Mga Pahina

Martes, Setyembre 3, 2013

Papaano mo masasabing mahal mo na ako? [Teaser]



Papaano mo masasabing mahal mo na ako?
ByIamYourDestiny
Writer din nga po pala ako sa blog ni kuya Paul. Hope na ma-visit niyo po iyon. =)
Blogwww.iampaulperezredstories.blogspot.com
DisclaimerThis novella/novellete is a work of fiction. Names, Characters, Places, and incidents are the product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead is coincidental


Copyright (c) 2013 “Papaano mo masasabing mahal mo na ako” by IamYourDestiny


TEASER

       Papaano mo nga masasabing mahal mo na ang isang tao? Kapag ba sinabi nilang "Mahal na kita" ay nangangahulugan na itong mahal na nga niya tayo? Papaano kung ang matalik mo ngkaibigan ay minahal mo ng higit pa sa isang kaibigan? Papaano kung ang dating turingan niyo na KA-IBI-GAN ay naging KA-I-BI-GAN? 

“Bestfriend! Kumusta?” bungad na pagsasalita ng aking matalik na kaibigan.

“Ito, okay naman kahit papaano.” Matamlay na sagot ko.

“Eh bakit ganyan ang itsura mo? Umagang umaga ay parang biyernes santo ang mukha mo?” mataray na sagot ng aking kaibigan.

“Walaaaa! Masama lang ang pakiramdam ko.” Pagpapalusot ko.

“Okay! Basta sabay tayong pumasok mamaya ha...” nakangiting wika ni Bestfriend.

“Sige. Puntahan nalang kita sa inyo.” Sagot ko.

            Araw araw laging ganyan ang set-up naming mag-bestfriend. Sabay sa pagpasok sa eskwelan, sabay kumain tuwing recess at sabay ding umuuwi ng bahay. Elementarya palang ako ay kaibigan ko na si “ Justine” Kaya noong mag-binata kami at maging highschool ay mas lalong naging malapit kami sa isa’t isa. Walang araw na hindi kami naguusap at nagku-kwentuhan ng mga bagay na nangyari sa amin. Ngunit habang tumatagal ang aming pagkaibigan ay tila baga nahuhulog ang aking loob sa kanya, Oo alam kong mali ang umibig sa kapwa mo lalaki, ngunit ganoon pala iyon noh? May mga oras at pangyayari na lagi mo siyang naiisip at sa tuwing hindi mo siya makikita ay parang magugunaw ang mundo mo, tila ba hindi kompleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakita.. May mga pagkakataon pa ngang sa tuwing mag”Ma-maryang Palad” ako ay siya ang aking iniisip.

            Hindi ko man masabihing “Mahal na mahal ko siya” ngunit dito sa puso ko’y siya lang ang tanging laman. Siya lang ang tanging itinitibok ng pusong ito. Pangalan niya lang ang tanging nakaukit sa puso kong ito. Ang hirap sabihin sa kanya na “Mahal ko siya” dahil baka biglang magbago ang lahat, sa ngayon ay gusto kong maging tunay niyang kaibigan, gusto kong pagkatiwalaan niya ako, gusto kong ako lang ang bestfriend niya, ngunit ang hirap hirap sa tuwing makikita ko siyang may kasamang iba. Ayokong mawala ang matagal naming pagkakaibigan, ayokong masira ang tiwala niya sa akin at ang pinakamasakit na ayaw kong mangyari ay ang mawala siya sa akin.

“Hoy bestfriend tara na!” sigaw niya sa akin na nagalis sa pagkakatulala ko sa harap ng bahay nila.

“Ah, o-o-OO sige andyan na.” Nauutal na sagot ko.

            Sobrang sarap sa pakiramdam na lagi ko siyang kasama sa araw-araw, Para akong prinsesa at siya naman ang aking prinsipe. Minsan nga ay naiisip kong sana’y fairytale nalang ang buhay ko, para ang ending ay happy. Ngunit hindi eh, andito tayo sa tunay na mundo. Kailangan natin dumaan sa mga pagsubok ng buhay at isa na diyan ay ang pagsubok na “Magmahal ng isang tao.” Bawat isa naman ata sa atin ay nangangarap na magkaroon ng makakasama sa pagtanda. Nangangarap na may mamahalin at may magmamahal. Pero papaano kung ang matagal kong pinagingatang  “Pagkakaibigan” ay mawawala ng dahil sa isang pagsubok, at ang pagsubok na ito ay ang sabihing, “Mahal ko siya? Ngunit hindi bilang isang kaibigan kundi isang karelasyon?” Matatanggap niya kaya ang pagmamahal ko o ito na ang umpisa ng pagkasira ng aming pagkakaibigan? Kasalanan ko bang sabihin ang tunay na nadarama ng aking puso? Kasalanan ko bang magmahal sa kapwa ko? At kung kasalanan man ito matuturing ay ititigil ko ba ito o ipaglalaban ang “Tunay na Pagmamahal?”

“Bestfriend! Natulala ka nanaman!” pagsasalita ni Justine habang naglalaro kami ng playstation sa bahay nila.

“Ah...Wala ito Best! Wag mo na akong pansinin.” Malungkot na sagot ko.

“May problema ka ba?” pagtatanong nito.

“W-wa-Wala...” nauutal na sagot ko.

“Wehh? Wala talaga?” pang-iintriga niya.

“Wala nga!” naiiritang sagot ko.

“Alam mo Best kung may problema ka sabihin mo sa akin, bestfriend mo ako. Mapagkakatiwalaan mo ako. Lahat ng bagay ay mauunawaan ko dahil bestfriend kita.” Sagot nito.

“T-ta-talaga? Mauunawaan mo ang lahat?” medyo masayang wika ko.

“Oo naman! Diba bestfriend nga tayo forever? Walang iwanan! Walang taguan ng sikreto? Natatandaan mo pa ba noong bata tayo? Sa ilalim ng puno, yung mga pangako natin sa isa’t isa?” wika ni Justine.

“Oo tandang tanda ko pa Best!” masayang tugon ko kasabay ang pag-iisip sa nakaraan.
_____________________________________________________________________
“Ang lawak lawak naman dito at ang ganda ganda! Ang sarap dito tumira dahil ang presko at may maganda pang puno. “ wika ko.

“Oo nga best eh! Ang ganda ganda dito! Tara doon tayo sa may malaking puno.” Masayang tugon nito.

“Sige tara!” sagot ko.

“Hhhmmm... Bestfriend?” wika ni  Justine.

“Bakit Bestfriend?” tugon ko.

“Magkaibigan padin ba tayo kahit tumanda na tayo?” pagtatanong ni Justine.

“Oo naman! Bakit mo naman na itanong iyan?” pagtataka ko.

“Wa-wala lang.” Sagot nito.

“Ehh Bestfriend, kaibigan mo padin ba kaya ako kahit na may magawa akong kasalanan sayo?” pagtatanong ko.

“Oo naman! Kung magkakamali ka man alam kong kaya kitang patawarin dahil mahal kita” tugon nito.

“Talaga? Mahal mo ako?” masayang pagtatanong ko.

“Oo naman! Mahal kita bilang isang kaibigan.” Tugon nito.

“Ahhh... Bilang isang kaibigan.” Malungkot na sagot ko. Tanging ngiti lang ang sinagot nito at nanatili padin itong nakahiga sa ilalim ng puno.

“Hhhmm Bestfriend?” wika ko.

“Bakit?” sagot niya.

“Sana ang pagkakaibigan natin ay ang parang puno na ito.” Wika ko sabay haplos sa punong naglilimlim sa amin. “Kahit anong pagsubok man ang dumating ay mananatili padin itong nakatayo at buhay na buhay dahil sa tiwala natin sa isa’t isa.” Dagdag ko pa.

“Oo bestfriend makakaasa ka na magiging magkaibigan tayo habang nakatayo pa ang punong ito.” Wika nito.

“Eh papaano kung putulin ko ito? It means na hindi na tayo magkaibigan?” pagpapatawa ko.

“Hahahaha! Bakit magagawa mo bang putulin ang pagkakaibigan natin?” matalinghagang sagot nito.

“Hahaha Oo nga noh! Ayokong mawalay ka sa akin Best.”
 ________________________________________________________________________
“Oh ano Best? Sasabihin mo na ba yung problema mo?” pagtatanong ni Justine.

“Ahhh...Eh...O-o-OO? Hindi ako sigurado eh...” kabadong sagot ko.

“Magtiwala ka sa akin Best.” Masayang sagot nito.

“Sige! Hhhmm papaano ko ba sasabihin?” pag-iisip ko.

“Eh di magsalita ka, Shunga naman nito.” Pagbibiro nito.

“Hahaha Sige... Ehhh kase Best....” nanginginig na pagsasalita ko.

“Ehhh kase? Ano?” pagdudugtong ni Justine.

“Ehhh Kase Mahal kita Best!” nahihiyang sagot ko, sabay takip ng aking mukha.

“Mahal din naman kita Best ehh...” kalmadong sagot ni Justine.

            Nagulat ako at tila ba hindi makapagsalita sa sasabihin, sobrang saya ko! Para akong lumututang sa alapaap para akong nanalo sa lotto at hindi makapaniwala sa nadinig. Ngunit biglang nawala ang saya at ngiti sa saking mukha ng dugtungan niya ang kanyang sinabi.

“Mahal kita bilang isang kaibigan.” Nakangiting sagot nito. Hindi ako nakapagsalita at tila napipi sa nadinig.

“Hoy Best! Natulala ka nanaman.” Pambabasag sa katahimikan ni Justine.

“Nagkakamali ka Best... Mahal higit pa sa isang kaibigan.” Malungkot at kabadong sagot ko.

“H-huh? A-Ano? B-bakla ka ba B-Best?” naguguluhang pagtatanong ni Justine.

“Mahal kita Justine, Mahal na mahal...” sagot ko kasabay ang pagtulo ng aking luha.

“Bakit? Bakit Best? Papaano? Papaano mo masasabing mahal mo na ako?” wika nito. 


-Ito ang istoryang magbabago ng iyong pananaw, ang istoryang magbibigay ng pag-asa at inspirasyon. at ito ay dahil sa isang tanong, at ang tanong na ito ay ang "Papaano mo masasabing mahal mo na ako?"






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento