Mga Pahina

Linggo, Agosto 25, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [18]


DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.


Continuation of Chapter 17...

Chapter 17 part 2

"Woooow! Ang ganda naman dito, ang linis at ang linaw ng tubig." ang labis na pagkamangha ni Kelly, Nagulat kami ng biglang tumalon si Kelly sa ilog at parang batang nagtatampisaw. "Hey Bes tara maligo na tayo ang sarap ng tubig, sobrang lamig." ang panghihikayat ng baliw kong kaibigan. "Shunga ka talaga Bes! Hindi mo ba natatandaan, wala tayong dalang damit!" ang pangaasar ko, Nakita ko si Kelly na parang nabigla at nakapagsalita nalang na. "Ay sh*t, Oo nga pala wala tayong dalang damit." ang maiyak iyak na pananalita ni Kelly. "Ok lang iyan i-enjoy nalang natin." ang tugon ni Jasper at agad akong tinulak at tuluyang nalaglag. "Bakit mo ako tinulak?" ang pang drama ramang arte ko. "Hahaha ayos lang yan, para magenjoy naman si Kelly! Para may kasama siya." ang tugon ni Jasper. "Pasali din akoooo..." sabay talon ni JL sa ilog. Ngayon ay tatlo na kaming naliligo sa ilog at si Jasper nalang ang nananatiling tuyo at hindi pa naliligo. "Hoy Jasper huwag ka ngang KJ diyan, sumali ka dito, bawal ang maduya." ang pagtawag ni Kelly kay Jasper. "Oo nga maduya ka eh." ang panggagatong ko. "Ok ok ok ayan na po!" ang napipilitang sagot ni Jasper, agad siyang naglublob at nakipagbasaan sa amin, Enjoy na enjoy naman kami ngunit sa tuwing si Jasper ang kausap ko ay nanatiling malungkot at hindi nagsasalita si JL, Buti nalang ay marunong sumagip si Kelly at siya nalang ang nakipagchikahan kay JL. "Paul, mataya taya tayo!" ang pagsu-suggest ni Kelly. "Sa akin ok lang, game naman ako kahit saan eh, ewan ko lang diyan sa dalawa." ang pagtugon ko. "Sige sasali ako." ang sabay na pagsang ayon ni JL at Jasper.
"Sige ako na ang taya." ang pagsu-suggest ni JL. Agad naman akong lumusong palayo para hindi mataya, Nagsimula ng lumangoy si JL at sa tingin ko ay sa akin siya papunta at ako ang balak niyang tayain. "Wahhh bes tulong." ang kunwari kong paghingi ng tulong. "Bes dali langoy ka dito!" ang tugon ni Kelly. Lalangoy na sana ako papunta kay Kelly ng bigla akong mataya ni JL. "Taya! Si paul na ang taya! Takbo na" ang pasigaw at matawa tawang pagsasalita ni JL. "Grrrrrrgh ba't ako ang tinaya mo." ang kunwaring pagkainis ko. Agad akong lumangoy at balak kong tayain ang aking bespren. "Beeeeeeees huwag ako!" ang pasigaw na pagmamakaawa ni Kelly. "Dito dito!" ang nadinig ko kay Jasper at agad na hinatak si Kelly. "Ayp ang duya naman! Kanina ako hindi tinulungan pero si Kelly! Hays." ang pagmamaktol ko. "Hahahahahaha" sabay sabay silang nagtawanan. "Humanda ka Jasper ikaw tatayain ko!" ang pagbabanta ko. "Hahaha sige kung kaya mo!" ang pagmamayabang ni Jasper. "TALAGA!" ang tugon ko. Agad akong lumangoy ng pagkabilis bilis at nakita ko din na lumalangoy si Jasper palayo, Nadidinig kong nagtatawanan lang si Kelly at JL habang hinahabol ko si Jasper, "Go Go Go bes! Kaya mo yan." ang pagche-cheer ni Kelly. 

Sa sobrang bilis ni Jasper ay hindi ko ito mahabol habol kaya ang ginawa ko ay kunwaring pinulikat at nalulunod. "Jas! Tulooong." sabay drama na parang nalulunod, hindi naman ako nakita ni JL at Kelly dahil masyado kaming napalayo ni Jasper, Sa ginagawa ko namang pagdrama na nalulunod ay agad na nakakuha ang atensyon ni Jasper at halatang kinakabahan kaya agad na lumangoy papunta sa akin, medyo malayo pa si Jasper kaya todo pa din ako sa pagpapanggap na nalunod ngunit hindi ko inakala na magkakatotoo nga, pinulikat ako at agad na nalunod, kinakabahan ako ng mga oras na iyon dahil ramdam ko na tuloy tuloy ang pagpasok ng tubig sa aking bibig. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari at naramdaman ko nalang na may nagbuhat sa akin at inihiga ako sa papag at agad na naramdaman na may dumampi sa aking bibig, Nagising nalang ako at naramdaman ko na nakahiga ako sa kama at nakita ko si Kelly na nakatulog sa upuan. "Bes!" ang pagtawag ko kay Kelly, agad naman siyang nagising at lumapit sa akin. "Bakit ka ba nalunod? Nagdrama dramahan ka lang ata eh." ang pagbibiro ni Kelly. "Oy hindi no! Pinulikat talaga ako! Sino pala ang sumagip sa akin?" ang pagtatanong ko. "Sino pa ba? Syempre ang prince charming mo! Si papa JL!" ang tugon ni Kelly. Agad naman akong natuwa ng malaman na si JL ang sumagip sa akin at ramdam ko na handa talaga niyang isakripisyo ang buhay niya para sa akin. "Eh anong nangyari kay Jasper?" ang takang pagtatanong ko, ang alam ko kasi ay siya ang sumagip sa akin. "Shunga ka bes? Si Jasper ang nagmouth to mouth sayo! Si JL lang ang sumagip sayo dahil nakita ni JL na mabagal ang langoy ni Jasper at parang nanghihina na ito. Si JL na nga sana ang magmo-mouth to mouth sayo kaso pinigilan siya ni Jasper at siya na daw ang gagawa. Ang haba kaya ng hair mo! Pinagaagawan ka ng dalawang boys!" ang pagku-kwento ni Kelly kasabay ang pagtawa. "Loko ka talaga bes!" ang tugon ko. Wow talagang ginawa pa talaga ni Jasper iyon, sa isip isip ko. Habang nagku-kwentuhan kami ni Kelly ay biglang pumasok si JL at may dala itong pagkain. "Hello asawa ko buti naman at gising ka na." ang pambungad ni JL. Naisip ko na hindi siya nahihiyang tawagin akong "Asawa ko" kahit na may iba pang tao.
"Kumain ka na para makabawi ka ng lakas." sabay lapit sa akin at akmang susubuan pa ako. "Teka JL ako nalang, kaya ko naman eh. Salamat pala kanina ha." sabay abot sa akin ng tray at ako na mismo ang kumain magisa."Salamat para saan?" ang pagtatanong ni JL. "Sus pa humble ka pa! Hindi na uso yan." ang pagsingit sa usapan ni Kelly. "Hahahaha" sabay sabay naming tawanan. Nang matapos na ako sa pagkain ay nagpahinga muna ako ng saglit bago ako matulog, iniwanan muna ako ni Kelly at JL para makapagpahinga daw ako ng maayos. Limang minuto na akong nagpapahinga ngunit hindi ako dalawin ng antok, Ang ginawa ko para malibang at dalawin ng antok ay kumuha ng libro, Binuksan ko ang drawer ngunit wala akong libro na nakita ang sunod ko namang binuksan ay ang cabinet at nakakita ako ng isang sikat na libro na likha ni Michael Juha, kinuha ko ito at biglang may nalaglag na litrato nagulat ako ng bigla kong makita ang litrato na iniiyikan ni JL, ang litrato na iyon pala ay ako.

