Mga Pahina

Martes, Mayo 5, 2015

Tanikala 8 "Halik"



Chapter 8 "Halik"
“Close your eyes and I'll kiss you, Tomorrow I'll miss you.”  ― Paul McCartney
***
“Destiny! Destiny!” sigaw ko at laking gulat ko nang lumingon ito sa akin. Nung una ay nabigla ako sa aking ginawa dahil hindi ko naman kasi ugali ang maging makapal ang mukha at makipag-usap sa hindi kilala, ngunit sa pagkakataong ito’y tila may kung anung nag-udyok sa akin na tawagin ito.

“Kilala mo ako?” nagtatakang tanong nito sa akin. Nung magsalita ito ay bigla akong nakaramdam ng hiya ngunit dahil pagkakataon ko na ito upang makilala siya ay talaga namang kinapalan ko na ang aking mukha.

“O...oo...ata?” nahihiyang wika ko.

“Wow! Nice to meet you?” sambit nito at tila nag-aantay na malaman kung sino ba ako.

“Jao... Jao Mendoza” lakas loob kong pagpapakilala.

“Okay, nice to meet you Jao.” Saad nito sa akin at inaabot niya ang kanyang kamay na agad ko namang tinanggap. “Oh papaano aalis na ako, may pupuntahan pa kasi ako eh” 

“Sige Destiny, Paalam...” malungkot na wika ko, tila ba may kumurot sa aking puso nang makita kong unti-unti na siyang lumalayo. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo ay may litanyang lumabas sa aking bibig. “I love you Destiny!” malakas at pasigaw na wika ko. Agad na lumingon ito sa akin at ngumiti. “Gumising ka nga diyan Jao!” wika nito na tila nagpagulo sa akin. 

“Hoy Jao, besty ano ba?” wika ni Romeo at niyuyugyog na pala ako dahil sa sobrang mantika kong matulog. 

Nakatulog pala ako matapos kong magsimba.

“Ha bakit Destiny?” wika ko sabay mulat ng aking mata.

“Destiny ka diyan, kaloka! Nananaginip ka nanaman! Nangangarap. Ganern?” baklang wika ng aking kaibigan na si Romeo.

“Ha? Panaginip lang ang lahat?” malungkot na wika ko, hindi ko inaakalang ang lahat ng nangyari ay isa lamang ilusyon ng aking mapaglarong isipan.

Kinabukasan ay napagdesisyunan kong pumunta sa bukid kung saan madalas kaming tumambay ni Kuya Harold noon. Nahiga sa lilim ng puno’t isang ideya ang pumasok sa aking kokote. Kumuha ako ng isang matulis na bagay at inukit ang hugis puso sa ibaba ng iginuhit ni Kuya Harold at doon inilagay ko ang aking pangalan at pangalanag “Destiny” Ewan ko ba kung bakit ko naisip yun pero nung matapos kong maiukit iyon ay tila ba may saya akong naramdaman. 


“Simula ngayon, ako at si Destiny ay para sa isa’t isa na. Ikaw ang magiging saksi niyan kaibigang puno. Kapag nakilala ko na si Destiny ay dito ko siya unang dadalhin, sayo ko siya unang ipapakilala. Ikaw ang makakasaksi sa pagmamahalan namin ha? Bawal ang KJ!” pagsasalita kong mag-isa at sa bawat linyang aking binibigkas ay unti-unting tumutulo ang aking luha. 

Maya-maya ay bigla nalang akong nagulat nang may magsalita sa aking likuran.

“Umiiyak ka nanaman. Diba ang sabi ko sayo’y hindi bagay sayo ang umiiyak? Heto ang panyo.” Wika ng isang pamilyar na lalaki. Agad ko itong nilingon at nakita ko si Erson Jay.

“EJ? Anong ginagawa mo dito?” wika ko. Ngunit imbes na sagutin niya ang aking tanong ay lumapit siya sa akin at pinunasan niya ang aking luha.

“Alam ko kasi kung kaylan ka malungkot, kung kaylan mo ako kailangan. Kumbaga sa mga palabas sa telebisyon ay ako ang superhero mo.” Mangiti-ngiting wika nito, na agad ko namang tinawanan. 

“Ang korni mo rin eh noh? Pero mabait ka naman pala eh. Suplado nga lang.” sambit ko sa kanya na patuloy pa rin sa pagtawa.

“Ako, suplado? Di kaya!” sagot nito at sabay kaming nagtawanan. 

Nung oras na iyon ay napalitan ng saya ang aking lungkot. Napalitan ng ngiti ang aking labi. Maghapon kaming nasa lilim ng puno, nagku-kwentuhan ng mga bagay-bagay at isa na nga sa aming napag-usapan ay kung bakit niya ako laging tinatapatan sa klase gayung hindi naman ako ang kalaban niya sa pagiging top 1.

“Ba’t hindi ka makasagot EJ? Ang simple-simple ng tanong ko eh.” Nakangiting wika ko.

“Ahh... Eh... hindi naman kita tinatapatan sa klase eh, assuming ka.” Sagot nito at katulad kanina ay sabay kaming nagtawanan.

“Eh ano naman yung rason mo kung bakit hindi mo ako pinapansin at kinakausap? Isipin mo yun EJ, sa loob ng isang taon nating magka-klase hindi mo man lang ako nakamusta o napansin man lang?” pagtatanong ko ulit sa kanya.

“Eh bakit kinakausap at pinapansin mo rin ba ako? Di’ba hindi rin? So patas lang.” Mangiti-ngiting sagot nito ngunit maya-maya’y biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. 

“Sa totoo lang Jao... Gustong gusto kitang makausap, gustong gusto kong mapansin mo ako.” Nahihiyang wika nito at iniyuko niya ang kanyang ulo upang hindi ko siya matignan.

“Pero... nahihiya ako sa’yo kasi baka isipin mo na papansin ako at may gus—“ wika nito at biglang napatigil sa pagsasalita.

“Gus? Anong gus?” seryosong pagtatanong ko.

“Ahh... Ehh... wala...”

“Dali na! Ano nga yun? Sige ka di na kita ulit kakausapin!” pabirong pagbabanta ko rito.

“Wala nga, kulit mo naman eh.” 

“Bahala ka kapag hindi mo sinabi aakalain kong may gusto ka sa ak—“ hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla nalang ako nitong hinalikan dahilan upang matulala ako. Kasabay ng halik na iyon ay tila ba may bumabang mga anghel na nagsimulang tumugtog ng isang magandang musika.

"Halik" -Kamikazee
Kumupas na
Lambing sa yong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama
May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya? 
Parang hindi ka na masaya
 
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis
 
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis
 
Alam ko na
Magaling lang ako sa umpisa
Umasa ka pa saakin
Mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga
Wala ka nga pala
At puro lang ako salita
Kaya pala 
Pag-gising ko wala ka na
 
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis
 
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis
 
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis
 
Ngayon ko lang natutunan
Nasubukang mabuhay ng para bang may kulang
Pag nawala doon lang mamimiss
Paalam sa halik mong matamis
Mistulan akong natameme at pakiramdam ko’y biglang tumigil ang aking mundo. At sa oras na iyon ay nakaramdam rin ako ng saya at pagpapahalaga, ngunit ang labis na gumugulo sa aking isipan ng mga oras na iyon ay kung para saan ang halik na iyon. Iyon ba ay para lang tumigil na ako o dahil may gusto siyang ipahiwatid o sabihin. Ngunit ano man ang kahulugan ng halik na iyon ay masasabi kong puno iyon ng wagas na pagmamahal.

Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento