Mga Pahina

Martes, Mayo 5, 2015

Tanikala 7 "Tsokolate"



Chapter 7 "Tsokolate"
“What makes earth feel like hell is our expectation that it should feel like heaven.” ― Chuck Palahniuk, Damned
***
Nung araw na iyon ay agad akong naghanda upang sabihin kay Harod ang katotohanan. Ang katotohanang mahal ko siya at nasasaktan ako sa mga nangyayari. Gusto ko nang aminin sa kanya na mahal ko siya, na gusto ko siyang makasama. 

Agad akong nagpunta sa bahay nila ngunit bigo akong makita siya doon. Tinanong ko sa kanyang mga magulang kung nasaan siya at sinabing may pinuntahan daw. Wala akong nagawa kundi ang umalis at maghintay upang makausap ko siya. Nung araw na iyon ay nagpunta ako sa paborito naming pagtambayan ni Kuya Harold. Sa bukid kung saan madalas kaming nagpapahinga at naglalaro noon. Nung makapunta na ako sa bukid ay agad akong nagtungo sa punong madalas na nakakasaksi sa aming kamusmusan. Tinignan ko ang punong ito at napansin kong may katandaan na rin ito. Napansin ko rin ang inukit na hugis puso ni Kuya Harold noon. Naalala ko pa nung iukit niya iyon, ang sinabi niya sa akin ay sa oras na makita at makilala niya ang taong mahal niya ay iuukit niya ang pangalan nito sa loob ng hugis puso. At ngayon habang pinagmamasdan ko ito ay labis na nawarak ang aking puso dahil may nakaukit na sa puso ni Kuya Harold. At iyon ay walang iba kundi si “Shane”

Hindi ko naiwasang mapaluha dahil ang taong mahal ko ay may ibang mahal... Hindi ko rin maiwasang isipin na dapat ko nang tigilan ang pagmamahal na aking pinanghahawakan. Dapat siguro'y ituon ko nalang sa iba ang aking atensyon. Dapat ay unahin ko muna ang pag-aaral. Bata pa naman ako at alam kong marami pang pagsubok ang dadating sa aking buhay. 

Naupo ako at sinandal ang aking katawan sa puno. Sandaliang nagpahangin at nag-isip isip ng kung ano-ano. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naalimpungatan nalang ako nung maramdaman kong may dumampi sa aking labi. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay hindi ko nakita kung sino siya o di kaya'y isang imahinasyon ko lang iyon? 

Nung mapansin kong palubog na ang araw ay napagdesisyunan ko nang umuwi ng aming bahay. Gulong gulo pa rin ako at hindi ko pa rin alam ang desisyon kong pipiliin. Hindi ko alam kung dapat ko na bang tigilan ang kahibangan ko kay Kuya Harold o pagpipilitan ko pa rin ang aking sarili. 


Pagkapasok ko ng aming bahay ay nagulat ako nang makita ko sa aming sala si Kuya Harold. May hawak itong isang balot ng tsokolate.

"Andito ka na pala tol... Oh heto tol para sayo." ani ni Kuya Harold sabay abot sa akin ng tsokolate. Hindi agad ako nakakilos dahil hindi ako makapaniwalang makakatanggap ako ng ganoon mula kay Kuya Harold. 

Kasabay ng pagtanggap ko ng tsokolate ay ang pagbalik rin ng pag-asa at lakas ng loob kong sabihin kay Kuya Harold ang naudlot kong pag-amin sa kanya. 

"P-para... S-saan? Naman ito K-kuya?" pautal-utal na pagtatanong ko. 

"Wala lang. Gusto lang kitang bigyan niyan." sambit nito.Napatango nalang at sinimulang buksan ang tsokolateng dala nito.

"A-ahh K-kuuyya... May gusto sana akong sabihin sayo." paguumpisa ko sa pag-amin ko sa tunay kong nararamdaman. Sinimulan ko na ring kainin ang isang pirasong tsokolate. 

"Ha ano yun tol? Pero teka tol... May sasabihin rin akong goodnews sayo. Pero bago ko sabihin, mauna ka muna. " ani nito. 

"Ahhh hindi. Ikaw na mauna kuya. Mukhang sobrang good news niyan eh." pagsusumamo ko habang nginunguya at dinadama ang tamis ng tsokolate. 

"Ahh Ohh sige... Kami na ni SHANE tol!!!" masayang wika nito. Ngunit ako? Nabigla sa kanyang sinabi. 

Katulad ng tsokolateng kinakain ko ngayon ay may tamis itong nagpapangiti sa bawat isa ngunit kapag natapos mo nang malasap at matikman ang tamis ay may kaakibat itong pait. Parang sa nararamdaman ko ngayon. Kung kanina'y masayang masaya ako at panatag ang loob ngayon naman ay tila isang tsokolateng nalusaw at nasayang.

"H-ha? A-a-ano ulit yun K-kuya?" mangiyak-ngiyak na wika ko. 

"Kami na ni Shane tol!" sambit nito ngunit hindi ako nakakibo. 

"Hindi ka ba masaya para sa akin tol?" pagtatanong ni Kuya Harold sa akin. 

"A-ahh... M-m-masaya ako para sayo Kuya. Siyempre masaya ako... Congrats pala." pagsisinungaling ko. Biglang napangiti si Kuya nang sabihin ko iyon ngunit ang hindi niya alam ay labis akong nasasaktan... 

"Eh ikaw tol?Ano pala yung sasabihin mo?" pagtatanong niya.

"W-w-wala... H-hindi na importante yun. Oh sige na Kuya, punta na ako sa kuwarto ko at magpapahinga na ako." sambit ko at tumango ito. 

Pagka-akyat na pagka-akyak ko ay biglang bumuhos ang naipong luha ko. Halos magwala ako sa loob ng aking kuwarto dahil sa sobrang sakit na aking nadarama. Tama na rin siguro na nalaman ko na agad para hindi na ako mas nasaktan at umasa pa. Dapat ko na rin sigurong tigilan ang pagmamahal ko para sa kanya. Kahit na mahirap ay susubukan ko. Kahit na masakit na malayo ako sa kanya ay gagawin ko. Isa lang naman talaga ang dapat kong gawin ang mag "Move On."
Isang linggo ang mabilis na lumipas at unti unting natanggap ng aking damdamin na kalimutan ang lahat. Gustuhin ko mang ibalik sa dati ang aming pagkakaibigan ngunit hindi ko magawa. Kaya't iniwasan ko nalang siya at itinuon ko nalang ang aking sarili sa pag-aaral. Naninibago man si Harold sa aking ikinikilos ay isinawalang bahala ko nalang iyon. Simula rin nang malaman kong sila na ay tinigilan ko na ang pagtawag sa kanya ng kuya. 

Natapos ang unang taon ko sa high school at masasabi ko namang nagtagumpay ako dahil hindi man ako ang may pinakamataas na grado, eh masasabi ko namang heto ako masaya at punong puno ng pag-asa. 

Ilang buwan pa bago magpasukan kaya't wala akong ibang ginawa kundi ang kumain, matulog, tumambay at kumain ulit. Ngunit isang araw ay habang naglalaro ako sa aking computer ay naisipan kong magpunta sa iba't ibang social sites. At nung may ma-search akong site ay agad ko itong pinuntahan at nagregister upang makapag-umpisa nang makipag-chat. Nung makapagpa-register na ako ay pumasok ako sa isang chat room, at nagulat ako sa daming gustong makipag-chat sa akin. Ang lagi nga nilang tanong ay "ASL Please.(Age, Sex, Location)" na agad ko namang sinasagot. At meron pang nagsasabing "May cam ka? cam to cam tayo." ngunit dahil mahiyain ako kaya hindi ko nagawang ipakita ang sarili ko. Hanggang sa mabawasan ang mga nagcha-chat sa akin at tuluyang naubos ito. Nung wala na akong makachat ay magla-log out na sana ako ngunit biglang may nag pop-in sa akin, at nung basahin ko ang pangalan ng ka chatmate ko ay labis ko itong ikinatuwa. "IamyourDestiny" kasi ang username niya na nagbigay naman ng pag-asa sa akin. Nag-umpisa ang pag-uusap namin sa kamustahan, sa pagpapakilala sa sarili hanggang sa nauwi ang aming usapan sa pagtatanong niya kung may camera daw ba ako upang makita niya ako. Ngunit mabilis kong sinabi na wala. Nung tinanong ko naman siya kung may pictures ba siya o camera ay sinabi niya namang meron siya ngunit ayaw niya magpakita sa akin dahil napaka-unfair daw kung makikita ko siya ngunit ako’y di niya makikita. Kaya ang ending ay nag log-out nalang ako. 

Kinabukasan ay araw ng linggo at katulad ng dating nakaugalian ko ay nagsimba ako ng hapon. Bigla ko nanamang naalala yung hula ng matanda at yung lalaking dahilan ng aking pagkakabunggo sa poste. Pero agad ko iyong iwinaksi sa aking isipan nung nasa loob na ako ng simbahan. Pagkaupo ko ay nakinig agad ako sa sermon ng pari. At nung oras na magbibigayan at magsasabihan kayo ng “peace be with you” ay bigla akong natulala ng magtama ang aming mata at saba’y naming ibinigkas ang katagang “peace be with you” Siya yun, siya yung lalaking dahilan ng pagkakabangga ko sa poste at siya rin yung lalaking nagpatibok ng aking puso. Pero ba’t sa pagkakataong ito’y tila malungkot ito? Ba’t hindi ko nakita sa kanyang mga mata ang saya? May problema ba siya? Malamang. Pagkatapos ng tagpong iyon ay ang sumunod ay ang kakatanta kayo at maghahawak ang inyong mga kamay. Hindi ko nga lang maalala kung ano yung kantang iyon. Nung maghawak ang aming kamay ay may tila kuryenteng dumaloy sa aking buong pagkatao na dahilan upang bitawan ko ang kanyang kamay. Nabigla ito sa naging reaksyon ko kaya’t humingi ako ng paumanhin at hinawakan ko muli ang kanyang kamay. Nung oras na iyon ay gusto kong huwag nang matapos ang misang iyon. Gusto kong panghabang buhay nalang ang tagpong iyon. Ngunit tila nananadya ang tadhana, mabilis na lumipas ang oras na para bang isang pitik ay natapos na ang lahat. Agad na tumayo ito at ginawi ang pinto palabas ng simbahan, ngunit sa pagkakatalikod niya ay may nabasa ako sa kanyang damit. 

“I am your destiny” ayan ang nakasulat sa likurang bahagi ng kanyang damit. Maraming beses ko ito binasa at hindi nga ako nagkakamali. Pero baka sa sobrang pagkaka-depressed ko ay inaakala kong ang taong ito na nagpatibok sa aking puso ay siya ring aking naka-chat kagabi? Pero mukhang malabo dahil sa totoo lang ay masasabi kong straight ito. Pero what if siya nga talaga iyon? What if kami talaga ang ipinagtatagpo ng tadhana? What if kami talaga ang para sa isa’t isa? Is it mean na siya nga ang aking destiny? 

Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento