Mga Pahina

Linggo, Agosto 25, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [26]



DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.


Chapter 26
"A true relationship is when you can tell each other anything and everything. NO SECRET. NO LIES." –Paul Perez

"Halata ko Paul. Noong nakita palang kita sa inyong bahay ay pansin kong hindi ka masaya, kitang kita sa mga pagkilos at reaksyon mo na tila ba may kulang. Hindi mo man sabihin alam kong dahil iyon kay JL. Kaya ginawa ko ang lahat mapangiti ka lang sa iyong kaarawan. Akala ko nga'y magtatalon ka sa tuwa ng makita ako, ngunit nagkamali ako. Oo alam kong gusto mo ako noon pa ngunit napakalaki kong tanga dahil pinalagpas kita, sising sisi nga ako kung bakit hindi ko man lang naisip na ligawan ka. Siguro'y nahihiya ako ngunit alam kong mahal din kita. Noon inamin ko sayo na mahal kita alam kong huli na dahil may iba ng nagpapatibok ng iyong puso alam kong may iba ng nagpapasaya sa iyo at iyon ay si JL. Sobrang naiirita ako at nasasaktan sa tuwing makikita ko kayong magkasama at masaya. Mas gugustuhin ko ngang tamaan ng kidlat kaysa makita kong magkasama kayo. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Kung dati ko pa sana tinanggap ang pagmamahal mo eh di sanay hindi ako nagkakaganito. Sa tuwing gabi bago ako matulog ay ikaw ang aking inaalala. Para nga akong tanga dahil habang yakap yakap ko ang litrato mo ay umiiyak ako. Sinubukan kong kalimutan pero sobrang hirap talaga, hindi ka talaga mawala wala sa isip ko, ngunit nang dumating si Kate sa buhay ko, doon nagumpisa na unti unti kang limutin. Ngunit bigla nanaman nagsindi ang nagbabaga kong pagmamahal sayo ng naramdaman kong malungkot ka dahil sa lalaking inibig mo. Noong nagpaalam ka na matutulog ka na ay hindi ako naniwala bagkus ay sinundan kita at nagtago upang hindi mo makita. At nang makarating ka na sa bar at nakita kitang umiiyak ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Alam kong inaaantay mo ang iyong nobyo dahil panay tingin ka sa iyong cellphone, ngunit ng mag-alas kwatro na at hindi ka na niya sinipot ay parang nadurog ang puso ko. Hinayaan ka niyang malungkot at nagiisa, gusto sana kitang samahan ngunit naisip ko na baka dumating padin siya at ako'y mapahiya. Kaya noong oras na lunod ka na sa alak ay pinigilan na kita at inakay pauwi." paglalahad ni Jasper sabay punas ng kanyang luha. 

Hindi ko maiwasang mapaluha at bumalik ang dating alab ng aking puso para sa kanya. Ramdam ko na bukal ang sinasabi niya at halatang may pinaghuhugutan. 

Pagkatapos magkwento ni Jasper ay hindi ko naiwasang yakapin siya at umiyak. May pagtingin pa pala siya para sa akin. Ngunit kung magbibigay man siya ng pagmamahal niya para sa akin ay hindi ko iyon masusuklian dahil may ibang nagmamay-ari ng puso ko
"Salamat Jasper! Salamat sa pagiging isang mabait na kaibigan at salamat sa pagmamahal na binigay mo. Kaso nga lang ay..." hindi ko na natapos ang aking pagsasalita ng bigla niya akong halikan. Naramdaman ko ang mapula at malambot na labi ni Jasper. Matagal ang halik na iyon bago niya ako pinakawalan. 

"Pasensya ka na Paul. Ayoko kasing masaktan sa sasabihin mo. Alam kong gusto mong sabihin ay, huli na ang lahat para sa atin." wika ni Jasper kasabay ang pagpatak ng kanyang luha. 

Hindi ko na nagawang magsalita pa at tila natulala sa mga sinabi niya. 

"Hehehe. Tama na nga ang dramang ito. Masaya ka na at masaya na din ako. Okay na yun." pagsasalita ni Jasper na bumasag sa pagkakatulala ko. 

"Haha. Oo tama." tugon ko sabay ngiti. 

"Basta lagi mo lang tandaan na palagi padin akong nandito kahit anong mangyari. Bestfriend mo padin ako at handa padin akong makinig sa mga problema mo. Okay ba yon?" nakangiting wika ni Jasper. 

"Okay na okay!" masayang tugon ko. 

Natapos ang aking kaarawan na may saya at lungkot. "SAYA" dahil nagkaayos na kami ni Jasper at naibalik namin ang dating sigla ng aming pagkakaibigan. "LUNGKOT" naman dahil sa napakong pangako ni JL na sabay naming ipagdiriwang ang aking kaarawan. Masakit man sa akin ay kailangan kong tanggapin at unawain na tapos na. 

Nang matapos na akong mag-almusal kila Jasper ay nagpasalamat ako sa kanya sa pagalalay sa akin noong malasing ako at agad din akong nagpaalam pauwi ng bahay. Ngunit nang malapit na ako sa bahay ay hinarang ako ng "Apat na batang lalaki" at bawat isa sa kanila ay may hawak na malaking kartolina. Nagulat ako at hindi ako nakapaniwala sa mga sumunod na eksena. 

Isa isa nilang tinaas ang hawak nilang kartolina at ng basahin ko ito ay tumulo ang aking luha. "I'm so sorry Asawa ko" yan ang aking nabasa kasabay ang paglapit sa akin ng ilang lalaki. Nagpunas ako ng luha at nang tinagnan ko kung sino ito ay si "JL" pala. May hawak na bulaklak at teddy bear at may isa pang bata ang sumunod bitbit ang white forest cake. 

"Sorry na asawa ko please?" pagsasalita ni JL sabay ngiti at lapit sa akin upang ibigay ang kanyang dalang bulaklak at teddy bear. 

Kung kaninay malungkot ako at ngayon ay napalitan ito ng SAYA at KILIG. Hindi na ako nagpakipot pa at tinanggap ko na ang regalo niya kasabay ang isang mahigpit na yakap. 

"Sorry na please?" bulong niya. 

Hindi padin ako sumasagot at nanatiling nakayakap sa kanya at umiiyak. Akala ko'y tapos na ang lahat ng sorpresa niya ngunit nagkamali ako. Nakadinig ako ng nag-guguitara kasabay ang paglayo sa akin ni JL at kumanta siya ng paborito naming kanta. 

"I'm yours" 

Well you dawned done me me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted
I fell right through the cracks, now I'm trying to get back

Before the cool done run out I'll be giving it my bestest
And nothing's gonna stop me but divine intervention
I reckon it's again my turn, to win some or learn some

But I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm yours

Well open up your mind and see like me
Open up your plans and damn you're free
Look into your heart and you will find love love love love

Listen to the music of the moment, people dance and sing
We're just one big family
And it's our God-forsaken right to be loved loved loved loved loved

So I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm sure
There's no need to complicate, our time is short
This is our fate, I'm yours

I've been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
But my breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed

I guess what I be saying is there ain't no better reason
To rid yourself of vanities and just go with the seasons
It's what we aim to do, our name is our virtue

But I won't hesitate no more, no more
It cannot wait,
I'm yours

Open up your mind and see like me
Open up your plans and damm your free
Look into your heart and you'll find the sky is yours

So please don't, please don't, please don't
There's no need to complicate cause our time is short
This o' this o' this is our fate
I'm yours


Matapos ang eksena sa kalsada ay isinakay ako ni JL sa kanyang kotse. Hindi ko alam kung saan kami magpupunta ngunit ang tanging alam ko lang ay masaya ako at tila lumulutang sa langit. 

Mahigit isang oras din ang biyahe at tuluyan na kaming nakarating sa isang restaurant. Akala ko'y kakain lang kami ngunit nabigla ako at namangha ng makapasok kami sa loob ng resto. 

Punong puno ito ng mga pulang rosas at nagiisa lang ang lamesang pwedeng kainan. May mga musikero din na naguumpisa nang tumugtog. Hinawakan ni JL ang kamay ko papunta sa lamesa at inalalayang makaupo. Habang nilalagyan ng wine ang aming mga bago ay tumugtog ng love song ang mga musikero. Feeling ko'y lumilipad ako sa langit at hinihiling na sana'y wag nang matapos pa ang araw na ito. Ngunit napakabilis ng oras, hindi ko namalayan na madami na kaming napagkwentuhan ni JL. Natapos ang araw na iyon na may ngiti at sayang nadarama ang aking puso. 

Lumipas ang isang linggo at mas lalong naging sweet at thoughtful si JL. Bawat araw ay lagi niya akong inaabangan na matapos ang klase ko at kakain kaming dalawa at walang sawa nanamang magkukwentuhan. Minsan nga'y inaabot kami ng madaling araw sa pagte-textan at tawagan. Kahit na may buhay pag-ibig na ako ay hindi ko naman pinabayaan ang aking pagaaral. Ilang linggo nalang at matatapos na ang sem. At umpisa na ang sem-break. Sa bawat araw na pagpasok ko ay mas lalo kaming naging magkalapit ni Prince at kami naman ni Jasper ay naibalik ang dating pagsasamahan bilang magkaibigan, ngunit ang kanyang nobya ay laging masama ang tingin sa akin. 

“Ateng isang linggo nalang at finals na at sa wakas ay sembreak na! Saan ka magbabakasyon?” masayang pagtatanong ni Prince. 

“Oo nga eh malapit na ang sembreak pero hindi ko padin alam kung saan ako magbabakasyon eh. Baka sa bahay nalang siguro ako, wala ako masyadong budget para gumala eh.” Sagot ko. 

“Ah okay. Pero baka gusto mo sumama ka sa amin nila Mama na magbakasyon? Pupunta kami ng Baguio.” Pag-aaya ni Prince. 

“Baguio? WOW sosyal! Wala akong ipon eh, next time nalang siguro.” Pagtanggi ko. 

“Okay lang yun ano ka ba! It’s better na nandoon ka para makapag-bonding naman tayo. Wag kang mag-alala sasabihin ko kay Mama na isama ka para maging masaya naman. At isa pa para ka na din naming kapamilya noh! Isipin mo nalang na “Family Bonding” lang iyon.” Wika ni Prince. 

“Nakakahiya naman yun Prince! Sasagutin pa ng Mama mo yung expenses.” Tugon ko. 

“Sus! Ano ka ba! Parang iba ka naman diyan. Kapamilya na ang turing namin sayo Ateng, at ako ang tingin ko sayo’y isang kapatid. Kaya sasama ka sa ayaw at sa gusto mo!" masayang wika ni Prince. 

"Okay. May magagawa pa ba ako? Haha." sagot ko. 
Tawanan. 

"Oh Ateng! Andyan na pala yung sundo mo eh." sabay turo niya kay JL. 

"Oh siya. Mauna na ako. Bye Prince! Ingat ka sa paguwi ha." wika ko. 

"Yeah. Ikaw din." sagot niya sabay beso-beso sa akin. 

Naghiwalay na kami ni Prince at tuluyan ko ng pinuntahan si JL. 

"Kanina ka pa ba?" pagtatanong ko. 

"Kararating ko lang." sagot nito. 

"Ahh Okay." matipid na tugon ko. 

"Nag-lunch ka na ba?" pagtatanong niya. 

"Hindi pa eh." wika ko. 

"Okay. Daan muna tayo ng starbucks para makakain ka." wika nito, tumango lang ako bilang pagsangayon. 

Nang makarating kami ng starbucks ay agad siyang nagorder at ako'y naupo sa isang sulok. 

Biglang nawala ako sa aking sarili at tila nagdaydream. Tandang tanda ko pa noong makita ko siyang umiinon ng kape. Nagmistulan akong baliw dahil sa kakaisip sa kanya. Sa totoo nga niyan ay baliw talaga ang pagtingin sa akin ni Kelly. Sa bawat sasabihin ko kasing andyan siya ay sakto namang mawawala si JL. Masayang masaya ako dahil ang taong nakabungguan ko sa isang kalsada ay minahal ko pala. Hindi ko alam na sa kalsada lang pala ang iibigin ko at tatanggapin ako ng buo. Ang sarap balikan ng nakaraan. Akalain mo yun na malapit na kaming mag-isang taon? Alam kong may pagkakamali siya at pagkakamali din ako. Tanggap ko iyon. Bakit? Sino ba ang perpektong tao sa mundo? At isa pa ang sabi nga nila, "Everybody deserves a second chance" Nagkamali siya at inamin niya iyon. Ang hiling ko lang sana ngayong magiisang taon kami ay ang mapanatili niya ang pagmamahal niya sa akin at ang pagiging tapat. 

"Asawa ko? May problema ba?" pagsasalita ni JL na nagtanggal sa pagda-daydream ko. 

"Ah...Eh...Wala, may naalala lang ako." tugon ko. 

"Ano naman yon?" pagtatanong niya. 

"Hehe. Naalala ko kasi noong una kitang makita dito." sagot ko, feeling ko ay nagblush ako. (Uso uminom ng kape. Para mahiya ka naman kahit papaano noh?) 

"Ohh? Nakita mo ako dito?" 

"Yeah." 

"Eh ba't hindi mo ako pinuntahan?" 

"Aba sino ka ba para puntahan ko? Artista kaba aber?" pangaasar ko. 

"Ah ganon ha? So hindi ka pala nainloved sa mala-anghel na mukha ko ha?" pangbabawi niya. 

"ANGHEL? Demonyo kamo. Hahaha" patuloy na pangaasar ko. "Ewan ko nga kung bakit nainloved ako sayo eh." dagdag ko pa. 

Biglang nagiba ang emosyon niya at tila napipikon na. Sinusubukan ko talagang pikonin siya dahil lumalabas ang pagiging isip bata niya at pagiging cute. 

"May Demonyo palang gwapo ano?" tugon nito. 

"Kapal. Inom inom din ng kape para tablan ka naman ng hiya." patuloy na pangaasar ko. 

"Paul naman eh. Hindi nako natutuwa." parang batang sagot ni JL. Tinatawag niya akong "Paul" kapag napipikon na siya at nagpapacute. 

"Haha. Bleh! Ang cute mo kasi kapag napipikon eh." matawa tawang sagot ko. 

"Ang hilig mo naman kasing mang-asar eh." si JL na parang nagsusumbong sa nanay. 

"Ang cute cute mo kasi eh!" sagot ko sabay kurot sa kanyang pisngi. 

"Aray. Aray. Ang sakit!" tugon nito sabay ganti din ng kurot. Sa madaling salita nagkurutan kami na parang bata. Hindi namin pinapansin ang ibang tao na nakatingin sa amin. Basta't ang alam lang namin ay masaya kami. 

Natapos kaming maglunch ni JL at inihatid niya ako sa malapit na sakayan. Hindi padin alam ng pamilya ko na may komunikasyon padin kami ni JL. Nakauwi ako ng matiwasay at ligtas.
Pagkapasok ko ng bahay ay nadatnan ko si Mama na naghahanda ng hapunan. Lumapit ako kay Mama at nagmano. 

"Ah...Eh...Anak? May sasabihin ako sayo mamaya." malungkot na boses ni Mama. 

"Sige po Ma." sagot ko. 

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nagpahinga muna ako ng saglit at naligo. Nang matapos na akong maligo ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at nagbihis." 

Tok! Tok! Tok! 

"Tuloy!" sigaw ko. 

"Ahhh. Anak?" kabadong pagsasalita ni Mama. 

"Po?" pagtataka ko. 

"Ehh. Kasi diba gusto mong makita yung tunay mong magulang?" garalgal na boses ni Mama. 

Biglang nagtaasan ang aking mga balahibo at tila nagkabuhay ang aking dugo. 

"Opo Ma! Gustong gusto ko!" ganadong sagot ko. 

"Hhhmmm... Diba may nagpuntang isang babae dito sa bahay natin? Yung inaway ko at minura mura ko. Siya ang tunay mong magulang Anak. Kapatid ko siya na nabuntis ng isang Amerikano. Bago pa manganak ang Nanay mo ay namatay na ang Tatay mo. Sobrang naghirap ang nanay mo. Nagtinda ng kung ano-ano at ginawa ang lahat para makakain lang. At dahil kapatid ko nga siya kaya kinupkop ko na siya at tinulungan hanggang sa manganak. Nagulat kami dahil kambal ang isinilang ng Nanay mo. Isang babae at isang lalake. Hindi alam ng nanay mo kung papaano kayo bubuhayin kaya napagdesisyunan siyang ipa-ampon ka sa amin. Nawala ang nanay mo na parang bula. Noong magse-seven years old ka ay nagkita kami ng Nanay mo. Pinakilala ko siya bilang isang tita. Kasama niya noon yung kapatid mong babae. Pinagdikit kayong dalawa at kinuhaan ng litrato. At iyon na ang huli naming pagkikita." mahabang pagkukuwento ni Mama. 

Hindi ko maiwasang mapaluha sa sinabi ni Mama at ganoon din siya. 

"Ma bakit ngayon niyo lang sinabi ito?" maluha luhang pagtatanong ko. 

"Ayoko kasing mawala ka sa amin Paul. Mahal na mahal ka kasi namin. Sana'y mapatawad mo ako Anak." lumuluhang sagot ni Mama. 

"Matagal ko na po kayong napatawad Mama. Gusto ko lang po sana ngayon ay makilala ko ang tunay kong magulang." sagot ko. 

"Wag kang mag-alala alam ko kung saan mo makikita ang tunay mong magulang." wika ni Mama. 

"Salamat po Ma. Para po sa akin ay tunay kayong magulang." tugon ko. 

Binigyan ako ng litrato ng tunay kong magulang at nakalakip doon ang address nito. 

Pinalipas ko muna ang gabing iyon at kinabukasan ay nagpaalam ako kay Mama upang puntahan ang sinabi niyang address. May lungkot man sa mukha ni Mama ay masaya naman daw siya dahil wala na siyang tinatagong sikreto sa akin. 

Minabuti kong agahan ang pagpunta dahil may pasok pa ako mamayang hapon. Nang makarating na ako ay hindi maalis sa akin ang kaba at excitement. Nagdoorbell ako at lumabas ang isang babaeng pamilyar sa akin. Nang makita niya ako ay nagulat siya at agad niya akong niyakap. 



Itutuloy….

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento