Mga Pahina

Linggo, Setyembre 1, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [27]



Chapter 27
"Words are not enough to explain the pain that I go through now." -Paul Perez

Pinalipas ko muna ang gabing iyon at kinabukasan ay nagpaalam ako kay Mama upang puntahan ang sinabi niyang address. May lungkot man sa mukha ni Mama ay masaya naman daw siya dahil wala na siyang tinatagong sikreto sa akin. 

Minabuti kong agahan ang pagpunta dahil may pasok pa ako mamayang hapon. Nang makarating na ako ay hindi maalis sa akin ang kaba at excitement. Nagdoorbell ako at lumabas ang isang babaeng pamilyar sa akin. Nang makita niya ako ay nagulat siya at agad niya akong niyakap.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Saya o hiya? Lungkot o ligaya? Nagaalinlangan man ako ay niyakap ko nadin siya. Sobrang higpit. Ngayon ay nararamdaman ko na ang yakap ng tunay kong magulang. Ang tagal kong inantay ito at pinangarap na mayakap ko siya. Ang sarap sa pakiramdam. Ang gaan ng loob ko. Para akong nagbalik sa pagkabata. Sa sobrang saya ko ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. 

"Anak..." garalgal na boses ng aking tunay na ina. 

"Bakit po Ma?" maluha luhang sagot ko. 

"Mapapatawad mo pa ba si Mama?" 

"Opo Ma. Kaya po ako nandito ay dahil gusto ko pong sabihin sa inyo na matagal na kitang pinatawad." 

"Salamat Anak. Alam kong madami akong pagkukulang sayo. Alam kong napakadami ang pagkakasala ko sayo. Pero nagawa mong kalimutan iyon dahil sa tingin ko ay napalaki ka nila ng maayos. Patawad anak dahil hindi ako naging responsableng ina. Pinabayaan kita at hindi man lang kita naaruga. Sobrang sakit sa akin na iwanan ka. Sana'y matanggap mo ako bilang isang tunay na ina mo." mahabang wika ni Mama. 

"Ma, nauunawaan ko po ang lahat. At alam ko po na ang lahat ng desisyon ay may karampatang rason. Alam ko na lahat ng ginawa niyo ay para sa ikabubuti namin. Nagpapasalamat nga po ako dahil hindi niyo ako inabando, iniwan niyo po ako sa taong mapagkakatiwalaan at sa taong mamahalin ako ng lubos. Masaya po ako dahil hindi lang isa ang aking ina. Dalawa po kayo!" masayang tugon ko. 

"Salamat Anak at napalaki ka nila ng maayos. 

"Ma, tama na po itong dramahan natin. Nakakahiya sa kapitbahay dahil dito tayo sa labas ng bahay nagiiyakan, baka isipin nilang baliw tayo. Haha" pagpapatawa ko. 

"Tama ka nga Anak. Halika pumasok ka muna sa bahay..." 

Pagkapasok namin ng bahay ay namangha ako. Simple lang ito ngunit lumalabas ang tunay nitong ganda at linis. Madami ding litrato ang mga nakasabit sa mga pader. Inusisa ko ito at natuwa ako sa aking mga nakita. Isang batang babae at lalake ang masayang naglalaro sa isang park. At ang isang litrato pang tinignan ko ay kapares ng ibinigay sa akin ni Mama.(Yung nag-adopt sakin.) 

"Ma? Ako po ba ito?" pagtatanong ko sabay turo sa malaking litrato. 

"Oo naman Anak. Ikaw yan. Tignan mo yung nunal mo malapit sa mata mo kapareho ng nasa litrato." sagot ni Mama. 

Tama nga si Mama ako nga ito. Ang batang lalake na may nunal malapit sa kanyang mata ay parehong pareho sa akin. Yung nunal na parang kay Piolo Pascual, saktong sakto. 

"Ahhh... Ganoon po ba? Ehhh... Sino naman po ito?" tanong ko ulit sabay turo sa isang litratong may nakangiting batang babae. 

"Ahhh... Yan yung kakambal mo." sagot ulit ni Mama. 

"Nasaan po siya? Gusto ko pong makilala?" 

"Wala siya ngayon eh... Kasama niya ngayon yung asawa niya. Nagpacheck-up kasi siya ngayon sa ospital. Anim na buwan na kasi siyang buntis eh." wika ni Mama. 

"Buntis? Ang bata pa po ng kapatid ko ah?" prangkang wika ko. 

"Ewan ko nga sa batang yan. Pinalaki ko naman ng maayos."


"Buti pinanindigan naman siya?" mataray kong pagsasalita. 

Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. Siguro ay dahil kapatid ko siya at may pangarap akong gustong matupad niya. Hindi ko pa man lubos na kakilala ang aking babaeng kapatid ay alam kong mahal na mahal ko siya at gustong gusto ko siyang alagaan at protektahan. 

"Oo naman. Mabait at maganda naman si Jane eh." sagot ni Mama. 

Teka teka teka! Tama ba ang nadinig ko? "Jane" ang pangalan ng kapatid ko? 
Biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa nadinig, tila na-frooze bite naman ang aking ulo at ang masama pa ay parang sinabugan ng bulkang mayon ang puso ko. Pero teka teka teka! Baka nag-a-assume lang ako na ang kakilala kong Jane ay ang kapatid ko din. Madaming Jane sa mundo. Ngunit tila may gumugulo sa aking utak at tila nagiisip ng kung ano ano. Sana mali ang hinala ko. Sana hindi siya ang kapatid ko. Ngunit kung siya nga talaga? Anong gagawin ko? Magpaparaya ba ako at dadamhin ang sakit o magbigti nalang para tapos na ang lahat, walang sakit, walang kirot. Ngunit kahit ano sa dalawa ay hindi ko yata kayang gawin. Magparaya para sa kapatid ko? Hayaan siyang sumaya at ako'y nagluluksa at umiiyak? Magbigti? Parang mas hindi ko yata kaya. Ayokong iwanan ang pamilya ko. May pangarap pa ako, may pangarap pa ako para sa pamilya ko. Gusto ko pang sumaya, gusto ko pang lumigaya, gusto ko pang maramdaman ang magmahal at mahalin ng lubos. Tama! Hindi pa nga ako handa para sa mangyayari. Wala akong pinanghahawakan. Wala akong laban kung saka sakaling magtuos kami ng kapatid ko. Babae siya samantalang ako ay tagilid. Magkakaanak sila samantalang ako ay pampalipas libog at oras lang. Pwede silang makabuo ng pamilya samantalang ako ay hanggang tingin nalang. Anong gagawin ko kung saka sakaling mangyari ang kinakatakutan ko? Ito na ba ang bangungot na hinding hindi ko makakalimutan? Ito na ba ang lubos na wawasak sa aking puso? Ito na ba ang hangganan? Sanay wag naman. 

"Paul? Anak? May problema ba?" alalang pagtatanong ni Mama na bumasag sa pagkakatulala ko. 

"Wa-wala po Ma." sagot ko. Pinunasan ni Mama ang tumulong luha ko. Sa sobrang pagiisip ko ng kung ano ano ay hindi ko namalayan na tumulo na ang aking luha. 

"Mauuna na po ako Ma. May pasok pa pala ako." pagpapaalam ko. 

"Teka. Kararating mo lang diba? Aalis ka na agad?" malungkot na sagot ni Mama. 

"Baka ma-late po kasi ako eh..." pagpapalusot ko. 

"Ahh... Sige Anak. Magiingat ka ha." ang tanging naisagot nalang ni Mama. 

"Sige po paalam Ma." sagot ko sabay halik sa kanyang pisngi at tuluyan ng lumabas ng bahay.



Ilang oras pa bago ang una kong klase. Napagdesisyunan ko munang umuwi ng bahay upang kumalma at mag-isip ng bagay na magaalis ng aking problema, ngunit tila hindi ito maalis sa aking isipan kahit anong gawin ko. Nilibang ko na ang sarili ko pero wala pa ding epekto. Depressed na ako. Kailangan ay may gawin ako. Para akong kiti kiti na hindi mapakali. Kain dito, nood ng t.v, maglaro ng computer pero iisa talaga ang pumapasok sa aking isipan. At ito ay ang "Sino ba ang kapatid ko?" Hindi na ako mapalagay sa bahay kaya umalis na ako papuntang eskwelahan. Isang oras pa bago ang klase ko, naglibot libot muna ako at pinilit na maglibang. Dumating ang una kong klase at sa wakas ay may mapagtutuonan na ng atensyon ko. Ngunit habang nagtuturo ang professor namin ay tila lumulutang ang isip ko. Nasa eskwelan nga ako ngunit nasa ibang demensyon naman ang iniisip ko. Napansin ito ng aming masungit na professor sa law kaya tinawag niya ako at tinanong.

"Mr. Perez!" sigaw ng aming professor.

Hindi ko ito nadinig at nanatili pa ding lutang ang aking isip.

"Hoy Ateng! Mr.Perez daw!" wika ni Prince sabay kalabit sa aking braso.

"P-p-PO?" natatarantang sagot ko sa aming professor. Nagtawanan ang aking mga kamag-aral ngunit si Sir ay mukhang masama ang timpla.

"Mr.Perez what is the Article 3 Bill of rights, section 2 of the republic act of the philippines?" masungit na tanong ng aming professor.

"H-huh...? Ano daw?" wala sa sariling pagtatanong ko.

"Article 3, section 2 daw." mahinang boses ni Prince.

"Okay. Article 3 Bill of rights, section 2 of the republic act of the philippines. SECTION 2; The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized.." proud na sagot ko.

Nga nga silang lahat. Akala mo hindi ako nag-aral ha? Pinaghandaan ko kaya ito.

"Okay sit down Mr.Perez." sagot ni Sir.

"Ano pahiya ka noh?" sa isip isip ko.

"Wow! Ang galing mo Ateng! Nag-aaral ka pala ano?" wika ni Prince.

"Ako pa ba? Haha" tugon ko.

"Eh di ikaw na! Ay sya nga pala pumayag na si Mama na isama ka sa Baguio!" pabulong na pagsasalita ni Prince.

"Talaga? Wow! Salamat! Excited na ako Prince." sagot ko.

"Ako nga din eh. Hindi nako makapaghintay." masayang wika ni Prince.

Natapos ang subject naming law at kahit papaanoy nabawasbawasan ang pagiisip ko sa kung ano anong bagay. Nalibang ako ng husto at panandaliang nakalimutan ang aking problema. Teka problema agad? Hindi pa nga ako sigurado sa hinala ko tapos ganito na ako mag-isip? Eh papaano kung andyan na ang problema? Anong gagawin ko? Susuko na ba agad at itataas ang puting watawat na sumasagisag na hindi ko na kaya at talo na ako? O ipaglalaban ko ito na parang isang sundalo? Patayan na kung patayan. Walang kapa-kapatid! Walang kama-kamaganak. Sugod!!!
Hay ewan! Kaya ko itong problemang ito. Pilipino ako! Sa wakas ay natapos na ang digmaan sa eskwelahan at makakapagpahinga nadin ako.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para magpunta ulit sa tunay kong magulang upang alamin at makilala ng personal ang aking kapatid ngunit nabigo akong makita siya dahil nagpunta daw ito sa bahay ng kanyang asawa, malungkot akong umuwi ng bahay. Sobrang depressed at desperado na akong malaman kung sino nga ba ang kapatid ko. Lumipas ang ilang araw na pabalik balik ko sa bahay nila Jane ngunit lagi akong bigo na makita siya.

"Ateng! Isang araw nalang sem-break na at dalawang araw nalang bago ang bakasyon natin. Excited na excited na ako." masaya at bibong pagsasalita ni Prince.

"Ako din." malungkot na sagot ko.

"Ay ano yan? Ganyan na ba ang tamang emosyon ng excited at masaya? Nakabusangot?" pagpapatawa nito.

"Pasensya Prince. Masama lang talaga ang pakiramdam ko." sagot ko.

"Bakit? May problema ka ba Ateng? Andito ako pwede mong paglabasan ng sama ng loob mo. Magkuwento ka baka saka-sakaling makatulong ako at mabigyan kita ng payo." seryosong pagsasalita ni Prince.

"Eh kasi Prince, may kakambal pala ako." sagot ko.

"Ohh anong masama doon? Dapat nga maging masaya ka dahil may kapatid ka eh." sagot nito.

"Oo nga Prince eh... Kaso pakiramdam ko ay may maling nangyayari eh." 

"At ano naman iyon aber?" mataray na pagtatanong ni Prince. 

"Hindi ko nga alam eh. Pero iba kasi yung tibok ng puso ko eh, para akong pinagtataksilan?" wika ko. 

"H-huh? Paano mo naman nasabi iyan?" 

"Eh... Kasi yung kapatid ko pangalan ay Jane, tapos sabi ni mama eh buntis daw si Jane." malungkot na sagot ko. 

"Ohh tapos? Ano naman kung Jane din ang pangalan ng kapatid mo? Madaming Jane sa mundo Ateng..." pangangaral nito. 

"Madami nga. Kaso papaano kung tama ang hinala ko?" 

"Wag ka kasing tamang hinala prend! Wala ka pang-pruweba. At isa pa kung tama man ang hinala mo, magagawa mo bang makipaglaban sa kapwa mo kapatid? Mahirap ang sitwasyon mo ngayon. Pero bago ka maghinala ng maghinala, intindihin mo muna ang finals natin..." wika ni Prince. 

"O-oo tama ka nga." ang tanging naisambit ko. 

Lumipas ang isang ilang araw at natapos nadin ang aming finals. Isang araw nalang bago ang pagpunta namin sa bagyo kaya hinanda ko na ang lahat ng gagamitin ko. Naging maayos naman ang lahat at parang normal padin ang lahat. Ngunit ang napapansin ko lang kay JL ay mas lalo siyang nagiging tahimik at tila hindi mapakali sa bawat oras. Kapag nga nag-ring ang cellphone niya ay nagkakaundada ito sa pagsagot at tila kabadong kabado. Para bang may itinatago. Parang may lihim siyang ayaw kong malaman. Ngunit sabi nga nila "Walang sikreto ang hindi nabubulgar"


Itutuloy... Don't forget to leave your comment guys. :) Thank you!




6 (na) komento: