

"Bakit ka malungkot at umiiyak? Alam mo naman na ayokong nakikita kang umiiyak diba?" pagtatanong ni Jasper.

"Mabigat lang ang loob ko. Kung alam ko lang sana na..." hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil agad na tumulo ang aking luha at tila piniga ang aking puso. Sa tuwing maaalala ko kung papaano kami nagmahalan at naging matatag ay labis akong nanghihinayang. Siguro'y isang parte lang siya ng "Jigsaw Puzzle" na binubuo ko. Alam ko sa sarili ko na madaming piece ang kailangan upang mabuo mo ang isang puzzle. Sa pagkakataong ito'y alam ko na nailagay ko na sa tamang pwesto ang piece ng pagmamahalan namin ni JL. Kailangan ko ng magpatuloy sa susunod upang mabuo ang puzzle na ito, alam kong mahihirapan ako sa pagbuo nito ngunit kailangan kong pag-igihan upang maging maayos ito. 

"Sige lang iiyak mo lahat iyan." wika ni Jasper sabay yakap sa akin. Patuloy pa din akong umiiyak at pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga braso ni Jasper. Ikinuwento ko ang lahat lahat ng nangyari sa akin. Sinumulan ko sa paglabas ng sama ng loob ko at tinapos ng may ngiti sa aking mukha dahil labis ako nitong napasaya kahit sa sandaling oras lang. 

Halos araw araw ay nagkikita kami at lagi niya akong pinapasaya. Walang araw na hindi mo ako makikitang nakangiti. Sa bawat araw na magkasama kami ni Jasper ay unti unting naghilom ang sugat ng aking puso. Ngunit hindi iyon nangangahulugan na handa na ulit akong magmahal. Sa ngayon ay hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay. Kahit na alam kong nagiging special ako kay Jasper ay hindi ko iyon tinake advantage at hindi agad ako nagpadala sa bugso ng damdamin. Oo aaminin kong masaya ako kapag kasama ko siya. Nalilimutan ko ang aking problema at pakiramdam ko ay bumabalik kami sa pagkabata. Yung tipong harutan, kulitan at parang nakakatanda ko siyang kapatid. Pero minsan may pagkakataon na nanunumbalik ang pagmamahal na inalay ko noon sa kanya. Pero matagal na iyon. Hindi na kailangang balikan pa. Sa ngayon ay kontento na akong kaibigan ko si Jasper. Ngunit pag dating naman sa aking kapatid ay hindi ako mapalagay. Alam kong niloloko lang siya ni JL, pinaglalaruan at pinapaikot ikot. Ayokong matulad siya sa akin. Ayokong magdusa siya katulad ko. Gusto kong lumigaya ang aking kapatid at lahat ng bagay ay gagawin ko, matupad lang ang gusto kong mangyari. 

Umagang umaga ay ginising ako ni Jane. Nakangiti ito at tila magka-ayos na kaming dalawa. Ngumiti din ako dahil sa tingin ko ay naiintindihan niya na ako, ngunit nagkamali ako. 

"Kuya ohh..." wika ni Jane sabay abot sa akin ng isang pink na sobre. 

"Ano naman ito?" pagtataka ko. 

"Basta. Buksan mo nalang." masayang tugon nito. 

"Okay." ang tanging naisagot ko at sinimulan ng buksan ang sobre. Nanlaki ang aking mata at tila hindi makapaniwala sa aking nakita. Hindi maaaring mangyari ito. Hindi maaaring ikasal si Jane kay JL. Hindi ako papayag sa gustong mangyari nila. 

"IKAKASAL KA?" may halong galit sa boses ko. 

"Oo. Excited na nga ako ehh..." nakangiting sagot nito at may pasayaw sayaw pa. 

"HINDI PWEDE!" sagot ko at biglang napatigil si Jane sa pagsayaw at sumimangot. 

"Bakit!?" pagtatanong nito. 

"Lolokohin ka lang niya Jane. Katulad ng ginawa niya sa akin. Pinaglaruan at kapag pinagsawaan ay itatapon lang na parang basura." seryosong sagot ko ngunit pinagtawanan niya lang ito. 

"Hahaha! Ginawa sayo? Eh hindi nga naging kayo eh... Grabe ka naman mangarap. Pati asawa ko pinagpa-pantasyahan mo pa." sagot nito sabay tawa. 

"Seryoso ako Jane. Maniwala ka sa akin. Lolokohin ka lang ng lalaking iyon." sagot ko. 

"Ewan ko sayo. Bahala ka na nga diyan." saad nito sabay alis. 

Wala akong nagawa kundi ang tignan siya palabas. Kung hindi siya maniniwala sa akin. Gagawa ako ng paraan upang maniwala siya at ang tanging paraan na iyon ay bantayan at matiyagan si JL. Alam kong sa gagawin kong ito ay maaayos ko ang lahat. Ebidensiya lang kailangan. Tama yung picture! Iyon ang magiging ebidensiya ko upang tuluyang maniwala sa akin ang aking kapatid.

Tamang tama, mayroon pa akong naitagong extrang litrato ni JL at ng kanyang kabit. Ito na ang magiging solusyon upang tuluyan ko silang mapaghiwalay. 

Mabilis kong hinagilap sa aking tukador ang litrato at nang makita ko na ito'y agad kong hinabol si Jane. 

"Jane sandali..." sigaw ko sa kanya. Tinignan lang ako nito at tila nagtatanong ang mga tingin. 

"Ito tignan mo itong mga litrato. Ito ang magpapatunay na may kabit ang iyong asawa." wika ko sabay abot ng litrato. Nanginginig niyang hinawakan ito. At ng makuha niya na ay tila hindi maipinta ang kanyang mukha sa kanyang nakita. 

"K-k-kuyaaaaa! B-b-bakit niya ginawa ito!? Sabihin mong hindi ito totoo. Sabihin mo please..." umiiyak na wika ni Jane ng makita niya sa litrato si JL na may kasamang iba. 

"Ayokong masaktan ka Jane. Pero para sa ikakabuti mo iyan. Para sa bata. Ayokong lokohin ka niya. Ayokong masaktan ka katulad ng nangyayari sayo ngayon. Gusto kong lumigaya ka at magkaroon ng maayos na pamilya. Hindi ko gustong makita kang lumuluha o umiiyak dahil sinaktan ka o niloko ng taong minamahal mo. Kung mawawalan man ng ama ang batang iyan ay okay lang dahil nandito ako. Nandiyan si mama. Pamilya tayo. Kuya mo ako at kapatid kita kaya ako nagkakaganito. Gusto kitang protektahan." wika ko kasabay ang pagtulo ng aking luha. 

"K-kuya... H-hindi ko ata kaya. Mahal na mahal ko siya at ang sabi niya sa akin ay mahal niya din daw ako at mamumuhay kami ng tahimik at maayos. Bubuo ng isang masayang pamilya. Magta-trabaho siya at ako'y mag-aalaga ng mga anak namin. Ang sabi pa niya'y hindi niya ako kayang lokohin. Mamahalin niya ako at hindi ipagpapalit kanino man." si Jane na napayakap na sa akin dahil sa sobrang pagdaramdam.


Itutuloy... Please do some comments naman po. Para ma-motivate akong tapusin ito ng maaga :) Thaaaanks! :D

3 komento:

  1. kadalasan ang tao pag nagmahal ng todo, nagiging bulag, pipi at bingi sa lahat ng paliwanag, kaya ang pagsisisi laging nasa huli. haizt buhay nga naman. he he he

    TumugonBurahin
  2. sino kaya kasama ni JL sa picture..... it would still be nice if sina JL and Jane ang magkakatuluyan....

    TumugonBurahin