Nakita ko na ang litratong iniiyakan ni JL, ako pala ito. Pero nagtatanong ang aking isip na “Bakit ako ang litratong iniiyakan niya?, hindi nman ako namatay at buhay na buhay naman ako.” Habang nakatitig ako sa litrato ay biglang pumasok si JL at halatang halata sa kanyang mukha ang pagkabigla, “Bakit mo tinitignan yan?” ang pagtatanong niya. “A-Ah E-Eh… wala nakita ko lang kasi kinuha ko itong libro, tapos nalaglag itong litrato ko?” Sabay winagawayway ang librong likha ni Michael Juha. “Bakit ka ba mayroon ng litrato ko?” ang inosenteng pagtatanong ko, ang alam ko kasi ay siya ang kumuha sa akin nuong litratong iyon, yung time na naglalamibingan kami tapos bigla niya akong pinicturan. “Ehhh… Wala ka na doon!” ang tugon ni JL. “Hahahaha siguro gusto mo ako no?” ang pang-aasar ko. “Oo naman naging asawa kaya kita!” ang pagmamalaki ni JL. Kinuha niya ang hawak kong litrato at agad na inilagay ito sa kanyang drawer at sa pagkakataong ito ay nilagyan niya ito ng kandado. “Maliligo muna ako.” Sabay labas ng aming kwarto at naiwan akong magisa. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak sa aking nadidinig, gusto ko nang umamin ngunit parang hindi pa handa ang aking puso. Naisip ko na talagang iniyakan niya ang litrato ko dahil mahal na mahal niya talaga ako? O labis niya lang namiss ang mga pinag-gagawa namin nuon.”Ok! buo na ang aking loob, ipaglalaan ko ang pag-ibig ko kay JL!” Bago pa makababa si JL ay agad akong bumangon sa kama at lakas loob na hinabol si JL. “JL!” ang pagsigaw kong pagtawag sa kanya. Agad na bumungad sa akin ang luhaang mata ni JL at halatang malungkot ito. “Bakit paul?”Sabay punas ng kanyang mata.  “Tara pumasok ka muna sa kwarto, mag-usap tayo.” Ang tugon ko. Agad naman siyang sumunod sa akin at pagkapasok na pagkapasok palang namin ay tumulo na ang aking luha. “JL! Bakit mo nagawang magtaksil sa akin? Bakit hindi mo sinabing may girlfriend ka? Ang sakit sakit JL! Nuong umpisa ay akala ko ay OK lang pero habang tumatagal mas lalong sumasakit eh! Lalo na pag nakikita ko kayong naglalamingan.” Nakita ko naman ang biglang pagbago ng emosyon ni JL, kanina ay malungkot ito ngunit biglang napalitan ng saya. “PAUL! Wala ka bang amnesia?” ang pagtatanong niya, hindi ako sumagot sa kanyang tanong at nanatiling nakayuko ang aking ulo at tuloy tuloy ang paglabas ng aking luha. “Paul umamin ka please, wala ka bang amnesia?” ang pagulit na tanong ni JL, Sa pagkakataong iyon ay alam ko na sasabihin ko na ang lahat at talagang ipaglalaban ko talaga si JL. “Wala JL!” ang pag-sagot ko sa kanyang tanong. Biglang nabuhayan ng dugo si JL sa kanyang narinig at biglang sumaya ito, binuhat niya ako at pinaikot-ikot. “Yeeepeeee! Asawa na ulit kitaaaa!” ang masayang tugon ni JL. “TEKA TEKA TEKA! Sagutin mo muna ang mga tanong ko please.” Ang pag awat ko sa kasiyahan niya. “OK sige itanong mo lahat ng gusto mo.” Ang tugon ni JL. “Bakit hindi mo sinabing may GIRLFRIEND ka?” ang mataray kong pagtatanong. Hindi agad sumagot si JL at mukhang nagiisip ng kanyang sasabihin.” Ah kasi natatakot ako na baka pagnalaman mo na may Girlfriend ako ay hiwalayan mo ako.” Ang mahinang pagsagot ni JL, Labis naman akong natuwa sa kanyang sagot dahil halatang totoo ang kanyang sinabi at ramdam ko ang pagmamahal sa kanyang boses. “Mahal mo ba siya?” ang malungkot na pagtatanong ko. “Oo paul mahal ko si Jane.” Ang pagsagot ni JL sa tanong ko, tulad nga ng aking inaasahan ay ganoon nga ang sinasagot niya. “Uhmmmm last question! May anak na ba kayo ni Jane?” hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa aking isip ang tanong na iyon. “Nako paul wala kaming anak ni Jane! Girlfriend ko palang siya.” Ang mabilis na pagsagot ni JL. Nanatiling tahimik ako at siguro ay sapat na ang aking natanong para ipaglaban ko nga si JL, Kung kaya ni Jane na mahalin si JL ba’t pwede ko din naman gawin iyon ah, wala naman silang anak at hindi pa huli ang laban, hindi pa sila kasal, ayan ang pumasok sa aking isip. “Bati na tayo? Pleeeeease!” si JL na parang batang nagmamakaawa. “Hiwalayan mo muna si Jane Please!” selfish ngang maituturing ngunit ayokong may kahati ako sa pagmamahal ko kay JL, Hindi ko matitiis na maging isang kerida o kerido? Kahit kaylan ay hindi ko ito pinangarap. “Paul pag-iisipan ko muna iyan.” Ang tugon ni JL, “Ok, mapapatawad lang kita kung tuluyan na kayong magkahiwalay.” Nakita kong biglang nalungkot si JL at tila nag-iisip, “Sige tatawagan ko na si Jane ngayon! Makikipaghiwalay na ako sa kanya.” Nagulat ako sa mga binigkas niya at hindi ko inakala na ipagpapalit niya si Jane ng dahil sa akin. Hindi na ako nagsalita at tinignan ko lang ang ginawa ni JL, kinuha niya agad ang kanyang cellphone at agad na nag-dial ng numero.  Matagal bago sumagot ang tinawagan ni JL, Hindi ako mapakali at tila kinakabahan sa mangyayari, at sa wakas ay sumagot na sa kabilang linya si Jane, agad na ni-loud speaker ni JL ang kanyang cellphone at kinausap ito. “Hello Jane!” ang mahinahong boses ni JL. “Oh hello babe! Bakit ka napatawag? May problema ba?” ang pagtatanong ni Jane. “Sayo wala Jane, pero sa akin ay mayroon. Sana ay mapatawad mo ako JANE! Please.” Ang pagmamakaawa ni JL, “Bakit babe? Ano ang nangyari? Bakit ka humihingi ng patawad? Wala ka namang nagawang masama diba?” halatang naiiyak ang boses ni Jane. “Patawad Jane gusto ko ng makipaghiwalay, ayoko na Jane!” at biglang bumuhos ang  luha ni JL, “P-pero bakit? Masaya naman tayo diba? Wala naman tayong problema! May iba ka na ba JL? Please sabihin mo kung mayroon ka ng ibang gusto!” ang pagmamakaawa ni Jane. “Wala Jane, wala akong iba.” Ang pagsisinungaling ni JL, dinig na dinig ko ang pagiyak ni Jane mula sa cellphone, hindi ko mapigilang sisihin din ang aking sarili dahil napakaselfish ko at hindi ko man lang naisip ang relasyon nilang umabot ng dalawang taon. Binaba na ni JL ang kanyang cellphone at patuloy pa din ito sa pag-iyak. “OK na Paul? Masaya ka na?” ang pagtatanong ni JL, hindi ko alam kung sinisisi niya ba ako o kinokonsensya sa aking nagawa, hindi na ako nagsalita at lumabas nalang ako ng kwarto at pinuntahan ko si Kelly. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ni Kelly ay agad niya akong tinanong na “Bakit parang umiyak ka Bes? May problema ka ba?”  ang pagaalalang tanong ni Kelly. “Wala to bes! At least nasabi ko na ang lahat.” Ang tugon ko, “Whaaaaaaaaaaat? Sinabi mo na ang lahat lahat kay JL?” Ang nakakalokang sagot ni Kelly. “OO bes sinabi ko na wala akong amnesia.” Nanatiling tahimik si Kelly at nagiisip marahil ng tanong. “Bes napakaselfish ko! Pinaghiwalay ko si Jane at JL!” tuloy tuloy pa din ang aking luha. “Bes kung ayan talaga ang gusto mo, diba pinapili nga kita? Kung ipaglalaban mo ba siya o susuko nalang? So ayan ipinaglaban mo si JL tapos ikaw pa ang pinili ng tao, dapat maging masaya ka!” ang pagpapayo ni Kelly. “Ah ewan ko ba BES! Para akong pulubi na namamalimos ng pag-ibig! Parang nagsisisi ako sa ginawa kong paglaban!” ang tugon ko. “Nako bes ayan tayo eh! Ipinaglaban mo ung tao tapos pagsisihan mo? Shunga ka lang bes? Mag-isip ka nga! Ewan ko ba sayo ang tali-talino mo hindi mo gamitin ng tama! Kung ikaw ang pinili ni JL it means na gusto ka niya kaya sana ay ipadama mo sa kanya na worth it din na ipinaglaban ka din niya” ang pagpapangaral sa aking ni Kelly. Napaisip ako sa sinabi ni Kelly, para akong tanga na ipinaglaban ang pagmamahal tapos pag nasa akin na ang premyo biglang susuko, ung tipong panalo ka na tapos ung prize na makukuha mo  ibinigay mo pa sa kalaban na natalo? “Salamat bes naliwanagan ako! Maasahan talaga kita Bes!” Ngumiti lang si Kelly at pinahid ang mga luha ko sa mata. “Oh siya! Lumaas ka na dito sa kwarto ko at puntahan mo na yang JL mo! Bumawi ka sa kanya ha!” Tumango lang ako at agad na tinungo ang kwarto naming ni JL, bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla akong tawagin ni Jasper, halatang umiiyak si Jasper at tila may problema. “Paaaaaaaul!” ang pagtawag sa akin ni Jasper. “Oh bakit Jasper? Ba’t mukhang bieynes santo yang mukha mo?” ang tanong na may halong pang aasar ko. “Paul nadinig ko kanina ang usapan niyo ni JL, totoo bang nagkabalikan na kayo?” ang malungkot na pagtatanong ni Jasper, tumango nalang ako bilang pagtugon at akmang papasok na sana ng kwarto naming ng bigla akong hawakan ni Jasper sa braso at bigla niya akong niyayak kasabay ang paghalik sa aking labi. Tila natameme ang aking isip at biglang nagslow motion ang mga pangyayari, sa bawat Segundo na tinatagal ng aming paghahalikan ay biglang pumapasok sa aking isip si JL, ginugusto man ang mga nangyayari ngayon ngunit may kung ano ang pumipigil sa akin. Habang naghahalikan kami ni Jasper ay biglang bumukas ang pinto at lumabas si JL, kitang kita ni JL ang ginagawa naming paghahalikan ni Jasper, bigla akong napahiwalay kay Jasper at nagulat ako sa sumunod na nangyari, biglang sinapak ni JL si Jasper at agad namang gumanti si Jasper, nagulantang ako sa mga pangyayari at maging si Kelly ay nagulat sa mga malulutong na murahan ni JL at Jasper. “PUTANG INA MO! JASPER AHAS KA GAGO!” sabay ng isang sapak na napakalakas at duon na natigil ang kanilang pagsasapakan ng bigla akong humarang. “TAMA NA! AKO ANG MAY KASALANAN JL!”


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento