Mga Pahina

Linggo, Nobyembre 10, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [31]



Ang Kursong hindi ko Inakala [31]
By: Paul Perez
Blog: www.iampaulperezredstories.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/iampaulpere
Wattpad: @iampaulperez

This chapter is dedicated to, Dean Sibangan for his comment sa question ko! :)

Please paki follow naman po ako at paki vote nadin po itong story na to. :) Ang patuloy na pagbabasa at pagtangkilik sa aking istorya ay ang nagiging ispirasyon ko sa pagsusulat. Maraming maraming salamat po sa lahat ng bumuboto

Chapter 29

"Love is beyond a word to explain it fully and incomparable to any material things in life that has to offer. You just feel it to the person you care the most.
And inevitably when there is love, there is hurt too. These 2 are inseparable. You need to conquer love ove sorrow. That is the bittersweet of life..." -Dean Sibangan
"Quiet class! Okay para sa mga nagtatanong kung ano ang topic na ipapagawa ko para sa inyong thesis. Bilang isang mga psychology students kayo, ang topic natin ay about sa "Pag-ibig" aalamin niyo kung ano ang naidudulot o epekto sa isang tao kapag siya'y umibig. Kada thesis ay may dalawang taong magtutulungan para gawin iyon. Ngunit hindi kayo mamimili ng partner niyo dahil magbubunutan tayo." litanya ng aming guro.
Para akong sinuntok sa topic na ibinigay sa amin. Sapul na sapul ako. Oo nga noh? Ano nga ba ang naidudulot sa isang tao kapag siya'y nagmahal?

PAG-IBIG. Isang napakabigat na salita. Papaano mo nga ba masasabing "PAG-IBIG" na ang iyong nadarama? Kapag ba nakakita ka ng isang tao at nagustuhan mo ito ay nanganga-hulugang pag-ibig na ito? Ganoon lang ba iyon kadali?

"Paul Perez!" sigaw ng aking professor na bumasag sa aking pag-iisip tungkol sa pag-ibig.

"P-p-po? A-a-ano po ulit iyon?" nauutal na wika ko.

"Ang sabi ko ay si Jasper Lopez ang magiging partner mo." sigaw nito sa akin.

Tila huminto ng ilang segundo ang aking buhay at bumilis ang tibok ng aking puso. Bigla din akong kinabahan at parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. Ang weirdo. Para akong teenager na kinilig sa nadinig at sa tingin ko'y nagising ang puso kong punong puno ng sugat at biglang gumaling.

Napa-tango nalang ako bilang pagsang-ayon sa aking professor. Tinignan ko si Jasper at nagulat ako ng nakatingin din siya sa akin kasabay ang isang matamis na ngiti at kindat. Pakiramdam ko'y bigla akong namula sa hiya at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Kakaibang pakiramdam ito. Para bang bumalik ang lahat ng pagmamahal ko para kay Jasper. Para bang naranasan ko ulit yong pagmamahal ko dati para sa kanya. Ngunit bigla ko nalang winaksi ang ilusyon na iyon dahil alam kong may minamahal na siya at hindi ako iyon. Alam ko sa sarili ko na matagal ko nang kinalimutan ang pagmamahal na iyon dahil sa aking responsibilidad sa aking pamangkin at pamilya. Alam kong sa ginawa kong desisyon ay hindi ko dapat pagsisihan at kailangan kong panindigan. Mga desisyong magbabago sa aking pagkatao.

Natapos ang klase namin sa Psychology10 at may isang oras pa kami bago ang susunod na klase.

"Masama ba ang pakiramdam mo Ateng? Kanina ko pa napapansin na parang ang tahi-tahimik mo." wika ni Prince habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Ah...Eh...Wala to. Wala lang ako sa mood." palusot ko.

"Okay. Oh ano palang kakainin mo?" pagtatanong nito nang makarating na kami sa cafeteria.

"Wala...Ayokong kumain. Wala akong gana." sagot ko.

Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito padin ako. Hindi padin ako maka-get over sa nangyari kanina. Sa dinami dami ba naman ng classmate ko bakit si Jasper pa ang magiging kapartner ko? Para bang nanadya ang tadhana at pilit kaming pinaglalapit. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, wala naman akong dapat isipin tungkol kay Jasper dahil matagal ko na siyang tinanggihan. Hindi na dapat pa ako ma-apektohan.

"Hoy!!! Ano tutunganga ka lang diyan sa harap ko?" wika ni Prince na bumasag sa pagkakatulala ko.

Ngumiti lang ako sabay upo at tinitigan siya habang kumakain.

"Para kang naka-drugs friend! Ang lakas ng trip mo. Hahaha!" biro nito ngunit nanatili padin akong nakatingin sa kanya.

"Alam mo gutom lang yan. Halika ililibre nalang kita." ani ni Prince sabay hatak sa kamay ko upang bumili ng pagkain.

Nang makabili na ako ng pagkain ay agad kaming nagpunta sa table na pinagkakainan namin at doon sinimulang kumain. Naging maayos na ulit ang takbo at circulation ng utak ko marahil sa aking kinain. Naging normal nadin ang aking kilos at nakukuha ko nading makipagbiruan.

Nagkukwentuhan kami ni Prince tungkol kay Boy Pick up, at nagbabatuhan nadin kami ng pick up lines ng biglang may tumabi sa upuan ko at bumanat ng isang pick up lines.

"Naniniwala ka ba sa love at first sight?" tanong nito sa akin at bigla nanaman akong kinabahan at may kuryenteng dumaloy ulit sa aking buong katawan. Hindi agad ako nakasagot sa kanyang tanong. Para bang na-freeze ang aking utak. Kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumabi sa akin at nagpick up lines ay alam kong si Jasper iyon dahil sa kanyang boses at sa gamit niyang pabango. Amoy na amoy ko ang mabangong cologne nito na hinaluan ng bruskong amoy. Lalaking lalaki ang amoy. Hindi mo makikitaan ng bahid ng pagka-bakla.
Bago ako sumagot sa pick-up lines niya ay lumingon muna ako para makita siya. Wala padin siyang pinagbago. Mas lalo pa nga siyang naging gwapo. Kitang kita mo din ang mga matatamis niyang ngiti na binagayan ng mapuputi at pantay pantay na ngipin. Hindi mo din maiiwasang hindi tignan ang kanyang mapupungay na mata. Parang isang anghel na nagkatawang tao. Napaka perpekto.

"Gwapo pa din ba ako?" wika ni Jasper sabay ngiti. Hindi pa pala ako nakakasagot sa pick-up lines niya at kanina pa pala ako nakatitig sa mukha niya.

"Ateng! Magtira ka naman! Baka matunaw yang si Jasper sa kakatitig mo." pagsingit ni Prince. Nawala ako sa pagkatulala at bigla ko nalang inirapan si Jasper sabay tingin kay Prince.

"Ang Kapal. Gwapo daw." palusot ko kuno.

Ngumiti lang si Jasper at sabay tanong ng "Kailan natin uumpisahan yung thesis natin?"

"Sa susunod na taon." sarkastikong sagot ko.

"Ang taray mo ngayon Ateng! Ka-buwanan mo ba? Ito may modess akong dala." pagbibiro ni Prince.

Nakita kong napangiti si Jasper sa biro ni Prince kaya bigla akong nainis at tumayo nalang para lumabas ng cafeteria.

"Mag-isa kang gumawa ng thesis mo!" bulyaw ko kay Jasper sabay tayo at lakad papalayo.

Hindi pa ako nakakalayo ay hinabol agad ako ni Jasper at hinawakan sa braso.

"Sorry na po. Natawa lang naman ako sa joke ni Prince eh." pagpapa-cute nito.

"Wag kang magpaka-cute. Hindi bagay. Haha" sagot ko.

"Oo. Alam kong hindi ako cute dahil pogi ako." sagot nito sabay ngiti at kindat.

"Kapal talaga! Sino nagsabing pogi ka nanay mo? Hahaha" pang o-okray ko sa kanya at bigla siyang napasimangot.

Na-miss ko yung mga ganitong kulitan at biruan. Napakatagal na taon na pala kaming hindi nagkakausap ng ganito. Iyong parang magkapatid kayo at napakalapit sa isa't isa. Napaka-sarap balikan yung mga panahong sobrang malapit kami ni Jasper sa isa't isa. Siguro isa sa mga dahilan kung bakit nagkagusto ako kay Jasper ay dahil sa ugali nito na mapagbiro at kwela. Iyong mga ngiti niya na nagbibigay ng labis na pagtibok ng aking puso. Sa tuwing tititigan ka niya ay para kang ice cream na unti unting natutunaw. Mga titig niyang nakakaakit. Hindi ko nga alam kung bakit pinalagpas ko pa ang pagkakataong magmahalan kami ni Jasper. Siguro'y natatakot ako na baka lokohin niya ako katulad ng ginawa sa akin ni JL. Natatakot na baka sa bandang huli ay iwan niya din ako. Pero sa kabilang banda kung tinanggap ko ang pagmamahal niya ay mararanasan ko ulit maging masaya at makalimutan ang nakaraan, mararanasan kong mahalin muli at magmahal. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Tapos na at hindi na maaaring ibalik pa. Pero kung may pagkakataon pa ay susubukan ko ulit pumasok sa isang delikadong relasyon. Sinabi ko sa sarili kong hindi muna ako papasok sa isang relasyon pero, Ito ako ngayon nararamdaman ulit kung papaano ang magmahal. At buksan ulit ang nakakandado kong puso.

"So... Mamayang gabi sa bahay? Umpisahan na natin iyong thesis?" tanong nito sa akin.

"Sure. Mga 8pm nandoon nako." sagot ko. Medyo napatagal pala ang paguusap namin at ngayon ay humupa ang aking galit at napalitan ng ngiti.

"Okay. Antayin kita. Ohh tara na? Pasok na tayo sa next nating pasok." tanong nito na agad ko din namang sinangayunan.

Nang matapos ang lahat naming subject ay agad akong umuwi ng bahay at naligo na ako at kumain na din para maaga akong makarating sa bahay ni Jasper.

"Ohh? Napaaga ata ang dating mo? Ala siete palang ha." wika ni Jasper nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Okay lang. Wala naman akong ginagawa sa bahay eh." sagot ko sabay hubad ng sapatos.

"Kumain ka na ba? Halika sabayan mo kami." pang aaya ni Jasper.

"Kakakain ko lang pero makikikain nadin dahil alam kong si tita ang nagluto ng hapunan." saad ko. Napangiti lang si Jasper at sabay kaming nagpunta sa kitchen. Nang makarating kami sa kitchen ay nakita ko si tita na kumakain at bigla naman akong nagulat ng makita ko ang girlfriend ni Jasper.

"Hello Paul!" bati sa akin ni Karen.

"H-hi Karen." walang emosyong bati ko.

Ewan ko pero bigla akong na bad mood at nairita ng makita ko ang girlfriend ni Jasper. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain at umupo nalang at tumahimik. Napansin ni Jasper na nakasimangot ako natahimik kaya kinausap ako nito.

"May problema ka ba Paul?" tanong nito.

"Wala. Bigla lang sumama ang pakiramdam ko." palusot ko.

"Ahh ganoon ba? Anong masakit sayo?" nag aalalang tanong nito. Kahit kaylan talaga ay napaka maaalahanin nitong si Jasper. Sweet at gentleman.

"Yung ulo ko." sagot ko.

"Sandali lang ikukuha lang kita ng gamot at tubig." saad nito.

Nang iabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at gamot ay agad ko iyon ininom kahit hindi naman talaga masakit ang ulo ko. Habang nagdadrama ako na kunwaring masakit ang ulo ay bigla niya akong niyakap at pagkatapos ay hinilot niya ang ulo ko. Nasa tabi lang namin si Karen ngunit hindi siya nahihiya. Tinignan ko si Karen at nakita ko sa kanyang mukha ang pagaalala. Nagaalala siya sa kalagayan ko at hindi sa kagagahan ko. Mabait naman itong si Karen kaya siya nagustuhan ni Jasper.
"Okay ka na ba Paul?" tanong ni Karen sa akin.

"Oo ayos na ako." sagot ko.

"Bukas nalang natin umpisahan ang thesis natin. Mag pahinga ka muna Paul." saad ni Jasper.

"Ngayon na. Okay na talaga ako. Promise!" nakangiting sagot ko.

"Okay. Sige tara punta na tayo sa kwarto ko at doon na tayo mag-research gamit ang laptop ko." ani ni Jasper.

Pagka-akyat namin ni Jasper sa kanyang kwarto ay agad naming binuksan ang kanyang laptop at sinimulan na ang magsaliksik tungkol sa aming topic.

Habang abala kami ni Jasper sa pagre-research ay hindi ko namalayang pumasok din pala si Karen at agad na lumapit kay Jasper at niyakap at hinalikan ito sa pisngi. Nang makita ko ang ginawa niyang iyon kay Jasper ay hindi ko naiwasang mainggit at magselos. Mga bagay na ninanais ko dati na ngayon ay hindi ko pa din magawa.

Hindi ko nalang pinansin ang paghaharutan nila at itinuloy ko nalang ang aking ginagawa. Ngunit sa tuwing madidinig ko ang mga matatamis nilang "I love you" ay hindi ko maiwasang mairita at mainis. Naiirita ako dahil sa harap ko pa ginagawa ang mga bagay na hindi ko dapat makita. Naiinis ako marahil sa inggit na nadarama dahil hindi ako ang nakakaranas ng saya.

Tiniis ko ang lahat ng paglalambingan nila at sinabi ko sa sarili kong, "Hindi dapat ako ma-apektohan. Na wala dapat akong ikainis at wala akong karapatang pigilan sila" Ngunit kahit anong pagpipigil ang aking gawin ay hindi talaga kaya ng puso ko ang mga nakikita. Bigla nalang tumulo ang aking luha na agad ko namang pinunasan. Masakit pala na makita kong may ibang mahal ang taong mahal ko. Ngunit katulad ng dati, tapos na ang lahat sa amin. Na dapat kong tanggapin dahil ako mismo ang pumigil sa kanya na mahalin ako.

Mahigit isang oras na akong gumagawa ng aming introduksyon ng magpa-alam na si Karen. Gusto sana siyang ihatid ni Jasper ngunit tumanggi ito dahil baka maabala pa daw niya kami.

"Pasensya na Paul ha. Kung hindi kita natulungan, naglalambing kasi si Karen eh." pagpapaumanhin ni Jasper sa akin.

"Ano ka ba wala yun! Halika bumawi ka nalang ngayon." sagot ko ngunit deep inside talagang nasaktan ako at labis na nagselos.

"Sige. Nasaan na ba tayo?" sagot ni Jasper sabay basa sa ginawa ko.

"Ano nga ba ang naidudulot ng Pag-ibig sa isang tao." basa nito na agad din naman niyang sinagot. "Ang naidudulot ng Pag-ibig sa isang tao ay nagiging masaya siya kahit sa kaliit liitang bagay na magawa sa kanya ng taong mahal niya at nagagawa nitong maging inspired ang isang tao ngunit sa kabila ng positibong ibinibigay nito, ay may negatibo din itong naidudulot sa isang tao, at ito ay ang labis na pagkahangad makamit lang ang taong kanyang minamahal. Hindi masama ang magmahal ngunit kung lulubos ito ay makakasama din. Dahil ang pag-ibig ay parang droga, nakaka-adik."

Hindi ko naiwasang mapanganga sa sinabi ni Jasper. Napakalalim niyang mag-isip. Matured na matured na, hindi katulad noon na isip bata.

Alas onse na nang gabi ng mapagdesisyunan kong umuwi na at ituloy nalang ang aming thesis kinabukasan. Hinatid ako ni Jasper pauwi dahil delikado daw ang maglakad mag-isa at baka mapapaano pa daw ako. Nang nasa tapat na kami ng aming bahay ay nagpaalam na ako sa kanya, ngumiti lang siya at tumango bilang pagtugon. Papasok na sana ako ng aming bahay ng bigla niya akong tawagin.

"Pauuuuul!" sigaw nito at agad akong napalingon.

"Ohh bakit? May kailangan ka pa?" tanong ko.

"May nakalimutan ka." sagot nito.

"Huh? Ano yon?" tanong ko ulit.

"Yung kiss ko?" tanong nito sa akin.

"Siraulo! Umuwi ka na nga sa inyo! Matulog k---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla niya akong halikan sa labi. Kakaibang sarap ang aking naramdaman at may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Sa sarap ng halik niyang iyon ay naipikit ko ang aking mata at tinugon din ang kanyang halik. Napakalambot ng mapupulang labi ni Jasper, kay sarap talagang halikan. At ang amoy ng kanyang hininga ay napakabango at presko. Napakabanayad niyang humalik. Damang dama ko ang pagmamahal na unting unting dumadaloy sa aking buong katawan. Ngunit bigla nalang akong napadilat at naitulak siya ng bahagya ng maalala kong may ibang tao na ang nagmamay-ari sa kanya. Nagulat ako sa aking nagawa at maging siya ay halatang nangamba sa paghalik niya sa akin.

"P-p-pasensya H-h-hindi ko sinasadya." wika ni Jasper.

"Gabi na. Umuwi ka na. Baka mapapaano ka pa." saad ko.

"Sige. Mauna na ako." wika niya at agad siyang umalis.

Pagkapasok ko ng aming bahay ay tulala ako. Tila ba hindi pa pumapasok sa aking isipan ang ginawang paghalik sa akin ni Jasper. Pero maya maya ay biglang nag sink in sa aking isipan ang mga nangyari kanina.

Naguguluhan ako. Para saan ang halik na iyon? Bakit niya ginawa iyon? May nararamdaman pa din ba siya akin? Mahal pa din ba niya ako? Sana nga! Sana tama ang nasa isipan kong hanggang ngayon ay mahal niya pa din ako.


(Itutuloy...)













1 komento:

  1. Naiinis ako kay Paul :/
    Masyado syang paawa epek .

    Nabitin ako idoL Paul .
    Kelan next chapter ?
    Aheheh excited ako e xD


    - Enzo
    ( Suaack fanatic )

    TumugonBurahin