Mga Pahina

Lunes, Setyembre 16, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [28]


DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.


Play niyo muna yung Video. :)


"Minsan kahit ayaw mong sumuko, darating at darating pa rin iyong panahon na mapapagod kang mag-antay at magmahal." -Jpaper


Chapter 28

Lumipas ang isang araw at natapos nadin ang aming finals. Isang araw nalang bago ang pagpunta namin sa bagyo kaya hinanda ko na ang lahat ng gagamitin ko. Naging maayos naman ang lahat at parang normal padin ang lahat. Ngunit ang napapansin ko lang kay JL ay mas lalo siyang nagiging tahimik at tila hindi mapakali sa bawat oras. Kapag nga nag-ring ang cellphone niya ay nagkakaundada ito sa pagsagot at tila kabadong kabado. Para bang may itinatago. Parang may lihim siyang ayaw kong malaman. Ngunit sabi nga nila "Walang sikreto ang hindi nabubulgar"

KRRRRRRRRRRRINGGGGG!!! 

"Hello? Prince?" pambungad ko. 

"Ohh Ateng ready ka na ba? I'm so excited na sa Baguio. Ikaw?" tila kinikiliting sagot ni Prince. 

"Ito naayos ko na ang lahat... Maya maya nandyan na ako sa inyo, maliligo lang ako." tugon ko. 

"Okay. Sige bilisan mo ha! Byeee..." malanding boses ni Prince. 

"Bye." sagot ko sabay end call. 

Wala pang kalahating oras ay natapos na akong maligo at magayos ng sarili. Hinanda ko na ang gamit na dadalhin ko at nagpaalam na kay Mama na aalis na. Pagkalabas ko ng bahay ay nagpunta ako sa pinaka malapit na terminal at sumakay. Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa bahay nila Prince. Saktong sakto sa usapan naming alas-ocho ng umaga. Kumatok ako sa kanilang bahay at agad naman akong pinagbuksan. 

"Ohh iho tuloy ka." pambungad ng Mama ni Prince. 

"Salamat po. Goodmorning po pala." bati ko sabay halik sa kanyang pisngi. 

"Goodmorning din. Ano excited ka na ba?" pagtatanong ni Mama ni Prince. 

"Ahh... Opo, hindi nga po ako nakatulog dahil sa labis na pagkaka-excite." sagot ko. 

"Ayos lang yan dahil may pagkakataon kang mabawi ang tulog mo sa van. Mahaba haba din ang biyahe eh." 

"Hehe. Tama po." 

Habang nag-uusap kami ni Tita ay lumabas si Prince sa kanyang kwarto at naglulundag sa saya ng makita ako. 

"Ateeeeeng! Mabuti naman at nandito ka na." bati ni Prince. 

"Haha. Na-excite lang." sagot ko. 

"Haha. Pareho tayo. Ay teka lang tatawagin ko lang si Abby." wika ni Prince sabay lakad papunta sa kwarto ni Abby. 

Nang makalabas si Abby ay bitbit nito ang kanyang kulay pink na bag at may soot na kulay pink na bonnet. Nang makita ako ni Abby ay agad siyang tumakbo papunta sa akin at agad na niyakap. 

"Hello Kuya Paul! Goodmorning po..." masayang pagbati nito. 

"Goodmorning din sayo Abby. Ang ganda ganda mo naman at siyempre katulad padin ng dati napaka cute mo pa din." wika ko sabay kurot sa kanyang pisngi.

"Salamat po Kuya Paul. Excited ka na po bang umalis papuntang Baguio?" masayang pagtatanong ng batang kapatid ni Prince.

"Oo naman. Excited na excited." sagot ko sabay ngiti. 

"Abby, Paul, Prince!!! Halika na! Nakahanda na ang sasakyan." sigaw ng Mama ni Prince. Agad naming kinuha ang gamit namin at sumakay sa Van. 

Ilang oras din pala akong nakatulog sa sasakyan at ng magising ako ay ramdam ko ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat, madilim nadin ang langit. Nakadating kami sa Baguio at halos mamangha ako sa magandang tanawin. Tama nga sila, kailangan mong magsuot ng jacket dahil sa sobrang lamig. Nagcheck-in kami sa isang hotel at doon pinalipas ang gabi. Sobrang saya ko dahil ito ang una kong pagkakataon na makapunta dito. Kaya noong mag-umaga ay sinulit namin ang pagkakataon upang makapaglibot at makapaglibang. Ang saya saya naming lahat dahil bawas destinasyon na aming pupuntahan ay kinukuhaan namin ng litrato at bawat kainan na madaanan namin ay paniguradong kakain kami. Noon ko lang nakitang ganoon kasaya si Prince, bagamat masasabi mong likas dito ang masayahin ay makikitaan mo din ito ng pagkalungkot, lalong lalo na sa eskwelahan, kaya nga nagpapasalamat siya sa akin dahil naging masaya siya noong naging kaibigan niya ako at makasama sa bawat lakad. Halos isang linggong pagsasaya at paglilibang ang ginawa namin sa Baguio. Walang araw na hindi kami magtatawanan at magpi-picturan. Hindi ako nailang dahil ang tingin nila sa akin ay isang kapamilya. Ngunit mukhang matatapos na ang kasiyahang ito dahil ilang oras nalang ay babalik na kami ng Maynila. Tapos na ang masasayang araw at balik na sa normal. 

"Oh Ateng nag-enjoy ka ba?" pagtatanong ni Prince habang binabaybay namin ang daan pauwi. 

"Oo naman sobra. Eh ikaw?" masayang ngiti ko. 

"Naman! Syempre andyan ka eh. Sana sa susunod nating bakasyon ay makasama natin si Kelly para todong todo ang saya." wika ni Prince. 

"Hhhmm... Hindi iyon makakasama dahil busy sa pag-aaral at sa boyfriend niya. But i'm happy for her kasi alam kong doon siya masaya." sagot ko. 

"Tama. Ay papaano ba yan? Bye na?" pagpapaalam ni Prince, sa sobrang pagku-kwentuhan namin ay hindi namin namalayang nakarating na pala kami sa bahay. 

"Yeah. Bye Prince! Ingat ha..." sagot ko sabay beso beso. 

Gabing gabi na noong makauwi ako sa amin, sobrang pagod ngunit masaya. Agad akong nakatulog sa aking kama at wala pang ilang minuto akong natutulog ay naalimpungatan ako sa isang panaginip. Pawis na pawis ako at naghahabol ng hininga. Hindi ako makapaniwala sa aking napanaginipan. Napakasang bangungot. Naupo ako sa isang gilid ng aking kama at doon muling inalala ang aking panaginip. 

"Mama..." sigaw ko sa loob ng bahay ng aking tunay na magulang. 

"Oh...Anak, bakit? May problema ka ba?" alalang pagtatanong ni Mama. 

"Ah...Eh...Nasaan po ba ang kapatid kong si Jane? Hanggang ngayon ay hindi ko padin nakikita?" pagtatanong ko. 

"Ay wag kang magalala anak, andito ang kapatid mo ngayon." nakangiting sagot ni Mama. 

"Talaga po? Nasaan siya?" excited na pagtatanong ko. 

"Teka lang Anak, tatawagin ko lang." sagot ni Mama sabay punta sa kwarto. 

"Janeeee..." nadinig kong pagtawag ni Mama. 

"Bakit po Ma?" boses ng isang babae na sa tingin ko ay iyon ang kapatid ko. 

"Andyan yung kapatid mo..." sagot ni Mama. 

"Nasaan po Ma?" pagtatanong ni Jane. 

"Nasa sala inaantay ka." sagot ni Mama at nagmamadaling lumabas ng kwarto si Jane. 

Bago pa man makalabas ng kwarto si Jane ay pinagpapawisan na ako ng malamig at tila kinakabahan at parang tumatalon sa excite ang puso ko. Nadinig ko na ang mga yapak at pagpihit ng doorknob. Alam kong malapit ko na siyang makita. Alam ko nang makikilala ko na siya. Hindi na ako makapagantay. Sabik na sabik na ako. 

"PAAAAAUL?" pagtataka ng isang buntis na babae na tila hindi makapaniwala. 

Kung kanina'y hindi ako makapag-antay na makita siya, ngayon ay gusto ko ng tumakbo palayo. 

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang kapatid ko, hindi maaari ito, hindi dapat ito mangyari. Tila bumigay ang aking katawan at utak ng makita ko ang "Jane" na kapatid ko. Hindi maaaring ang Jane na kilala ko ay ang Jane din na kapatid ko. 

"Jaaaaane?" pasigaw na sagot ko at tulad niya ay hindi ako makapaniwala. 

"IKAW ANG KAPATID KO?" sabay naming naibigkas.

At hanggang doon nalang ang aking natatandaan sa aking panaginip. Alam kong may mas mabigat pang pangyayari sa aking panaginip ngunit hindi ko na ito maalala pa. 

Mabilis ang tibok ng aking puso at pinagpapawisan ng malamig, yan ang nararamdaman ko ngayon ng dahil sa pesteng panaginip na yan. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil parang totoong totoo ang pangyayari. Pero sabi nga ng mga matatanda "Kabaliktaran ang mangyayari sa napanaginipan mo." So it means na hindi ito mangyayari ngunit may posibilidad din na mang yari ito dahil isa lang itong pamahiin. 

Buong gabi ay hindi ako dalawin ng antok, sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay paulit ulit na bumabalik sa aking isipan ang panaginip. Hindi ako mapakali. Kahit anong gawin ko ay hindi ito maalis alis sa aking isipan. Para akong mababaliw dahil sa labis na pag-iisip. Kaylangan kong gumawa ng paraan, kailangan kong maliwanagan. 

Tinignan ko ang aking orasan at tatlong minuto nalang bago mag alas dos ng hating gabi. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawag ko ang matalik kong kaibigan, si Prince. 

KRING!!! 
Mahigit isang minuto ko na tinatawagan si Prince ngunit nanatiling hindi niya ito sinasagot. Inend call ko ang tawag at hinagis ang aking cellphone sa kama at ako'y nahiga. Maya maya pa'y sa sobrang pag-iisip at kapaguran ay hindi ko namalayang nakatulog na ako. 

Kinaumagahan ay nagising ako ng alas onse ng umaga at bumangon upang mag-ayos ng sarili. Sumasakit ang aking ulo marahil ay sa labis na pag-iisip. Balisa padin ako at katulad kagabi parang kiti kiti, hindi mapakali. Kahit anong gawin ko ay paulit ulit na umaalingawngaw sa aking tenga ang katagang "Ikaw ang kapatid ko?" at sa bawat taong makikita ko naman ay si "Jane" ang laging nakikita ko. 

At dahil sembreak naman at wala akong gagawin ay napagpasyahan ko nalang na magpunta sa bahay ng aking nobyo na si JL. Ala una na ng hapon ng makarating ako sa tapat ng kanyang bahay at agad akong kumatok. Alam kong nandirito siya dahil linggo ngunit nagtataka ako dahil wala man lang taong sumasagot o nagbukas man lang ng kanyang pintuan. Dismiyado man ay napagdesisyunan kong umuwi nalang ng bahay. Sinubukan kong tawagan si JL upang malaman kung nasaan man siya. Unang ring palang ay agad niya na itong sinagot. 

"Hello Asawa ko." may lungkot sa kanyang boses niya. 

"May problema ka ba Mister ko?" pag-aalalang tanong ko. 

"W-wala N-naman..." pautal utal na sagot nito. 

"Sigurado ka ba? Parang may problema ka eh..." mahinahong pagtatanong ko. 

"O-oo wala akong problema. Pagod lang siguro ako sa trabaho." sagot niya. 

"Ganon ba? Sige pupunta nalang ako sa bahay mo para ipagluto ka at samahan ka. Gusto kitang makasama sa pagtulog, nami-miss na kita eh..." paglalambing ko. 

"N-nako W-wag na Asawa ko..." nagmamadaling sagot nito. 

"H-huh? Bakit naman? Ayaw mo bang makasama ako?" pagtataka ko. 

"Hindi naman sa ganon. Madami kasi akong ginagawa ngayon eh. Pasensya na talaga huh..." paglalambing pa nito. 

"Okay. Basta itext or tawagan mo ako pag-day off or hindi ka na busy ha..." sagot ko. 

"Okay. Thanks for understanding." sagot nito. 

"Love you! Ingat ka at wag kang magpapalipas ng guton ha. Miss na miss na kita." malungkot na sagot ko. 

"I love you too Asawa ko. Miss na din kita." tila lumuluhang sagot nito. 

"Umiiyak ka ba Mister ko?" pagtatanong ko. 

"H-hindi, sinisipon lang ako. Oh papaano bye na ha, dami pa akong aasikasuhin eh." wika nito. 

"Bye." sagot ko sabay end call.

Lumipas ang mga ilang araw at pabalik balik ako sa bahay ni JL at sa bahay ng aking tunay na magulang, ngunit paulit ulit na nabibigo ako na makita ang isa sa kanila. Para bang sinasadya ng tadhana na hindi kami magkita kita. Sa tuwing tatawagan ko naman si JL ay lagi pa din itong malungkot at tila umiiyak sa bawat paguusap namin. Bilang isang karelasyon niya ay nangangamba ako dahil baka may mabigat siyang problema. 

"May problema ka ba Mister ko?" tanong ko noong nagkataong nasa bahay siya. 

"Wala Asawa ko. Pagod lang ako sa tambak na trabaho. Pati yung mga negosyo namin ang daming problema." wika nito. 

"Ayos lang yan Mister ko. Makakaya mo din yan. Basta magpahinga ka kapag hindi mo na kaya. Mahirap na ang magkasakit ngayon." alalang sagot ko sabay hilot ng kanyang ulo. 

"Salamat Asawa ko." sagot nito. 

"Ambaho mo na Mister ko. Naligo ka na ba? Haha. Amoy pawis ka eh..." pagbibiro ko kahit alam kong hindi naman totoo. 

"Ganon ba? Sige maliligo muna ako." sagot nito. 

"Oo maligo ka na po para mapreskohan ka at mawala ang sakit ng ulo mo." wika ko. 

"Okay. Wait mo ko ha. Nood ka muna diyan." sagot nito sabay punta sa kanyang kwarto upang kumuha ng panibagong damit. Nang makakuha ng siya ay dire-diretso agad ito sa banyo. Habang naliligo siya ay naglibang muna ako sa pamamagitan ng panonood ng telebisyon, ngunit nabagot ako kaya't kinuha ko ang kanyang laptop at ito'y binuksan. 
Nang magbukas na ang windows nito ay nagtataka ako dahil may password ito. Dati naman ay hinahayaan niya itong nakabukas ng wala man lang password. Kinakabahan ako. Nag-iba ang aking pakiramdam at emosyon, tila bumalik nanaman sa aking isipan ang bangungot ng nakaraan. Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. Ngunit ang tanging alam ko lang ay nagiba siya simula noong nakaraang linggo. Ibang iba na sa dating JL na nakilala ko. Malungkutin. Balisa. Hindi mapakali at tahimik. Bakit siya nagkakaganito? May nagawa ba akong masama? At kung mayroon man, ano ito? 

Wala pang dalawang minuto bago ko buksan ang laptop ay nag-ring ang kanyang cellphone. Tinignan ko ito ngunit ng tangkain ko itong buksan ay nabigo ako dahil may password din ito. Parang may mali. Parang unti unti ng nagkakatotoo ang mga sinabi ni Prince.

At dahil desperado na akong malaman kung pinagtataksilan ba ako ni JL ay sinubukan kong i-unlock ang kanyang cellphone. 

Sa unang subok ko ay "Wrong Password" agad. Hanggang sa pangalawa, pangatlo, pang-apat at hanggang sampu ay laging wrong password. Ngunit tila nakikiayon sa akin ang tadhana at sa panglabing tatlong subok kong buksan ito ay himalang na-unlock ito. Sobra kong saya dahil malalaman ko na kung may itinatago man siya o wala. 

Tinignan ko kung sino ang tumatawag, Ngunit isang letra lang ang nakalagay dito. At ito ay ang letrang "J" Nanlaki ang mata ko at pinagpawisan ng malamig. Bumilis din ang tibok ng aking puso at nagumpisa ng tumulo ang aking luha. "Tama. Sasagutin ko na ito upang malaman ko na ang totoo" yan ang nasa aking isipan. Ngunit noong tipong sasagutin ko na ito ay biglang lumabas si JL sa banyo at nagmadaling tumakbo papunta sa akin at agad na inagaw ang kanyang cellphone. 

"Bakit mo ginagalaw ang gamit ko?" malakas na boses nito. Nanatili lang akong nakayuko at pinipigilan ang pagbagsak ng aking luha. Ngunit kahit anong pagpipigil pala ay sobrang sakit talaga. Ramdam na ramdam mo yung bawat sakit, na para bang unti unting dinudurog ang iyong puso. 

"ANOOOO!!!? Bakit mo pinapakealaman ang gamit ko? May nakita ka ba? May nabasa ka ba? ANOOOO!!? SUMAGOT KA!" galit na boses ni JL. Hindi ko padin siya kinikibo at nanatili pading tahimik at pinakikinggan ang kanyang mga sinasabi. 

"Kaylan ka pa natutong gumalaw ng personal na gamit ha?" may galit padin sa kanyang boses. 

"ANOOO!? KAYLAN PA PAUL!? Magsalita ka!" sigaw nito sa akin. 

"Ngayon lang." mahina at mahinahong sagot ko. 

"BAKIT!!?" tanong nito. "Wala ka bang tiwala sa akin huh?" dagdag pa nito. 

"Meron. Syempre mahal kita eh." mahina at mahinahong sagot ko ulit. 

"Yun naman pala eh! Eh bakit mo pinapakealaman ang gamit ko kung may tiwala ka sa akin." sagot nito. 

"Oo may tiwala ako sayo, kaso noon yon JL. Simula ng mga nagdaang araw at linggo ay malaki ang pinagbago mo. Ibang iba sa JL na nakilala ko. Oo alam kong napaka-tanga ko dahil ipinagpatuloy pa natin ang relasyong ito. Akala ko mali yung mga dating naiisip ko, na magbabago ka, naniwala ako sa kasabihang "Everybody deserves a second chance." Pero maling mali pala dahil yung akala kong nagbago ay hindi pala. Ginago lang ulit ako at pinaglaruan. Ginawa mo akong tanga JL. Bakit mo nagawang saktan ang puso ko? Bakit mo ginagawa ito? Bakit may iba ka pang karelasyon? Nagkulang ba ako? Hindi ba sapat ang pag-ibig ko? Bakit JL! Bakit!" maiyak iyak na sagot ko. 

Hindi siya agad nakasagot at tila nag-iisip ng isasagot. 

"Bakit may ibedensya ka ba? Huh?" galit na sagot nito. 

"Eh papaano kung meron nga? Mababago mo ba ang pagkakamali mo? Ebidensya ba ang hanap mo? Ayan! Tignan mo!" sagot ko sabay hagis ng mga litrato. 

Gulat na gulat ito at tila hindi makapaniwala sa kanyang nakita. Hindi siya nakasagot at ramdam ko ang kabog ng kanyang puso. Kitang kita niya ang litratong kuha niya kasama ang isang babae, bagamat hindi mo makita ang itsura ng babae ay masasabi mong si JL talaga ang lalaking nasa litrato. 

Tandang tanda ko pa noong matanggap ko ang mga litratong iyan. Sobrang saya ko dahil sa unang pagkakataon ay nakatanggap ako ng liham. Ngunit napalitan ang saya sa aking labi ng lungkot at pagdurusa. Kitang kita ko sa litrato kung papaano kayo mag-holding hands, yakapan at halikan. Parang paminta ang aking puso nuon na unti unting dinudurog hanggang sa maging pino ito. 

"Ngayon makakatanggi ka pa ba?" maluha luhang pagtatanong ko. Yumuko lang ito at kitang kita ko kung papaano ito lumuha. Ngunit masyado ng manhid ang puso. Manhid na sa sobrang pagtataksil. 
Hindi ko na kinaya ang mga emosyon sa loob ng bahay ni JL kaya nagmadali akong tumakbo papalabas. Lumuluha at wala sa sarili. Alam kong sa pagkakataong ito ay talo na ako, alam kong susuko na ako at ititigil na ang pag-ibig na ito. Sobra na ang sakit na idinulot nito sa aking pagkatao. Masyado na akong pinaglaruan. Kaylangan ko ng itaas ang puting watawat at sabihing "Suko na!"

Umuwi ako ng bahay at nagkulong sa aking kwarto. Hindi pa din tumitigil ang pagtulo ng aking luha. Sobrang sakit. Akala ko kaya kong maging matatag ngunit hindi pala. Sobra akong nasaktan sa mga nangyari. 

Gabi na ngunit nanatili pa din akong nasa kwarto, nagmumukmok at walang ganang kumain o makipag-usap man lang. Nakahiga lang ako sa aking kama at nakatalukbong ng kumot. Umiiyak padin ako, Kahit wala ng tumutulong luha ay hindi iyon nangangahulugang wala ng sakit sa aking puso. Ramdam na ramdam ko pa. Sariwang sariwa pa ang sugat sa aking puso. Pinilit kong ngumiti ngunit bumabalik pa din sa aking isipan ang pagtataksil ni JL. Kung papaano siya makipaghalikan at makipagyakapan sa ibang tao, napakasakit. 

Lumipas ang gabing iyon ng hindi man lang ako kumain o uminom man lang. Wala din akong kinausap o pinaglabasan ng sama ng loob. Tanging sarili ko lang ang magsasabi kung ano ang dapat gawin at desisyon ko lang ang tanging susundin. Buong gabi ko pag-iisipan ang desisyon na ito. Sa kung ano man ang kalalabasan sa desisyong ito ay alam kong iyon ang tama at siguro'y doon ako sasaya. 

Magta-tanghali na ng ako'y magising. Namumugto ang mata marahil ay sa labis na pag-iyak. Masakit ang ulo dahil sa matinding pag-iisip sa desisyon na aking gagawin. 

Bumangon ako at humarap sa salamin. "Hindi mo deserve ang taong katulad niya. Kaylangan lagi kang nakangiti. Yaaaan!!! Diba ang gwapo mo kapag nakangiti. Dapat lagi kang masaya dahil madami ang nagmamahal sayo, madami kang kaibigan at may pamilya kang madadamayan. Madaming lalaki diyan, mas gwapo at mas mabait. Yung taong deserving para sayo. Yung taong tatanggapin ka at mamahalin ng buong buo. Yung taong laging magpapangiti sayo at gagawin ang lahat mapasaya ka lang. Bata ka pa Paul, madami pa ang dadating sa buhay mo. Siguro'y isang kabanata lang siya ng buhay mo, Diba kapag tapos na ang isang kabanata magmo-move ka na sa panibago? Dapat ganun din ang gawin ko, mag-move on na. Kaya kung ano man ang desisyon mo, alam kong magiging masaya ka diyan, Kaya tama na ang malungkot, nakakapangit yon. Smile ka na. Yaaaan!!! Ang gwapo diba." parang baliw na pagsasalita ko sa salamin. 

Buong buo na ang aking desisyon. Kung ano man ang kalabasan nito ay kakayanin ko at tatanggapin. Alam kong wala akong pagsisihan sa magiging desisyon ko. 

Alas tres na ng umalis ako ng bahay at nagpunta sa bahay ni JL. Kumatok ako ngunit walang nagbubukas. Kumatok ulit ako ngunit wala parin ang nagbubukas. Hanggang sa ipihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Unti unti akong sumilip hanggang sa unti unti akong pumasok at dahan dahang naglakad papasok ng kanyang bahay. Pumunta ako sa Sala ngunit wala siya doon. Sinunod kong puntahan ang kusina ngunit wala din siya doon. At ng magpunta ako sa kanyang kwarto ay nakita ko siyang nakahiga sa lapag at kasama ang mga bote ng alak. Tulog na tulog ito at halatang madami ang nainom. Hindi ko na siyang tinangkang gisingin pa at kinuha ko nalang ang sulat ko para sa kanya kasama ang regalo niya sa akin na "Gintong Singsing" iniwan ko iyon sa kanyang kama at dahang dahang naglakad palabas ng kwarto. Hindi ko naiwasang mapaluha at mapahikbi dahil sa aking desisyon. Alam kong madami na ang pinagdaanan naming problema at lahat ng iyon ay aming nalampasan. Ngunit sabi nga nila, walang permanente sa mundong ito. Maaaring sayo ang isang bagay sa ngayon ngunit balang araw ay babawiin din sayo ang bagay na pinaka-iingat ingatan mo.



(Dont forget to leave your comment guys. :D )
Itutuloy...

3 komento:

  1. love triangle........yet they deserve and need each other...... hope ill never experience love of this kind.....hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Yeah :) patryckjr thanks for reading at sa pag-comment! :D

      Burahin
  2. tsk tsk tsk... hahay... panu ba yan.

    TumugonBurahin