Mga Pahina

Sabado, Agosto 24, 2013

Ang Kursong hindi ko Inakala [10]


DISCLAIMER: Ang akdang ito ay isang kathang isip lamang, Ang mga detalye o pangyayari na nagkahalingtulad sa ibang akda ay hindi sinasadya.


"Lahat naman tayo marunong at handang magmahal, Hindi nga lang lahat, handang masaktan." -Jpaper 

Chapter 10 

Hindi nagtagal ay may nagbukas sa kanilang pintuan, nagulat ako si JL naka sando at naka boxer shorts lang may hawak na toothbrush at may naka sabit na towel sa kanyang leeg, napatingin ako sa kanyang mukha halatang bagong gising ng tumingin ako sa kanyang ibaba ay nakita ko ang medyo may kalakihang alaga. 

"GoodMorning!" bati ko. 

"Akala ko ay hindi mo na ako pupuntahan eh." 

"Pasensya pala hindi ako nakapunta kagabi." 

"Pasok ka muna sa loob nalang tayo magusap." 

"Sige salamat." 

Pumasok na nga ako sa kanyang kwarto nakita ko ang ilang mamahaling gamit halatang may kaya talaga si JL. 

"Ano ang gusto mo? Kape, Juice o Gatas?" 

Natawa ako sa kanyang tanong. 

"Oh ba't tumatawa ka?" 

"Hahaha wala to may naisip lang ako." 

Naisip ko kasing gusto ko ng gatas, ngunit ayoko ng literal na gatas, gusto kong gatas ay ung gatas na mula sa kanya." pagbibiro ng isip ko. 

"Tubig nalang" 

"Ok." maikling tugon ni JL 

Habang nagpunta si JL sa kusina ay may nakita ako sa bukas na pintuan, kwarto ata ni JL yon. Nakita ko ang napakaromantic na pagkakadesign sa loob ng kanyang kwarto. 

"Hey! Anong nangyari sayo?" 

Nakabalik na pala si JL dala dala ang isang slice ng cake at isang baso ng malamig na tubig. Naputol ang aking pagkakatulala. 

"JL ano iyon? Ba't may mga wine at pagkain na nakadesign dun sa isang kwarto?" 

"Ah ung nasa loob ba ng kwarto ko?" 

"Oo iyon nga." 

"Ah para sa atin sana yang dalawa hinanda ko para sayo." nahihiyang tugon ni JL. 

Nagulat ako sa natuklasan ko. Para sa akin pala ang inorganize niyang romantic dinner, hindi ko inaasahan na ganoon siya karomantic. 

"Para sa akin bakit naman?" 

"Wala lang gusto ko lang sanang magkakilala pa tayo ng mabuti." 

Nahiya ako ng lubos kung alam ko lang na magoorganize siya ng ganoon para sa akin ay nagpunta sana ako kahit late na. 

"Pasensya na talaga JL, Pinuntahan ko kasi ang aking classmate para sa project namin, masyado kasing tumagal ang aming discussion kung papaano namin tatapusin ung project." 

"Ok lang iyon nauunawaan ko, alam kong busy ka din." 


"Salamat sana hayaan mo akong bumawi." 

"Sige mamayang gabi punta ka ulit dito at ituloy natin ang naudlot nating dinner date, sabay ngiti ni JL." 

"Sige ayos yan kaso hindi ako pwedeng magtagal masyado ha, may pasok pa ako kinabukasan." 

"Walang problema." 

Sandali lang paul maliligo muna ako ha, manuod ka nalang muna sa tv. 

"Sige" tugon ko. 

Habang naliligo si JL ay halo halo ang pumapasok sa aking isipan, bakit ganoon ka sweet si JL? Bakit sobrang bait niya? Nahinto ang aking pagiisip ng naalala ko na may assignment pala ako sa isa kong subject. Nako sana pagkauwi ko matapos ko agad ang assignment para hindi ako malate ng dating mamayang gabi." 

Natapos ang pagligo ni JL at lumabas siya ng banyo na nakatapis lang. Tumutulo ang mga butil ng tubig mula ulo niya papuntang sa dibdib at patuloy na bumababa sa puson hanggang pumunta ito sa tuwalya. 
Lumapit sa akin si JL, napakabango niya nakakalaglag panty ang itsura niya. 

Akala ko kung ano na ang sasabihin niya. "Magbibilis lang ako ha." 

Lumapit pa siya sa akin para sabihan lang na magbibihis siya? Weird! 

"Ok." maikling tugon ko. 

Pumunta si JL sa kanyang kwarto at isinara ang pinto. 

Pagkalabas na pagkalabas niya ng kanyang kwarto ay labis akong namangha sa kanyang porma, simpleng shorts at sando lang ngunit nakakapagpataas talaga ng libido. 

Ngumiti siya sa akin at sinabing "Hindi nalang ako papasok, gusto kitang makasama eh." 

Nagulat ako sa kanyang sinabi hindi sya papasok para lang sa akin? Kahit minsan hindi pumasok sa aking isipan na may taong magcacancel ng kanyang lakad para lang makasama ako. 

"Ha? Bakit hindi ka papasok?" 

"Katulad nga ng sinabi ko kanina gusto kong makasama kita gusto ko makipagbonding." 

"Ok." wala akong ibang maisagot dahil kailangan kong bumawi sa kanya. 

"Magmall tayo! Treat ko." paganyaya ni JL. 

"Eh hindi pa ako nakakaligo eh." pagtugon ko. 

"Diyan ka nalang sa banyo ko maligo pahihiramin nalang kita ng damit ko mukhang magkasize lang naman tayo eh." 

Wala na akong nagawa kundi pumayag sa kanyang gusto, ipinahiram niya sa aking ang isang maong na short at tshirt pati brief ay pinahiram niya din sa akin. 

Natapos akong maligo at agad na akong nagbihis. 
Lumabas ako ng banyo at agad akong sinalubong ni JL. 

"Ang gwapo mo ah" 

"Alam mo yan!" pagbibiro ko. 

"Ano tara na?" 

"Sige tara!" 

Hindi pa kami lubos na magkakilala ngunit parang napakalapit ng loob ko sa kanya. Nagkwentuhan kami tungkol sa isa't isa nalaman ko na labing dalawang gulang palang siya at nagtatrabaho bilang isang manager sa isang fastfood chain, napagalaman ko din na ampon siya ngunit hindi naman daw siya galit sa kanyang tunay na pamilya alam niya daw na may dahilan ito kaya iyon nagawa. 

Naawa ako sa kanya pero napabilib din ako dahil napaka lakas ng loob niya. Lakas loob niyang tinanggap ang lahat. 

Nakapunta kami sa isang sikat na mall at naglibang. Namili kami ng damit, pantalon at kung ano ano pa. At dahil nga gusto naming magkakilala ay nagkkwentuhan kami habang naglalakad, nagpunta din kami sa isang palaruan, nagarcade kami basketball at madami pa. Sa maliit na oras ay nalaman ko na sobrang sweet niya talaga, hindi ko alam kung sa akin lang siya ganoon o talagang sweet lang siya. 
Nang makaramdam kami ng gutom ay agad kaming nagpunta sa paborito naming kainan, sa isang sikat na kapehan. 

Habang kumakain kami ay hindi ko namalayan na parang sobrang close kami, parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. 

"Alam mo JL kung naging babae lang ako magkakagusto talaga ako sayo." 

"Wala naman akong hinihinging kasarian eh mapa babae lalake o pati bading at lesbian ay maaari kong mahalin alam ko kasing lahat ng uri ng kasarian ay may karapatang mahalin." 

Para akong nahulog sa kanya ng sabihin niya ito. Parang napakalaking WOW ang taong to napakalamim pala! Hindi mo kasi mahahalata na ganun siya magisip. 

Natulala ako sa kanyang sinabi, naputol nalang ito ng bigla siyang magsalita. 

"Bakit mali ba ung sinabi ko? Diba lahat naman ay deserve na mahalin?" 

"Oo naman" sumagot ako para may masabi lang napaspeechless talaga ako sa sinabi niya. 

Nagpatuloy lang ang aming pagkwekwentuham ng bigla niyang matanong kung may girlfriend na daw ako. 

"Wala pa akong girlfriend, pass muna ako dyan." 

"Wow goodboy! Kung wala kang girlfriend eh baka gusto mo magkaroon ng boyfriend?" 

"Hahahaha! Huwag kang ganyan papatulan kita, tama na nga ang biro tapusin na natin tong kinakain natin gusto ko ulit maglaro ng arcade!" 

"Hindi ako nagbibiro paul! Ang mukhang to nagbibiro?" 

Tumawa nalang ako sa pinagsasabi niya alam ko naman talagang nagbibiro siya. Natapos kaming kumain at hindi parin kami nakunteno naglibang padin kami, arcade dito, arcade doon, kain dito, kain doon. Sobrang saya ko talaga ng araw na iyon parang ayoko nang matapos pa. Sa sobrang paglilibang namin ay hindi na namin namalayan ang oras. Alas singko na pala. 

"JL, Salamat ha! Naenjoy ko talaga ang araw na to." 

"Haha ako din sobrang nagenjoy pero hindi pa tapos ang araw na to, may dinner pa tayo." 

"Oo naman hindi ko kakalimutan pupunta ako. Pero baka malate ako ng ilang minuto ha gagawin ko pa kasi ang assignment ko." 

"Ganoon ba? Ano ba yang assignment mo baka matulungan kita?" 

"Ay sa Statistic ko, medyo mahina kasi ako sa math eh." 

"Ay pwede kitang tulungan diyan, sabay nalang tayong magpunta sa bahay nyo kunin mo nalang ung books at ung assignment mo, tuturuan kita." 

"Seryoso ka?" ang pagdududa ko. 

"Oo naman graduate kaya ako sa feu, accountancy ang course ko." 

"Wow sige salamat! Siguradong magiging magaling ako sa math kasi accountancy ang magtuturo sa akin." 

"Oo naman matututo ka talaga! Magaling kaya ang magiging prof mo." 

Medyo double meaning yon pero di ko nalang pinansin. 
Napagdesisyunan na naming umuwi sa aking bahay. May kaya talaga si JL may sarili siyang sasakyan. Habang binabaybay namin ang kalye papunta sa amin ay hindi namin maiwasan na magkwentuhan. 

"Gusto mo ipakilala kita sa magulang ko?" pagaalok ko sa kanya. 

"Talaga gagawin mo yon?" may halong ngiti sa kanyang mukha. 

"Oo naman ipapakilala kita bilang isa kong bagong kaibigan." 

"Ah sige." may halong lungkot sa kanyang mukha. 

"Oh ba't ka nalungkot dyan?" 

"Wala." ang patipid na sagot ni JL. 

Nakarating kami sa bahay at agad ko siyang ipinakilala sa aking magulang at sa nagiisa kong kapatid. 

"Ma, Pa, Ate tara may ipapakilala po ako." 

Agad naman nagpunta si mama papa at si ate sa akin. 

"Ma, Pa, Ate si JL po bago kong kaibigan." 

Agad naman nagmano si JL sa aking magulang at nakipagkamay naman sa aking ate. 

"Aba magagalangin ang batang to, kakaunti nalang ang mga taong marunong rumespeto sa nakakatanda." ang pagsasalita ng papa ko. 

Ngumiti lang si JL. 

"Anak kumain na ba kayo?" tanong ng aking mama. 

"Opo ma kumain na kami, magpapaalam po sana ako ma, kukunin ko lang po ang aking gamit sa skwela at pupunta ako kila JL, uuwi din naman po ako." 

"Sige walang problema basta huwag kang magpapagabi at maypasok ka pa." 

"Opo ma" 

Pumasok na nga ako sa aking kwarto para kunin ang aking notebook at libro, si JL naman ay abala sa pakikipagusap sa aking magulang. 

Hinanap ko ang aking libro nakita ko ito ngunit ang aking notebook ay hindi ko makita, hinanap ko sa kabinet kung nandoon pero wala, tinignan ko ulit ang aking bag ngunit wala dito. Kinabahan ako hindi dahil sa mawawalan ako ng assignment, kinakabahan ako dahil doon ko sinulat ang liham na para kay Jasper. 
Lumabas ako ng kwarto at tinanong si mama. 

"Ma nakita nyo po ba ung notebook ko? Nawawala po kasi eh." 

"Hindi anak wala naman gumagalaw sa gamit mo eh." 

Hindi na ako mapakali at hindi ko alam ang gagawin baka may makakita sa liham. 
Para mabawasan ang aking kaba at hindi magpatong patong ang aking problema tinext ko nalang ang aking isang classmate at tinanong an assignment sa stats, mabuti naman at nagreply ito, isesend nya nalang daw sa aking email. 

"JL, Tara na alis na tayo." 

"Ba't wala kang baon na damit pamasok?" 

"Eh diba uuwi din naman ako?" 

"Hindi anak doon ka muna matulog pinaalam ka ni JL sa akin, magdala ka na ng pamasok mo." ang pagsingit ni mama. 

Wala na akong nagawa kundi kumuha ng pamasok, pero sa totoo lang kinilig talaga ako sa ginawa ni JL. 
Sumakay na kami sa sasakyan ni JL at agad na nagpaalam sa aking magulang. Nakarating kami sa bahay ni JL, nagligpit muna ng kalat si JL at ako naman ay naglalaptop. Natapos siyang magligpit at nagtungo siya sa akin para turuan ako. Natuto talaga ako ng math at sobrang saya ko dahil ang galing niyang magexplain. 

Siguro nga may mga taong ganito, sobrang bait at sobrang sweet. Sa ipinakitang pagsisikapag na maiexplain ni JL ang lahat ay labis akong natuwa kahit na sobrang gulo ko. Natapos ang aking assignment at agad na nagayos na ng makakain si JL.

Habang nagluluto siya ay ginugulo ko siya, may time na guguluhin ko ang buhok niya, kakagatin ko ang leeg niya, kikilitiin ko siya, halik halikan ang pisngi. Hindi naman siya nagalit sa mga pinaggagawa ko natutuwa pa nga eh at kung minsan ay ginagantihan niya ako. Wala ng time para makapagorganize siya ng kasing romantic na ginawa niya kaya ang ginawa nalang namin ay inilagay ang mga kakainin sa lamesa at naglagay nalang ng kandila, pinatay ni JL ang ilaw at lampshade lang ang binuksan. Sa isip isip ko lang ay romantic din to ah, hindi gaanong nageffort pero nakakainlove.

Nagsimula na kaming kumain at tulad ng dati ay walang katapusang kwentuhan. Natapos ang aming pagkain at kami'y nanood nalang ng palabas sa television. Pagnabobored ako ay kinukulit ko ulit siya kinakagat ko ang leeg niya, tenga. "Ahhhhhhhhhhhhh huwag diyan nakikiliti ako, Hahahahhaa" si JL.

Hindi ko siya tinigilan hanggang sa naglapat ang aming mga labi.
[At dahil bago lang po ako dito sa Wattpad, hindi ko po alam kung saan pwede magpost ng BS, Kaya message niyo nalang po ako sa facebook ko para sa Chapter 11 ng story! Add/Message me @www.facebook.com/iampaulperez

Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento